
Chapter 1
(Dedicated to LuRil_LuhanApril)
Totoo nga! HighSchool Life is the Best!
But aside from those happy moments at unforgettable memories, eh yung mga masasakit na alaala na mahirap kalimutan...
Ako nga pala si Ross Ariane Buenvina
Simpleng babae na naghahanap sa "the one and only" ng buhay ko, pero sa kakahanap sa kanya mukhang marami atang masasaktan kung ipagpapatuloy ko pa.
Ano bang dapat gawin? Ang magparaya at hayaang sumaya siya sa iba?
O hayaang ako naman ang maging masaya sa piling niya kahit alam kong may masasaktan sa pagmamahalan naming dalawa?
Well, I don't have any choice but to face the reality of life..
To choose.....
Chapter 1: Stupidyante
First day ko as a Senior High student dito sa hindi naman private pero may kamahalang eskwelahan.
Nakakahiya at nakakatakot. Ewan basta ganun yung feeling pag bagong salta ka pa lang sa ganitong lugar.
"Okay, good morning class!" Sabi ng teacher na magiging adviser ko ata.
"I'll be your adviser from now on. So, Im Mrs. Luzvi Hernanez." Tama nga ako.
"But most of the students here often called me as Ma'am V, you can call me like that." Sabi nung teacher na yun.
Nakakapanibago at parang medyo hindi ako komportable. Nasa unahan pa naman ako banda. Medyo mahiyain ako sa totoo lang. Medyo lang naman. Pero bakit ang malas ko naman ata.
Ako pala ang unang magpapakilala.
Parang terror din kasi ang mukha niya, pero baka nagkakamali lang ako. Waaaa! Nakakatakot kasi siya kung tumingin eh. Mataba na may suot na salamin sa mata. Parang mangangain.
Pasensya na. OA lang ako minsan.
"Okay, miss, can you please introduce yourself?" Sabi ni Ma'am V habang pinopoint ang kanang palad niya sa deriksyon ko.
Shit. Pwede bang huwag na lang. Makikilala rin namin ang isa't-isa katagalan.
Nanginginig talaga tuhod ko nung pinatayo niya ako para pumunta sa harapan, malay ko ba kung anong sasabihin ko. Bahala na nga.
"Uhmmm ehh.Good morning Ma'am V and hello my new classmates. I-Im Ross Ariane Buenvina. But you can call me "Ross" if you want to."Lumabas yan sa bibig ko. Parang okay naman. So no more echoos. Keri lang.
"I'm a transferee from Palawan. I love playing badminton and reading horror books. Well, that's all. Thank You!" Nakangiti ako habang tinutungo ang aking upuan.
Survived.
Hindi ko maipagkakailang medyo nalulungkot ako dahil namimiss ko na ang mga dati kong kaklase at mga kaibigan sa Palawan. Mga bagong mukha ba naman nakita ko at kahit isa wala akong kakilala dito.
Pero ayos lang at least gwapo tong katabi ko pero parang may kakaiba sa kanya. Hindi man lang kumikibo, ni hindi nagsasalita.
Wait? Anu nga ba name nya? Hay okay antayin na lang siyang magsalita sa harap.
"Okay mister, your next."sabay turo ni Ma'am V sa lalake na yun.
"Good morning everyone, Im Razle Valler.Thank you." Sabi niya with a low voice. Sabay umupo agad siya at inilagay sa kanyang nga tainga ang earphones niya.
May ibang tumili at parang kinukuryente nung nagsalita yung lalakeng yun. No doubt. Gwapo siya. Siguro dati na siyang nag aaral dito or maybe not. Talagang malakas lang dating niya. Hindi ko pa alam kung anong ugali niya.
Pero I can say na ang cold niya talaga. The way he talks and the way he moves.
Mabilis lang na lumipas yung oras. Hindi ko agad namalayan na matatapos nang nagpakilala ang mga kaklase ko.
Iba't-iba nga ang mga mundo namin. Ako heto kanina pa sila pinagmamasdan at nililibot ang paningin ko sa buong parte ng classroom namin.
May mga nakikinig kay Ma'am V, meron namang hindi, may mga nagbubulong-bulongan at mga walang pake, may mga nag aayos pa ng sarili (polbo dito, polbo dun) at meron namang kanina pa walang kibo at tila naninigas na tulad nalang ng malamig na lalaki na ito
Parang natutulala lang siya lagi sa kawalan. Oo nakatingin siya sa harap kung san nagtuturo si Ma'am V pero mapapansin mo na malayo talaga iniisip niya.
Lagi na lang siyang naka earphones, at parang walang pake sa mundo.
Bakit ba ako nag iisip sa kanya? Pake ko ba? Gutom lang siguro talaga ako.
Dahil sa medyo nakakabored and klase. Nabaling ang isip ko sa pagkain. Ginugutom na ako.
" Anong oras po ba ang recess dito?" Binulungan ko yung malapit na babae banda sakin. Yung sa may harapan ko banda.
"Mamaya pang 9:45 am" humarap sakin yung babae sabay ngumiti.
Pashnea. Bakit ang ganda niya?Hindi siya ganun kaputi pero may dimples siya and mahaba yung black hair niya.
"T-thank you." Medyo nauutal kong sagot sabay nginitian ko rin siya.
Hindi malabong maraming magkakacrush sa kanya. Nahihiya ako kaya hindi ko na tinanong yung name.
Bukas pa siguro ako makakakilala ng mga new friends dito. Wala pa kasing nangahas na mag-approach sa akin.
Nakita ko namang halos sabay-sabay na napatingin yung iba kong mga classmates sa mga relo nila at si Ma'am V ay tumingin sa orasan sa pader kagaya ng iba. Makalipas ang halos isang minuto ay ang kasabay na pagtunog ng school bell.
"Yes! Recess na."
"Hay salamat."
Kaya naman pala. Sunod-sunod kong narinig ang mga bulungan nila.
"Class dismiss..."
Hindi ko na pinansin ang iba pang sinabi ng guro namin. Basta ang alam ko kelangan ko nang pumunta ng canteen at kumain. Hindi ako nakapag agahan dahil nga nagmamadaling pumasok. First day ko kayang pumasok sa school na toh. Ayaw ko namang mapahiya.
Niligpit ko na yung mga gamit ko at pinasok ko na sa bag pati yung mga horror books na ang author ay si R.L.Stine. Siya kasi ang favorite author ko pagdating sa mga kwentong katatakutan.
Oo nga pala. Ginugutom na ako.
Tumayo na ako at lumabas sa room. Nauna na nga mga kaklase ko at wala namang sumabay sakin. Siguro nga marami na silang kaibigan. Ako lang naman ang loner samin.
Pashnea. Hindi ko nga pala alam yung pasikot sikot dito sa campus na ito at ang maganda pa dun, wala pa akong kaibigan dito.
Nakakahiyang magtanong. okay pretend. big word PRETEND Hindi naman ako "good pretender".
Naglakad ako nang naglakad kahit saan ako dalhin ng paa ako. Pero ni anino ng canteen wala akong mahagilap.
Ewan ko ba parang gusto ko nang umiyak na parang bata. Sumasakit na tiyan ko sa gutom. "Shit." Tanging salitang nasabi ko ng pabulong. Parang gusto ko nang sumigaw para may makapansin sakin.
Ang laki ba naman ng school na ito, malamang hindi malabong mawawala ka dito kahit isang iglap lang.
Bahala na nga. I need to hurry. Baka malate ako sa susunod na klase ko mamaya. I need to ask for help.
Tumakbo ako sa corner para maghanap ng mapagtatanungan pero-
BOOOM! WAAAAAH!
"Shit!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro