Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

53

[DIALOGUE]

< JACHIN'S HOUSE. LATE EVENING. >

Mama J
May balak ka pa pala umuwing, bata ka.

Jachin
Sorry, ma. Umalis na sila?

Mama J
Oo, kani-kanina pa. Pinakain ko na muna.

Matapos bumati sa magulang ay dire-diretso ang mga paa ni Jachin sa kwarto niya.

Mama J
Bago ka umakyat, ano ba nangyari? Bakit umiiyak na dumating ang girlfriend mo dito?

Jachin stopped in his tracks and bit his lip. He wished he could deny what was real.

Jachin
'Di ko siya girlfriend, ma. Ako lang nag-iisip no'n.

Mama J
At bakit? Maayos naman kayo, ah. Nagpupunta siya dito at gano'n ka rin sa kanila.

Jachin
Ayaw ko munang pag-usapan, ma. Pagod na ako.

Bumaba ang tingin ni Jachin sa sarili. He was sore and sweaty from dancing, and heartbroken. What more could they ask from him?

Mama J
Alam mo ikaw, kagaling-galingan na napakabukas mo sa amin, pero minsan kapag gusto mo, napakadali mo ring magtago ng mga problema mo.

Jachin wanted to laugh sarcastically.

Jachin
Like you hid the fact na nakalabas na pala si—si Papa?

Dumilim ang mukha ng ina niya.

Mama J
Hindi ko itinago. . . hinayaan ko lang na siya ang magsabi sa 'yo.

Jachin
Sorry.

Mama J
Wala akong tinatago sa 'yo.

Huminga nang malalim si Jachin.

Jachin
Kapag pumunta siya dito, please tell him na ayaw ko siyang makita.

Mama J
Kahit na—

Jachin
I don't care about him, ma.

Tumango ang ina niya at tumayo para lapitan siya.

Mama J
Paano mo aayusin 'yang gusot n'yo ni Mila?

Jachin
Hindi ko alam, ma. Gusto ko na lang munang matulog.

Lumunok si Jachin nang makita ang pinaghalong pag-aalala at lungkot sa mukha ng ina niya.

Jachin
Sobrang sakit ng puso ko, ma.

Tinuro niya ang parte na naalala niyang itinuro rin ni Evie kanina.

Jachin
Hindi ko alam kung paano. . . at kailan mawawala.

Sa bawat salitang binibitawan niya ay mas lalong sumisikip ang dibdib niya na pakiramdam niya hindi na siya makahinga.

Tumango ang mama niya at humakbang patungo sa kanya, bukas ang mga braso para sa mahigpit na yakap.

At doon lang naramdaman ni Jachin na pwede na siya umiyak, na may puwang na kung saan pwede siya maging mahina.

* * *

a/n: the “papa” that jachin is referring to here (and the one who texted him from the previous ch) is his biological dad. you can refer to ch 45 for better understanding :)

#ATSWHIwp

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro