45
[MESSENGER]
WALKIE TALKIE 📞 (keep out!)
08:19
Rigo (banned)
hbd sa isa jan na di marunong magreply sa bati ko kagabi
Fatima 👿
Happy birthday, Jakin!
Matanda ka na
Rigo (banned)
pero di pa rin marunong iappreciate bati ko
Fatima 👿
Chain message na naman ba yun? Buti nga
Rigo (banned)
mga 5 minutes ko pa yun hinanap sa gugel
Jachin
Salamat salamat
Jachin
Sorry nagmamadali pa ako magpapasa pa ako plates
Rigo (banned)
ayan ayan gising gising din maaga
Jachin
Nagpaalarm naman ako di ko lang narinig
Rigo (banned)
anong silbi
Jachin
Dyan ka na ba uni?
Rigo (banned)
oo dito na
9 pa naman start kaya may time ka pa
Jachin
Gesi
Abe
Happy birthday @Jachin
Jachin
Salamat, Abe 😘
Rigo (banned)
bat si abe may kiss
Jachin
Dami mong reklamo
Rigo (banned)
deserve makunsumi sa birthday
Jachin reacted 😡
* * *
[MESSENGER]
Mama J
08:33
Mama
Nak aga mo umalis
HBD
Jachin
Grabe naman yang bati ma sobrang effort damang dama ko
Mama
22 years na ko bumabati
Ayos n yan
Jachin
Sige na nga. Regalo ko ma?
Mama
Paglulutuan kita mamaya
Okay n yun
Malaki ka n
Jachin
The panganay is speechless
Jachin
De thanks ma
Mama
Alam m naman gaano ako nagpapasalamat sayo db
Mama
Sa lahat ng di mo ininda nun
Kahit magulo pamilya ntin
Di kita narinig magreklamo
Jachin
Ma, pag ako umiyak.
Jachin
Naglalakad papasok yung tao eh.
Mama
Sa totoo lng tayo
Salamat sa pag alaga sa mga kapatid m kht di m sila buong kapatid
Laking pasalamat ko talaga at papa m
Mama
May maiwanan kami kay Jen and Jedi na mapagkatiwalaan namin bilang kuya nila
Jachin
Di ko naman kakayanin ma na hayaan na kayo lang
Jachin
At parang buong kapatid ko na sila. Di na yun bago sa akin. Lumaki ako na kasama sila.
Mama
At salamat sa pag tanggap sa papa m
Jachin
Mahal mo siya ma at alam kong ganun din siya sayo kaya alam kong nasa mabuting kamay tayo.
Jachin
Ako nga dapat mag thank you kay Papa kasi tinanggap niya ako. Kahit di naman niya ako anak.
Mama
Mahal ka papa m kahit di yun pala salita at sabi sayo
Mama
Pasensya k na kung may mga pagkukulang kami ng papa m
Mga di namin mapunan
Susubukan pa rin namin ha
Jachin
Ma, natetempt na akong umuwi.
Jachin
Alam mo naman iyakin ako pagdating sayo.
Jachin
Love you, ma.
Mama
❤️ u
Wag ka na umuwi at ipasa m na yan kailangan mo gawin tapos dalhin mo na mga kaibigan m mamaya para sa salu salo natin
Jachin
Yes boss 🫡
Thanks, ma.
* * *
#ATSWHIwp
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro