39
[CALL]
Rigo
03:57
Rigo. . . (pauses to breathe)
pwede pa bang humabol?
Paakyat na ako ng building.
Nagbigay na ng grade, Kin.
Lahat ng 'di nakapagpasa, wala na. Tres na.
Alam mo naman kung gaano kahigpit 'di ba? Ilang beses na rin tayo binigyan ng mababang grade.
(sighs heavily) Tangina. . .
Ano ba kasi nangyari? Akala ko babalik ka rin?
Oo. . . sana. Pero naipit kasi si Mila sa magulang niya.
Nag-away sina Tito at Tita?
Oo. Pati mga kapatid niya. (sighs)
I had to—I had to intervene bago pa lumala.
How's Mila?
Umalis din naman mga kapatid niya. . . but Mila is—'di ko na alam, Rigo.
Umakyat ka muna dito at magpakita kay Sir. Baka naman magawan ng paraan, Kin.
Mamaya mo na alalahanin si Mila. Matapang 'yon. Kaya niya sarili niya.
But—
'Pag 'di ka umakyat dito, baka 'di mo na mabawi grado mo. Finals 'to, baka nakakalimutan mo.
Umakyat ka na.
Rigo ends the call.
* * *
[DIALOGUE]
< AFTER CLASS. LATE AFTERNOON. >
Pinanood lang ni Rigo kung paano pinunit ni Jachin ang plates nito matapos makausap ang propesor nila.
Hindi ito pinagbigyan na magpasa ulit.
And his friend wanted nothing more than to tear his plates—all of them. And he did. Hours of work, gone.
Rigo
Tsk. Sayang.
Nagsindi ng doomstick si Rigo bago sumandal sa konkretong pader malapit lang sa gate ng uni nila.
Jachin
Ano pa bang magagawa ko? Ni hindi ako pinagbigyang umulit.
Humipak muna ito bago nagsalita.
Rigo
Kasalanan mo naman.
Out of the corner of his eye, nakita niyang umiiling si Jachin.
Jachin
'Di ko na alam.
Rigo
Alam mo. Pero ayaw mo lang aminin.
Jachin
Na ano?
Lumingon si Rigo kay Jachin at inabutan ng isang stick. For the first time in years, siya ang nagbigay dito. Hindi na ito naninigarilyo mula nang magsimulang sumayaw.
Sandaling tumitig si Jachin sa sigarilyo bago kinuha ito at pinasindahan sa kanya.
Rigo
You love Mila too much.
May diin ang pananalita ni Rigo at alam niyang hindi ito magugustuhan ni Jachin. Pero kailangan niyang marinig.
Rigo
Mahal mo siya kaya nakakalimutan mo na responsibilidad mo sa sarili mo.
Jachin
Wala namang kinalaman 'yon sa nangyari.
Rigo
Meron at alam mo 'yon. Ayaw mo lang talagang aminin sa sarili mo. And look, alam ko minsan masakit ako magsalita, pero lagi kong sinasabi sa 'yo—sa inyo—'yong nakikita ko.
Rigo
At ngayon, pareho kayo ni Mila na kailangan ng tulong.
Rigo
Kailangan niyang tulungan sarili niya. At kailangan mong tulungan sarili mo.
Jachin blew the smoke towards the air, letting the burn eat him.
Pumalatak muna si Rigo bago nagsalitang muli.
Rigo
May sarili ka ring problema. . . at ngayon nadagdagan pa kasi paano mo maiaahon 'yang grado mo ngayon? Babagsak ka sa subject na 'yan 'pag nagkataon.
Jachin sighed.
Jachin
Gagawan ko ng paraan.
Rigo
Good. 'Wag mo nang paabutin sa birthday mo 'yan at kausapin mo na dapat mong kausapin.
Bahagyang ngumiti si Jachin. Leave it to Rigo to say the right things.
* * *
#ATSWHIwp
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro