30
[MESSAGES]
Unknown Number
09:32
Hi (⁀ᗢ⁀)
This is Evie! I got your number kay Rigo.
I figured di ka online so dito na lang.
How is Mila?
Evie? Umuwi na kayo?
Mila is alright for now. Pero sasamahan ko muna siya dito probably until morning.
No, we're still at the party pero nagpapaalam na sila.
Can we drop by sa hospital?
Right now? Hindi ba sobrang gabi na kayo makakarating?
Yes, if okay lang kay Mila.
We want to see her too.
Alright, itatanong ko muna siya.
09:40
Okay lang daw
You're coming with them?
Yes, of course.
Pwede bang favor?
Of course. What is it? (´。• ᵕ •。')
Pwede bang pasabi kay Abe na pahiram muna ng t-shirt niya sa sasakyan?
Mukha akong tanga sa outfit ko dito sa hospital
😆
Evie
It's funny 😆
But okay, I'll tell Abe
Thanks, Eve
And ingat kayo pag punta
* * *
[TWITTER]
02:13
Jach 👾 (@jachdaniels)
So lucky to have them.
* * *
[MESSENGER]
Rigo Riorson
02:48
Jachin
Balik na lang ulit kayo bukas kung nandito pa kami
Jachin
Ingat pag uwi madaling araw na
Jachin
And make sure the Evie and
Fatima gets home
Rigo
yes bossing kami na ni abe bahala sa kanila ni fatima
Rigo
magpahinga rin muna kayo ni mila dyan sa kwarto
Rigo
tawag kayo mamaya kung may kailangan kayo
Rigo
pero wag naman agad kasi matutulog muna kami
Jachin
Yeah, thank you.
Jachin
I'm scared for Mila.
Rigo
alam ko. ako rin. ayaw ko na makita ulit siya like last time. mahirap para sakanya at satin
Jachin
She didn't eat properly for months then. Parang kausap natin multo.
Rigo
kaya nga ngayon mas alam na natin kung paano siya susuportahan. pwede na natin siyang alalayan.
Rigo
whatever happens, alam niya na may mga kaibigan siya
Jachin
What if I fail? Paano kung wala pala akong alam maging suporta niya?
Rigo
hilig mo pangunahan mga bagay eh no
Rigo
di ka perpektong kaibigan at boyfriend, pero i-try mo. yun ang mahalaga.
Jachin
Feeling ko wala akong magawa.
Rigo
jachin, sa huli, desisyon pa rin ni mila paano niya haharapin kung ano man ang mangyayari. ang mahalaga nandito tayo pag kailangan niya tayo. yun lang yon.
* * *
[MESSENGER]
daycare ni mama at papa
05:45
Mama J
jachin di ka umuwi?
Jachin
Ay ma 😅
Jachin
Sorry naman di na ako nakapagsabi sa inyo ni papa
Jachin
Kasama ko si Mila dito sa hospital
Mama J
napano siya?
Jachin
Grabe, oo okay lang ako ma. Wala naman nangyari sa akin.
Mama J
?
Jachin
Hays
Jachin
Si Tita kasi tinakbo niyang ospital kanina. Sinamahan ko lang para di siya mag-isa.
Mama J
sige pero umuwi ka rin at magpalit ng damit. may almusal din dito.
Jachin
Naks nilutuan mo ko?
Mama J
para sa mga kapatid mo
Jachin
Ah gege ganon pala tanggap ko naman di ako paboritong anak
Papa J reacted 😆
Jachin
Grabe pati tatay ko tinawanan lang ako
Papa J reacted 😆
Jachin
Uwi rin ako maya mga 7 ma. Pwede ko bang isama si Mila para makapag-almusal din siya?
Mama J
oo naman di naman iba yan si mila
Jachin
Thanks ma ❤️
* * *
#ATSWHIwp
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro