129
[MESSENGER]
miss angel eyes
01:06
Jachin
Bub, may isusumbong ako sayo 😤
Jachin
Yung anak mo may ginawang kasalanan. Wala tong treats sakin ngayon.
Jachin
Nag order kasi kaming bucket ng chicken kasi birthday ni Papa J, tapos masikip na sa dining kasi nandun mga kumpare niya, kaya ako nag volunteer akong sa sala na lang chumibog para makaupo pa sina Mama sa lamesa.
Jachin
Edi nilapag ko pinggan ko sa center table sa may sala. May pancit, may bbq, tapos may chicken. E saktong wala pa pala akong gravy. Edi umalis ako saglit.
Jachin
Pagbalik ko, bub, wala na yung manok ko. Tinangay na ni Lulu 😭
Jachin
Tapos nung nagka-eye to eye kami kasi hinahanap ko, akala ko di ako nakakuha, biglang kumaripas ng takbo habang kagat kagat yung manok 😭
Jachin
Naghabulan pa kami sa sala kasi lumulundag sa sofa 😭
Jachin
In the end, nakuha ko naman kasi malaki na nakain niyang laman.
Jachin
Di ko kinain ah baka akalain mo kinain ko pa
Evie reacted 😭
Jachin
Tawa ka dyan, bub. Miss ka na nung anak mo.
Evie reacted 😞
Jachin
Sabi ko naman sa kanya, pag okay na, dyan muna siya sayo kung gusto mo. Bawi lang sa bonding time.
Jachin
Di ko sinasabing hirap na hirap na ako mag-alaga mag-isa pero parang ganun na nga.
Evie reacted 😆
Jachin
I need a break sa co-parenting, bub. Paano ba yun? :)
* * *
[TWITTER]
evangeline 🐱 (@eviesaurus) 🔒
😭😞😰😤😮💨
* * *
[MESSENGER]
Bubby ⭐️
01:18
Jachin
But bub, I know lagi ko sinasabi na namimiss kita.
Jachin
But how are you?
Jachin
I know I've said those words that hurt kahit pinangako ko na hindi kita sasaktan. Kahit nangako ako kay Tita na aalalagaan kita.
Jachin
Napakahipokrito na tinatanong ko sayo kumusta ka. Pero gusto ko pa ring malaman.
* * *
#ATSWHIwp
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro