Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

02

[MESSENGER]

Mila Ortega

12:10

Mila
Evie! Lunch break mo na ba?

Mila
I have the reviewer pala. We can meet and have lunch.

Mila
Past 12 na pala

12:34

Evie
Sorry! Katatapos lang ng lec ko 🥹

Evie
Pero pababa na ako

Mila
Okays, no problem. May sasabay pala sa atin.

Mila
Friends ko na gusto ka makilala. Okay lang?

Mila
Itataboy ko sila kung hindi

Evie
😯

Evie
Okay lang!

Mila
They're harmless naman. Unless si Rigo makausap mo.

Mila
Half decent lang yun.
Evie reacted 😳

Mila
JOKE LANG

Mila
They're nice promise but I have to warn you, if you have food, hihingi sila
Evie reacted 😆

Evie
Oh, I have a lot. Snacks lang naman.

Mila
Oh no

* * *

[DIALOGUE]

< UNI. AFTERNOON. >

Napaangat ng tingin si Rigo mula sa paglalaro niya ng rubix cube nang mapansin na wala pa rin ang iba nilang kaibigan. Si Jachin bumili ng pagkain. Si Mila naman ay wala pa rin dahil sinundo ang kaibigan nito. Si Abe. . . hindi niya alam kung saan na naman nagsususuot.

Rigo
Tagal naman. Akala ko ba dito sa kubo.

Fatima
Ang ingay mo. Natutulog 'yong tao dito.

Natawa si Rigo habang pinagmamasdan si Fatima na nakasandal sa sementong pader ng gazebo at nakatakip ang mukha ng panyo. Mukhang pagod ito at walang tulog.

Rigo
Bakit? 'Di ka natulog?

Hindi sumagot si Fatima.

Rigo
Matatapos na lunch time, wala pa rin.

Fatima
Bakit? Hinihintay mo ba sino papakilala ni Mila?

Rigo
'Di ah.

Fatima
Utot.

Hinila ni Rigo ang panyo sa mukha ni Fatima na ikinagalit nito at hinampas hampas siya sa braso.

Rigo
Aray! Ang bigat ng kamay.

Magsasalita pa sana si Fatima nang marinig nila si Jachin na sumisipol. Inilatag nito ang pagkain sa lapag at nagsimulang kumain.

Jachin
'Di kayo kakain?

Rigo
Pahingi akong sabaw.

Jachin
Ayoko nga! Bumili ka ng pagkain mo.

Rigo
Napakadamot.

Jachin
Si Mila, asan na?

Rigo
'Di ba dapat kami nagtatanong niyan sa 'yo kasi ikaw may gusto do'n sa tao?

Jachin
Manahimik ka nga.

Rigo
Bakit? Alam naman ni Fatima, ah?

Nilingon ni Jachin si Fatima na tahimik na nagse-cellphone.

Fatima
Hindi ako tumututol, Jach. Alam mo 'yan.

Jachin
Pero?

Fatima
Ayaw ko lang maipit sa ganyan. 'Wag n'yo gawing kumplikado.

Jachin sighs.

Jachin
I get it.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Mila at ang kaibigan nito kaya napatigil sila sa mga ginagawa nila. Jachin's spoon was still hanging from his mouth.

Mila
Guys, meet Evie. Cute niya 'no?

Kumaway at ngumiti si Evie.

Evie
Hi! Evie. Well, Evangeline talaga yung name ko, pero mahaba kasi. So Evie na lang. Classmates kami ni Mila.

Siniko ni Rigo si Jachin at bumulong.

Rigo
Parang type ko.

Jachin
Gago, manahimik ka.

Rigo
Pero parang si Abe ang type niya.

Nagulat ang lahat sa biglang pagtawa ni Jachin kaya naman mabilis itong nag-sorry.

Jachin
Sorry. Si Fatima, yung mukhang mananapak doon. Si Rigo 'to, binabalaan na kita, 'wag mo nang kausapin. And I'm Jachin. Or Jach. With a 'ch'.

* * *

a/n: evie is pronounced with a long 'e' sound at the beginning. like ee-vi.

#ATSWHIwp

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro