ANG UNANG MENSAHE
19:55 PM
August 31, 2017 | Thursday
"ANONG ORAS NA, NASAAN NA KAYA 'YON?" dismayadong tanong ng dalaga sa kanyang sarili pagkatapos makita ang oras sa kanyang cell phone.
Kasalukuyang siyang nasa labas ng kanyang bahay habang nakaupo sa isang pabilog na sementong bangko at mat'yagang hinihintay ang kanyang sana'y panauhin.
Kanina pa siya nasasabik nang malaman na pupunta ngayong gabi si Kael sa kanilang bahay. Kaya nang matapos maghapunan at maglinis ng katawan ay agad itong nag-abang sa labas. Ilang araw rin kasing nawalan sila ng komunikasyon, gawa ng ilang araw rin itong nawala.
Ngunit mag-aalas otso na ng gabi pero hindi pa rin dumadating ang kaibigang nais sanang magpatulong sa kanya. Ni hindi man lang ito nag-iwan ng mensahe kahit na tinadtad na niya ito ng chat sa messenger.
"Pumasok ka na, Inday. Kanina pa riyan, ah? Baka hindi na tutuloy 'yung kaibigan mo. Anong oras na, oh?" tawag sa kanya ng kanilang taga bantay na si Minda mula sa salas. Nilingun ito ni Thalia at nakitang abala ito sa pagsisirado ng mga bintana.
Muli niyang binuksan ang hawak na cell phone at napagtantong alas otso singko na. Sa palagay niya ay tama si Minda, mukhang malabong dadating si Kael sa mga oras na ito. Nanghihinayang man, napagpasyahan na lang niyang pumasok sa loob ng bahay.
Bagsak balikat niyang inakyat ang hagdan papunta sa kanyang kwarto at panakaw na sinisilip ang kanyang cell phone sa pagbabasakaling baka may mensahe nang ipinadala ang binata.
Muli niyang binuksan ang messenger at pinindot ang pangalan ni Kael ngunit wala parin siyang natatanggap na mensahe.
Panandalian siyang huminto sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto. At dahil nagsisimula na siyang makaramdam ng antok, minabuti na niyang mag-iwan na lang ng mensahe para ipaalam sa kaibigan ang kanyang kalagayan.
"Inaantok na ako."
Pagkatapos maitipa at ma-i-send ang mensaheng gustong ibilin, gamit ang kanang kamay ay pinihit niya ang tumbol ng pinto. Humihikab siyang pumasok ng kanyang silid at nanlalatay na itinapon ang sarili sa kanyang may kalakihang kama na nababalutan ng kulay turkesang sapin.
Ngayon ay nakadapa niyang tinitigan ang kanyang cell phone habang yakap-yakap ang kanyang unan na may mga desenyong bituin at buwan. Para naman siyang nakaramdam ng sabik at kaba nang makitang nabasa na ni Kael ang kanyang huling mensahe.
"Naka-online na rin sa wakas," wika niya sa hangin at hinintay ang mensaheng ipapadala ng kaibigan. Bahagya niyang iginalaw ang sarili patihaya at inayos ang kanyang p'westo para makahiga ng komportable saka muling ibinalik ang tuon sa kanyang cell phone.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakatanggap na rin siya sa wakas ng mensahe. Ngunit gayun nalang ang pagtataka niya ng may kakaiba sa mga mensaheng ipinadala ni Kael. Naguguluhan siya sa mga salitang pinapadala nito.
"Mas lalo kang bumango. Mas gumanda rin ang katawan mo ngayon," mahinang basa ni Thalia dahilan para makaramdam siya ng pagkainis at pagkadigusto. Ngunit hindi niya ito pinansin sa kadahilanang sinabihan na rin siya nito ng minsan silang nagkita. May pagka palabiro at kwela si Kael, 'yon ang pagkakilala niya sa ilang araw nilang pag-uusap.
Muli siyang nagtipa at tinanong ang binata kung saan ito, bagay na mas lalo niyang ikinagulantang. Agad siyang napabalikwas sa kanyang pagkakahiga. Paulit-ulit niyang binasa ang huling mensahe ni Kael, "Nasa loob ako ng k'warto mo." Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ipinaling pakaliwa at pakanan ang kanyang ulo upang tingnan ang kabuuan ng kanyang silid.
Napatingin siya sa nakabukas na bintana na nakatapat sa pintuan ng kanyang kwarto. Sumasabay pa sa hangin ang kulay asul na kurtina nito. Kahit na pakiramdam niya ay nagbibiro lamang ang kanyang kaibigan, hindi niya pa ring maiwasang hindi kabahan lalo na't hindi magandang biro ito.
Mabilis niyang tinungo ang nakabukas na bintana at isinarado ito. Pagkatapos ay hinanap niya ang pangalan ng kaibigan na nasa kanyang contact list. Nangingig pa ang kanyang mga daliri na pinindot ang call button nang makita na ang pangalan ng kanyang pakay.
Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig ng biglang umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang tunog ng cell phone na nag ri-ring. Para namang panandalian siyang natuod sa kanyang kinatatayuan at bahagya pang naka bukas ang kanyang bibig. Dahan-dahan niyang ibinaba ang cell phone na nakatapat sa kanyang kanang tainga at iginiya ang tingin sa loob.
Balak na sana niyang ihakbang ang kanang paa ngunit agad ring napatigil ng may narinig itong malalim na boses sa kanyang likuran at ang pagbuga ng mainit na hangin na humahaplos sa kanyang batok.
"Ako ba 'yang hinahanap mo?" Dahil sa narinig ay mabilis niya itong nilingun, bagay na pinagsisihan niya. Isang matigas na bagay ang sumalubong sa kanyang mukha na naging sanhi ng kanyang pagkahilo hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa sahig. Hindi pa man siya tuluyang nawalan ng ulirat ay nagawa pa rin niyang maaninag ang mukha ng lalaking kanyang hinahangaan.
---oOo---
Nagising si Thalia dahil sa pinagsamang pangingirot ng ulo at ang malamig na hangin na tumatama sa kanyang katawan. Nahihirapan pa itong imulat ang dalawang mata dahil sa ilaw na nakatutok sa kanya, isabay pa ang hilong nararamdaman. Nang masanay na ay saka lang niya nagawang igala ang tingin. Nasa loob pa rin ito ng kanyang kwarto.
Bigla namang nanlaki ang kanyang mga mata nang mapag-alamang nakatali ang dalawa niyang kamay at paa sa bawat sulok ng kamang kanyang hinihigaan. May tela pang nakabusal sa kanyang bibig na sobrang higpit. Sa 'di malamang dahilan ay bumalot ang matinding takot sa kanyang buong sistema. Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan na pilit niyang hinahanapan ng sagot.
Pilit niyang ginagalaw ang mga kamay at paang nakatali sa pagbabasakaling makawala ngunit walang nangyayari, lalo lamang siyang nasasaktan.
Maya-maya pa ay nakarinig ang dalaga ng yabag ng mga paa na sinundan ng pagtunog ng pagbukas ng pinto. Agad siyang napalingun doon at nakita ang kaibigan na papasok. Si Arthur, suot ang paborito nitong damit na minsan na nilang pinag-usapan.
Napatingin si Thalia sa hawak nito at gayun na lang ang kaniyang pagkagimbal nang mapagtantong ulo ito ng kanilang taga bantay. Nakatirik ang mga mata habang nababalutan ng dugo ang buong mukha. Gusto niyang sumigaw at mag mura ng mga oras na iyon ngunit alam niyang wala itong silbi.
"Gising ka na pala. How was your sleep?" nakangiting tanong ng binata at hagalhal na itinapon sa sahig ang pugot na ulo ng matanda. Gumulong pa ito papunta sa ilalim ng kama.
Muling nagwala si Thalia at nagpupumiglas. Tanging mahihinang ingay lamang ang lumalabas sa kanyang bibig dahil sa telang nakatakip dito. Nagsisimula na ring tumulo ang ilang butil ng pawis mula sa kanyang noo.
"Wala ka pa ring pinagbago. Mas lalo kang gumanda-" Huminto ito sa pagsasalita at tiningnan ang kabuuan ni Thalia. Tiningnan siya nito mula sa kanyang mga mata pababa sa kanyang mga mapuputing binti. Dahil nakasuot lamang siya maikling short, malayang nakikita ng lalaking nakatayo sa kanyang paanan ang kanyang katawan.
"Ang sobrang ganda mo talaga," pagpapatuloy ng binata. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi at ang malalagkit nitong tingin na ipinupukol niya sa dalagang nasa kama.
"Dalawang taon din kitang sinusundan bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ka. Hindi ko alam, pero simula ng makausap kita noon, hindi ka na mawala sa aking isipan," pagku-k'wento ng binata.
Wala namang ka ideya-ideya si Thalia sa mga pinagsasabi ng lalaking nagsasalita. Ilang araw pa naman silang magkakilala nito.
"Siguro ay hindi mo na ako naaalala pa, pero hindi na 'yon mahalaga. Ang importante ay akin ka na ngayon- ng buong-buo."
Naglakad papunta sa tabi ng dalaga si Arthur habang nasa bulsa ang dalawang kamay. Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa dalaga, pero ibang ekspresyon na ang nakarehistro sa mukha nito, hindi na saya kun'di isang inis.
"Nakakainis nga lang at kailangan pang umabot tayo sa ganito. Sinubukan kong maging mabait para magustuhan mo pero hindi, e. Talagang likas na sa mga babae ang hindi makuntento sa isa at talagang kailangan pa ng maraming reserba. Mark? Michael?"
"Sino ang susunod? Ilang lalaki pa ba ang kailangan kong patayin para mapunta sa akin ang buo mong atensyon?" sunod-sunod na tanong ni Arthur. Panandalian itong tumigil sa pagsasalita at may kinuha sa kanyang likuran.
"Kung hindi ka man magiging akin, mabuti na yong walang ibang magmamay-ari sa'yo."
Ang kaninang kabang nararamdaman ni Thalia ay mas naging triple nang makita ang hawak ng binata. Isang itak.
Umupo ang binata sa kanyang tabi, pinaglalandas ang malamig na talim ng itak sa kanyang kanang paa paitaas sa pagitan ng kanyang hita. Nanginginig sa matinding takot si Thalia kaya ay muli siyang nagpupumiglas.
Naiinis namang tiningnan ni Arthur ang mga paang malikot kaya walang pagdadalawang isip na ibinagsak nito ang hawak na patalim at tumama sa pagitan ng mga tuhod ng talaga. Impit naman na napahiyaw ang dalaga dahil sa sakit. Napaigtad pa siya dahil sa kirot na nararamdaman. Bumulwak ang masaganang dugo nito mula sa mga malalalim na hiwa.
Bahagyang napangisi ang binata dahil sa nakikitang reaksyon ng babaeng kanyang iniibig. Pagkatapos ay marahas na ibinaba ni Arthur ang suot na pang-ibaba at panloob ng dalaga hanggang sa mga tuhod nito. Para naman siyang biglang natakam sa tanawing kanyang nakikita. Doon ay muli niyang inilakbay ang hawak na patalim ay pilit na ipinapasok ang dulo nito sa pribadong parte ng dalaga.
Tahimik na napapaiyak na lang si Thalia dahil sa sakit na lumulukob sa kanyang katawan lalong lalo na sa kanyang pagkababae. Sa una ay naging mabagal lang ito hanggang sa pabilis na ito ng pabilis. Nagsisimula na ring dumugo ang parteng pinapasukan ng talim dahil sa ilang sugat na nagagawa nito.
Kahit na nahihirapan ay muli niyang iginalaw ang katawan at pilit na inilalayo ito mula sa talim. Natatawa lamang si Arthur habang pinagmamasdan ang kawawang dalaga.
"Ito na ititigil ko na. Hindi ko gustong saktan ka, Thalia. Kaya heto na't tatapusin ko na itong paghihirap mo." Pagkasabi ng binata ay itinaas nito ang hawak na itak at walang pasabi na ibinagsak ng marahas sa pagitan ng dibdib ng dalaga. Hindi na nagawang umalma ng dalaga dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.
Lumabas ang litro-litrong dugo mula doon at dumaloy sa kanyang kama. May lumabas na ring dugo mula sa bibig niyang nakatakip. Paulit-ulit itong ginawa ni Arthur hanggang sa tuluyan nang nawalan ng buhay ang dalaga. Tumigil na ito sa paggalaw, indikasyon na sumuko na ang katawan nito. Naiwang nakabukas ang kanyang mga matang takot na takot.
"H'wag kang mag-alala, Thalia. Sasamahan pa rin kita." Pagkatapos sabihin ang kanyang huling mensahe ay itinapat ni Arthur ang talim sa kanyang leeg at walang kagatol gatol na ginilatan ito. Parang gripo namang umagos ang kanyang preskong dugo ngunit hindi niya ito alintana. Bagkus, gumuhit pa ang isang ngiti sa kanyang labi na tila masaya siya sa kanyang ginawa. Hindi nagtagal ay tuluyang bumagsak ang kanyang katawan sa ibabaw ng dalagang matagal na niyang minamahal,
....ang kaklaseng nakalimut.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro