
TWISTED THIRD QUEST
Kasper’s P.O.V
Napatingin ako sa isang balat ng candy at saka ibinulsa iyon. Ang damot ng Del Rosario na ’yon, iisa lang binigay sa akin at kay Fernandez, labag pa ata sa loob niya, pero kay cap pansin ko limang piraso. Hanep sa favoritism.
“Sa tingin mo mahahanap kaya ni cap si Miss Yesha bago matapos ang gabing ’to?” pagpansin ko kay Fernandez na kunot-noong nakatingin sa dalawang lalaki na nasa loob ng interrogation room.
Umalis na naman kasi sila cap, babalik daw ulit sila sa subdivision kasi pakiramdam nila doon lang din sa lugar na ’yon in-abduct si Miss Yesha dahil na rin sa nireview nilang CCTV Footage. Hindi ko rin maintindihan si cap minsan, parang may nakikita siyang ibang bagay kapag siya ang tumitingin, o hindi kaya masyado lang talaga siyang observant?
“Parang sure si cap na mahahanap nila si Miss Yesha hanggang alas-dose. Ano kaya iniisip ni cap, ’no?”
Malakas itong bumuga ng hangin. “Ewan ko,” wala sa wisyo niyang sambit. “Sa tingin mo bakit tinanggalan sila ng pandinig at dila?” pagturo niya sa dalawang nasa loob ng interrogation room.
Bakit nga ba?
Kung tutuusin, parang mas brutal pa iyong ginawa nila na binuhay sila kaysa binawian na lang ng buhay. Kaso ito, pinaramdam talaga sakanila kahit buhay sila, parang wala lang din, wala silang magagawa kung hindi danasin ang hirap at manahimik na lang. Parang binawian lang din sila ng buhay sa ginawa nila sakanila.
Nasa sakanila na rin iyon kung gagamitin nila ang kamay nila para maituro sa amin ang nasa likod ng case na ’to, para din sakanila. What’s stopping them? Safe sila rito, safe ang buhay nila, paulit-ulit namin sinulat sa papel na nasa harapan nila ngayon. Kaso, nakatingin lang sila do’n na parang wala sa wisyo.
“Masama ang kutob ko sa mga nangyayari,” siguradong-sigurado na sambit niya. Halos magkasalubong na ang kilay nito, hindi rin nakaiwas sa akin ang salitan na pagtingin niya sa dalawang nasa loob. “Pakiramdam ko parang may mali.”
Mali? Saan naman kaya?
“I have a feeling that someone’s going to die again tonight.”
Napakunot ang noo ko sa sinambit niya. “Praning ka, sino naman?” munti pa akong natawa.
Paano naman niya nasabi na may mamamatay ulit? Para siyang si cap kung mag-isip minsan, kaya siguro siya kinuha ni cap na kanang kamay kaysa sa akin. Akala ko kasi mas pogi ang pipiliin ni cap, mas pogi naman ako sa isang ’to, bulag lang siguro si cap pfft.
Imbes na imikin niya ako, nanahimik lang siya at malakas muli itong bumuntong-hininga. Pagkatapos ng ilang minuto na katahimikan, hinawakan niya ako sa braso at saka ako marahang hinila palabas.
Hinila niya ako sa pinakadulo ng hallway, napapatingin pa siya sa paligid kung may nakamasid bago niya muli akong harapin. Para talagang may bumabagabag sa kanya dahil sa naging reaksiyon niya.
“Narinig mo ba huling bilin ni cap sa atin?” seryoso at salubong na kilay niyang tanong.
“Saan do’n?” kuryusong tanong ko.
“Iyong huling bilin nga, tangeks.”
Aba, badtrip ’to.
“Wuy,” pagpansin niya.
“Na magmatyag tayo sa paligid tapos i-report natin agad sa kanya kung may nangyaring unusual?” patanong ko na lang na sambit.
Dalawang beses niya akong itinuro na para bang sinasabi niyang may tama ako. “Ayan! Hindi mo ba na gets ’yon?” pabalik tanong nito sa akin.
Ano ba dapat? Itong isang ’to, lagi akong pinapahirapan mag-isip, pwede naman niya akong diretsahin? Magsama kaya sila ni cap, parang silang dalawa lang naman nagkakaintindihan.
“Think deeper, Lopez. Bakit nga ba tayo pinagmamatyag ni cap kung nasa police station tayo mismo?”
Mabilis kong naibaling ang paningin sa kanya nang ma-gets ko ang pino-point niya. Oo nga, ano? Bakit nga ba naman kung nandito na kami mismo? May CCTV naman dito.
“Isipin mo, paano nalaman agad ni cap na nawawala si Miss Yesha?”
Napaisip ako sa naging tanong niya. Ang alam ko kaya nalaman niya kasi may nag-iwan ng sulat sa labas, may nakakita sa sulat at saka ibinigay kay cap. Then, cap checked some CCTV footage papunta sa last na photoshoot area na pinuntahan ni Miss Yesha, then he saw someone kidnapped Miss Yesha.
Just how? Paano nga ba? Paano nila nalaman agad na kapatid ni cap si Miss Yesha? Iilan lang ang nakakaalam sa impormasyon na ’yon, kahit kami na ilang taon na naming katrabaho si cap ay kailan lang namin nalaman.
It feels like everything was planned out from the start. That means, someone here is not an ally.
Who could it be?
Napatingin ako sa may interrogation room. Napaisip ako ng malalim. Tama kaya iyong sinabi ni cap na may gustong magpabagsak sa District 8? Could it be iyong mga dating na handle na kaso? Big organization? Big sindicate?
Or they are just targeting someone here?
Shrugged.
Ang mahalaga ngayon, dapat naming bantayan iyong dalawang hawak namin ngayon. Kung hindi, back to zero lahat kung sakali.
Zain’s P.O.V
“Dead by poisoning,” dismayado at umiiling na sambit ni Fernandez.
Wala pang sampung minuto na kararating lang namin sa subdivision, napabalik kami sa station dahil biglang napatawag si Lopez na ganto nga, biglang na lang bumulagta ang dalawa.
I’m expecting it a little longer, dahil pagkatapos namin bisitahin iyong dalawa kanina, bumalik ako kay Mrs. Quiaja para i-kunsulta ang napansin ko na they were poisoned.
Paanong biglaang namatay iyong dalawang ’to? Wala pang ilang araw para umepekto ang toxin sa katawan nila. Mali kaya iyong oras na na-compute ni Mrs. Quiaja, o sadyang mali ang naging description ko sa symptoms?
I was so sure earlier that it was amatoxin. May iba kayang toxin na gaya ng symptoms nito, or may iba pang toxin silang na take bukod dito?
Or Santua’s instinct were right all along?
Napatingin ako kay Santua na masinsinang kinakausap si Mrs. Quiaja. Nandito rin ngayon si Chief Quiaja na binabasa ang resulta, kalmado pero mahahalata mo talagang galit.
“Are you sure for keeping this case to your Dad?” rinig kong tanong ni Chief Quiaja.
“Yes, Chief,” mababang tonong sambit ni Santua.
Napabuntong-hininga si Chief bago tumango. “Ayokong madamay sa ganto, Santua, but I know you had a reason for doing so. I’ll give you only 24 hours, kung hindi mo pa naibalik ang kapatid mo, forgive me.”
“I’ll understand, Chief.”
“I’ll trust you with this.”
“Thank you, Chief.”
Naibaling ko ang paningin kila Fernandez at Lopez na ngayon ay nakayuko na. Halata mo talagang hindi rin nila inasahan ang nangyari. Hindi rin ako makapaniwala na naisahan sila, o hindi kaya someone distracted them earlier?
Shrugged.
“Stressing,” halos pabulong na sambit ni Santua pagkalabas namin ng opisina ni Mrs. Quiaja. Pabalik na rin kami sa station para i-review ang CCTV kung may nakapasok sa interrogation room na hindi nila namamalayan.
“Sir, nakabantay lang talaga kami sa labas ng room. Bago kayo umalis, kami nila Lopez, Chief Quiaja, Sir Suarez, at iyong naghatid ng pagkain nilang dalawa ang nakapasok,” Fernandez explained habang naglakad kami papuntang CCTV control room. “Chief Quiaja examined the food itself, kaya sure kami na walang poison ’yon,” dagdag niya.
“Oo, cap. Kahit iyong naghatid tinikman mismo,” sabad ni Lopez.
“I trust the both of you,” sambit ni Santua at saka parehas niyang tinapik ang mga balikat nila.
“Thank you, cap.”
It’s good that he trusts his subordinates, and vice versa. Kahit ako naman siguro, magaan kasi kasama itong dalawang detective ni Santua, mas ipapahamak pa nila ang sarili nila kaysa iba ang mapahamak, ganoon. The way they trust each other is admirable.
Naabutan namin ang nagbabantay ng control room na nagtitimpla ng kape, mukhang kararating lang din niya. Nang makita niya kami, tumayo siya at saka kami sinaluduhan.
“Kapapasok mo lang, Lagas?” pagpansin ni Santua sa kanya.
Napatango naman ’to.
“Sino kapalitan mo ng shift?”
“Iyong bagong hired last month, si De Guzman, Sir,” sagot nito at saka naupo sa may gilid. “Anong meron, Sir?”
Hindi nakaiwas sa akin ang munting pagngisi ni Santua bago ibaling ang paningin sa mga footage, hindi niya man lang sinagot iyong tanong. Shrugged.
Bawat paligid ng station, labas man, o loob, kahit anong sulok ay klarong-klaro ang mga kuha. Hindi ko maiwasang mamangha dahil hindi lang siya basta footage, may alert response at incident detection din.
Nakakamangha talaga ang advantage ng CCTV sa pang-araw-araw, at paggamit bilang ebidensya sa korte. This is one of the greatest aids to our law enforcement and judicial systems, allowing them to monitor the surrounding environment and pinpoint the true perpetrator.
Kung ginagamit lang talaga nang maayos, at hindi ginagamit sa masamang bagay gaya ng mga naunang kaso na na-encounter namin. Mabilis sana ang hustisya rito sa bansa, at walang mahirap na nangangapa ng hustisya. But powerful people abused it. Tsk, tsk.
Pagkatapos ng ilang minuto, may mga pinipindot si Santua na hindi ko maintindihan sa mga controller. “Screen 5, saw that? Look at the time frame, it’s already cut,” sambit nito habang itinuturo ang screen 5.
The time is already tampered as per Santua said. Hindi masyadong mapapansin kung hindi mo papansin iyong mismong time, pero iyong lapses kasi parang questionable kung pagtutuunan ng pansin.
“Memorize his face,” pabulong na sambit ni Santua nang mag flash sa screen ang isang lalaking lumapit kila Lopez.
“Hmm,” sagot ko na lang habang kinakabisado ang proportion ng mukha, at physical appearance. Natural na natural naman ang galaw niya, mukhang napag-utusan lang kung kumilos.
“Ilang minuto ang na-cut, cap, natatandaan ko ’yan,” pagsingit ni Lopez kaya napatingin kami sa kanya. “Iyan iyong hinila ako palabas ni Fernandez dahil pakiramdam niya parang may mali.”
Hmm. Mali?
“What happened after that?”
“Nag-uusap kami nang biglang may dumaan na isang intern, sabi may nagmamatyag daw sa labas na kakaiba kumilos,” sabad ni Fernandez. “Kaya inabisuhan namin iyong intern na magbantay muna saglit sa labas at huwag papasok at titingnan lang namin kung ano ang meron.”
Pansin ko ang pagbaling ni Yanzy sa gawi ko. Based sa kwento ni Lopez at iyong nandoon sa CCTV, siya iyong intern na pinapakabisado sa akin ni Yanzy ang mukha.
“Then?”
“Pagkatapos ng dalawang minuto bumalik din kami dahil wala namang kahina-hinalang tao sa labas,” pagpapatuloy niya. “Pinaalis agad namin iyong intern, maayos naman iyong dalawa na nadatnan namin. Chineck namin iyong door kung binuksan, walang bakas na hinawakan, cap.”
There must be something with him, or he let someone do the thing kaya cut ang CCTV footage that time? Just my instinct. Shrugged.
“Ngayon ko lang napagtanto na unang beses ko lang nakita iyong intern na ’yon, cap.”
Malakas na bumuga ng hangin si Santua bago muling ibaling ang paningin sa mga footage. “Get his name, and his background.”
“Sige, cap,” sambit nito bago lumabas ng room.
“Find De Guzman’s house. Drag him here if he don’t want too,” madiing sambit Yanzy pagkaharap niya kay Fernandez. “You know the drill.”
“Yes, cap!” pagsaludo ni Fernandez.
Ngayon ko lang napagtanto kung bakit nga ba tinanong ni Santua itong operator about the CCTV footage. There’s someone here sabotaging the police authority. Isa sa alliance nila iyong isang operator, posible rin iyong isang intern na nakausap nila Lopez.
Hindi na rin ako magtataka kung isang araw ay police na ang masama ng mga tao. That’s not even possible.
Santua saw it all.
Santua really trained well. Kahit siguro gamit iyong apelyido ng tatay niya para makaangat siya sa posisyon na meron siya ngayon, hindi pa rin talaga maipagkakaila na nababagay siya sa kung anong taas ng posisyon niya ngayon. Hindi naman niya kasalanan ’yon. He’s smart, authentic, and transparent, that’s why he stand out from the rest.
He deserves his spot.
“Let’s find a chance para makalapit mamaya sa dalawang bangkay,” pagbaling sa akin ni Santua pagkatapos niya makipag-usap sa operator. Mahina lang iyon para hindi siya marinig.
“How about your sister?” kuryusong tanong ko.
Yanzy’s smirk made me raise an eyebrow. Was he hiding something? I couldn’t help but wonder what lay behind his enigmatic smile.
Hindi niya ako sinagot bagkus marahan niya akong hinila palabas ng control room.
“Let’s go outside without someone, I’ll tell you a secret,” mahinang sambit niya habang nakahawak pa rin sa braso ko.
Hindi na ako nakaangal nang marahan niya akong hinihila palabas ng station. Napapatingin na nga rin ang iba pagkadaan namin sa ibang department.
Pagkarating namin sa labas, hindi kalayuan sa entrance ng station. Walang katao-tao, pero kitang-kita rito ang maraming sasakyan na dumadaan sa highway.
Umupo siya sa may gutter, pinampag niya ang espasyo sa tabi kaya naupo rin ako. Mas lalo tuloy akong na curious kung ano bang sikreto ang dapat niyang sabihin, at kailangan walang iba na makarinig.
“Yesha is safe.”
Gulat at nagtataka ko siyang binalingan ng tingin. “Ha?” Hindi naman siguro ako dinadaya ng pandinig ko, ’di ba?
Munti siyang natawa dahil sa naging reaksiyon ko. “Remember when she went to our apartment that night?”
Munting tumango ako.
“Her life is really in real danger outside the country kaya umuwi siya rito sa Pilipinas, hindi niya inakala na hanggang dito susundan siya,” pahayag niya at saka bumuga ng hangin. “Iyong tattoo na nakuha sa dashcam niya, she personally saw it noong nasa abroad pa siya.”
Oh. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman at maging reaksiyon sa sinasabi ni Santua sa akin ngayon.
“She received multiple threats through her phone number. I tracked down the number and found that it belongs to one of Yesha’s staff members.”
Ramdam ko ang diin ng bawat salita ni Santua kaya alam kong may lead na siya kung sino iyong mastermind, o sino ang may gustong ipahamak iyong kapatid niya.
But the fact that the person who is close to Yesha is also part of the kidnapping is bothering me. Isipin mo kasama niya pala kahit noong nasa ibang bansa na, It is evident that someone deliberately applied for positions within her staff.
That’s even more crazy to think off.
“That’s why I contacted Miss Rivera after that night to switch for Yesha and confirm that the kidnappers’ plan was indeed aligned with our previous discussions,” pagbaling muli nito ng tingin sa akin. “We discussed all the possibilities, we planned everything, from every angle to get every person involved, that’s why we kept it secret.”
Kaya pala umalis siya pagkatapos ng photoshoot ni Yesha. Akala ko pa naman galit talaga siya no’n?
Hmm. Ngayon ko lang napagtanto na medyo hawig si Miss Grace at Yesha. Iba rin talaga utak ng isang ’to.
“Alam ni Chief Quiaja?” pagtanong ko.
He nod his head.
So, he’s also playing the game. That’s why they exchanged a suspicious glance earlier. I had a feeling something was off from the start. Their actions seemed...off.
“Actually, Chief Quiaja didn’t agree first, because it’s too risky,” sambit niya.
Munting napairap ako. It’s because you’re too stubborn with your ideas, it’s no surprise that he’s agreeing with you. Tsk, tsk, Santua.
“Sina Lopez at Fernandez?”
Umiling siya. “It’s better that they don’t know the plan, let them know nothing, so it can be a natural part of the act.”
Munting napangisi ako. I doubt that, knowing Fernandez.
“So, why are you telling me this now?” muling pagbaling ko sa kanya.
“Baka magalit ka sa akin,” his voice softened.
Munting napangiti ako. Ni minsan hindi naman ako nagalit sa kanya. But his words mean a lot to me.
I won’t be surprised or mad if he tells me late, that’s really a wise plan to trap the mastermind of this case. I understand him completely. He doesn’t need to tell me at all. In fact, I’ve known all along what they had planned.
I saw it all.
I’m aware, since then.
I love how his plan aligns with my own vision. I love watching everyone play their own little dirty tricks. Grinned.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro