Yanzy's P.O.V
"Santua, for the first time in history, you disappoint me!" kalmado ngunit galit na sambit ni Sir Quiaja. Napahimas pa ito sa sentido niya.
He's the chief of police in this station. His rank is way higher than me. Siya ang pinakamataas na ranggo rito sa station, everyone respects him, outside and inside the station.
"Hindi dahil pinaka-head--"
Nag-aalangang ngumiti ako. "S-sir, we need a talent like him," pagputol ko sa sasabihin niya. "We really need him, he's promising."
"I know we discussed that last week," munting pagturo niya sa akin. He seems tired with my stubbornness. "Pero libreng tutuluyan? Libreng pagkain? That's your problem anymore, Santua," matigas niyang sambit.
"Pero, Chief."
"Ikaw na rin kaya magpasweldo, Santua?"
Napakamot ako sa ulo. "Sir, naman, broke ako, e."
Bahagya siyang natawa bago niya ako sinamaan ng tingin na may pagbabanta. "Who are you fooling? Go back to you work."
"Chief, naman."
Binalingan niya lang akong tingin na parang wala lang at saka ito umiling. "I need an immediate report about the latest case, 12 noon is the limit. Also, brief your new comrade about the rules and regulations. Dismiss."
Bahagyang bumuga akong hangin at muling sumaludo. Wala na rin akong magawa kundi lumabas ng opisina niya.
"Hi, Cap!"
Sinamaan ko ng tingin ng dalawang kasama ko sa team nang mapansin na nasa labas sila ng opisina nakikinig sa usapan.
They are the two of the top police detectives in town, Fernandez, he's a tall, imposing figure with a rugged demeanor, standing at 6"0. And the other one is Lopez, he's a feisty and tenacious investigator with his unique feature that sets him apart from the rest: standing at 5"8. They both have buzz cut hairstyles, just like mine.
Between Fernandez and Lopez, Fernandez is my right-hand person at work. But I'm close to both of them outside of work
"Anong ginagawa ninyo rito?"
Parehas naman silang nagkatinginan at sabay nag peace sign. Sighed.
"Gusto lang namin malaman kung bakit ka pinatawag ni Sir Quiaja," pag-aalinlangang sagot ni Fernandez.
"Tungkol ba sa case kaninang madaling araw? Pinagalitan din kami, Cap."
"Mga bingi," singhal ko.
"Cap, naman, wala talaga kaming marinig na boses. Promise!"
Tsk. Nakikinig na nga sa usapan, mga feeling bingi pa. "We need to report to him about the latest case, 12 noon," sambit ko at nagsimulang maglakad. "Walang tawad," pahabol ko.
"Ay ano ba naman, walang patawad! Kahit alas tres sana."
Kasasabi lang na walang tawad.
"Saan naman tayo kaya makakalap ng klarong ebidensya para maituro ang totoong suspek hanggang mamayang alas dose?"
Munting umirap ako. Sa akin pa ninyo tinanong, bakit hindi sa biktima kayo magtanong?
"Pero ang angas ng kasama mo sa opisina, Cap!"
Natigilan ako sa pwesto ko at saka siya binalingan ng tingin. "Bakit?" kuryusong tanong ko.
"Ang gaganda ng gawa!" manghang sambit ni Lopez. "Nakakabanas nga lang ang daming babae na nakasilip sa opisina mo! Aagawin niya pa ata pinopormahan ni Fernandez," iritado nitong dagdag.
"Anong pinopormahan ko, Lopez?Tsk."
Kunot-noo akong mabilis naglakad papuntang opisina ko. Totoo nga na may mga babaeng staff na nakasilip sa glass na bintana.
Anong ginagawa ng mga 'to sa oras ng trabaho?
"Ang pogi, sino kaya 'yan?"
"Bagong partner ni Sir Santua 'yan. Grabe nagsama ang dalawang pogi sa iisang opisina!"
"Ang ganda ng mga drawing!"
Hindi ko pinansin ang mga babae at pumasok nang opisina.
What the?
Anong ginagawa ng isang 'to sa mismong upuan ko?
Seryoso ang hitsura nito na nakaupo sa harap ng computer habang may hawak na sketch pencil, munti pa itong napatango bago humarap sa isang puting papel.
Napatingin ako sa likod niya kung saan ang malaking cabinet, maraming nakapaskil na sketch. Napakunot ang noo ko nang mapansin na pamilyar ang mga 'yon. Iyon ang laman ng unang CCTV footage kung saan naka-focus kung paano namatay ang biktima.
Mukhang hindi pa niya napansin ang presensya ko. Tumayo ito bago ipaskil ang katatapos niyang sketch. Nanatili lang ito na nakatayo habang pinagmamasdan ang mga nakapaskil na sketches.
"Base sa mga sketch, mula rito hanggang doon," pagturo niya sa mga nakapaskil.
Anong ginagawa niya? Is he talking to himself?
"Hmm. May saksak na ang biktima bago pa ito mamatay sa pwesto na 'yan," mahinang sambit nito pagturo niya sa isang sketch kung saan malapit ang biktima sa isang eskinita. "Teka, iisang tao ba iyon?"
Napakunot ang noo ko. "Paano mo nasabi?" sabad ko.
"Nakahawak ang biktima sa loob ng jacket niya, sa bandang tagiliran," pagharap nito sa akin, ngumisi pa ito dahil siguro sa naging reaksiyon ko.
Hindi man lang nagulat?
"Sorry, pahiram muna table mo habang wala pa sa akin," mapaglarong sambit niya bago ngumisi. "Tagal mo kasi bumalik, pinakialam ko na rin pinapanood mo."
Kasalanan ko pa talaga?
Tsk.
"Narinig ko sa isang junior mo na akala ninyo iyong biktima rito sa footage ay may hinuhugot ito sa loob ng jacket niya?"
Munting tumango ako.
Napapailing-iling ito na parang dismayado. "Wala pa bang balita sa autopsy report?" tanong nito.
Umiling lang ako. Kaninang madaling araw lang naman nangyari 'yon kaya wala pa iyong autopsy report. Matatagalan pa ng mga bente kwarto oras, dahil hindi lang iisa ang dahilan ang ini-report nila Lopez sa akin.
"Hindi ka ba pumunta sa mismong crime scene?" muling pagtanong nito.
"Kaninang madaling araw nangyari kaya hindi na ako nakapunta sa mismong crime scene, iyong dalawang bata ko ang nagpunta," sagot ko. Iyon na siguro ang pinakamahabang sentence na nasabi ko sa buong buhay ko.
Teka, bakit ba ako tinanong ng isang 'to na parang ako pa 'yong suspek?
"Matatagalan pa ang autopsy result," siguradong-sigurado nitong sambit.
Muli siyang tumalikod at kinuha ang isa sa sketch na nakapaskil. Humarap siya sa akin at saka ipinakita iyon, nagtataka ko iyong tiningnan pabalik sa mukha niya.
"Kuha sa time frame sa bandang isang minuto at sampung segundo, sa parteng ito," pagturo niya sa sketch kung saan hindi iyong ang lugar kung saan bumulagta ang biktima. "Umaaray na ang mukha ng biktima habang nasa loob ng jacket ang kamay niya kaya na sense ko na may mali," seryosong sambit niya. "Pero parang may lapses sa footage bago 'yan," dagdag niya.
Napakunot ang noo ko. "Umaaray? Lapses?" kuryusong tanong ko.
But his words makes sense though.
Tumango ito. "Yup, na draw ko kahit madilim!" proud niyang sambit. "Nasa video naman 'yon, halata sa shadow sa mukha niya. Power of anatomy."
Shadow sa mukha niya? Anatomy?Ang dilim ng lugar, naaninag lang ng konting liwanag ang ibang parte ng mukha niya, at hindi masyadong visible ang reaksiyon nito sa kuha ng cctv. But this guy, he noticed everything, he's a total freak.
We really needs him here. Over the years na wala kaming contact sa isa't-isa, his senses in making arts had made a lot of improvement.
"Mukhang ayaw mo pa maniwala, panoorin mo ulit," mahanging sambit niya. "Huwag masyadong madaliin," makahulugang dagdag niya.
"Tsk."
"C'mon, Santua, panoorin mo ulit."
Dahil sa kuryoso, nakipag-unahan ako na umupo sa upuan ko at saka humarap sa computer.
"Akala mo mawawalan ng upuan, psh," dinig kong sambit niya.
"First come, first served."
"Dami mong alam," mahinang sambit niya, sapat lang para marinig ko.
Umismid lang ako. Gaya ng sabi niya, finorward ko ang video footage sa time frame na sinabi niya.
Natigilan ako hindi dahil totoo nga na parang nahihirapan iyong biktima, kung hindi dahil kuhang-kuha ng mga guhit niya ang mismong CCTV footage. Muli kong tiningnan ang mga sketches niya, ngayon ko lang napagtanto na hindi lang mismong kuha ng CCTV ang iginuhit niya, kahit iyong posibleng anggulo rin.
Muli akong napatingin sa computer, napasandal ako sa upuan. Kaya pala wala pa ring pinaka-lead na suspect dahil hindi namin napansin ang posibilidad na 'yon.
This freak beside me had seen every details that we should be concentrating on. A crucial clue that could lead us to the true suspect.
Kung may tama na ang biktima sa tagiliran bago pa siya bumulagta, posibleng hindi lang dahil sa putok ng baril siya namatay. Posible kaya na lahat ng person of interest ay suspect talaga, o iisa lang ang gumawa?
"Uy, kanino pa kita kinakausap."
Napabalik ako sa ulirat at napatingin kay Zain na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. "Ha? May sinasabi ka ba?"
Inismiran niya ako. "Sabi ko, nagugutom na ako kanina pa."
Munting ngumiti ako na ikinataas ng kaliwang kilay niya. "Okay, saglit lang."
"May pasaglit pa, hanep."
Tsk.
Nagsend ako ng email sa isang ka-team ko bago tumayo na. Nginitian ko si Zain at saka siya inakay palabas ng opisina.
"Hi, Sir Santua! Hi, pogi!"
What the!?
Hindi pa pala umaalis ang mga babaeng 'to. Pasimpleng sinamaan ko silang tingin kaya napayuko ang mga 'to.
"Hi, girls," mapaglarong bati ni Zain.
Tsk.
"Sir, ayaw nila umalis kaya hindi na rin kami umalis," pag peace sign ng isa sa team ko. "Uy, partner ni cap, magtira ka naman para sa amin."
Kahit itong dalawang 'to nandito pa rin.
"Hindi ako interesado kahit isa sakanila," sambit ng katabi ko. "Call me Zain na lang."
"Mabuti kung ga--"
"Fernandez, check mo iyong in-email ko sa 'yo, give me an initial report within an hour," pagputol ko sa sasabihin ni Fernandez. Sinamaan ko siyang tingin kaya alinlangan itong ngumiti. Makikipagdaldalan pa, tsk. "Isama mo si Lopez," pagbaling ko sa katabi niya.
Parehas na umayos ng tayo ang dalawa at saka sumaludo bago umalis.
"Kayo? Anong plano?" pagbaling ko sa mga babaeng manghang nakatingin sa katabi ko.
Napaayos naman silang tayo at saka sila sumaludo sa akin.
"Go back to your post," utos ko kaya mabilis silang nawala sa paningin ko. "Let's go," pag-aya ko kay Zain na manghang nakatingin sa akin.
"Bossy."
"I'm just doing my work."
"Whatever, Santua."
"Pagkain mo," lahad ko ng tray sa harap niya bago umupo sa kaharap na upuan.
Wala pang masyadong tao rito sa canteen, mukhang nasa post pa nila ang iba.
"Ilang taon ka na nagtratrabaho rito?" biglaang pagtatanong niya at saka sumubo.
"More than 3 years."
"And you're already a police captain? Nice."
Hindi ko alam kung sarkastiko ba tunog ng boses niya, o nang-aasar.
"How about you?" tanong ko na ikinatigil niya sa pagsubo.
Natawa siyang bahagya bago napailing. "Same old thing," sambit niya bago muling sumubo.
Same old thing?
So, he pursued painting after that?
"But I failed," mahinang dagdag niya.
Natigil ako sa pagkain at saka siya pinagmasdan na kumakain. Ngayon ko lang napansin na nakatali na ang pang-itaas niyang buhok, mahaba na ang buhok niya hindi kagaya noong huli ko siyang nakita.
Five years ago, after I graduated college, I started investigating his whereabouts. The mystery had been eating away at me since we parted ways in a bad way. Hindi ko akalain na sa kabilang city lang pala siya mahahanap all this time.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya nitong nakaraang taon, ang alam ko lang ay ayaw niya sa mga ganyang klase ng style na pananamit, at sa ganyang hair style.
"Bakit ganyan ka makatingin?" natatawang tanong nito habang patuloy na kumakain. "You also think that I'm dumb pursuing arts?"
Napaiwas akong tingin.
"O, baka naman you find me more handsome than you?"
"Kapal."
Bahagya itong natawa.
Tsk.
Napatikhim ako bago nagpatuloy sa pagkain.
Bahagya muli itong natawa. "Did you find it funny?" biglang tanong niya.
Funny? Hindi naman ako tumawa?
Pagtaas kong muli ng paningin sa kanya ay tapos na itong kumain, nakasandal na siya sa sandalan ng upuan, prente itong nakaupo.
Bahagya itong bumuga ng hangin bago magsalita. "After that day pinalayas ako ni Mommy sa bahay." Hindi nakaiwas sa akin ang munting pagngisi niya pagkatapos niya 'yon sabihin. "Kahit si Daddy walang nagawa pagkatapos ako pinalayas."
"Tito has always known that you"re stubborn, that's why."
"But I'm still their child," matigas ngunit punong-puno ng sarkasmong ang boses niya. "Kung talagang itinuring nila akong anak, nakalipas na ilang taon, hindi man lang nila ako hinanap."
Napatikom ang bibig ko.
"Halos kada buwan sa iba't-ibang bahay ako nakatira." Munting natawa siya na parang may naalala.
"Bakit--"
"Hindi ko kailangan ng tulong mo noon," pagputol niya sa sasabihin ko.
Parang may anong kirot akong naramdaman sa sinambit niya. Napakuyom ang kamao ko.
I hope he did not mean that, because it cut deeper than any knife could.
"Hanggang sa kinupkop ako ng Mommy ni Dana. Tumuloy ako sakanila ng ilang buwan," pagkwento niya. "Si Dana rin tumulong sa akin para makakuha ng mga kliyente," pagtuloy niya, hindi nakaiwas sa akin ang munting pagngiti niya habang nagsasalita.
"Anong nangyari?" gusto kong itanong, pero umurong ang dila ko nang natawa muli itong bahagya.
Munting napamura ito. "Narinig ko na gusto akong ipakasal kay Dana dahil sa utang na loob. Nagpapatawa yata sila."
Hindi ba't gustong-gusto niya si Dana noon pa? Kalat na kalat sa block namin no'n ang usapin na 'yon, Zain never denied it.
"Bakit ko naman papakasalan ang taong hindi ko naman gusto, 'di ba?" direktang tanong nito sa akin. Muling nagkasalubong ang paningin namin.
Fernandez Calling...
Napaiwas ako ng tingin nang tumunog ang phone ko.
Napatikhim ako. "Fernandez."
["Cap, tama nga po na sa mismong bahay ng biktima nag-umpisa ito na nakahawak sa tagiliran niya."]
Napatingin ako kay Zain. As expected.
["Pinauna ko na ang iba para i-check ang ibang lugar kung saan pwede pumwesto ang suspek."]
"Report to Chief Quiaja."
["Tapos na, cap, paalis na rin kami ni Lopez ng station."]
"Sige, patapos na rin ako kumain. Mauna na kayo sa bahay ng biktima. Magtanong-tanong din kayo sa mga kapit-bahay."
["Sige, mauna na kami, cap."]
Pagkatapos ko i-end ang call, mabilis kong inubos ang kinakain ko at saka inakay si Zain papuntang parking lot.
"Anong meron?" kuryusong tanong niya.
"Pupunta tayo kung saan nakaburol ang biktima," sambit ko nang makasakay ako sa motor ko. Binalingan ko siyang tingin at saka inabot sa kanya ang extra na helmet.
"Nice helmet."
"It has been waiting for you."
Natawa itong bahagya. "I'll engrave my name then."
Tsk.
"Alam mo naman na siguro kung bakit kita pinatawag, 'di ba?"
Munting tumango ito.
"Sakay na."
Munting ngumisi pa ito bago isinuot ang helmet at saka sumampa sa motor.
Hindi lang dahil sa galing niya gumuhit kaya ko siya hinanap. Kung hindi dahil nakikita ko kung anong nangyari bago mamatay ang isang tao gamit 'lang' ang kamay niya.
As part of the government, we have a solemn responsibility to protect our citizens from all threats, whether they come from within or outside our borders. That's what Zain and I promised before, so that we can build a better country in which to live. My instincts also urge me to protect him from harm, as I feel the need to shield him from everyone
Its fate that brought us again.
We can't escape the curse.
We're trapped this time, with no way out.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro