Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

BEYOND THE SECOND QUEST

Zain’s P.O.V

Living with Yanzy really gave me less trouble. Hanggang ngayon iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na wala naman talaga akong gamit na naiwan sa dati kong apartment, lahat iyon pinahiram lang in order for me to survive these past years, in exchange of using my skills in arts.

That’s how my life has revolved around these past years. I’ve been a slave to someone.

Glad, Yanzy’s men found me. Ilang araw ko rin silang minatyagan bago ipain ang sarili para makawala sa hayop na pinagsisilbihan ko. At first, akala ko they’re going to kill me, saka ko lang nalaman na nagtratrabaho pala sila sa police station sa kabilang city noong makita ko sila sa news.

Nakatatawa lang na hindi ko kailangan ng tulong niya, pero siya ’tong laging nagkukusa kahit noon pa.

“Wala ba talaga makakilala sa bangkay?” pagkausap ni Fernandez sa isang estudyante kaya napabalik ako sa ulirat.

“Wala po, habang may klase nakita na lang namin sa bintana na may nahulog.”

“Pero napansin ko po na duguan na mukha niya bago pa nahulog!” pagsingit ng isa, mukhang siguradong-sigurado talaga siya dahil sa pananalita niya. “Pakiramdam ko nga po kilala ko siya, pero masyadong malayo kaya malabo po.”

“Sino?”

“Hindi ko rin po alam pangalan, pero kanina lang nakita ko naman po siyang buhay, kaya hindi po siya.”

Sighed.

“Ikaw?” pagtanong niya sa babaeng estudyante, kaso umiling din ito. “This is dead-end, argh!”

“Si Yanzy? Tinawagan mo na?”

Parang nabuhayan naman siyang dugo nang banggitin ko ang pangalan ng isang ’yon. Tsk. Bakit ba kasi ako ang nahila niya papunta rito at hindi isang ’yon?

“Hindi ko matawagan phone ni Yanzy, baka busy siya sa secret wife niya,” alanganin pa niyang sambit pagkababa niyang phone.

Tsk. Baka busy makipagbangayan sa mga walang kwentang bagay.

“Si Lopez ang tawagan mo.”

“Oo nga, ’no, talino mo rin.”

Psh. Paano naging katalinuhan ’yon?

“Sa rooftop muna ako baka sakaling maka-focus ako,” pagpaalam ko kay Fernandez nang mapansin ko ang isang pamilyar na bulto na matamang nakatingin sa gawi ko. “Huwag ninyo akong istorbohin para makapag-focus ako,” mahinang sambit ko habang nakatingin pa rin sa gawi na ’yon.

“Sige, hintayin ko sila cap dito. Nandyan na rin naman ang ambulansya,” sambit niya, sakto naman ang papalapit na tunog ng ambulansya.

Muli kong pinasadahan ang bangkay na nakahandusay sa sahig. Naliligo ito sa sariling dugo, yupi-yupi ang ibang parte ng mukha, hindi mo talaga makikilala dahil kahit bungo nito ay basag-basag.

Sino kaya ’yan, ’no?”

“Grabe naman ang ginawa sa kanya. That’s beyond brutal.”

“Iyong utak nga, oh, nagkalat! Err!”

Grabeng napaka-brutal talaga. Sinong matinong tao ang gagawa niyan? Tsk.

Kinabisado ko ulit ang features nito. Nakaramdam ako ng ibang pakiramdam na parang nakatingin sa akin ang bangkay bago naglakad papuntang building, ngunit hindi na ako lumingon.

“Uy, pumasok na raw tayo sabi ni Ma’am Santos! Hayaan na raw ang mga awtoridad ang umasikaso r’yan!”

“Tara na! May long quiz pa naman!”

Napangisi ako nang mapansin ang pagsunod ng pamilyar na bulto imbes na sumunod na pumasok sa isang classroom. Pagkapasok ko ng elevator nasisiguro kong hindi sasabay sa akin ang isang ’yon. Knowing him, he will go in the most complicated way, emergency staircase, as if he’s trying to prove a point. Psh.

Napapikit ako nang makarating ako sa taas ng rooftop, naramdaman ko ang munting sampal ng hangin sa balat ko. Pumwesto ako sa pinakadulo habang hinihintay ang pagdating ng isang tao.

Hindi ko maiwasang mapangisi habang gumuguhit, tanging tunog ng pag-scratch ng sketch pencil sa papel ang naririnig ko. Patapos na ang pangalawang sketch nang makarinig ako nang yabag ng paa.

Ba’t natagalan isang ’to? Psh.

Munting napangisi ulit ako, nagpatuloy ako sa pagguhit habang pinapakiramdaman siya.

“Del Rosario,” matigas niyang pagtawag. “We meet again.”

As if I want to meet you.

Hindi nakaiwas sa akin ang paghampas ng mabigat na bagay sa hangin. “Ano kaya kahihinatnan mo kapag nasapul ’to sa mismong mukha mo?”

Baseball bat na naman?

Natigil ako sa pagguhit at tinaas ang paningin sa kanya. Unti-unting nawala ang ngisi sa labi niya nang itaas ko ang hawak kong sketch pad. Unti-unting bumalatay sa mukha niya ang takot at pagkabalisa.

“Ano rin kaya kahihinatnan mo kapag ibinigay ko sa mga pulis ’to? Hmm?” I fired back.

Munting napamura ito.

“You can’t deceive me, I see what’s under your skin,” mapaglarong sambit ko. “David Ancheta,” pagdiin ko sa pangalan niya.

Based on his reaction, I guessed he had concealed his identity.

By spreading lies... as a victim.

Sure, this case will lead the police to dead-end. This guy is cunning and has a lot of schemes to turn the tables.

Unti-unting binalot ang malademonyong tawa niya ang lugar. “I know you can read what’s on my mind right now, Del Rosario.”

Natawa lang akong bahagya. “Na?”

“Stop playing dvmb.”

I shrugged. “Sa lakas ng pang-amoy mo hindi mo ako nahagilap nitong nakaraang araw?” sarkastikong tanong ko. “Gumamit ka pa talaga ng inosenteng tao. You should be the one who’s stop playing dvmb, David.”

“You showed up on my way, though...”

I shrugged. “Sure,” munting pagtawa ko.

“How about that guy?” nakakalokong pagngiti nito.

Napakuyom ang kamao ko’t sinamaan siyang tingin. “I’m gonna kill you if you dare to lay your hand on him, Ancheta,” dahan-dahan at madiin kong sambit.

Napahawak ako sa sentido ko nang may bagay na tumama doon. Unti-unting dumaloy ang basang likido doon.

Muli na namang itong natawa nang malakas. “Opps, sapul!”

“Lumapit ka,” munting pag-usal ko sa utak ko.

Natigil ito sa pagtawa at saka ako ginawaran ng masamang tingin. “Ano, Del Rosario, masakit ba?” tanong nito at muli na namang tumawa.

“Lumapit ka,” munting usal ko.

Mabilis siyang nakalapit sa akin, bago pa man na niya ako mahawakan sa leeg, mabilis kong nasalo ang kanyang palapulsuhan. Unti-unti kong hinigpitan ang pagkakahawak hanggang sa maramdaman ko ang munting pagtunog ng mga buto niya sa kamay.

Magkakasunod na mura niya ang natanggap ko. Nakaramdam ako ng malakas na enerhiya, and just the blink of an eye, everything went black.

“Who are you?! Wala akong ginawang masama sa ’yo!”

Malademonyong natawa ang malabong na bulto ng lalaki, para itong nababaliw na nakatingin sa inosenteng estudyante na nasa harap niya, hinihintay na magkusang ialay ang sarili niyang buhay.

“S-sino ka?! Hindi ka nag-aaral dito! Wala akong atraso sa ’yo!”

“Wala nga, pero kailangan ko ang katauhan mo!” nauulol nitong sambit bago itaas ang hawak nitong baseball bat.

“H-huwag, maawa ka!” takot na takot nitong sambit. “P-please.”

Mabilis na nakalapit ito sa inosenteng estudyante at saka nito walang awang pinagpapalo ang mukha. “I don’t have a sympathy, too bad, sorry.”

Fvck. Why did I saw what happened before the death? Dmn... There’s no way.

It could be-

It could be...

“Lopez! Gising na si Del Rosario, tawagan mo na si Cap.”

“Sige.”

“Ayos ka lang, Del Rosario?”

Napabalik ako sa ulirat, nailibot ko ang paningin sa paligid. Why am I here at the hospital?

Oh. Napahawak ako sa ulo ko, may bandage. Dmn that brat.

“Sumasakit ba ulo mo?”

Naibaling ko ang paningin kay Fernandez. Nag-aalala ang hitsura nitong nakatingin sa akin, hindi naman nakaiwas sa paningin ko si Lopez na busy sa pagkalikot ng phone niya sa may sofa. Bakit nandito ang mga ’to? Tapos na ba ang kaso?

“Nahuli ninyo na ba suspek?” tanong ko at saka napaayos ng upo.

Mataman niya akong tiningnan na parang ako pinakatangang tao sa buong mundo. “Seryoso ka, Del Rosario? Talagang iyon pa nauna mong itinanong?”

Eh, ano ba dapat?

“You’ve been lying there for more than eight hours, tapos tatanungin mo lang kung nahuli ang suspek? Abnoy.”

Sinamaan ko siyang tingin. “Ano bang oras na?”

“Alas sais nang gabi.”

I’ve slept that long?

“Sunod daw si cap dito, katatapos lang nag-interrogate,” pagsulpot ni Lopez. “Ano raw gusto mo kainin, Del Rosario?”

“Tao,” pagsagot ko. Sinamaan ko siyang tingin nang kinaltukan niya ako sa ulo. “Ano ba?”

“Ano nga, parehas tayo malilintikan kay cap kapag iyan isasagot ko,” parang pato nitong sambit. “Dali na, iyong seryoso, pre.”

I shrugged. “Sabihin mo kahit ano.”

Napabuntong-hininga naman ’to bago magtipa sa hawak niyang phone.

“So, ano nga nangyari sa kaso?” pagbaling ko kay Fernandez.

Napabuntong-hininga siya. “Dead-end.”

Not surprise.

“Pero alam mo ba, may something wrong talaga sa kaso,” sambit nito. “Parang may mali talaga, hindi ko lang masabi kung ano nga ba,” determinadong sambit niya. “Knowing Yanzy, imposibleng nalusutan siya ng suspek.” Napapailing pa ’to.

Tinaasan ko siyang kilay. “Is he that good?”

“Of course,” sabad ni Lopez. “Wala pang kaso na hindi niya natatapos, pero ito dead-end na agad.”

Oh.

“Del Rosario, oh,” paglahad ni Fernandez sa akin ang bowl ng mansanas.

“Thanks.”

“May tanong ako.”

“Hmm?” Ano ba naman ’to, bakit ang asim ng mansanas?

“Gaano kayo katagal magkakilala ni Cap? Close ba kayo no’n?”

Nagtatakhang pinasadahan ko siya ng tingin. What’s the sudden question?

“We’re buddies since high school,” sagot ko at muling sumubo ng mansanas. Ang asim talaga, buset.

Napapatango naman siya. “Bakit ka nga pala niya ipinahanap sa amin?”

Napakunot ang noo ko. Saan ba patungo itong pagtatanong niya? Is he interrogating me to gain something?

Hilig din talaga mangalap mga detectives ni Yanzy, e, ’no?

“Sobrang pag-aalala niya sa ’yo noong nakita ka niya sa rooftop kanina,” dagdag niya. “Halos pasabugin na niya ang buong building ng academy, e.”

Si Yanzy nakakita sa akin?

At teka, anong papasabugin buong building? Ang OA naman ng isang ’to.

“Ano ka ba, Fernandez, kaya siya pinahanap ni Sir dahil gagawin nga siyang portraitist,” pagsabad ni Lopez. “Kaya normal lang mag-alala si Cap dahil kargo niya si Del Rosario. Tungaks ka rin.” 

Whew. Save by the bell.

“Nagtatanong lang, tungaks ka rin,” pabalik na singhal ni Fernandez.

“Mukha kang itlog.”

“Akala mo siya, hindi.”

“At least, poging itlog.”

“Kapal.”

Tsk.

Nakinig lang ako sa usapan at bangayan nilang dalawa na hindi matapos-tapos. Pagkalipas ng ilang minuto’y bumukas ang pinto at pumasok si Yanzy na magkasalubong ang kilay, may dala ’tong paper bag.

“Cap! Ayun! Thanks sa foods! Dabest ka talaga!” pag-agaw ni Fernandez sa isang paper bag.

“Kulang na lang pati ako hablutin mo, ha?” singhal ni Yanzy kay Fernandez, pero natawa lang ito.

“How are you? Bought you food,” paglapit niya sa akin. Siya na rin naglabas ng pagkain at inabot sa akin bago naupo sa upuan na nasa tabi ng bed.

“Oks lang, how about the case?”

Pero tinaasan niya akong kilay!

“Abnoy ’yan, cap, pagkagising iyan ba naman unang tinanong,” pagsabad ni Fernandez. Nasa sofa na rin siya kasama si Lopez, kumakain. “Subuan mo nga para manahimik.”

“Sapuk ka sa akin kapag ako nakalabas, Fernandez,” pagbanta ko, pero natawa lang ito at nagpatuloy sa pagkain. “So, ano nga?” pagbaling ko kay Yanzy.

“Family of the victim declined to cooperate,” dismayadong sambit niya. Napabuntong-hininga ito at saka sumandal sa upuan, salubong pa rin ang kilay. “They’re bunch of weirdos, hindi mo man lang makitaan na nagdadalamhati sila sa pagkawala ng bata.”

Because that’s not his own family,  Ancheta had been planning this for a long time, to have his new identity. I wonder kung ano magiging next step ng isang ’yon.

“Ano iniisip mo?”

“Ah, w-wala,” I lied. Nagtuloy na lang ako kumain para makaiwas sa interrogation. Whew.

Hindi nakaiwas sa akin ang munting pag-irap niya. “They found your sketch pad on the trash can, nilagay ko na sa table mo kanina,” pahayag niya.

Hmm. My guess is right. Given Ancheta’s knowledge, he should destroy the sketch by tearing it up or burning it, rather than simply throwing it away. He’s literally up on something.

“Who hit you?” pagtanong nito pagkatapos ng ilang minuto na katahimikan.

“I don’t know, nakatalikod ako, e,” I lied.

Ugh, how I hate lying. But if this the only thing to keep everyone safe around me, then, I have no choice.

Hindi nakaiwas sa akin ang pagngisi niya. “Finish your food, you’ll be discharged at eight thirty,” sambit niya at pumikit na. “Stop staring at me.”

Edi huwag, kala mo talaga.

Mabilis lang lumipas ang oras dahil sa pagkadaldal ng dalawa. Sinenyasan ko sila na hintayin na lang kami sa labas dahil malalim pa rin ang tulog ni Yanzy.

Natawa akong bahagya habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Yanzy na natutulog. Sana tulog na lang palagi isang ’to, kahit magkasalubong ang kilay, ang bait niya tingnan. Kapag gising akala mo babae na may buwanang dalaw.

“Wuy, gising na,” pagtapik ko sa balikat nito pagkatapos ng ilang minuto.

Parang wala lang na nagmulat ito ng mata. “Nasaan iyong dalawa?”

“Nauna na lumabas, lakas daw kasi ng hilik mo,” nagpipigil tawang sambit ko kaso sinamaan niya lang akong tingin. Tingnan mo ’yan, ganyang ugali. “Joke lang. Tara na,” pagbawi ko na lang.

“Tsk.”

“Oh ayan na pala sila,” salubong ni Fernandez.

“Del Rosario, kumusta?” pagsulpot ng isang lalaki, nakasuot ito ng pang doctor. Pinasadahan ko siyang tingin, mukha siyang pamilyar. “You already forgot about me? Ako ’to, si Benjamin Hara.”

Benjamin Hara? Saan ko ba narinig pangalan niya no’n?

Natawa siyang bahagya at saka nito ibinaling ang paningin sa katabi ko. “Nakalimutan ka niya rin, Cap?”

“Hindi.”

“Oh. Saan ka nitong nakaraang taon?” pagbaling niya muli ito sa akin.

“D’yan lang,” sagot ko.

Bakit ba interesado ang mga tao kung nasaan ako nitong mga nakaraang taon?

Natawa naman siyang bahagya. “Wala ka pa ring pinagbago.”

Dapat ba meron?

Malawak itong ngumiti sa akin at saka munting tinapik ang balikat ko. “Sige at may aasikasuhin pa ako, huwag ka na bumalik dito ha.”

Malamang. Ang susunod ko na punta rito, ihahatid ko na may bangas ang bumangas sa akin, psh.

“Let’s go,” pag-aya ni Yanzy.

Shrugged.

Nang makarating kaming parking lot, nauna nang nagpaalam ang dalawa, nagpaalam naman na dadaan munang restroom si Yanzy. Natigilan ako nang may makitang maliit na papel na nakadikit sa salamin ng motor.

Napapalinga ako sa paligid, iilan lang ang nakikita ko na naglalakad, at wala namang suspicious. Naibalik ko ang paningin sa papel. Drawing na emoji na nakangiti ang nakalagay. Buti at hindi si Yanzy mismo ang nakakita nito. Knowing that guy, he will suspect everything.

Tsk. David Ancheta. Lintik talaga ang isang ’yon kapag nakita ko siya ulit.

“Let’s go,” pagkabalik ni Yanzy. “Daan muna sa convenience store, nagugutom ako.”

Hindi na ako umangal. Sa kabilang kanto lang naman kaya mabilis kami nakarating sa convenience store. Siya na rin ang pumila para bumili ng cup noodles at inumin, sa labas na rin kami ng store pumwesto maupo.

“Sorry about earlier,” pagputol nito ng katahimikan.

“Earlier?” takhang tanong ko.

Napatikhim ito. “Sa office kanina.”

“Wala ’yon, normal lang ang bangayan sa mag-asawa,” sambit ko habang binubuksan ang bote ng inumin. “Badtrip lang talaga ako dahil hindi ako maka-focus sa pag sketch.”

“The fvck. Mag-asawa?” kunot-noong sambit nito. “She’s my half sister, anak ni Daddy sa pangalawang asawa niya,” pahayag nito.

Dvmb, Zain! Kainis iyong dalawang itlog na ’yon, sabi kasi nila asawa iyon ni Yanzy.

“Oh? Akala ko asawa mo talaga,” munting pagtawa ko nang may pag-aalinlangan. “Hindi ko kasi siya nakikita noong nagpupunta ako sa bahay ninyo no’n.”

“Lumaki siya sa abroad kaya hindi mo siya kilala.”

Oh, kaya pala.

He grinned. “Would I usually be into that type of girl?” he asks, trying to sound casual.

Ibinaba ko ang bote ng inumin at saka siya direktang tiningnan sa mga mata niya. “E, ano ba mga tipo mo, Santua?” pabalik kong tanong sa kanya.

“I don’t like girls.”

Ha?



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro