Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Track 07


 Pumasok sina Lisa at Ricky sa loob ng silid ni Francis.
Madilim ang loob nito, at ang ilaw lang ay galing sa pababang araw sa labas ng bintana.
Nakita nila na may nakaumbok sa gitna ng kama sa loob ng kuwarto.
"Francis?" tawag dito ni Ricky.
Biglang napatalon ang umbok sa kama.
"A-anong ginagawa n'yo rito?!" sigaw ni Francis na sumilip mula sa ilalim ng makapal na kumot.
"Francis, gusto ka naming tulungan," sabi ni Ricky. "P'wede mo bang sabihin sa amin kung anong nangyari?"
"W-wala!" sigaw nito. "W-wala nang makakatulong pa sa 'kin! Isusunod na n'ya 'ko!"
"Sino ba sinasabi mo?" tanong ni Martin. "Sabihin mo sa amin para matulungan ka namin!"
"'Yung lalaki!"
"Sinong lalaki?"
Tumingin-tingnin ang kaklase nilang bilasa sa paligid, at saka bumulong. "'Y-yung... n-natawag namin... 'yung s-sumagot sa spirit of the coin namin noong L-lunes..." nanginginig nitong inamin. "H-hindi ko naman gustong sumali... pinilit lang ako nina Amy... K-katuwaan lang naman 'yun..."
"May natawag kayong spirit?" tanong ni Ricky.
"Hindi... hindi siya spirit!"
Halos magwala ni Francis sa sagot niya.
"Tinanong namin kung may spirit kaming kasama... pero 'NO' ang sagot niya sa amin!"
"Eh, sino ba kasi ang sinasabi mo?" tanong ni Ricky na nauubusan na nang pasensya.
"Hindi siya 'spirit'," pilit ni Francis na takip-takip ang kanyang mga mata. "N-nang tanungin namin kung ano siya... Pumunta yung coin sa S... at sa A... at sa T at..."
Biglang humagulgol si Francis.
"A-akala ko, nang gu-goodtime lang si Martha! H-hindi naman ako naniniwala sa ganoon, eh! A-ayokong m-maniwala..!"
"Pero ngayon naniniwala ka na?" tanong ni Lisa sa likod ni Ricky.
Napa angat ang mukha ni Francis na napatitig kay Lisa.
Nanginginig ito sa takot.
"N-na-nakita mo ba siya?" tanong nito. "N-nang Martes, nagulat ka nang pumasok kami nung umaga!" patiloy nito. "Nakita mo s'ya 'di ba? Y-yung multo na pumatay kina Amy?!"
"Hindi siya multo," sagot ni Lisa na muling kinakamot ang braso niyang nagdudugo na ngayon. "Iba siya," patuloy nito. "Malaki siya... dambuhala... may buntot... at may sungay na pula."
"N-nakita mo sya?!" tanong muli ni Francis. "N-nasaan na siya ngayon?!"
Umangat ang nanginginig na braso ni Lisa, at bagamat 'di nakatingin, ay itinuro nito si Francis na nakaupo sa kanyang kama.
"UWAAAAAH!"
Agad napatayo ang lalaki at tumakbo sa tabi ni Ricky.
"'Wag mo siyang palapitin sa akin! Paalisin mo sya!" sigaw nito kay Lisa.
Napayuko si Lisa at napailing ng ilang ulit.
Muli niyang tinakpan ang kanyang mga taenga.
Napansin ni Ricky na may bagong kalmot na lumitaw sa kaliwang braso nito.
"Ayoko... ayoko talaga..." bulong nito.
"Ayaw mo ang ano?" Tanong ni Ricky.
"Lisa! Mahal mo ako 'di ba?" sigaw naman ni Francis. "Crush mo ako! Kaya dapat mo ako'ng tulungan!"
"Kung ayaw mo, labanan mo siya!" pilit naman ni Ricky.
"P-pero... ang lakas n'ya!" naiiyak na sagot ni Lisa.
"Kaya mo 'yan, Lisa, nakaya mo nga sina Rita, 'di ba?" hinawakan ni Ricky ang magkabilang balikat ng kaklase at mariing inalog ito. "'Wag kang papayag na magawa niya ang kung anu mang gusto niya!"
Tumaas ang mukha ni Lisa at tumingin kay Ricky.
Kitang-kita niya ang hirap na pinagdadaanan ng kaklase.
"MAGTIGIL KA!" sigaw ng malaking boses ng isang lalaki!
Napuno nito ang kuwarto na yumanig sa lakas ng dagungdong nito!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro