Track 05
Tahimik na umuwi ang magkaibigang Ricky at Martin.
Maraming 'di kapani-paniwalang nangyari nang araw na iyon.
"So... bukas ha?" sabi ni Ricky nang makadating sa bahay nila.
"Sige... bukas... ingat ka pare, ha?" sagot ni Marvin na papasok na sa kabilang bahay na isang apartment complex kung saan sila nakatira. "Yung casette mo, palitan ko na lang next time."
Tumango si Ricky at pilit ngumiti.
Hindi siya halos nakakain nang gabing iyon.
Nahirapan sin siya'ng makatulog, kaya naisipan na lang niyang ayusin ang casette tape niyang kinain ng walkman nang umagang iyon.
"Tumugtog ka pa, please!" dasal niya rito bago i-play.
'And she wakes up from the dream...'
Mukha namang maayos pa ang tugtog nito, pero pagdating sa may koro ay naputol ang kanta.
'S-sama rin ako.'
Narinig niya ang tinig ni Martin.
'Bahala ka.'
Si Martha naman ngayon.
'Basta, Ricky, sabay tayo mamaya ha?'
'Okay.'
Ang sarili niyang boses.
Pinagpatuloy pa niya ang pakikinig upang malaman kung hanggang saan ang parteng napatungan sa casette recording, nang may narinig siyang kakaiba sa background.
Stop
Rewind
Play
Inulit niya ang parteng napatungan.
Ayun nanaman ang tunog...
Parang may umuugong.
Stop
Rewind
Play
Sa pagkakataong ito, itinodo niya ang volume.
'...IBA AKO...'
sabi ng malalim na tinig ng isang lalaki.
'SINUSUNDO KO LANG ANG MGA TUMAWAG SA AKIN.'
Kinilabutan bigla si Ricky.
'GALIT KA SA KANILA, HINDI BA?'
Tinanggal ni Ricky ang suot niyang headphones at ibinato ang walkman sa kama!
Ano ba itong narinig niya?
Sino iyon?
At sino ang kausap nito?
Noon niya naalala si Lisa.
Si Lisa na kaniyang katabi.
Si Lisa na may bagong kalmot sa mukha at matagal nang pinag-iinitan ng barkada nina Amy!
Agad siyang pumunta sa sala para tawagan ang matalik na kaibigan, ngunit walang dial tone ang kanilang telepono sa pag-angat niya nito!
Ilang beses niyang pinindot ang plunger, ngunit wala itong tunog, ni-busy signal, wala!
Muling kinilabutan si Ricky.
'Hello?'
Napatalon si Ricky sa gulat!
'Hello? Party line?' sabi sa kabilang linya na mukhang naiirita. 'Paki baba ang phone!'
Agad binaba ni Ricky ang telepono, at bitbit ang walkman, ay tumakbo papunta sa kabilang apartment.
Kinilabutan din si Marvin matapos marinig ang malaking boses na narecord sa casette tape.
"Ano kaya 'yun sa tignin mo?" tanong ni Ricky.
Tahimik lang ang kaibigan.
"Ewan... pero... naaalala mo ba sabi ni Francis?" paalala nito. "Sabi n'ya, iniisa-isa raw sila ng kung sino o kung ano man... at si Amy raw ang nagpumilit sa kaniya..."
"Nang ano?" tanong ni Ricky sa kaibigan.
"Ewan," muling sagot ni Marvin.
"Basta ang alam ko lang, ayoko nang maki-elam pa diyan!"
Kinabukasan, sabay pumasok ang magkaibigan na parehas nangingitim ang mga mata sa puyat.
Absent nanaman si Francis, at hindi iyon nakapagtataka.
Late namang pumasok ang katabi ni Ricky.
Sobrang putla nito at malalim ang mga matang malayo ang tingin.
May bago itong kalmot sa kanang bahagi ng leeg at pansin ni Ricky ang mapulang braso nito na nagsusugat na dahil sa sobrang pagkamot.
"L-Lisa..." tawag dito ni Ricky. "P-pwede ka ba naming makausap?"
Dahan-dahang ibinaling ni Lisa ang mukha sa kaliwa.
Tuyot ang mga labi nito, nakabuka, bumubulong-bulong, ngunit walang maririnig na salita.
Hindi makapaniwala si Ricky na ito pa rin ang dating mahinhin at tahimik na kaklaseng katabi niya mula pa nang magsimula ang school year.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro