Track 03
"Okay lang kayang pumunta sa lamay kahit wala tayong dalang abuloy?" tanong ni Martin kay Ricky.
"Okay lang, galing naman tayo sa school, eh–"
Natigilan si Ricky nang mapatingin sa walkman na hawak ni Martin.
Nakapindot ang RECORD button nito!
"Martin! Ano ba 'yan!" agad niyang kinuha ang walkman at pinindot ang STOP, pero mukhang nag-stuck ang mga butones nito!
Sa wakas, natigil din ni Ricky ang walkman, ngunit nang buksan niya ito, ay nakita niyang kinain ng player ang casette tape sa loob!
"Naku! Ang ni-record ko!" napakamot si Ricky sa ulo.
"Wah, sorry, pare! Sorry talaga!" paumanhin ng kaibigan.
"Okay lang... sana lang hindi masyadong napatungan 'yung mga kanta!"
Unti-unting hinila ni Ricky ang manipis na tape palabas ng player.
Kumuha sya ng lapis at isinaksak ang tulis nito sa isang butas ng casette para mai-rewind ito ito.
"Pag nasira 'to, ibibili mo 'ko ng bagong blank tape, ha?!" nakasimangot miya g sinabi kay Martin.
Pumasok na noon ang kanilang guro.
"Class, we're going to the auditorium," sabi nito. "Make two lines outside and go quietly down the building."
Tumayo na nga ang mga estudyante, handa nang lumabas, nang mapansin ni Ricky na naka tango pa rin si Lisa sa kanyang mesa.
"Lisa, pupunta raw tayo sa auditorium," tawag ni Ricky rito.
Dahan-dahang tumaas ang ulo ni Lisa.
Nanlilisik ang kanyang mapupulang mata.
Napaatras si Ricky at napakapit kay Martin sa tabi niya.
"Oi, bangon na!" sabi naman ni Martin na bahagyang hinampas ang kaklase sa likuran.
"Ah..." mukhang noon lang natauhan ang babae.
"Pupunta raw tayo sa auditorium," ulit ni Martin.
Nahuli ang tatlo sa pila.
"Puyat ka?" tanong ni Ricky kay Lisa na tahimik lang sa tabi nila.
Tumango ito.
Kukumustahin pa sana niya ang kaklase nang may narinig silang sigaw sa may harapan.
"Martha!"
Nasundan ito ng ilang tili.
Nagmadaling bumaba ang tatlo at nakita ang mga kaklase na nagkumpilan sa may paanan ng hagdan.
Nakahalandusay dito si Martha.
Kakaiba ang anggulo ng mga braso at binti nito, pati na rin ang ulo niya na may mapait na ngiwi sa mukha.
"Ahhhh!!!" sigaw ni Rhea.
Muling pinabalik sa klase ang mga estudyante.
Natapilok daw si Martha.
Magkaakbay daw ang dalawang magkaibigan, nang biglang bumagsak si Martha sa hagdan.
"Sigurado bang natapilok? Baka naman tinulak?" bulong ng makakating dila.
"Hindi ba, may crush din si Rhea kay Ricky?"
"'Di ba patagong sinisiraan ni Rhea si Martha?"
Napa-buntong hininga si Ricky.
'Napaka gulo talaga ng mga babae minsan, sila-sila nagsisiraan.'
Napatingin siya sa gilid, kay Lisa na kinakamot ang kanyang braso at nag t-twitch ang ulo.
'Eto pa ang isang magulo,' sabi niya sa sarili.
"'Wag siya..." bulong ni Lisa. "'Wag siya..."
"Hm? 'Wag sino?" tanong ni Ricky.
Biglang humarap sa kaniya si Lisa.
May tatlong kalmot siya sa kanang pisngi at masama ang pagkakatingin kay Ricky na biglang kinilabutan.
"M-may problema ba, Lisa?" tanong ni Ricky sa kaklase.
"Wala!" singhal nito na muling tumango.
Napasama ang tingin niya sa katabi at inurong ang silya palayo sa kaklase.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro