Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Track 02

Dahil katabi, isa si Ricky sa mga napag-utusan na magbuhat kay Lisa. Kasama niya si Martin, Francis at isa pa nilang kaklase.
"Ano ba'ng nangyari?" tanong ng tatlo kay Ricky.
"Malay ko ba, napansin ko lang, parang balisa s'ya, tapos nang kukumustahin ko sana, bigla na lang s'yang tumili..."
Sasabihin sana niya ang tungkol sa mapupulang kalmot, pero nag-alinlangan siya rito.
'Baka naman namalik-mata lang ako,' naisip niya.
Pagdating sa clinic ay sinalubong sila ng school nurse na kasama ang isang madre na nakatira sa katabing kumbento ng paaralan nilang katoliko.
"O, anong nangyari?" tanong ng nurse.
"Nagwala po tapos nawalan ng malay," sagot ni Francis. "Pinadala po dito sa amin ni ma'am Pilar."
"Sige, ihiga n'yo sa kama," sabi ng nurse na naghanda ng gamot para sa pasyente.
"Okay, students, balik na kayo sa class ninyo," sabi naman ng madre. "I will pray over your friend for her fast recovery."

"Pray over daw!" natatawang bulong ni Francis nang pabalik na sila. "Mukhang ang kailangan nung Lisa na 'yun, eh, magpa-check in na sa Mandaluyong loob!"
Napatingin sa kaniya sina Ricky at Martin.
Bagamat sikat at guwapo, may pagka mayabang at antipatiko ang kaklase, lalo na 'pag sila-silang mga lalaki na lang ang magkakasama.
"Oo, nga, wirdo talaga ang isang 'yun, nang isang araw lang, nakita ko 'yun mukhang takot na takot at tumatakbo habang bubulong-bulong sa sarili." sabi ng kasama nilang kaklase. "Sayang, may itsura pa naman..."
"Madalas nga may kinakausap 'yun sa hangin," sang-ayon naman si Martin.
"KSP nga, eh, kulangot sa pader!" sabi muli ni Francis. "Buti, Ricky, natatagalan mo 'yun katabi!" tanong nito sa dati'ng matalik na kaibigan, bago ito naging sobrang guwapo at sobrang yabang.
"Hindi naman, mabait naman si Lisa," pagtatanggol ni Ricky. "Tahimik lang siya, okay naman kausap..."
"Aba! 'Wag mong sabihing type mo? Sayang naman pagka-mestizo mo kung doon ka lang mapupunta!" tumatawang sinabi ni Francis. "Nako, may kilala akong magagalit 'pag nalaman 'yan!"
Ngumiti na lang si Ricky na natahimik.
"Hoy, bilisan na natin at baka hinahanap na tayo ni ma'am Pilar," paalala ni Martin.

Kinabukasan, kakaibang balita ang sumalubong sa buong klase.
"Si Amy, nahagip ng trak habang tumatawid kahapon pag-uwi," bulung-bulungan nila.
"Halos maputol daw ang katawan, at durog 'yung mukha na nakaladkay ng ilang metro!"
"Shemay, nakakakilabot naman 'yun!"
"Kawawa naman, hindi man lang siya umabot nang graduation!"
"Crush mo si Amy, 'di ba?" tanong ni Ricky sa kaibigan, pero tahimik lang si Martin. "Sobra, parang 'di kapani-paniwala ang nangyari!" dagdag pa niya.
Tinignan ni Ricky si Martin na maluha-luha sa tabi niya.
"Eto, gusto mo, ikaw na muna gumamit nitong walkman ko?" alok niya rito para maibsan ang kalungkutan ng kaibigan. "Napuno ko na 'yan ng kanta."
"S-salamat..." inabot ni Martin ang bigay ni Ricky. "P'wede ko ba 'tong hiramin kahit overnight lang?" tanong nito.
"Sige, sa 'yo na muna." sagot ni Ricky.
Pumasok noon si Lisa sa kuwarto.
Maitim ang paligid ng mga mata nito, na para bang wala pang tulog.
Umupo ito sa kanyang puwesto sa kanan ni Ricky. Tahimik siya na yumuko para matulog.
"Pano nga pala gamitin 'to?" tanong ni Martin sa kaibigan.
"Bano ka talaga, ayan, pindutin mo ang play," turo ni Ricky.
"Ok, alala ko na."
Pumasok naman ngayon si Martha at si Rhea.
Napansin ni Ricky na nanginig ang balikat ng katabi niyang nakayuko.

"And she wakes up from the dream
That is beautiful and so wild..."

Mahinang kanta si Martin sa tabi si Ricky habang nakikinig sa walkman.
Papalapit sa kanila ang dalawang babae.
Lalong nanginig ang katawan ni Lisa.
"Ricky, narinig mo na ba ang nangyari kay Amy?" tanong ni Martha na tumayo sa tapat ng magkaibigan.
"Oo... sobra, nakakagulat, parang ang hirap tanggapin..." sagot ni Ricky.
"May prayer vigil daw tayo this morning," sabi ni Martha. "tapos later, pag-uwi, pupunta kami kina Amy, pwede ka ba'ng sumama?"
Agad pinatay ni Martin ang pinakikinggan at inalis ang nasa taenga nang marinig ang imbitasyon nang dalawa. "S-sama rin ako," sabi nito.
"Bahala ka," malamyang sagot ni Martha. "Basta, Ricky, sabay tayo mamaya ha?"  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro