Chapter Twenty-Six
“SEX LANG NAMAN ang mamamagitan sa atin, ‘di ba? As long as it stays that way, I have nothing to worry about, right?” Lily mimicked Jared’s tone mockingly.
Sabado pa ‘yon sinabi sa kanya ni Jared. Nung nag almusal sila sa isang restaurant imbes sa The Org. Ilang araw na ang nakalipas. It was already Tuesday.
Frustration gnawed her as she carelessly set down a cereal box on the table. Tinukod niya roon ang dalawang kamay.
What can I fucking do just to bring us back, Jared? Damn, why is this so difficult? It should be easier because we already loved each other.
Napabuntong-hininga siya. Napailing. Hindi lingid sa kanyang late na siya sa trabaho. Pero paano siya sisipagin kung ganitong gulong-gulo na naman siya?
She was supposed to be okay. Kaya niyang balewalain ang mga sinabing iyon ni Jared. Gayundin ang kawalan nito ng reaksyon sa mahabang dialogue niya tungkol sa deserve-deserve. Pero nakakainit lang talaga ng ulo na mula nung maghiwalay sila ng landas nung Linggo, hindi na ito nagparamdam.
“At ako pa sa amin ang mapaghiganti?” nagtitimping bukas niya sa karton at foil sachet ng cereal sa loob niyon. “Ako pa talaga?” buhos niya ng cereal sa bowl. “Eh ano ba itong ginagawa mo sa akin? Gino-ghost. Para gantihan ako.”
Padabog na sinuksok niya ulit ang foil sachet ng cereal sa kahon niyon.
“Wala talagang sinagot ang lalaking ‘yon sa mga tawag at text ko!” upo niya at nilapit sa kanya ang bowl ng cereal. “Unbelievable!”
She scoffed and reached for the carton of cold fresh milk.
“Nakakawalang-gana kumain!” buhos niya ng gatas sa bowl.
Then she stared at her cold breakfast.
“So what kung malamig? Mas malamig ka ngang hayop ka,” ngitngit niya, iniisip na kausap niya si Jared para lang makapaglabas ng sama ng loob sa lalaki bago kumain.
Pagdating sa Variant, normal lang ang naging takbo ng oras— mabagal at nakakabagot. Pumasyal si Lily sa production. Kakatapak pa lang niya sa loob nang salubungin ng matapang na amoy ng bagong papel. Sanay na siya sa malakas na ugong mga naglalakihang printing at binding machines, pero gumugusot pa rin ang mukha niya sa ingay ng mga iyon.
She stepped in, wearing a pair of pink accented Espadrilles that complimented her pink tube top, cream-white knitted cardigan and jeans. Her cardigan’s buttons were open, studded with a few stitched strawberry patches. Her jeans were white.
Inisa-isa niya ng panakaw na tingin ang mangilan-ngilang operator doon ng mga makina. Lahat abala at buhos ang atensyon sa trabaho. Sunod niyang nadaanan ang mga nagso-sort at quality check ng mga machine-bound notebooks at pad papers.
“Good morning, Miss Lily!” halos hindi sabay-sabay na bati ng mga ito.
She smiled curtly at them and said nothing. Nilipat niya agad ang tingin sa hanay ng mga pad paper at notebooks na sinasalansan ng mga ito. The employees took that as a hint to continue their task.
She eyed on every blank paper. On every lifeless, minimalist notebook covers.
Lily remembered the things she told Jared last Saturday.
She meant them. Every bit of them.
She cared about Variant.
She can relate with papers.
Gusto niyang magkaroon ng papel sa mundong ito.
Does that even make any sense?
Nalagpasan na niya ang mga nagso-sort ng notebook at papel.
I’ve always known what I want to do. But no one is giving me a chance to do it. Sadness passed by her eyes. No one trusts me. Even my own family…
Nalagpasan siya ng isa sa mga empleyadong may tulak-tulak na malaking cart. Maingat ito sa pagtulak para hindi mabuwal ang pagkakapatong-patong doon ng mga papel at notebook na dadalhin sa storage. Dinidiretso agad doon ang mga produkto para hindi marumihan.
She turned and surveyed the whole production area with her eyes. Everytime she does this, a small hopeful smile is to hard to suppress.
Naalala niya ang Belgium…
It was the morning after that day when Jared offered her a house to stay in.
Nakahanap na ako ng lilipatan. Tanong-tanong na lang ako tungkol sa money-changer. Thanks for your help.
-Lily
Nang masulat iyon sa sticky note, umalis siya sa pagkakaluhod sa carpet. Binalik ni Lily ang ballpen at sticky note pad sa pinagkuhanan bago dinikit ang sulat niya sa noo ng lalaki.
Sa noo na lang niya dinikit para mapansin agad nito. Sinigurado rin niyang hindi maiistorbo ang tulog nito.
Nang makapag-ayos na ng mga gamit sa nilipatang apartment, sinilip siya roon ng land lady. The blonde-haired woman gave her a small, charming smile. Sa hindi malamang dahilan, masyado itong masaya na may bagong salta sa apartment nito.
“Have you toured around Antwerp already?” kumusta nito habang nakasilip sa pinto.
Tinatapos na lang ni Lily ang pagsalansan ng mga maleta sa wooden cabinet.
“Not really,” she faked a laugh, making her voice sound strained.
“Platin-Moretus Museum is close here,” suhestiyon niyo. “You can visit that one. It has the oldest surviving printing machine there.”
Napukaw niyon ang kanyang atensyon. Humarap si Lily sa direksyon ng kausap.
“Printing machine?”
“Oh,” napaisip ito saglit,” how do I English this… printing press? Not really a machine with all the electrical things.”
Her smile widened. Unang pumasok sa kanyang isip ang Variant, ang naglalakihang printing machines sa production area ng kompanya.
“I like that idea. After breakfast, I’ll check it out!”
And so she did. She found herself standing in the courtyard of the museum after touring around the library and exhibits within the premises.
Patay ang kulay ng batong gusali na noon daw ay isang printing company. Nagkalat ang makapal na mga puno't halamanan, gumagapang ang ilan sa pader ng establisyemento. Nilabas ni Lily ang smartphone para kunan ang gusali ng litrato.
“Belgium na naman?”
Gulat na napakurap si Lily at inalis sa mga printing machine ang tingin. Sa bandang kanan, nakatayo na pala sa kanyang harapan si Paula.
Knowing it was Paula, Lily was relieved. Nakuha na niyang ngitian ang katrabaho. Dismayadong napailing lang ito sa kanya, minasahe saglit ang kaliwang sentido bago binaba ang kamay.
“How did you know?” sagot ni Lily sa tinuran nito.
“Ilang beses na kita noon nahuhuling nakatulala sa oras ng trabaho. Lagi mong dinadahilan, Belgium, kaya alam ko na ‘yang hitsura mong ganyan.”
Lily lowered her head and snickered. Umayos din siya kaagad.
“Do you know why I like you, Paula?” tanaw niya ulit sa mga empleyadong abala sa production at mga makinarya. “Because you always remember, even the littlest thing about me.”
Paula just gave her a bored look. “Paanong hindi? Eh, daig ko pa ang yaya mo. Pagkakatanda ko, sinuswelduhan ako rito bilang HR Staff.”
“And yet, you’re still working here,” lapad ng kanyang ngiti. “Pinagtitiyagaan mo ako.”
Napailing lang ito. Magsasalita sana pero naunahan niya.
“Kung tutuusin, pwede ka nang maging HR Head. Magfo-forty ka na, ‘di ba?”
Pinandilatan siya nito. “Ano’ng forty? Thirty-five pa lang ako!”
Sinalubong niya ang tingin ni Paula ng may kasamang ngisi.
“Bumalik na nga tayo sa office. Hinahanap ka na naman ni Miss Jackie!” tumalikod agad ito, nagpatiuna ng lakad kaya humabol si Lily para masabayan ito.
“Sa susunod talaga, ipapa-pager na lang kita,” nahuli niyang bulong-bulong nito.
“You always say that,” taas-noong diretso niya ng tingin sa harap. Malaki ang ngiti. Nanunukso ang tono.
Nang makabalik sa department nila, dumiretso si Lily sa opisina ni Miss Jackie.
“Gusto kang kausapin ni Sir Basil,” sagot nito nang tanungin niya kung bakit pinapahanap siya nito.
“Why didn’t he just call—”
“Naka-hang na naman ang phone mo sa desk,” mahigpit nitong wika.
Lily caught the way Miss Jackie looked at her. So condescending. And the HR Head wasn’t even embarrassed to make that obvious. Hindi naman niya masisisi kung punong-puno na si Miss Jackie sa kanya.
I was talking about my smartphone but never mind, Lily pocketed her hands on her jean’s front pockets and side eyed.
“I’ll go to him now,” matabang niyang paalam dito.
Ni hindi na hinintay pa ni Lily ang isasagot ng babae. Lumabas siya agad sa opisina nito.
.
.
“SO, HOW'S YOUR DAY?” Beta beamed at Lily.
Tinawagan siya kanina ng matalik na kaibigan. Nagyaya mag-mall. Siyempre, um-oo siya agad. Kaya heto silang dalawa at magkatabing binabagtas ang tiled na sahig ng mall na madalas nilang pasyalan.
As usual, they also went to the mall when nearing its closing hours. Sa ganitong oras kasi may mga sale at mas kaunti ang tao.
She let out a dramatic sigh. “Excited for the weekend already.”
Natatawang nagtaas ang kaibigan ng isang kilay. “Excited? Eh, parang wala kang kagana-gana!”
She pursed her lips. “Boring lang.”
Dahil hanggang ngayon, hindi pa nagpaparamdam ang Jared na ‘yon!
Beta checked her small, glossy red arm bag. Tumatapik sa sahig ang high heels nitong itim. She looked sleek in her neat top-knotted hair and a black Brixton Reformation dress. Dahil wala na sa opisina, hindi na suot ni Lily ang cardigan. She walked freely in the mall with her pink tube top on, exposing her smooth arms and shoulders.
“Well, choice mo namang mag-stay sa Variant.”
Hindi siya sumagot. Naghahanap na ang mga mata niya sa bawat nag gagandahang window displays ng mabibili.
“Ano nga pala ulit ang bibilhin mo?” lingon niya kay Beta.
“A dress,” naghahanap na rin ang mga mata nito. “I’m expecting, you’ll invite me on your birthday celebration.”
“Geez,” napailing siya. “You always remember!”
“Naka-set pa nga ‘yong alarm sa cellphone ko,” pagbibida ni Beta.
“Wow, nakaka-touch,” natatawang pakikipagbiruan niya rito.
“So, where are we celebrating?” natatawang tanong nito.
Her eyes narrowed. May namumuo kasing ideya sa isip niya.
Naalala rin niya ang pag-uusap nila ni Jared nung Linggo ng umaga…
“I want sex. You want stress relief… So don’t worry about anything. Don’t be suspicious!”
Walang kamalay-malay si Jared noon na labas sa ilong ang mga sinabing iyon ni Lily.
Of course, I only said those para hindi niya ako iwasan. I am going to get you back no matter what, Jared. I have more tricks up my sleeve.
She immediately turned to Beta. “Remember my membership at The Org?”
Nagsalubong ang mga kilay nito, nanatiling tahimik para magpatuloy siya.
“I’m a VIP. Kasama sa binayaran ko ‘yong option na i-reserve ang buong club sa birthday ko.”
“So, that’s how you want to celebrate your birthday?” naguguluhan nitong paninigurado.
She nodded.
Nagpatuloy sila sa paglakad at tingin-tingin ng mga window displays.
“Are you sure? Because I know you, Lily. You’ve never thrown a huge birthday party before—”
“Exactly!” lingon niya ulit sa kaibigan. “That’s why this year, I want something different. I want a big party. Open pa rin ‘yong club, invited lahat ng members sa birthday ko. Even you and Walter!”
Bumagal ang lakad ni Beta. “I don’t really know…”
Hinarang ito ni Lily. “May pangit ba sa idea ko?”
Pinarangka siya nito. “Remind ko lang, nag-iiwasan tayo sa The Org kasi ang awkward kung masusubaybayan ko, ng mismong mga mata ko ang sex life mo. It’s just…” her friend stared into her eyes, made strong by her honesty, “…awkward.”
Lily sighed. Namewang siya gamit ang dalawang kamay.
“There’s only going to be some sexy games there. It’s not like, you’ll see me in action.”
“Pero alam mo na parte ng birthday program sa The Org ‘yong Seven Minutes in Heaven.”
Parang balewala lang ‘yon kay Lily. “I know. Bubunot ng isang random keycard sa isang glass bowl. Ikukulong ‘yong birthday celebrant sa kwarto kung para saan ‘yong keycard. Seven minutes siya d’on kasama ‘yong mapipili niyang makasama—"
“At aware ka na posible mong mabunot d’on ‘yong exibition room?” mataray na saad ni Beta.
Napalunok si Lily.
Exhibition room… Iyon ang natatanging silid na para sa mga exhibitionists. Salamin ang isang pader niyon kung saan tanaw ng nasa kwarto ang mga nasa dance floor. Lahat ng anggulo ng milagro na nagaganap doon ay kitang-kita sa malaking LCD screen sa main floor ng The Org.
As much as she was scared of that idea, a rush of thrill suddenly came gushing in.
How would Jared react if he sees her go in that room with another man?
Stressed for sure.
So stressed, he’d probably go hardcore on her…
Napangiti si Lily sa naisip.
I hope this works.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro