Chapter Twenty-One
“NAPAPAYAG MO SIYA?” kunot-noo ni Miss Jackie nang i-update ni Lily tungkol sa pagpayag ni Jared ma-reappoint na psychologist para sa gaganaping team building.
“Of course,” she smiled proudly, sitting with her lower legs crossed on one of the visitor chairs.
Her figure outstretched in that relaxed position, looking her best in a short, white asymmetrical skirt that matched her white high-necked knot crop top. Komportableng tinukod niya ang siko sa armrest niyon para makapa ng mga daliri ang dulo ng kanyang maikling buhok.
“Why?” nakangiti pa rin siya. “Is it hard to believe that I can change his mind, Miss Jackie?”
She got no big reaction from the HR Head. “What’s hard to believe is that you’ll even try.”
Nabawasan ang laki ng ngiti niya. Kahit nakakurba pa rin kahit papaano ang mga labi, nawalan na ng sigla ang mga mata niya.
“Lahat naman kami rito, aware sa hindi mo pagkakasundo sa iyong mga kapatid.”
“Is it part of your job to start this topic?”
Nagpasensya lang ito. Hindi makikitaan ng bahid man lang ng galit o pagka-irita ang mukha nito.
“Sana, wala kang binanggit kay Mr. Guillermo na ikasisira ng Variant.”
Nawala ang kanyang ngiti. “Do you think, mapapabalik ko siya ulit dito kung may binanggit ako?”
“Bakit hindi? Trabaho niyang lumutas ng mga problema. Baka may nasabi kang…” nagtaas ito ng isang kilay, “… interesting.”
Lily scoffed. “Gusto mo lang yata malaman kung paano ko siya nakumbinsi.”
Naghihintay na tingin lang ang sinagot doon ni Miss Jackie.
Hay, sabi na nga ba. Tumuwid na siya sa pagkakaupo, inalis ang pagkakaekis ng mga binti. “Let’s just say, alam ko kung bakit umatras siya sa offer ninyo. Kaya…” she looked away from Miss Jackie and smiled knowingly, “…alam ko, kung paano siya pababalikin.”
“You mean to say, alam mong tinanggihan ni Mr. Guillermo ang offer dahil may concern siya regarding sa consent?”
Consent? Pinagtakpan ni Lily ang pagkabigla. She just smiled at Miss Jackie as if she was expecting that from her. Her discomfort grew as the silence between them stretched.
“Yes,” she finally said, noticing that the HR Head was waiting for her response.
“At paano mo siya nakumbinsi tungkol doon? Kasi, kung sinabi mong susundin natin ang gusto niya—” the woman leaned closer to her desk to give her eyes a closer look, “—hindi iyon mangyayari, Miss Lily.”
This time, her irritation showed. Unti-unti na kasing nagliliwanag sa kanya ang lahat.
“Honestly, I lied. Hindi ko alam na sa consent ang concern ni Jared,” aniya. “Hindi niya rin binanggit. Now I know, and it came exactly from your mouth, Miss Jackie. Na walang kamuwang-nuwang pala ang mga empleyadong a-attend ng team building na may maga-assess na psychologist sa kanila.”
Hindi natinag ang kanyang kausap. Nagpakatatag pero nasa pagkapirmi nito sa kinauupuan at bahagyang pamimilog ng mga mata ang pahiwatig sa tunay nitong reaksyon.
“You see, Miss Lily, nagsimula ito sa paninira sa atin. Sa nag post sa social media tungkol sa mga kalakaran sa loob mismo ng Variant.”
“Kaya naisip ninyo, makakatulong i-assess psychologically ang mga empleyado rito nang walang pahintulot nila?”
“If we will inform them about this, they will be on their guard, Miss Lily. Wala tayong mapapala. This is an investigation on our part as HR. Dahil pagkakamali natin ang ma-miscalculate ang mga taong pinapasok ng department natin sa kumpanyang ito.”
She just could not believe this woman. Napailing na lang siya.
“You meant to say, na dapat pala, sinisigurado nating mga sipsip sa company ang pinapasok dito?”
Nag-anino ang mukha ng babae. “Hindi ka talaga concerned sa kumpanyang ito.”
“At masyado ka namang concerned, na para bang ikaw ang magiging tagapagmana nitong Variant,” arogante niyang banat pabalik dito.
Miss Jackie’s lips tightened. They slightly quivered, wanting to get back at her. Pero naunahan na ito ng pag-compose sa sarili. Tumuwid na lang ito ng upo at hinarap ang naka-stand by na desktop computer.
“Malalaman ko rin kung ano ang kumumbinsi kay Mr. Guillermo. Magse-set na ako ng meeting namin. Thank you,” taboy nito habang nasa monitor na ang tingin.
Lily let her frustration be known by sighing loudly. She tapped the heel of her left nude-colored sling-back Christian Louboutin pumps before standing up.
.
.
JARED WAS STILL SORTING THE FILES ON HIS TABLE. Karamiha’y mga records na naka-brown envelope na balak niyang reviewhin. Ang mga client na iyon kasi ang may naka-schedule na appointment para sa kanya sa darating na weekend. Kapansin-pansin na pahalang at hindi patayo ang pagkakalapag ng brown envelope na nasa pinakadulo ng pagkakapatong-patong ng mga iyon. Itse-tsek na niya sana nang marinig ang pag vibrate ng smartphone sa gilid ng kanyang desk.
Nang silipin ang screen, nakita niya ang pangalan ni Lily.
He felt his heart thump at the very realization that she was calling him. Something stirred him. Jared could feel it at the very pit of his stomach.
No, tigil niya sa akmang pagdampot sa cellphone. He stared at the screen. Ala-una na ng hapon.
Binawi niya ang kamay.
Nangako kang titigilan mo na ako. Bakit tinatawagan mo pa ako? gusot ng kanyang mukha.
Bumalik si Jared sa pag asikaso ng mga brown envelope. Pero dahil sa interupsyon na ‘yon, hindi na matanggal-tanggal sa isip niya ang babae. Random memories kept playing at the back of his mind in the middle of sorting the brown envelopes. Sinikap naman niyang ignorahin pero habang lalong iniiwasan, siyang pangungulit ng mga alaalang iyon.
Parang si Lily mismo. Kahit anong taboy niya sa dalaga, magsusumiksik ito.
Ano naman kung single siya ngayon? Panindigan mo na ayaw mo na, sermon ni Jared sa sarili. That you don’t want anything that has to do with her. That is… the right thing to do.
He inhaled sharply through his mouth. Naalala niya ang pag-uusap nila ni Walter at Beta nitong nakaraan.
Beta answered in one breath. “Jared, she really wants to have sex with you.”
He just could not believe the guts of that woman. Na para bang candy lang ang sex na hinihingi nito. Nakisuyo pa talaga sa mga kaibigan nito?
She’s so damn unbelievable.
He remained composed, contrasting the shock on Walter’s face.
“I am just saying this to give you a heads-up. You are not obliged to have sex with her.”
“I don’t think that’s what she really wants from me,” tanaw ni Jared sa kawalan, inaalala ang maamong mukha ni Lily. She’s just involving sex here to get my attention. He continued. “May gusto ba siyang pagselosin? Is she using me to get someone else’s attention?”
Beta shook her head. “What do you mean someone?”
“A love interest,” he remained still and unfazed. “A lover. A boyfriend. A husband.”
“Wala n’on si Lily.”
He hid his reaction. Pero hindi niya maikaila noon ang gulat.
Wala? Walang karelasyon si Lily?
“It’s her rule, Doc Jared,” patuloy ni Beta. “Para malaya siyang maka—” Beta chose a better term. “Makalabas-masok sa The Org. She didn’t make herself exclusive to anyone.”
His eyes narrowed. Then… what happened to Oliver?
Sinarili na lang ni Jared ang tanong.
“I think she just really wants to try it with you. ‘Yong kaibigan kong iyon, masyadong adventurous, eh. Masyadong curious pagdating sa sex. I think she just wants to know her sexuality better, pag-aralan ‘yon. I am not really sure, kasi nakakahiya namang tanungin ko siya about it.”
“And you think she’s okay with you sharing these to me?”
“Oo naman. That’s how she wants me to explain this, kapag daw may kakilala kaming naka-discover sa pagdadalas niya rito sa The Org,” ngiti ni Beta.
Nang makita ang pangalan ni Lily sa pinakadulong envelope, napabuntong-hininga na lang siya.
Akala siguro ni Heidi, nahulog lang sa trash bin ‘to, itatapon na niya iyon sana nang maalala ang posibleng laman niyon.
He pulled out the information sheet inside that envelope. Dala ng emosyon nung tinapon niya iyon, kaya nakalimutan ang laman ng envelope. Confidential document ang information sheet, kaya ishe-shredder na lang niya. Tutal, nagkalinawan na naman sila ni Lily nung huli nilang sex sa The Org. Kahit sa mismong opisina niya, hindi na manggugulo pa ang babae.
Pero hindi niya naihakbang ang mga paa nang mapasadahan ng tingin ang information sheet.
Naroon ang pangunahing mga detalye tungkol kay Lily tulad ng contact information, brief medical history at concerns para mag-udyok sa kliyente na magpa-appointment sa psychologist.
Pagdating sa concerns, may kalakip na intriga ang sinulat doon ng babae.
Ask my brother Basil Mars Marlon.
Nagsalubong ang mga kilay ni Jared. Naalala niyang ang Presidente ng Variant nga pala ang nanghingi ng kanyang business card nung nag-meeting sila.
“Thanks.” Jared remembered Basil’s light voice. “I want your business card because I am going to recommend you to someone I know.”
Nung mga panahong iyon, inisip ni Jared na ginawa lang iyon ni Basil para makuha lalo ang loob niya. Para pagandahin ang imahe nito sa kanya dahil magiging magkatrabaho sila kahit hindi direktahan.
He recommended me to Lily. He didn’t want to feel this way but it already got ahead of him.
Nag-alala siya.
Binalik niya ang tingin sa hawak na papel. Why would Lily need a psychologist?
.
.
NAKAHINTO ANG SASAKYAN NI LILY. Nasa open-space parking ito ng isang coffee shop malapit sa opisina ni Jared. Overbreak na siya pero dahil wala siyang pakialam sa ikaiinit ng ulo ng mga kapatid, walang katiting ng pagmamadali ang makikita sa kanya.
She frowned upon seeing another one of her calls unanswered by Jared.
Kainis naman. Napag-iiwanan ako sa mga ganap sa Variant, sapo niya sa gilid ng ulo habang napapatitig ng blangko sa bintana sa kanyang harapan.
Her car faced the coffee shop located across the street.
Kung hindi lang ako nangako, sinugod ko na ang lalaking ‘yon sa office niya, eh. Kung wala siya r’on, kukulitin ko sila Beta kung ano ang home address ni Jared tapos—
Her phone began ringing. Dinampot niya agad iyon sa dashboard. As she cradled it with two hands, her face brightened at the sight of Jared’s name on the screen.
“Fuck, Jared, ano ba ang pinagkakaabalahan mo at ngayon mo lang ako kakausapin?” bulalas ni Lily sa sarili bago sinagot ang tawag. She even flipped her hair back, put a chin up and made her tone aloof as she spoke to him. “Hello, Jared.”
Nabasa ko ang mga text mo. Nasa may coffee shop ka pa rin ba?
Pigil niya ang paghinga. “Yes, Jared.”
Let’s meet there.
“God!” pagod niyang ungol at napasandal sa kinauupuan. Her other hand reached for the steering wheel and caressed it. “Ang tagal-tagal mong sumagot sa calls ko!”
Sorry. Ayoko lang ng istorbo sa trabaho ko.
“Akala ko ba, weekends ka may clients?”
Yes. Kasi ginugugol ko ang weekdays sa pag-review sa records ng clients ko. See you at the coffee shop in… he checked his wrist watch. Ten minutes.
Napalabi siya. “Ten minutes? Eh, ang lapit lang ng office mo!”
I’m walking.
“Where are you? In Belgium? Sunduin na lang—”
Mauna ka na sa coffee shop. Save us a seat.
Yes, that’s a good idea. Sumuko na lang siya.
“Alright.”
Bye.
Nalungkot siya kasi sa isang simpleng bye lang nagtapos ang phone call.
Lumabas na rin siya ng kotse at ginawa ang bilin nito. Lily kept checking herself in the front camera of her smartphone, consciously combing her blonde-dyed hair. Considering if she should go full blonde by snipping off the pink tips of her hair. She pouted her pink lipsticked lips. Medyo napuputlaan siya sa malamig na pink-shade niyon. Kaya lang, natatakot siyang magretouch sa banyo at baka magkasalisihan sila ni Jared.
So, she sat there and waited.
And the wait was worth it.
Jared arrived and as he got closer, this view of him became clearer. He has the looks of an aged-to-perfection type of man— dark green collared shirt which fitted his rock-hard body so good, tucked in his sexy narrow pair of jeans and his dark tousled hair. The way his dark hooded eyes stared at her. Mas nakakabuhay ng dugo ang mga titig nito kaysa sa amoy ng kape na kumakalat sa buong café.
Napatuwid si Lily ng pagkakaupo, mas lumuwag ang pagkakangiti sa binata.
He looked stoic, pulled a chair for himself and sat across her on that small round-shaped table.
“Nag lunch ka na ba?” masigla niyang tanong dito. “We can go somewhere else if you need to.”
“Lily,” lapag nito ng dalang cellphone sa mesa, “sabi mo may tanong ka regarding sa offer ng Variant sa akin?”
Kainis naman. Magaling talaga ang lalaki magdala sa usapan sa gusto nitong patunguhan niyon. Now that he asked something about Variant, she had no choice but to focus on that topic. Lalo na at nangako na siyang hindi kukulitin ang lalaki.
Be consistent, Lily. Be consistent… cheer niya sa sarili.
Lily successfully recollected herself. “Oo. Bakit hindi mo nabanggit sa akin na consent ng employees ang concern mo? Na ‘yon ang reason talaga para tanggihan mo ang offer ng Variant?”
He stared at her for a while. An are you kidding me? type. But his answer was calm.
“Dinahilan ko lang ‘yon. Hindi ba sinabi ko na sa’yo? Ikaw ang dahilan kaya tinanggihan ko ang offer.”
“Pero… mali rin naman ‘yong nirerequest nila, ‘di ba? Walang alam ang mga a-attend sa team building na… may psychologist na mag-a-assess sa kanila—”
“You see, Lily,” he spoke in a matter-of-factly tone, “ginagawa ito ng kompanya ninyo dahil may nananabotahe mula sa loob ng kompanya ninyo. Gusto nila malaman kung sino nang walang nakakahalata sa mga empleyado ninyo.”
“And how is a psychologist able to… solve that?”
“A psychologist should be able to. Isa iyon sa specialties namin, ang maga-assess ng mga tao base sa behavior nila.” Sumandal ito sa kinauupuan. “Trabaho talaga ito ng HR Department, Lily. Pero may ideya na ako kung bakit sa isang outsourced na psychologist ito pinapatrabaho ng kapatid mo.”
Kinabahan siya. Hinanda niya muna ang sarili habang hindi maputol-putol ang pagtititigan ng mga mata nila ni Jared.
“Bakit?” lakas-loob niyang tanong sa wakas.
“Because he doesn’t trust anyone. Even you.”
Hindi niya inalis ang mga mata sa pakikipagtitigan kay Jared. She even didn’t know that a pained smile already flitted so small at the quivering right corner of her lips.
“Pero… ang HR Department ang unang makakaalam ng results ng assessment mo, ‘di ba?”
“How sure are you?” hilig ng ulo nito. “Pwede kayong unahan ni Basil sa results.”
“Why is my brother obsessed? Fired na ‘yong employee na nag-post ng paninira tungkol sa Variant!”
“How sure are you?”
Hindi na siya makasagot. They soaked in a moment of uncomfortable silence before Jared began.
“May mga companies na nagha-hire ng psychologists bilang HR specialist. They work hand-in-hand with the HR staff when it comes to hiring, assessing applicants and employees, making and executing programs and trainings, as well as solving conflicts. Especially conflicts between the owners and the employees.” Now he leaned against the table and rested his arms and elbows there, bringing his face closer to her view. His gaze pulled her deeper into him so hypnotizingly that all that’s left for Lily to do is just pay attention to Jared. “And that’s the kind of thing I’ll be doing for Variant. I’ll solve the conflict.”
“Hindi mo pa rin napapaliwanag ‘yong tungkol sa nagkalat ng paninira sa company namin online,” her voice was softened by perplexity.
“Hindi basta-basta naniniwala si Basil sa post. Posibleng sinabi lang sa post ng dummy account na ‘yon na tanggal na siya sa Variant pero ang totoo… nasa loob pa rin ng company niyo ang may kagagawan niyon.”
She crossed her arm. Napasandal na lang si Lily sa backrest ng upuan.
“I still think this is just about my family’s obsession with their self-image. Lahat naman ng negosyo, kung tutuusin, may nararanasang mga paninira online. Bakit hindi na lang palipasin ‘to ni Kuya Basil?” Lily looked away.
“This is not showbiz, Lily,” seryosong nakatitig pa rin sa kanya si Jared. “Variant's issue is not like having bashers that can be dealt with safely by just ignoring them. Posibleng nasa Variant pa ang nasa likod ng post na iyon. Kasi, ano ba ang magiging pakinabang ng post na ‘yon sa taong nasesante na? Nasesante kaya ibig sabihin, may mabago man sa mga pamamalakad ng Variant dahil sa pinost niya, hindi na niya mapapakinabangan iyon.”
She just shook her head. Unconvinced. Hindi ba pwedeng walang pakialam ang nag-post niyon sa makukuhang pakinabang? Na nagpost lang ito para maglabas ng saloobin laban sa Variant? Ganoon na naman ang karamihan sa mga netizens ngayon ‘di ba? Ginagawang labasan ng saloobin ang internet kahit hindi pinag-iisipan? What matters to most of them is to just release their baggage out there to feel better?
“Seryoso ‘yong mga paratang na nasa post na ‘yon. Lumalabag ang ilan sa Labor Code. Punishable by law ‘yon. Kaya big deal talaga ‘yon sa kapatid mo.” Gumusot lalo ang mukha nito, na hindi niya alam dahil nakatingin lang si Lily sa labas ng katabing glass wall.
She just needed to look away from Jared. To get a little relief from this heavy feeling the truth was giving her by taking a look at the view outside.
Her escapism lurking in once more...
“Nasa HR Department ka, dapat aware ka sa nilalaman ng Labor Code, sa mga regulations ng DOLE—” Jared sighed in frustration, instinctively reached for her arm. “Pwede ba, kapag kinakausap ka, tumingin ka—”
Mabilis niya itong hinarap, sinalubong ng mga mata ang matalim nitong mga titig.
In that moment both of them froze, fell in silence as their gazes connected.
She just could not explain it, why she was cowering even at the slightest thunder in his voice.
“Sinabi mo na isa ako sa mga hindi pinagkakatiwalaan ni Basil,” she gently spoke, breaking the intimate gazing spell between them. “So, why are you telling me all the information?”
“You sacrificing every chance you can get to fuck me for the sake of your siblings and your family’s company?” paglambot ng mga mata nito sa kanya. “You valued something more than your own pleasure. And whatever it is, it just means it is that one thing you wouldn’t want to lose. Kaya naniniwala akong, wala kang kinalaman doon.”
She chose to play it cool. “Hindi mo man lang ba aalamin kung bakit… naghahabol ako sa’yo?”
Nawala na ang anumang paglambot ng tingin nito. They grew dark and fierce once more.
“Kapag tinanong ko ba sa’yo, will you tell me the truth?” matamang titig ng binata sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot.
“Then, there’s the answer why I don’t want to ask the reason, Lily,” mayabang nitong ngisi sa kanya. “Because you won’t tell me anyway.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro