Chapter Thirty-Two
UMASA SIYANG EPEKTO LANG ITO NG ALAK. Huli na ang tangka ng dalawang lalaki, hindi napigilan ng mga ito ang paglapit ng babaeng naka-hoodie sa kanya.
Through the dim, yellow lighting of the yard, Lily finally managed to make out the woman's face. Underneath the shadow made by the hood of her jacket, she recognized the soft, innocent eyes of that beautiful face.
The last time Lily saw those beautiful eyes was on that one night.
That night when those eyes were shedding regretful tears.
"Celeste?" nag-aalangang ngiti sa kanya ng babae. "I'm Nena..."
And this woman had the audacity to give her that remember me? look.
Her usual defense is to escape, to run away. But it must be the wine that made her freeze in her place, her knees close to getting wobbly. Lily could feel her body starting to softly tremble in rage, in resentment.
Napatitig lang siya sa mukha ng babae, nanlambot ang kanyang kamay kaya dumulas ang wine glass mula sa kanyang pagkakahawak.
"Shit," she heard Jared mutter as he got close to them.
Nakasunod kay Jared ang lalaking hanggang-balikat ang itim na buhok. Maagap nitong hinawakan sa mga balikat si Nena, inusog paatras para maiwasan ang kumalat na bubog ng wine glass. Huli na nang mapansin ni Lily ang pagyuko ni Jared para buhatin siya. One hand wrapped around her waists as he gave her a lift, the other arm hooked up the back of her knees.
Ipit ng bago nilang posisyon ang kanyang mga braso. Lutang niyang nilingon ang lalaki.
"Bakit sumunod ka pa rito sa labas?" nag-aalala nitong salubong sa kanyang wala sa sariling titig dito.
"W-What is she doing here?" patungkol niya kay Nena.
Pinukol lang ni Jared ang tingin sa dalawa. "Doon na tayo sa loob mag-usap. Mag-ingat kayo sa bubog."
The long-haired man gave Jared a nod before facing Nena. Hindi niya narinig ang pinag-usapan ng dalawa, lalo na't tumalikod sila ni Jared. Buhat pa rin siya ng lalaki pabalik sa loob ng bahay.
"Bakit kailangan mo pa akong buhatin?" matamlay niyang tanong nang unti-unting kumalma ang manginig-nginig niyang kalamnan.
"Nakapaa ka lang," simple nitong sagot bago siya nilapag paupo sa sofa.
Jared knelt down and picked up one of her feet after another. He gently caressed them with the gentle strokes of his fingers. He checked her feet in every angle possible, dusted them off a bit to get a clear view of her skin.
She heard his sigh of relief before lifting his worried eyes on her.
"Bakit ka sumunod sa labas?"
Sinagot niya ito agad. Ni hindi na iyon napag-isipan pa. "Nagtaka lang ako. Bakit ganitong oras na, may nagpupunta pa rin dito sa bahay mo."
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Are you afraid that it's some other woman?"
"Oo," walang gatol niyang sagot.
Inalis ni Lily ang kaliwang paa mula sa pagkakahawak ni Jared. She stroked her feet lovingly on his shoulder, down to his upper arm.
"Bakit ka matatakot? I have no history of two-timing anyone."
"Two-timing... So does it mean... I'm the only one right now?"
He pulled a small smile. "Yes."
"Then, say you love me already," nanghihinang sandal niya sa backrest ng sofa. Medyo nakahiga na siya sa posisyong iyon habang pinagmamasdan ang lalaki.
"Kuya," pagitan ng boses ng lalaking kasama ni Nena. Kapwa nakarating na ang mga ito sa salas.
Lily could not help glancing at the two. The long-haired man wore a pair of black, drawstring jogging pants with a pale gray shirt on. The clothes hugged his fit body. Naibaba naman ni Nena ang hood na nasa ulo nito kanina. Kitang-kita na sa wakas ni Lily ang maamong bilugang mukha ng babae, ang lagpas-balikat nitong buhok— unat, itim at mababa ang pagkakatali. Nena has an hour glass, petite and voluptuous figure made more feminine by the yellow flowery dress underneath her oversized gray hoodie.
The pain returned once Lily confirmed that it was really her.
It was really Nena standing there.
"Sandali lang," paalam ni Jared sa kanya.
Tumayo ito at hinarap ang dalawa. "Have a seat, Nena."
Tahimik itong tumango at sinadyang makihati sa kanya sa sofa. Maliit na espasyo lang ang iniwan nito sa pagitan nila.
Jared faced the man. "Clint, bakit alanganing oras na, bumiyahe pa kayo ng asawa mo rito?"
Nakatulala lang si Lily sa dalawang lalaki. Walang pakialam ang lasing niyang isip kung halatang-halata masyado ang pakikiusyoso niya sa mga ito.
"Sinabi ko na sa'yo kanina. It's an emergency," pamewang nito.
"Kailangan ko ng specific na dahilan kung anong emergency ang tinutukoy mo," pamewang din ni Jared sa kausap.
Sa pagkakapamewang pa lang ng dalawang lalaki, kitang-kita na nagdodominantehan na ang mga ito.
Clint's eyes darted shortly towards them. Then, back to Jared.
"Can we talk about it somewhere private?" he was caught in between trying to be firm and going through a desperate frustration.
"Saan naman 'yon?" singit niya kaya napalingon ang mga ito sa kanya. "How private is that? Na kahit asawa mo, hindi pwedeng marinig iyang sinasabi mo?"
"It's not about my wife's presence," Clint narrowed his eyes at her.
Lily groaned. "Oh, great. Sorry." She sounded sarcastic, but she was really bitter. The more she felt no sense of belonging once Clint pointed out the inconvenience of her presence for them. Medyo gumewang siya pero natuloy pa rin ang tangkang tumayo. "I'm leaving then—"
"You can trust Lily, Clint," mahigpit na wika ni Jared.
Natigilan tuloy siya. Napatanga at blangkong napatitig sa carpeted na sahig.
You can trust Lily...
You can trust Lily...
You can trust Lily...
Her misty eyes pointed toward Jared.
How could he say that about the person who ghosted him? That she could be trusted?
"Lily," tawag sa kanya ni Nena sa mahinang boses kaya napalingon siya rito.
Nena was already tapping the space beside her. Nag-iimbita itong umupo siya sa tabi nito.
Malamig niyang iniwas agad ang tingin dito. "I'll get more wine. Doon na lang muna ako sa kusina," paalam niya kay Jared.
Hindi nakaimik kahit isa sa mga ito habang tinatanaw ang kanyang pag-alis.
.
.
JARED RESISTED THE URGE TO FACE PALM. Minsan talaga walang preno ang bibig ng kanyang kapatid na si Clint. Hindi nakapagtataka na sa kanilang magkapatid, si Clint ang madalas nasusunod sa mga kagustuhan nito. Mula sa pagkontra nito sa kanilang mga magulang sa kursong kukunin. Their parents wanted doctors, Clint insisted on being a lawyer. Clint fought for his independence since he was eighteen. Clint was not held back by their parents' approval nor choice of woman for him to marry.
No wonder, Clint had the audacity to label him as his goody-two-shoes brother.
"Clint," talim ng mga mata niya sa kapatid. "You just barged in here. How dare you talk to Lily that way."
"I don't like her tone," depensa nito.
"She's tipsy," he hissed.
Tumayo si Nena mula sa kinauupuan. "I'll just check on her."
Hindi na rin hinintay ng babae ang pagpayag nilang dalawa. Hinanap na nito si Lily.
Napabuntong-hininga na lang tuloy siya. "I bet your wife will apologize to her on your behalf. But that doesn't mean you're exempted."
"Yeah, yeah. Sure. I'll apologize later." Minasahe ng mga daliri ni Clint ang pagitan ng mga mata. "Look, Kuya. Just let us stay here for the night. Ngayon lang habang inaasikaso ko ang lilipatan namin ni Nena."
Bumalik siya sa pagpapamewang, bahagyang inihilig ang ulo at pinag-aralan ang pagod na mukha ni Clint. Nawala agad ang pagkalasing niya dahil sa nakakagulat na pagpunta ng mga ito sa kanyang bahay.
"Ano ba ang nangyari?"
"Nanonood ka pa rin naman siguro ng balita sa TV," simula ng paliwanag nito. "Dumarami na ang isolated cases regarding sa mga pinapatay na mga abogado."
Napangisi siya. "You've been in the game for years. Ngayon pa nabahag 'yang buntot mo?"
"Come on, Jared—"
"I mean, come on, Clint. Death threats ang almusal, tanghalian, merienda at hapunan mo sa propesyong iyan. What makes you so alarmed?"
"Si Nena," paghaplos ng takot sa seryoso nitong mukha. "Ang anak namin na dinadala niya."
Jared was glad he got the answer he expected from Clint. Mukhang seryoso na talaga ang malokong talilong kay Nena.
"So, where do you plan to go now?"
Pinapahaba talaga ni Jared ang usapan. That helps to slow things down. Slowing things down might also help calming a person, bringing him to his senses to realize things clearly. No wonder, people enjoy long conversations while getting drunk, or simply having desserts and coffee in a café.
"I really don't know where to go right now," amin ni Clint."Pinakaligtas na 'yong condo. Matao sa lugar na 'yon. Maraming tenants. Maraming security. Magkakalapit ang mga units. You can scream your lungs out just to get help. Kaya lang, may natanggap akong threat. Alam na alam nung taong 'yon kung saan sa condo ang unit namin ni Nena. That person even knows that my wife is pregnant."
Napailing siya. "To be honest, even if you can scream your lungs out there, there is a bigger probability that that won't get you help. Kadalasang nananaig ang takot sa mga tao, Clint. The moment you murder-scream for help, their tendency is to hide and protect themselves. Not to help."
"I know that possibility," buntong-hininga nito.
"It's Lily's birthday," swabeng misdirect niya sa kapatid. "Have some wine with us."
Gumusot ang mukha nito. "Who is this Lily anyway?"
"You figure," ngisi niya rito.
Patungo na si Jared sa kusina kaya sumunod sa kanya ang kapatid.
"Is she your new assistant?"
"Does she look like my assistant?"
"Not really but I know you. You're not very social personally. So ano mo siya? Assistant sa buhay? Kasi, hindi ka naman friendly, and for someone to manage to get in your house, especially, celebrate their birthday here?"
Jared chuckled lowly. "Now, don't be too loud. She might hear."
"So what? She's not born yesterday. Malamang halatang-halata na niyang patay na patay ka sa kanya."
Matalim ang sulyap niya sa kapatid. "Ah, just shut your mouth about this and just let me be."
"Let you be," he echoed. "Damn, when you say that line, what follows is you get into trouble," Clint groaned. "Remember the last time you said that? You suddenly sneaked out of the country. Nagtago sa Belgium."
"Stop acting like you're the big brother here," Jared stopped to face his younger brother.
Bagot itong sumagot, hindi magpapatalo. "Then stop acting like a kid."
"What kid?" nagsala-salabit ang mga kilay niya.
"Stop leaping without looking."
"It's called calculated risk."
"Says the guy who doesn't want me to take risks when it comes to pursuing Nena back then," then Clint flashed a teasing grin.
Nilapit niya ang mukha sa kapatid."Magkaiba tayo. Hindi ka pa aminado noon o ni siguradong mahal mo siya n'on. Ako, sigurado ako sa nararamdaman ko. I won't take a risk as big as betting my heart again just to lose.So, get lost. Huwag mo nang sirain ang mga diskarte ko."
At iniwan niya si Clint para mapuntahan agad sila Lily.
Napatitig saglit sa kanya ang kapatid, hindi makapaniwala ang rumehistrong reaksyon sa mukha nito bago nagmamadaling sinundan siya.
.
.
TULAD NG PAALAM NI LILY KAY JARED, pumunta siya sa kitchen para kumuha ng panibagong wine glass. Sinara niya ang cupboard nang makakuha ng bagong baso, binanlawan iyon bago nilapag sa counter. Namili siya ng bote mula sa wine rack at maingat na binuksan ang cap. She looked around for a corkscrew, having no idea where Jared kept one after using it earlier. Sa huli, pinagtiyagaan niyang kagatin ang cork paalis sa nguso ng bote. The outcome was unsightly. Mukhang nginatngat ang cork at hindi niya nahugot ng buo iyon. Tiniyaga niyang tinidorin na lang iyon.
Nagsasalin na siya ng red wine sa baso nang mapansing kanina pa pala siya pinapanood ni Nena. Mukhang hindi ito agad nakalapit dala ng pag aagam-agam. Her defiant eyes only lingered on Nena's soft gaze for a minute. Mas binigyan niya ng atensyon ang paglalagay ng laman sa kanyang baso.
"Gusto mo ring uminom?"
"I can't. Buntis ako," mahina nitong sagot.
Lily tipped up the bottle to stop pouring. Halos napuno niya ang baso ng red wine nang mataman iyong titigan.
Nena's already pregnant...
She felt a chill creeping all over her body.
Pregnant...
Nahigit niya ang paghinga. Kailangan, para mas kumalma siya at humaba ang pasensya.
Nakalapit na si Nena sa kabilang panig ng counter table.
"I'm sorry sa inakto ni Clint kanina," pagpapakumbaba nito. "Umaakto lang siya ng gan'on dahil nitong nakaraang mga araw pa nanganganib ang buhay namin. Hindi na niya malaman kung sino ang mapagkakatiwalaan at sino ang hindi."
Isinantabi ni Nena ang bote ng alak. Hindi niya masyadong diniin ang pagkakatakip ng sirang cork sa nguso niyon. Hindi rin niya sinalubong ang mga mata ni Nena.
"Eh, 'yong biglang pag-iwan mo sa akin sa ere? Hindi ka ba maga-apologize para d'on?" At nang matanong niya iyon, parang nakahugot siya ng lakas ng loob. She bravely met Nena's eyes with such fierceness as she waited for her reply.
Nena remained soft as she had always been. Her faint smile was apologetic as well.
"Lily..."
"Some kind of friend you are," matabang niyang simsim ng alak. Kaunti lang para tumikim muna. Lily liked the sweetness that prepared her taste buds to tame the bitter aftertaste.
"Lily, kinailangan ko lang talaga na mawalan ng communication noon sa inyo. Nalaman mo naman siguro na naglayas ako noon sa amin. Sakal na sakal na ako n'on sa mga magulang ko. Alam mo naman iyon, 'di ba? You were there when I cried and... ikaw lang ang napagsabihan ko noon nung tungkol kay Tristan—"
"I know. But what about me? Ikaw lang ba ang may problema sa mundong ito? I've been always there for you, Nena. I've been this person that you can cry out all your problems to. It has always been me, right? And where were you on that one moment that I needed you?"
Nalungkot na lang ang babae. Napatitig sa kanya at hindi malaman ang sasabihin.
She could clearly see guilt and shatteredness in Nena's misty eyes. Pero ayaw magpadala ni Lily sa ganoon. Sinabi na rin ng babae na buntis ito. Para kay Lily, anuman ang reaksyon nito ay posibleng hormonal lang. Meaning, how Nena felt right now was only intensified by her pregnancy.
Lily should not take it as it is.
Pero buntis ito... Fine. She decided to lift the weight a bit off Nena's shoulders. Mabawasan man lang ang guilt na nararamdaman nito.
"But don't worry," lapit niya ng baso sa mga labi habang nasa kausap ang mga mata, "I already found a new best friend. She doesn't just run away, Nena. She super honest and great and she really loves me."
Uminom siya ng alak. Hindi na siya nakatingin kay Nena, pero nginangatngat ng kaba ang kanyang puso habang patagal nang patagal ang katahimikan sa pagitan nila.
"I only cut you off, dahil ayokong madamay kayo ng family niyo sa galit ng mga magulang ko," malumanay nitong saad. "Lalo na't nung mga panahong iyon, nakadepende ang majority ng marketing campaigns ng kompanya ninyo sa advertising company namin."
Hindi siya tinalaban sa mga sinabing iyon ni Nena. It was so easy to make excuses when you didn't want to go the extra mile for a person. That's what Lily thinks.
"I am glad you found a new best friend," lapit ni Nena sa upuan ng counter. "Sana, makasama ako sa inyo sa pag-hang out. Pwede tayo mag-mall or mag-café."
Hindi niya alam ang isasagot doon. Sa totoo lang kasi, ayaw na niyang papasukin muli sa kanyang buhay si Nena...
Bigla siyang na-guilty. Come to think of it, she ghosted Jared and he still gave her a second chance to go back into his life. Kaya sino siya para pagkaitan si Nena kung gusto nitong makipagkaibigan ulit sa kanya?
"Ano nga pala ni Jared 'yong asawa mo?" iritable niyang tanong dito bago muling uminom.
"Si Clint? Magkapatid sila ni Jared."
Nasamid siya sa narinig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro