Chapter Thirty-Six
PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK NILA LILY SA HR DEPARTMENT, nagpatiuna si Jared. Ni hindi na ito nagpaalam pa sa kanya. Ni lingon wala. Bitbit pa nito ang cup ng kapeng hindi naubos. Huminto si Lily sa kalagitnaan ng silid at tinanaw ang pagdire-diretso nito sa cubicle kung nasaan ang desk ni Paula.
Lily narrowed her eyes as she just watched him.
I am not saying anything, Jared, pero nililista ko lahat ng pinaggagagawa mo kaya humanda ka sa weekend.
Mukhang wala nang pag-asa pang tatanawin siya ni Jared mula sa cubicle ni Paula. Lumiko si Lily at nilapag sa sariling desk ang pink na pouch at cup ng kape bago umupo sa swivel chair.
What is the right punishment for holding my hand without my permission? For just leaving without saying goodbye to your dome, Jared?
Leaving without saying goodbye... Her eyes grew sad, her mind clouded with deeper thoughts.
I'm the one who deserves to be punished.
Nakatulala pa siya nang mapakurap. May dumaan kasi sa tapat ng kanyang cubicle.
Sila Jared at Paula.
Napatayo siya mula sa kinauupuan.
Ano ba ang pag-uusapan ng dalawang iyon? At kailangan pa nilang pag-usapan 'yon sa ibang lugar?
Walang pagdadalawang-isip na dinampot niya ang pouch at palihim na sinundan ang dalawa. She kept hiding on every protruded parts of the walls, peeking to make sure they weren't aware before resuming on their tracks.
Hanggang sa pumasok ang mga ito sa isang gray na emergency exit door.
Nailapat ni Lily ang pouch sa kanyang dibdib.
You're so dead, Jared! How could you be so fucking naïve and let that Paula lure you in a place like that! Seriously? Emergency exit?
Nagpipigil na pumuwesto siya sa gilid ng pinid na pinto. May maliit na salaming bintana roon kaya sumilip siya. Pagkasilip, mabilis siyang nagtago ulit. Pinangunahan ng kaba.
Lily heaved deep breaths for courage before peeking again.
Kita niyang seryosong nag-uusap sa tapat ng hagdan pataas ang dalawa.
This won't do it. I can't hear a damn thing they're saying.
Halos mapa-squat na siya. She had to keep her head down while peeking at the bottom part of that glass window.
Kilalang-kilala niya ang ganoong reaksyon sa mukha ni Paula. Kalmado ang babae pero nagpipigil na ito ng galit.
Galit ba siya dahil hindi niya nasolo si Jared sa pagkakape kanina? Galit ba siya dahil tumuloy kami sa Starbucks kahit wala siya? Umusog siya ng kaunti sa bandang kanan para masilip ng mabuti ang mukha ni Jared. Sa unang posisyon niya kasi, mas kitang-kita ang mukha ni Paula kaysa kay Jared.
Lily's eyes reappeared at the bottom of the glass window.
Dapat lang. Magalit siya at maghanda siya. I've got more tricks up my sleeves, Paula. I don't care if I used to respect you. Jared is mine!
Napasinghap siya nang makita ang pagdidilim ng anyo ni Jared. All throughout the conversation, he was icy and unaffected until Paula just slapped him across the face.
Hindi na napag-isipan pa ni Lily kung tama ang gagawin. She authoritatively barged in.
"How dare you, Paula!" angil niya.
Nang mapatingin ang dalawa sa kanya, siyang sugod niya sa babae para tampalin ito ng pouch sa mukha. At hindi pa nakontento roon si Lily, matapos makanan, kinaliwaan niya ng tampal ng kamay ang pisngi ng babae.
Gulat na napakapit si Paula sa hawakan ng hagdan na malapit dito. That prevented her from accidentally sitting on a step of the ascending stairs behind her.
"Lily, what are you doing here?" harang ni Jared sa pagitan nila ni Paula.
She pointed a finger to his face. "We will talk about this after work, Jared," mariin niyang wika.
"Bakit hindi pa natin ngayon pag-usapan?" hamon nito.
"In front of Paula?" she displayed a mocking grin. "Seriously? Pero kapag kayong dalawa ang gustong mag-usap, may privacy?"
He released a soft groan.
Siyang tuwid ng tindig ni Paula. Her eyes held cowering instead of defiance toward what she just did to her. Dahan-dahang umalis ito sa likuran ni Jared. She stood on their left and flinched after caressing her slapped right cheek with a hand.
"M-Miss Lily, pasensya na—"
"Not to me," she glared. "Sa kanya ka humingi ng pasensya!"
Lumipat ang mga mata nito kay Jared. Her lips quivered, obviously reluctant to do what she just commanded.
"She doesn't have to," Jared turned to her softly, "I deserve the slap."
Naeeskandalong napalakas ang singhap niya. Napaatras si Lily.
"What deserve? Sampal niya? Ako lang ang may karapatang sumampal sa'yo! That's because I'm your—"
Natigilan si Lily sa nasabi. Nahuli ng kanyang peripheral vision na napaawang sa gulat at pagkalito ang mga labi ni Paula. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Jared. His eyes were already warning her.
Mabilis siyang nakapag-isip ng itutuloy.
"—boss," mariin niyang dugtong. "I'm your boss."
At sa tingin niya, nakuha ni Jared ng malinaw kung ano talaga ang ibig sabihin niya.
Hinablot siya ng lalaki sa braso, tinangay palabas ng pinto. "Let's talk in private."
"Sandali lang!" pumiglas niya pero mas nangibabaw ang lakas nito.
He shoved the heavy door with his shoulder open. Nang makalabas, halos kaladkarin siya ng lalaki sa tahimik na pasilyo.
"Marami-raming parusa ang makukuha mo sa akin, subby! Remember that!"
"Punish me, Ma'am." Wala man lang galit o pagkabahala sa tono nito. "I won't even complain."
Nasaktan siya, tumamlay ang boses. "Talagang okay lang sa'yo tumanggap ng parusa dahil sa Paula na 'yon?"
Tumigil ito sa paghila sa kanya. He heard her and noticed the shift in her tone. It became his priority to attend to her first. Jared faced her. Hindi niya alam kung para saan ang bahid ng takot sa mga mata nito nang salubungin ang kanyang tingin. He gently released her arm.
Umayos si Lily ng pagkakatayo. She rubbed the arm Jared gripped harshly earlier.
"Don't get the wrong idea," malumanay nitong saad. "Nilayo lang kita roon at ayokong mapahiya ka sa harap ni Paula. Mapapahiya ka lang kapag doon ko sa harapan niya mismo sinabi ang lahat."
Nanatili siyang tahimik. Mukhang magpapaliwanag na si Jared.
"Pinapabakuran ng kapatid mo si Paula," anito. "Nakahalata rin siya kaya umamin na ako. Sinampal niya ako."
Halos pigil niya ang hininga. "Si Basil ang nagpapabakod?"
"Oo."
Lalo siyang naintriga. Naguluhan. "Bakit naman niya ipapagawa 'yon sa'yo? At bakit mo naman gagawin iyon?"
"Sinampal ako ni Paula, dahil ang taas at disente raw ng tingin niya sa akin. Hindi niya lubos maisip kung bakit sinunod ko ang utos na 'yon ng kapatid mo. Parang dinungisan ko raw ang propesyon ko. I've been biased. Paano raw niya paniniwalaan ang magiging assessment ko tungkol sa pinapa-investigate sa akin dito sa Variant kung ganitong klase raw pala ako ng tao."
Ngumatngat ang guilt sa kanyang puso. She began worrying for Paula.
She could not help blurting out emotionally.
"At bakit mo naman sinunod ang utos ng hayop na Basil na 'yon? You can't say no again? Bakit hindi mo ako kinausap bago ka um-oo sa gago kong kapatid!" Kinuyom niya ang kamao. "I have all the time para asarin sila rito sa Variant, but I am not afraid to say it straight to their face to stop toying you around!"
Inunawa na lang siya ni Jared. "I'm just doing my job well. I wanted to get on his good side."
"Dahil boss mo siya?"
"You can say that."
Inekis niya ang mga braso, naningkit ang mga mata. "Paano mo naman nasabing parte ng trabaho mong bakuran si Paula para kay Basil? Isn't that a bit too personal—" namilog ang mga mata niya sa na-realize. Dala ng bugso ng damdamin kaya ngayon lang naproseso ni Lily lahat-lahat ng pinag-usapan nila ni Jared.
Akala naman ni Jared, tapos na siyang magsalita, kaya sinagot nito ang kanyang tanong.
"You see, this is a good opportunity for me to investigate everyone in HR Department. Okay na akong mauna sa pagkilala kay Paula—"
"Jared!" singhap niya sabay lapit ng mukha rito. Her free hand grabbed on a sleeve of his black button-down shirt to bring him close to her. "Pinababakuran ng Basil na 'yon si Paula? Ibig sabihin... may gusto siya sa babaeng 'yon?"
"Ano ba, Lily, hinaan mo nga 'yang boses mo," pirmi nitong saad, tumitig sa kanyang mga mata pagkatapos nitong palihim na tumingin sa paligid.
"Oh my God!" pigil niya ang matawa pero ang laki na ng ngiti sa kanyang mga labi. She slowly distanced from Jared, still gazing into his eyes. "This is rich!"
"Bakit parang tuwang-tuwa ka pa?"
"I can't imagine!" medyo natatawa na siya. "That sly devil!" her hand cradled her elbow. Medyo pumalumbaba siya pero ang hawak na pouch ang nakasalo sa kanyang pisngi at pangahan.
"I don't like that smile, Lily," paniningkit ng mga mata ni Jared sa kanya.
"Why don't you like this smile, Jared?" nang-aakit niyang hamon dito kaya nilapit ang mukha sa binata. "Nakaka-in-love ba?"
"May naiisip kang kalokohan sa likod ng ngiting 'yan. So, please, don't," pakiusap ng binata kaya bumalik ang mga mata ni Lily rito. "If you're thinking of using Paula para inisin si Basil, huwag na huwag mong gagawin 'yan."
"Why shouldn't I... subby?" nanghahamon pa rin ang mapang-asar niyang tingin dito.
"Subby?" nagtatakang bulalas ni Paula. Iyon lang ang naabutan ng babae sa usapan nilang dalawa nang makalabas ito mula sa Emergency Exit.
Halatang nanggaling ang babae sa pag-iyak. May naiwang bakas ng pinagdaanan ng mga luha sa mukha nito kahit inayos nito ang sarili bago nagpakita sa kanila. Ang pag-iyak din siguro ang dahilan kaya natagalan bago sila nito naaabutan sa pasilyo.
"It means, Subordinate," palusot ni Jared para sa kanila.
Lily secretly gave him a teasing grin. Smarty smart, Jared baby.
Paula looked satisfied with his answer. Kita ang pagkailang nito nang ilipat ang mga mata sa kanya. Medyo yumuko ang ulo nito nang salubungin niya ang tingin ng babae.
"Miss Lily. Pasensya na sa... sa nakita ninyo kanina," pagod ang nasa boses nito. "It's so unprofessional of me. Tapos, nasa office premises pa tayo—"
She took in a deep breath. Tinalikuran niya si Jared para harapin si Paula.
"Alam ko na ang lahat. Pasensya na rin sa ginawa ko kanina." At nag-isip pa siya ng mas magandang dahilan para hindi maguluhan si Paula. "Nagtaka lang ako kaya sinundan ko kayo. I shouldn't have acted on impulse too."
"Alam mo na ang lahat?" tapat ng mga mata ni Paula sa mga mata niya.
She remained cool. "Oo. Matagal ka na bang hina-harrass ng kapatid ko?"
Napaawang sa gulat ang mga labi ni Paula.
"Akala ko, kayang-kaya mo ang sarili mo. You're always so firm and not afraid to speak your mind. Lalo na sa akin, considering na kapatid ako ng may-ari ng kumpanyang ito." She stepped closer to Paula. "I didn't expect that when it comes to this matter, you can't speak up. Bakit hindi mo sinusumbong ang concerns mong ito kay Miss Jackie? Takot ka kay Basil?"
"H-Hindi sa gan'on."
"Miss Lily," pukaw sa kanya ni Jared. Hindi niya nilingon ang lalaki, pero umiwas kay Paula ang kanyang mga mata para makapag-focus sa sasabihin nito, "baka may maghanap na sa ating tatlo sa HR Department. Medyo napapatagal na tayo rito."
Lily returned her eyes on Paula. "We'll talk about this later. Okay?"
Napalunok ang babae. Bago naglakas-loob sa pagtango. "Sure, Miss Lily. Let's go."
Once Paula regained her dignity by walking past them with her head up, Jared and Lily watched her walk on. Halos sabay nagkatinginan sila Lily at Jared.
"Sasaglit lang ako kay Sir Basil."
"Ire-report mo itong nangyari?"
"I have to," magalang nitong ngiti bago siya tinanguan bilang pagpapaalam. "Please, don't follow me this time. Sundan mo na si Paula sa HR Department."
"Who said I'll follow you?" ingos niya sa binata. "Ciao, Jared baby," taas-noong lagpas niya sa lalaki.
.
.
BASIL FROZE IN HIS SEAT. Namutla ang lalaki sa kahihiyan matapos ikwento ni Jared dito ang lahat.
"Bakit pumayag ka?" bulalas nito sa wakas. "Now that woman will assume that I'm courting her!"
Patungkol ang sinabi ni Basil kay Paula.
"Ang instructions mo sa akin, um-oo na lang ako sa anumang i-assume niya kapag nakahalata siya, Sir Basil."
"Bakit ka naman kasi nagpahalata?" napatayo ito mula sa kinauupuan, nasapo ang ulo, nasuklay ang buhok pataas kaya nagulo ang ayos niyon. "Dapat nag-isip ka na lang ng ibang palusot. Damn, this is embarrassing." Then he placed his hands on his hips. Basil sharply inhaled, held his breath, then released a heavy sigh. "Psychologist ka. Dapat alam mo kung paano ka hindi mahahalata ng ine-evaluate mo, eh!"
"Psychologists take weeks, even years of sessions with a client, para lang makilala sila ng lubusan, Sir Basil," paalala niya rito. "Don't make me do miracles with someone I just got acquaintained with for less than a week."
"At sinampal ka talaga niya?" harap nito sa kanya, nakapamewang pa rin. "Sinampal ka nung um-oo ka sa hinala niyang pinapabakuran ko siya sa'yo?"
Jared remained straight-faced. "Oo. Sinampal niya ako."
Which is a very strong reaction from a person. Hindi basta-basta nananampal ang isang tao lalo na sa hindi nila ka-close. There has to be a deep reason that made Paula react that way.
He stole a glance at Basil and how worried he looked.
Sa tingin ko, hindi lang ako ang nakakahalata kay Basil. Kahit si Paula mismo, halatang-halata na may gusto 'tong lalaking 'to sa kanya. Matagal na rin sigurong kinukulit ng Basil na 'to kaya napuno na nung sinabi kong inutusan ako ni Basil na bakuran siya.
"What happened next?" anito nang kumalma na ng kaunti.
"Biglang sumulpot si Lily."
"Si Lily?" salubong ng kilay nito. "What is Lily doing there?"
"Sa tingin ko, nagtaka siya sa pagiging close namin masyado ni Paula."
"She really seems so interested with you. Can you sense that, Mr. Guillermo?" balik nito sa upuan.
Jared just followed Basil's every move with his eyes. "Or maybe, she's starting to care for Variant."
"What do you mean?" nakaayos na ito ng upo.
"Isn't that why you put her in a boring, unimportant role in the HR Department? Para mas marami ang oras niyang magmanman sa mga empleyado ng Variant? I think she's already doing it now."
"Why would she even care for Variant? She hates us," sandal ni Basil, napatingin sa malayo dahil napapaisip.
"She hates you, not Variant. Hindi ikaw ang kumpanya. She can hate you and still care for the company."
"This is bad," Basil's eyes narrowed. He was still being pensive with a faraway look in his eyes. "First, based on what she just found out between me and Paula, she can use that against me."
"In what way?" Gusto lang niya malaman kung ano ang tumatakbo sa isip ni Basil. Pero sa loob-loob niya, may ideya na si Jared kung ano ang posibleng gawin ni Lily.
Naalala niya ang pag-anyaya ni Lily kay Paula na mag-usap ang mga ito ng masinsinan. Tiyak niyang tungkol iyon kay Basil.
The way Lily assumed it already that Basil was harassing Paula.
The brain of that woman. She's really deadly, Jared thought.
"Posibleng ipagkalat niya sa Variant na may gusto ako kay Paula."
"Is there any rules in your employee handbook about being in a relationship with your workmates?"
Basil met his eyes. "I don't recall something like that. Pwede mo bang i-check 'yon sa binigay ko sa'yong kopya ng employee handbook?"
"I'll look into it," aniya rito.
"And Mr. Guillermo," mabilis na singit ni Basil ng panibagong paksa. That made him attentive. "Kumusta ang pagsama-sama mo kay Paula? What are her thoughts about the defaming post on social media? Is there anything suspicious about her?"
"Honestly, she has a more practical suggestion, Sir Basil," sagot niya rito. He felt a wave of confidence as he continued. "Bakit hindi na lang daw ipa-trace 'yong may-ari nung account na nagpost niyon?"
"That's the first thing in my mind, Mr. Guillermo," Basil's eyes sparkled with pride for some reason. Natuwa yata ang lalaki dahil pareho sila ng ideya ni Paula. "But upon consulting a good friend of mine, knowledgable with IT, by the way, hindi na ganoon ka-accurate these days ang online tracing."
"Why is that, Sir Basil?" Jared made his tone sound genuinely curious.
"Madali na ngayon mag-hack ng social media accounts ng ibang tao. May possibility na isa iyon sa ginawa kaya ang lakas ng loob ng taong iyon magpost ng ganoon. Baka inosenteng tao ang ma-trace at mapagbintangan namin."
"Given that, isn't it harder to investigate manually?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Sinasabi mo bang hindi mo kayang gawin ang pinapatrabaho ko sa'yo rito, Mr. Guillermo?"
"I just want to be realistic. Wala rin tayong hawak na matibay na ebidensya na nasa loob pa ng kumpanyang ito ang may pakana sa post na iyon."
"Yes, but I have a businessman instinct, Mr. Guillermo." Basil leaned on his desk. Tinukod nito ang mga siko roon bago pinatong ang baba sa pinaghawak na mga kamay. "And my instinct tells me that the snake who did it is in my own yard. I want to have some weeding done. At ikaw ang hardinerong pinapagawa ko niyon."
Hindi na ako nagtataka kung bakit ayaw ni Paula sa kanya. Ang corny ng mga linyahan.
Jared managed a straight face in contrast with that brutal thought about Basil.
"But we can't rely on instincts alone, Sir. Una mong pinakilatis sa akin si Paula dahil sabi mo, siya ang gagawin mong HR Head next year, on April. Gusto mo makasigurado na malinis 'yong taong bibigyan mo ng mataas na posisyon dito. She seems cleared now. So take my suggestion this time," matamang titig niya rito. "Sino pa, maliban kay Lily, ang sa tingin mong may kinalaman sa post na 'yon?"
"You're still putting Lily as an exemption?" Tuwid nito ng upo. "Like what I said earlier, siya lang ang pinagsususpetsahan ko. She's the only person who hates me."
"She openly hates you, so what makes you think she has to do something anonymously?"
"She must be trying to break the pattern. Hindi tumatalab ang harapan niyang pang-iinis sa akin, kaya patalikod niya akong inaatake."
"Let me remind you again. Hindi ikaw ang Variant. She cares about the company, not you. She's against you, not this company."
"And that's your only reason for putting an exemption to my sister?"
I don't want to investigate or evaluate your sister, or I'll be biased, gustong-gusto iyon sabihin ni Jared pero hindi niya magawa.
But he only said. "Masyado mo rin naman yatang pinag-iinitan ang kapatid mo. Have you ever tried to reconsider her?"
"Reconsider? Why would I do that? I already did that before and you know what, Mr. Guillermo? My sister never changed."
"But she has to care for something. If not, how can a person keep on living like that? Caring for no one or nothing? The best thing we can hope for is... she cares for the company."
"She lacked enthusiasm in her work in this company. Laging out of post. Hindi ma-approach ng maayos ng mga kasama niya sa HR. Does that make you think she cares even for this company?"
"If she doesn't, why would she stay in a place where she and her job is unappreciated? How sure are you that she doesn't care for the company?"
"How sure are you too that she cares for this company?"
I've been with her in Antwerp. Halos ikutin niya lahat ng museums at libraries doon na may kinalaman sa printing at publishing. Now I know why she did that. Para sa kompanyang ito.
Pero hindi rin iyon masabi ni Jared sa kanyang kausap. The best approach to this situation is to just agree with Basil. Gagawin na lang niya ang pinapagawa nito dahil kung hindi, baka tuluyang mawala sa kanya ang pabor nito.
He needed to make sure that Basil would have nothing against him.
Masyadong pinapahirapan ng trabaho niya ngayon ang kanyang kalooban, pero kailangan niyang panindigan ang hinihingi nitong propesyonalismo sa kanya.
"Fine," he sighed. "I'll investigate her."
At bago ako makabalik sa HR Department, dapat makaisip na ako ng paraan kung paano pakikitunguhan si Lily. I have to make sure the people around us won't wonder why I'm always around her.
Nakahinga ng maluwag si Basil. "Great."
"Pero," pahabol niya, "kailangan mong panindigan 'yong dinahilan ko kay Paula."
Parang mabubulunan si Basil sa sinabi niya. "Panindigan?"
"Ask her for a date this weekend..." ngisi niya kay Basil. Torpe.
Tuluyan nang nanlambot si Basil nang umalis sa opisina nito si Jared. Napabulong na lang ang lalaki sa sarili.
"Thatpsychologist didn't know what he just started. Matagal-tagal ko na ringtinigilan si Paula," nasapo nito ang noo. "May problema na naman tuloy akongayon sa kanya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro