Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Seven

NILIHIM NI LILY ANG REAKSYON. Mabubulunan yata siya sa mga sinabi ni Paula.

Nung humiwalay sa kanila ng daan si Jared, sinabayan niya sa paglakad papunta ng HR Department si Paula. May nadaanan silang toilet room kaya sinamahan na rin niya roon ang babae.

Inabala ni Paula ang sarili sa paghihilamos, sa maingat na paglinis sa mukha nito gamit ang tubig, liquid soap at ilang tissue. Sumimple naman ng check si Lily kung may tao sa mga toilet cubicles bago tinabihan si Paula.

Buti at dinala niya ang pouch. She pulled out a liquid lipstick and retouched the tint on her lips into a darker shade.

"No one's here, Paula. You can answer me now," aniya, nasa sariling repleksyon ang tingin.

"Lily..." she sounded hesitant, still drying her face.

"Is my brother harassing you?"

"Hindi sa gan'on."

Hindi sa gan'on? Pinigilan niya ang mapalingon sa babae. Kailangang palabasin ni Lily na hindi siya masyadong apektado.

"Matagal ko nang nase-sense lang na may gusto sa akin si Sir Basil."

"So, feeling mo lang na may gusto sa'yo ang kapatid ko?" dismayadong baba niya sa hawak na lipstick applicator.

Napailing si Paula, tinuloy ang pagpupunas sa mukha. "Nagparamdam na siya noon. Sinabi ko na hindi ako komportable sa libreng mga kape kaya tumigil siya. Nung napapadalas na ang pagbantay sa akin ni Sir Jared, medyo nakahalata na akong may kinalaman doon si Sir Basil."

"Ano ang ginawa ni Jared kaya lumakas ang kutob mong pinapabakuran ka ni Basil sa kanya?" harap ni Lily dito.

Yumuko si Paula para pumunit ng panibagong tissue sa kumpol na nasa kamay nito.

"Dapat, magka-kape tayong tatlo kanina, 'di ba?" balik ng tingin ni Paula sa salamin para ituloy ang pagtuyo sa mukha nito. She gently dabbed the folded tissue on the sides of her nose. "Hindi ako nakasama dahil pinatawag ako ni Miss Jackie. Kasama pala ni Miss Jackie sa office niya si Sir Basil."

"And?"

"Medyo sinermunan ako ni Miss Jackie, kung bakit wala ako sa desk ko. Sinabi kong magkakape na sana tayong tatlo n'on. Pinagtanggol naman ako ni Sir Basil. Sinabi niya kay Miss Jackie na hindi ko kasalanan kung nililibre ako ni Sir Jared ng kape."

Oh? Aling parte doon ang nagpa-assume sa kanyang may gusto sa kanya si Basil?

"Paano nasabi ni Sir Basil na nililibre ako ni Sir Jared ng kape kung hindi niya alam 'yon?"

Sinabi niya dapat na posibleng nakwento iyon ni Jared kay Basil kaya alam ng kanyang kapatid ang tungkol sa mga libreng kape. Pero pinangunahan si Lily ng selos.

"So, sumasama ka lang kay Jared dahil sa libreng kape?" naeeskandalo niyang wika.

Nililibre ka ni Jared ng... kape?

Hinarap siya ni Paula. "Kape 'yon. Libre. At Starbucks," panlalaki ng mga mata nito sa kanya. "Alangang tanggihan ko 'yon! Palibhasa ikaw, balewala sa'yo gumastos ng mahal para sa kape." For the very first time, Paula shed off a bit of her professional face. Lily had a glimpse of Paula's heart— appreciative, simple and dreamy. "Malaking bagay na sa akin makatikim ng branded na kape, alam mo ba 'yon?" Her voice was gentler, as if Paula was sharing her secrets... her wishes. "Hindi naman ako nakakatikim ng mga ganoong bagay kasi diretso sa gastusin sa bahay at sa pamilya ko ang sinusweldo ko rito. Tama na 'yong paminsan-minsan akong nakakabili ng mumurahing mga damit para presentable ako kahit papaano kapag pumapasok sa trabaho."

Nasa salamin ulit ang tingin ni Paula. Tsinetsek nito ang hitsura kung maayos na ba.

"Siguro maliit na bagay sa'yo 'yon. Pero sa akin, masaya na ako sa simpleng pakape. Lalo na kung masarap ang kape." Paula sighed. "Doon na nga lang ako sumasaya. Sa kape."

"Doon lang, na-assume mong may gusto sa'yo si Basil? Dahil alam niyang nililibre ka ni Jared ng kape?"

Huli na nang magsisi si Lily. Paula just bared her heart to her, tapos heto siya at walang preno ang kaprangkahan ng bibig.

"Naalala ko kasi na madalas iyon gawin ni Sir Basil noon. 'Yong nililibre nga niya ako ng kape. Napagkonekta ko. Naisip kong siya siguro ang dahilan kaya nililibre ako ni Sir Jared ng kape. At kinumpirma nga 'yon ni Sir Jared nung kinompronta ko siya."

"And you slapped him," Lily narrowed her eyes at Paula.

"Nadala lang ako ng emosyon!" depensa nito kasabay ng pagharap sa kanya. "Sobrang nakakahiya kasi..." tumapang ang mukha nito. "Wala ka sa lugar ko. Hindi mo maiintindihan kung gaano ka-awkward isiping nagpaparamdam sa'yo ng kakaiba ang boss mo."

Ganito rin ang nararamdaman ni Jared ngayong magkasama kami sa iisang kompanya...

"Ang gusto ko lang ay magtrabaho. Maganda na ang trabaho ko rito sa Variant kaya hindi ko rin maiwan. Pero ayokong dumating ang araw na magiging tampulan ako ng tukso rito. Lalo na kapag nagka-ideya na ang mga tao rito na pinopormahan ako ni Sir Basil."

"Then, why don't you speak up to Basil himself?" tinuloy ni Lily ang pagli-lipstick. "Sabihin mo sa kanyang tigilan ka niya sa mga pasimple niya." Then she put her lipstick back in her pouch. Oo nga pala, nabanggit na kanina ni Paula na kinausap na nito noon si Basil na itigil ang paglibre sa kanya ng kape. "Oh, wait. Scratch that. Let me do it myself."

"Anong ikaw ang gagawa?" nananaway na ang tono ni Paula. "Lily, huwag—"

"Hindi ko siya aasarin, Paula. This time, paprangkahin ko na si Basil." Her eyes turned cold as she gazed back into Paula's.. "This is not just about you. Para rin ito kay Jared. Now, let's go."

Nagpatiuna siya. Sumunod sa kanya si Paula at narinig niya ang komento nito.

"Mukhang, concerned na concerned ka talaga kay Sir Jared, Miss Lily."

Ang lakas din ng loob ni Paula panghimasukan ang feelings niya. But who was she kidding? Paula already showed her personal side, she could not blame her for feeling entitled to know her personal feelings as well.

But too bad, Lily won't do that. Iyon ay para na rin kay Jared.

Hindi dapat magkaroon ng ideya ang mga tao sa kanilang paligid na may iba pang namamagitan sa kanila ni Jared. Maaapektuhan ang trabaho at kredibilidad ng lalaki sa Variant.

"Biruin mo ba naman, ginamit ng Basil na 'yon sa kalokohan ang isang taong ang gusto lang ay magtrabaho?" mabilis niyang palusot at nilingon si Paula nang masabayan na siya nito. "Aba! Ako ang nagpakahirap para pabalikin dito si Jared at ituloy ang usapan nilang magtrabaho siya rito! My efforts can't just go to waste nang dahil lang sa mga kalokohan ng Basil na 'yan!"

"At... bwisit na bwisit ka pa rin sa mga kapatid mo," napapailing na sambit ng babae.

Oo. Dahil mga kalokohan ng Basil na 'yon ang dahilan kaya nasampal si Jared. No one slaps my subby other than me. Hmph!

.

.

PAGBALIK NI LILY SA KANYANG DESK, nasa tapat na niyon ang upuan ni Jared. Jared was also on that seat, leaning against the backrest, reading an Agatha Christie.

"Nandito ka?" lagpas niya sa binata para tunguhin ang sariling upuan.

Jared glanced at her, followed her with his gaze until she was seated on the swivel chair. Siyang bagsak niya ng pouch sa desk bago sinalo ang mga mata nito.

"Dito na ulit ako sa tabi mo," dahan-dahang baba nito ng libro. "I'll be right here with you just like what you wanted."

Her eyes narrowed at Jared. Bwisit. Anong nakakakilig sa mga pinagsasasabi nito. Pahingi naman ng katarungan.

"At bakit? Tapos na ba ang trabaho ninyo ni Paula?" Tinarayan niya ang titig dito. "Are you not going to explain to Paula?"

"Hindi na ako ang magpapaliwanag sa kanya."

Naguluhan siya. Kinutuban ng hindi maganda kaya tumayo si Lily para tanawin si Paula sa desk nito. Nakita niyang may kausap ito sa telepono.

Based on how she looked, Paula seemed really affected by the phone call. A slight blush scattered on her face, a streak of pink in line with her cheek bones.

Nilingon ni Lily si Jared, bumulong. "Don't tell me, si Kuya Basil ang kakausap sa kanya?"

Jared gently nodded.

"Fuck. I'll talk to that idiot—" dinampot na naman niya ang pouch.

She was about to leave when Jared quickly blocked her way. Bumangga tuloy siya sa matigas nitong dibdib. Lalo pang nagwala ang kanyang puso nang humablot ang binata sa kanyang braso.

He held her arm gently, and yet, the impact felt so strong. Lily froze with time and caught at his tender gaze.

"Don't ruin this for them," he softly pleaded.

"Are you crazy? My brother is giving one of our employees a hard time here in our own company. This is unprofessional—"

"Have you checked the employee handbook?" ani Jared sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Handbook?"

"Wala namang nakasulat doon na bawal ang magkarelasyon na maging magkatrabaho rito sa Variant, 'di ba?"

"Magkarelasyon agad?!" naeeskandalo niyang bulalas kaya gulat na napasilip sa kanila ang mga nasa silid na iyon.

Kahit si Paula na tapos nang makipag-usap sa telepono, napatayo mula sa kinauupuan nito.

Jared drew his face closer to her. "As long as they get their work done right, there's no problem to it. After all, isn't your company supposed to be non-discriminative?"

Hindi niya alam ang sasabihin. Nako-conscious siya sa tingin ng mga katrabaho na nakapukol sa kanilang dalawa.

"Pinagtitinginan tayo, Jared," bulong niya rito. Lily angled her face to add an inch to their nearness.

"Then let them look, Ma'am," he smiled, unaffected and cool.

"Maghahalikan ba kayo o ano?"

Pinanlakihan ni Lily ng mga mata si Paula. Nakangisi ito habang nakaabang sa kanila maghalikan. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mahinang bungisngis nila Arlene at Isla mula sa kabilang mga cubicle.

"I mean, masyadong magkalapit ang mga mukha niyo, kaya akala ko..." nanunuksong paliwanag ni Paula sa sarili.

Lily gently pushed Jared away from her. She composed herself before confidently replying.

"May pinag-uusapan kami rito na work-related, Paula. Why don't you just all—" pasada na rin niya ng tingin sa dalawa pang katrabaho, "—do your jobs?"

"Iba talaga ang may inspirasyon, sinisipag na sa trabaho," gatong pa ni Arlene.

Sumandal si Isla sa dingding ng cubicle nito para makalapit-lapit kahit papaano sa cubicle ni Arlene.

"Mukhang mababawas-bawasan na ang pagiging out of post ni Lily," mahinang tawa nito.

"Dapat lang. Pagod na ako kakagawa ng memo para sa kanya, no," ngisi sa kanya ni Paula.

She could not believe the guts of these women. Nang dahil lang nadikit siya kay Jared, nagkaroon na ng lakas ng loob ang mga ito na kausapin siya. Napapailing na napamewang siya.

"Ano ang nakain ninyo? You don't even talk to me like this ever since I got assigned in this office?"

Natatawa lang sa kanya ang tatlong babae. Bumalik sa upuan nito si Isla nang mag-ring ang telepono nito. Sumunod na lang din si Arlene.

Nang lingunin ni Lily si Paula, ngumisi lang ito. Pabalik na ang babae sa upuan nito nang lumapit siya sa dingding na pumapagitan sa mga cubicle nila.

"Paula!"

She turned to her. "Yes, Lily?"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "How dare you."

"Bakit?" hindi na ito nakangiti pero ang gaan pa rin ng facial expression. Parang pinagtatawanan pa rin siya ng mga mata nito.

"Ang drama-drama mo kanina," she made sure to use a hushed voice. "Ayaw mong maging tampulan ng tukso, ganito-ganyan dahil kay Basil tapos ano itong ginagawa mo ngayon sa akin?"

Ngumiti lang ito, sasagot sana nang hilain na siya ni Jared.

"Bumalik na tayo sa trabaho, Miss Lily," awat ng binata sa kanya bago ito bumulong. "Remember, you're the Domme between us. I shouldn't be doing this."

"Exactly. Lalo na't hindi pa ako tapos kay Paula," bulong niya rito bago tinapunan ng huling sulyap si Paula. Natatawang bumalik na ito sa sariling upuan at inabala ang sarili sa harap ng computer. "Now you let her escape from my interrogation! I'll give you a punishment you won't forget, Mister!"

Hinayaan ni Lily si Jared na tangayin siya pabalik sa kanyang desk.

Si Kuya Basil nga ba ang kausap niya sa phone kanina? She blushed. And now she seemed to be in a good mood. Ano kaya ang pinag-usapan nila?

Inalis niya ang braso sa pagkakahawak ng binata. Umupo na siya sa harap ng sariling desk.

Ano rin ang nangyari kina Arlene at Isla? Why are they so friendly towards me all of a sudden? What happened?

Habang paupo na siya, tiningala niya si Jared. "Jared?"

"Yes?"

"Timplahan mo nga ako ng kape."

His eyes were concerned. "But, we just had coffee."

"Kahit na," labi niya. "Lumamig na itong dala ko galing sa Starbucks, eh."

"Baka masobrahan ka naman sa kape. Masama sa puso 'yon. You have to take care of that heart, mamahalin mo pa ako, eh," biro ng walanghiya.

Why was he even saying these things now? Out of the blue pumi-pick up lines?

What's going on with everybody!? Kulang na lang mahilamos niya ng kamay ang sariling mga mukha.

"Hoy, Sir Jared, narinig ko 'yon!" nanunuksong singit ng boses ni Paula mula sa cubicle nito.

Pasalamat kang babae ka, hindi ko pa pwedeng i-expose na pinopormahan ka ni Basil! Gigil niyang timpi habang nginingitian si Jared.

"Please, ipagtimpla mo na ako ng kape." Her eyes were icy as she smiled firmly at Jared.

Nung tumalikod na ang binata, tumiim ang tingin niya rito. Her eyes trailed from the back of his head and stopped on his... butt. Maumbok ang puwitan ng lalaki sa higpit ng suot nitong pantalon. As he walked, each buttcheek also moved. Damn.

Atlagot ka talaga sa akin mamayang uwian, Jared.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro