Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-One

NADATNAN NI LILY SI JARED SA BACKSTAGE. Bihis na ito. Hindi mapaghahalatang ito 'yong nag lap dance sa kanya kanina. Mukhang kagalang-galang ang lalaki sa suot nitong pantalon at button-down long-sleeved v-neck cotton shirt na kulay krema.

Walang anu-anong sinugod niya ito. Her heels tapping against the floor sounded so powerful. Even her stance and strides while still wearing her red bodysuit evokes her conviction that tonight, she's the celebrated alpha, the femme fatale, the supreme of all the female species in The Org. Latigo na lang ang kulang para bigyang diin iyon.

She grabbed Jared's wrist. Walang pagdadalawang-isip na pinasok niya ito sa makipot na stall ng changing room sa backstage. They cramped together until they were finally facing each other. Lily reached for the door and pulled the lock in one swift swipe.

Hindi pa nakakahuma sa gulat si Jared nang itulak niya ito pasandal sa pader. Inipit niya ng mga kamay ang mga balikat ng lalaki para ipirmi ito.

"How dare you show off this body in front of everybody," she glared at him, controlling her voice. "Ako lang ang dapat makakita nito, Jared." She lifted a knee, rubbed and pushed it against his crotch until he grew rock hard beneath his pants. "Ako lang, Jared."

Nagtimpi si Jared. He tried to play it cool but the way his body stiffed made it easy for a prey like Lily to sniff his reaction. And when there's a reaction, it means they are affected.

"Hindi mo ba nagustuhan ang surprise ko para sa'yo?"

"How did Walter convince you to do this?" baba niya ng tuhod. Aalis na sana si Jared sa pagkakasandal sa pader nang itulak pabalik doon ni Lily.

"Nung nalaman mong member na ako n'on ng The Org., pagkauwi ko sa bahay tinawagan ko si Walter. I asked him how I can make your birthday party in The Org extra special."

"And what makes you think that being stripped down and dancing on my lap would do?"

"It's your idea. Gusto mong sayawan ka ng mga lalaking nakapulang brief, 'di ba?"

This man is so unbelievable! Damang-dama ni Lily ang pag-init ng mga pisngi. Napahiya siya dahil sa katotohanan sa mga sinabi ni Jared.

"At bakit mo naman gagawin 'yon para sa akin?"

"Because I want to," walang gatol nitong saad, nakatitig sa kanyang mga mata.

"Why would you want to? You hated me for ghosting you. Pinaghahabol mo ako sa'yo bilang parusa sa ginawa kong iyon. Why would you bother humiliating yourself like this? Bakit?"

Walang katinag-tinag na sumagot ang binata. "For the longest time, I am finally doing what I want to do— I am starting to manage to just do what I want to do. I am managing to stop overthinking about rational and logical cons that will make me worry so much. Huwag mong sabihing, pipigilan mo na akong gawin kung ano ang gusto ko?"

"Just say it. You still love me. Ayaw mo lang aminin dahil ang pinaka-logical na gawin sa taong nang-iwan sa'yo ng walang paalam at nanakit sa'yo ay dedmahin na lang sila o huwag tratuhin ng maganda." Napalunok siya. Sana kayanin niya ang isasagot ni Jared. Napakalaki kasi ng posibilidad na itanggi nitong may nararamdaman pang pagmamahal para sa kanya. Lakas-loob na tinapos ni Lily ang sasabihin. "Hindi ba?"

Nakatitig lang ito sa kanya. Hindi makasagot. The impatience and suspense is already giving Lily this painful anxiety. It was so hard to bear.

"When someone is so toxic," pinatatag niya ang sarili kahit alam na unti-unti na siyang nanlalambot, "our tendency is to cancel them out, right? Oh, look, Lily is so toxic, I should avoid her. Oh, look, Lily is a source of bad vibes, don't go near that woman."

"I'm sorry if I ever made you feel judged with the way I treated you," malumanay na sagot sa wakas ng binata. "It came from a place of hurt. Of bitterness. Yes. I hated you for what you did. But later on, I realized that, I should just act like I do to make you say why you left me. But you're stubborn as a hard stone that just won't budge."

Napamulagat siya sa narinig. All this time, iyon ang motibo ng pagpapahirap sa kanya ni Jared?

"You are right. I was leaning more on the logical matter of things. The most logical is to already move on after you have hurt me. The most logical is to steer away from someone like you if I wanted a good, old-fashioned romance for me. But I can't stop having feelings. And I have to realize that and realizing that is the hardest part." His hands gently reached for her arms. "For how could I give people advices when I can't even deal with my own issues? When I can't deal with these feelings that are going to destroy me? You make me have these feelings that are about to destroy all logic."

Nakaabang ang mga mata niya rito. Nalilito. Hindi pa niya napo-proseso kung ano ang pinapahiwatig ni Jared. She could not even predict yet what point he was trying to make. What feelings was Jared even talking about? Simpleng tanong lang naman ang binigay niya rito, bakit hindi na lang masagot ng binata ng diretso kung mahal pa rin siya nito?

"I came up with lousy defense mechanisms to stop myself. But here I am, beyond help right now. Hindi ko na aalamin pa kung bakit mo ako iniwan noon. Halata namang wala kang balak sabihin sa akin," patuloy nito. "That's all that is holding me back, you know— the fact that you left me, not knowing the reason why you left me."

She held her breath. Gustong-gusto niyang sagutin ang katanungan sa isip ng binata. Sasagutin niya kung iyon lang ang paraan para hindi na ito magdalawang-isip na bigyan siya ng ikalawang pagkakataon.

But what if the answer ruins the chance more than fix them both?

Conflict began etching on her beautiful face. Her fierceness drowned by the way her face softened.

"Just as I thought, you won't really tell me. And so..." he took a deep breath, bringing his face closer to hers.

"So?" her stifled excitement and impatience refused to be held back.

Jared lunged forward to kiss her lips. Surprisingly, it was... gentle.

Huli na nang mapagtanto niyang naghiwalay na ang kanilang mga labi. She slowly fluttered her eyes open, meeting his warm, inviting gaze.

"Let's go to my place."

.

.

ISANG DARK BLUE NA COAT lang ang nakapatong sa pulang bodysuit na suot ni Lily. It was neatly buttoned up to her collar, completely concealing her provocative outfit. Maingat siyang bumaba mula sa sariling sasakyan na nakabuntot sa kotse ni Jared.

Pagkababa, natanaw niya sa kotse sa harapan ang paglakad ni Jared papunta sa kanyang direksyon. Lumagpas lang ito ng kaunti sa kanya para itutok ng mabuti ang hawak na remote. Pagkapindot niyon, awtomatikong sumara pa-lock ang bakal na mga gate.

Lily's eyes followed Jared as he walked back, then he stopped in front of her.

She gave him a small smile, unsure if after the conversation they had in The Org, there was still a point in being here, in his townhouse. Jared wanted to nurture a feeling, an involvement that defy all logic. Ibang-iba sa prinsipyo ng binata ukol sa isang matinong relasyon. He was risking too much, it made her wonder what that risk was for.

It must promise a very huge pay off for Jared to have the courage to do this.

Love. Iyon ang nagpupumilit na justification sa isip niya, ukol sa mga pasya at kilos ng binata. Pero wala siyang makapa na dahilan para patibayin ang ina-assume niyang ito.

Niyaya na siya ng binata sa loob ng bahay nito. Pagkatapak na pagkatapak pa lang ni Lily sa loob, napaawang na ang kanyang mga labi. Nagkalat sa salas pa lamang ang mga ribbon na palawit ng mga metallic balloons na nakahalik sa kisame. Pink and white accented Jared's black and white cosmopolitan-designed residence.

Nilingon siya ng lalaki na halos nalagpasan na ang salas. Patungo ang mga hakbang nito sa dining area na kaisa lang ng kitchen area.

"Lily," mahinahong tawag nito sa kanya.

Saglit niyang kinabig pasara ang pinto bago sumunod dito.

Nagpatuloy ang landas ng nagkalat na mga lobo hanggang sa dining room. Naharangan na iyon ng usli sa kisame na nagsilbing kabitan ng mga light fixture para magbigay dagdag liwanag sa maliit na pang-dalawahang counter. Ang counter na rin ang nagsisilbing palatadaan kung nasaan ang hati sa pagitan ng dining area at kitchen area.

"You really prepared for this," malapad niyang ngiti. "Which feels weird."

"Why is that?" hinto ng binata sa tapat ng gray na refrigerator para lingunin siya.

She crossed her arms, gave him a frank look. "I still find it odd na gan'on-gan'on na lang. May mga pa-surprise ka pa—" may sumibol na ideya sa kanyang isip. "Have I done something so right that made you like this?"

"Just like what I said, I just realized some things." Binuksan nito ang ref at nagpatuloy.

"Imposible namang hindi ka na interesadong malaman kung bakit iniwan kita sa Belgium."

He pulled out a cake box, shut the refrigerator door and faced her.

"Sabihin mo nga sa akin, gusto mo bang okay na tayo o ayaw mo?"

Pinanood niya ang paglapit sa kanya ng lalaki.

"Siyempre, gusto ko."

He halted in front of her, lifting the cake box a bit higher to bring it to her attention.

Wala siyang kaide-ideya sa hitsura ng cake. Simple ang puting kahon na pang-8 inch cake.

"Iyon naman pala. Then, let's just celebrate your night." Jared stepped aside and extended an arm to point the dining area. "Shall we?"

Pinaningkitan pa rin niya ito ng mga mata. Nakakapagduda lang talaga.

Kung susumahin, galit sa kanya si Jared dahil sa panggo-ghost niya rito sa Belgium. Sinubukan daw nitong iwasan siya bilang defense mechanism dahil hindi logical na ma-involve ulit ang isang tao sa taong nang-iwan sa kanila nang walang paalam. Pero na-realize daw nito na may feelings ito na beyond logical reasons na hindi mapigilan. Gusto man nitong alamin kung bakit siya nang-ghost, sinantabi na lang iyon ng lalaki para maging mas maayos ang sitwasyon nila ngayon.

She released a groan. Ang hirap talaga ispelengin ng lalaking ito.

Malapit na siya sa dining table nang biglang pumihit paharap kay Jared. Mabilis naman itong huminto, nagtaka sa kinilos niya.

"Why don't you just say that you still love me?"

Nagulat man, mabilis din itong naka-recover. Alanganin ang ngiti ng binata sa kanya bago siya nilagpasan.

"You'll love this cake," lapit nito sa dining table na gawa sa itim na salamin at bakal na frame. Pagkalapag doon ng cake box, lumakad ito pabalik sa kinahihintuan niya. "I need help with the wine glasses and the bottle. You can give me a hand if you want."

Hindi pa siya nakakasagot nang tinungo nito agad ang kusina.

Napapailing na sinundan ni Lily ang lalaki.

See? He can't just say it. May something talaga... titig niya kay Jared na abala sa pamimili ng gagamitin nilang wine glass mula sa isang mataas na cupboard.

Jared handed each glass to her. Lily held each by their stems. Pinanood niya ang paglipat ng kamay ng binata sa drawer ng cupboard cabinet na kapantay ng balakang nito. Naglabas ito ng mga platitong pinagpatong bago pinatungan pa ng dalawang dessert spoons. Jared picked them up with one hand and moved on, Lily followed his rushing, certain strides.

Siyang lipat ni Jared sa floor wine rack katabi ng counter table. Humugot ito ng isang bote ng alak at nilingon siya. Nang ma-tsek ng binata na nakasunod pa rin siya rito, nagpatuloy ito sa pagbalik sa dining room.

He settled the wine bottle and plates close to the cake box.

Ilalapag pa lang ni Lily malapit sa mga iyon ang mga wine glass nang kumaripas sa kusina si Jared. He returned with a knife and neatly placed it close to the plates.

Pinaghila siya nito ng upuan. Tahimik na umupo roon si Lily.

Pinanood niya ang pag-asikaso sa kanya ni Jared. Dahan-dahan nitong nilabas mula sa cake box ang isang puting-puti na Pavlova cake. Hindi kininis ang presentasyon ng puti nitong meringue na base. Kuminang ang honey glaze na binuhos sa toppings ng cake na mapulang mga sliced strawberries.

"So... pretty," sikdo ng kanyang damdamin.

She could not help feeling all mushy deep inside. The cake appealed to her fashionable taste pleasantly. Simple kung tutuusin pero napaka-aesthetically pleasing sa mga mata. Ang sarap pagmasdan.

"Let me take a picture," hagilap niya sa cellphone na nasa bulsa ng coat.

"Sure," maluwag-luwag na ang ngiti sa kanya ni Jared. Umaliwalas na rin ang mukha nito.

Habang hinahanapan ni Lily ng magandang anggulo ang cake, binuksan na ni Jared ang bote ng white wine. She heard the crisp liquid pour and slide down each wine glass. Nangingiting dinampot niya ang isa sa mga iyon at pinuwesto sa tabi ng cake. Bago pa niya nakunan ng litrato, tinabihan na iyon ng isa pang baso.

Lily took a few shots. Sinamantala ng lalaki ang pagkaabala niya para maghila ng upuan at ipwesto iyon sa kanyang tabi.

"No candles?" lingon niya kay Jared nung umupo na ito.

Dama niya ang pagdikit ng braso nito sa kanyang kanang braso.

"Do you want some?"

"Hindi na," tago niya ulit ng cellphone sa bulsa ng suot na coat. Nang lingunin si Jared, sumabay din ito kaya nagtama ang kanilang mga mata.

He just smiled at her. Hay, nakakainis naman. How could he be so charming?

"Saan mo nabili 'tong cake?" balik niya ng tingin doon habang dinadampot ang isang wine glass. "I love it."

"Nag-request ako kay Mama na gumawa niyan. She knows baking and—"

Pinangunahan siya ng pagkamangha. "Your m-mother?!"

Naguguluhang napatitig si Jared sa kanya. "Yes. Is it wrong—"

"Goodness," balik niya ng tingin sa cake. "Why would your mom agree— Does she know— Ano ang sasabihin ko? Bakit—"

Magaan itong natawa, tumuwid ng upo. "Don't worry, Lily. All my mother knows is that I want a cake. Hindi niya alam kung para saan o para kanino."

Napalabi siya. "Hindi mo ako nakwento sa kanya?"

Dumb question. Why would Jared even do that? Ano naman ang ikukwento nito sa nanay nito tungkol sa kanya? That he wanted a cake for Lily? The woman who ghosted him? The woman he was fucking with without labels?

"Of course not," makahulugan ang malamlam na titig ng lalaki sa kanya. "I think it will be rude. Pero kung gusto mo—"

"Anong gusto? Ano naman ang ikukwento mo sa kanya? Na fubu mo ako, gan'on?"

Natatawang napailing ito. "Pavlova cake ang tawag diyan," hila nito sa cake palapit sa kanya. "May sabi-sabi na ginawa itong Pavlova cake bilang tribute kay Anna Pavlova."

"Sino naman 'yon? Birthday na birthday ko, ibang babae iyang bukambibig mo," biro niya.

Jared met her eyes. "She's a Russian Ballerina. Ikaw ang una kong naisip nong napanood ko ang videos niya sa YouTube. You move as gracefully and energetically as her."

Pigil niya ang mapabunghalit sa tawa. "She's a dancer and I'm a fucker! How could you?" Hindi rin niya napigilan ang pagkawala ng tawa. "You're such a disgrace!"

Ngumiti lang si Jared pero hindi natawa. "And so, here's a Pavlova cake for you."

"Wala namang connect. That makes it funny," paliwanag ni Lily sa sarili, sa pagtawa niya. "That corniness of yours, Jared." Then, she picked a strawberry and pointed it to his mouth. "Ahh..."

"Ikaw muna," maginoo nitong iling, nakangiti lang sa kanya.

Lumabi siya. "From Russia, let's go to Brazil. Ang paniniwala roon, binibigay nung may birthday ang unang slice ng cake sa.."

Natigilan siya. Shit. Bakit sinimulan niya ito. Parang nagko-confess na rin siya kay Jared na patay na patay siya rito. Ang unang slice kasi ng cake ay binibigay daw ng birthday celebrant sa taong pinakamamahal nito.

"Sa?" kunot-noo ng nakaabang na binata.

Lily chuckled lowly and pushed the strawberry against his lips. "Sa pinaka mabait na taong nakilala nila... The kindest person, in their opinion, of course." Tinulak pa niya ang strawberry kaya natatawang nagbuka na lang ng bibig si Jared. "Iyan. That's why, you're having the first slice, Jared."

She watched him chew the strawberry, his right cheek puffing a little.

Ah, didn't he look so adorable?

Hindi niya maintindihan kung bakit parang nagpipigil ng tawa ang lalaki. Napailing na lang ito at kumuha ng wine glass. Uminom ito bilang panulak sa kinaing strawberry.

"Hiwain ko na 'yong cake," presenta niya, mabilis na naabot ang kutsilyo. "Para makuha mo na ang first slice."

After they ate, they had more wine. Pumailanlang sa salas ang shuffled playlist ni Lily ng mga upbeat na kanta. They were almost tipsy, they lost all timidity. Walang pakialamanang sumayaw-sayaw lang sila, kapwa nakapaa sa ibabaw ng magaspang na zebra patterned carpet.

"More wine, Jared!" lapit ni Lily sa hawak na wine glass kay Jared.

Jared reached for the bottle on the side table between two white leather sofas. Medyo nanginig ang kamay nito habang tinatantya ang bote bago ibuhos sa baso ang laman niyon.

Lily kept bobbing her head to the music. She pulled away her glass and sipped. May kilig na nagpapiksi sa kanya, nagpangiwi at nagpailing. It was the refreshing zest of the wine. Then she blurted into a gentle chuckle. Muli niyang ginalaw ang mga balakang at binti. Halow ikutin niya ang salas kakasayaw.

Binaba naman ni Jared ang bote sa side table. Sinipa para sumuksok lalo sa paanan ng sofa ang hinubad na mga boots ni Lily. Inangat ng lalaki ang hawak na wine glass at sinaid ang laman niyon habang papalapit kay Lily.

"Lily," nanghihina nitong tawag.

Hindi niya ito narinig nung una. Panay ang kanyang walang tiyak na direksyon na pagsayaw.

"Lily," hila sa kanya ni Jared.

Napaharap tuloy siya rito. She gave him a playful smile.

"Oh, hey, Jared, baby," sampay ng isa niyang braso sa balikat nito. She slowly lithed closer and gently grind her hips against his as she danced.

Her eyes shifted every now and then between his eyes and lips.

"I am enjoying this two-person party we're having," aniya rito, sumubsob na ang dibdib sa lalaki dahil sa pamimigat ng kanyang katawan.

"I'm glad you do," alalay nito sa kanya kaya humawak sa kanyang bewang. "But it's getting late. At mukhang nalalasing ka na. Paano ka makakapag-drive niyan pauwi."

She threw her head back and laughed heartily. Lumambitin siya sa leeg nito.

"I want to sleep here, Jared..."

She heard him breathe in deeply. "Lily... you have to be in your house any minute now."

Lily flicked her head back forward, catching his soft eyes.

"And why is that? May pupunta ba rito na ayaw mong makita ko?"

He groaned. "Come on, Lily," pilit nitong ipirmi siya dahil lalambitinan na naman niya ang leeg nito.

She just laughed lightly. For some reason, she was feeling much better. Nakalimutan na niya ang pagdududa sa pagbabago bigla ng ihip ng hangin kaya bumuti ang pagtrato sa kanya ni Jared.

"At sino naman ang pupunta rito?" pagsasalubong ng mga kilay nito. "Tama na 'yan."

Tatangayin na siya ni Jared nang mag-iba ang tugtog.

Ed Sheeran's Dive instantly changed the mood in the room. Everything began slowing down, even her heartbeat and breathing. She felt warmer and started noticing how close she is to Jared. Lily felt sealed and protected by his free arm around her waist. Their arms slowly branched across one another as their wine glasses almost clinked. Nagpatong ang gilid ng kanilang mga kamay na humahawak sa baso para suportahan ang isa't isa.

In that moment, they fell under the spell of the music.

They slowly moved their bodies side by side, mirroring each other's pace.

Naihilig ni Lily ang ulo, napatitig sa mga mata ni Jared na sa kanya lang din nakatutok.

"I can't believe you chose to be nice to me again. Why are you suddenly being nice to me?" may pakikiusap sa kanyang boses. Sana naman, sagutin siya ng totoo ni Jared.

"Because you promised you'll start treating me nice," his smile is in between sad and faint.

"Promise pa lang 'yon, Jared. Bakit hindi mo muna hinintay na gawin ko 'yon bago ka gumanito?" sermon niya rito. "Ikaw talaga, ang rupok mo rin, no?"

He cocked his head to the side and sang along tenderly with Ed Sheeran. Tulad niya, halatang medyo lasing na rin ito.

And I could live and I could die, hanging on the words you say.

Sinubsob niya ang mukha sa balikat nito. Peste. Naaamoy pa rin niya ang bango ng lalaki.

"Jared!" she beat his upper arm with a hand. "Sagutin mo naman ako ng maayos!"

Nag-angat lang ito ng ulo. Iyon ay para maipatong ang baba sa tuktok ng kanyang ulo. Then, it was him who almost carried her away as he swerved their bodies to the side. Upon facing another direction, that's when they resumed their slow dancing— just stepping their feets side by side along with the rhythm of the music.

Ilang minuto pa silang ganoon bago narinig ang ilang beses nang pagtunog ng doorbell mula sa gate. Jared slowly released her. And she was so reluctant. A soft cry escaped from her lips as Jared decidedly separated from the dance.

Malungkot niyang tinanaw ang paglapag nito sa hawak na baso sa tabi ng boteng nasa side table.

"Check ko lang kung sino ang nasa labas," paalam nito at walang lingon siyang iniwan.

Nung una, wala siyang balak sundan ito. Pero nagtaka siya dahil alanganing oras na, may bumibisita pa rin sa bahay ni Jared. She almost tripped before gaining back her balance. Wala sa loob na nasama niya sa paglabas ng bahay ang hawak na wine glass.

Nakapaang binagtas niya ang driveway at ilang mga hakbang ang layo nang mapahinto dahil sa pagpasok ng kotse. Hindi na maisasara ang gate dahil doon.

She watched until Jared walked toward the black car that just parked. Inabangan nito ang pagbukas ng pinto. A long-haired man got down from the car, who walked around to open the door for someone on its shotgun seat.

May bumaba roong babaeng naka-hoodie. Dahil sa aninong likha ng suot nitong hoodie, hindi man lang nasilip ni Lily ang mukha nito. The two faced Jared and talked. They could hear them but not make out the words they were saying. Napatingin sa direksyon niya ang naka-dress na babaeng may suot na hoodie. Sumulyap tuloy ang dalawang lalaki sa kanya.

Nahuli niya ang pag-iling ni Jared. Obviously, he was going through that how can I explain this situation. Seryosong kinausap nito ang lalaki. Hindi naman nawala sa kanya ang tingin ng naka-hoodie.

Hindi rin ito nakatiis na tawagin siya kahit malayo-layo ang kanilang distansya. Pinalakas nito ang boses para umabot sa kanya.

"Celeste?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro