Chapter Sixty-Two
"WE HAVE TO TALK," mahigpit na wika ni Basil. "Just us, Lily."
Hindi tuloy natuloy ang paghalik ni Jared sa kanya. He looked at her with expectant eyes, waiting for her to make a decision.
As she should.
Sinalubong niya ang naghihintay nitong mga mata.
"Ang meeting ang pinunta ko rito kaya, tatapusin ko muna ito."
Jared gave her a nod. Sa pagpayag ng lalaki, gumapang na ang kaba sa kanyang dibdib. Solo niyang makakausap ngayon ang kapatid. Will she manage to make him take her side this time? Will he believe her?
Nakakatakot isiping mabibigo na naman siyang muli.
Pero mabilis na natunaw lahat ng kanyang takot nang gagapin ni Jared ang isa niyang kamay.
Yes. He just did that.
He did that right in front of Miss Jackie and her brother.
All this time, he was insisting to keep their involvement a secret. Para sa ikabubuti nila. Para sa kanilang mga trabaho. Hindi niya maintindihan bakit kung kailan malapit na nilang matapos ang lahat ay saka pa tila sumuko roon ang binata. He did not deny her or their relationship.
Instead, when they were caught, he took responsibility of it.
Pinatotoo ni Jared ang namumuong ispekulasyon sa isip nila nang madatnan ang kanilang pag-uusap at maaktuhang maghahalikan na sila.
Jared did not just protect her.
He stood by her.
Jared gave her hand a reassuring squeeze before gently releasing her. Kita niya ang kumpiyansa sa mga mata nito, na para bang hindi pa siya nakakagawa ng pagkakamali noon. His gaze was enough to let her know that he knew she can do it this time.
That her ability to speak up and take charge wasn't only applicable in the bedroom.
But in her life in general.
She didn't have to fear anymore. She didn't have to worry about consequences.
Because whatever it may be, what matters is that she spoke her truth and stood by her own convictions.
Tinanaw ni Lily ang paglisan ng lalaki. Nilagpasan nito si Miss Jackie na naghabol-tingin kay Basil na palapit naman sa kanya. Basil seemed to sense her hesitation to leave, so he looked at the HR Head over his shoulder. He narrowed her eyes on her. Mukhang hindi nito matanggap ang pinapahiwatig ng lalaki, kaya pinamukha ni Basil sa babae kung sino ang boss at ang dapat na gumagawa ng desisyon sa kompanya.
"Leave us alone," he said in a hard tone.
Tinitigan ni Miss Jackie ang kanyang kapatid. Nasa pag gusot ng mukha nito ang protesta pero dahil hindi natinag si Basil, napilitan itong umatras. She gave him a lingering look. Tingin na tila nagbabanta. Pero sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niyang hindi nagbawi ng tingin si Basil dito.
At nang umalis si Miss Jackie, iyon din ang kauna-unahang pagkakataong nakipag-meeting si Basil nang hindi ito kasa-kasama.
Naniniguradong sumilip sa labas ng conference room si Basil. Nang makitang wala nang tao roon, sinara nito ang frosted glass sliding door niyon. He faced her.
"Let's make this quick. Grab a seat, Lily."
Tahimik siyang tumalima. Bumalik siya sa pwesto kanina. Ang kabisera naman ang inokupa muli ni Basil.
He was supposed to sit in this perfect posture— straight back, elbows off the table and all. But as soon as he took that seat, he swung it to face her direction. Tinukod nito ang siko at braso sa mesa para suportahan ang pagsulong nito palapit sa kanya.
Mataman nitong tinitigan si Lily sa mga mata. Nagsalubong ang mga kilay.
"What is the meaning of this?" he hissed between this teeth.
.
.
NAABUTAN NI MISS JACKIE SI JARED SA PASILYO. Huli ito sa mga lumabas mula sa conference room. Nakasandal na si Jared sa puting-puting pader nang lapitan nito.
"How does a revoked license sound like?" hilig nito ng ulo, may himig ng pagyayabang sa tinig ng matandang babae.
"Why would my license be revoked?" hindi apektadong salubong niya sa tingin ni Miss Jackie, walang tinag sa pagkakasandal sa pader habang hawak ng isang kamay ang dalang folder.
"Because," ayos nito sa pagkakayakap sa mga folder na kanina pa dala. She intentionally trailed off. Her cold eyes slowly scanned him, her way of trying to scare him by suspense before continuining. "As far as I know, you can't be personally involved with your client."
He looked away, appearing deep in thoughts when in fact, he was only wearing the facial expression to not giveaway too soon what's running on his mind. Then, he masked on a confused look as he returned his eyes on Miss Jackie.
"As far as I know, my client here is a corporate body. Variant, right? How come I am personally involved with it? I have never been here before. I haven't met its acting President, Sir Basil, before."
Naningkit lang ang mga mata ng babae. Nagkakalkula ang matalim na tingin bago mabilis na lumihis ng daan. Naalis si Jared sa prenteng pagkakasandal sa pader nang makitang paalis na ito.
"Saan ka pupunta, Miss Jackie?"
Hindi siya nilingon ng babae. Mabilis ang mga hakbang nito pero tuwid pa rin ang katawan at walang makakaisip na nagmamadali ito. Kung may balak itong takbuhan sila dahil malalantad na ang ginawa nitong gulo, hindi siya makakapayag.
Jared was already on her trail.
"Why are you doing this?" he asked that seemed to echo on that hallway loud enough to make her stop on her tracks.
Sinamantala iyon ni Jared para maabutan ang babae.
Mukhang inasahan na iyon ni Miss Jackie. Nilingon siya nito.
"Anyone would do something when someone messes with the one they love," she fiercely confessed under her breath, defiant eyes on him. "We can't just stand here and do nothing. Lalo na kung ang mahal natin ang naaagrabyado. I have to fight for the person I love. You should understand that because that's what you also did here."
"I understand what you mean. But that doesn't mean we're the same and that we did the same here."
Naguguluhang napamulagat ang ginang.
"Naagrabyado si Lily rito," anas niya, namumuo ang anino sa kanyang mukha, "pero wala akong ginawa para sa kanya. I just did what my job calls for. Kailangan ng evaluation ko, kaya nagbigay ako ng report. Naglahad ako ng supporting grounds kung bakit ganoon ang naging evaluation ko. Ang pagtatanggol kay Lily? Siya mismo ang gumagawa niyon. Ngayon mismo. Habang kausap niya si Sir Basil."
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, may namuong panlalambot sa mukha ng ginang. Rebelde ang mga labi nito, nanatiling nakatikom ng mariin. Nagpoprotesta ang tindig nitong hindi nagpapatinag sa kanya.
"We are not required to fight the battles of the people we love. How will they grow if it's you who keep dealing with their own battles?" mabigat na patuloy ni Jared. "Ang tanging magagawa lang natin para sa mga taong mahalaga sa atin, sa oras na hinaharap sila ng pagsubok, ay palakasin ang loob nila. The only thing we can do is believe in them, believe that they can deal with things on their own. And to make them feel that too. That we believe in them. And that they can take on any hardships no matter what. Hindi tulad mo. Hindi tulad mo na lumalaban sa laban na hindi naman sa'yo."
Anger spiced her eyes. Hindi nito kayang magpatalo sa kahit kanino. Ni umamin ng pagkakamali o pagkatalo. "Would you say the same thing if it's your child, Mr. Guillermo?"
Gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha.
Hindi na niya natanong ang babae dahil tinalikuran na siya nito. She pressed the up button and boarded an elevator.
Sa tingin ni Jared, hindi tatakbuhan ng babae ang gulong ito. Iisip at iisip ito ng paraan para manalo, tulad na lang ng kung paano nito hindi tinanggap ang mga sinabi niya. Kung paano nito pinanindigan ang sariling dahilan kahit kitang-kita na nito ang sariling pagkakamali.
.
.
"WHAT IS THE MEANING OF WHAT?" paglilinaw ni Lily sa tanong ni Basil. "Iyong sa post? Itong tungkol sa amin ni Jared? How much did you hear from our conversation?"
Napaatras siya mula sa kinauupuan, dismayadong napailing.
"Don't tell me you still believe that Jackie over your own sister!" she groaned and flinched. "Of course, you do! You'll never believe me!"
"Let me explain, will you?" lalong gumusot ang mukha nito. "Ang hirap kasi sa'yo, hindi mo inaalam ang dahilan sa likod ng mga ginagawa at sinasabi ko."
Napahalukipkip na lang siya. Sumandal sa kinauupuan habang mataray ang tingin dito.
"Ano pa ang kailangan kong alamin? Alam ko na namang ginagawa mo lahat ng pagpapahirap sa akin dahil sobrang disappointed ka sa akin. Basura na lang naman ako sa pamilya natin, Basil. Hindi ako tanga. At hindi ko na kailangan ng verbal reminder mula sa'yo kapag tinanong kita kung bakit ganito, bakit ganyan."
"Malakas na ang laban mo, Lily," his voice strained with frustration. "May mga ebidensya na rin na pabor sa'yo. How could you mess things up by blatantly flirting with Mr. Guillermo right in this very room?"
Lily rolled her eyes. "Yeah, right. Here I go again with my regular programming—" tumutok muli ang nang-iinis niyang mga mata kay Basil, "—to mess things up."
Sumusukong napa-ungot na lang ito. Tumuwid ng upo si Basil at napamasahe saglit sa noo at sentido na abot ng mga daliri nito. He released a heavy sigh to relax himself a bit before resuming.
"Just accept that you mess things up. And that's okay. But you have to know that you mess things up, para alam mo kung ano ang aayus-ayusin sa susunod. Maliwanag?"
She could not help tears stinging her eyes. Lily managed to keep them at bay, making her brown irises turn into a melted glassy pair. "I hope you already told me that before..."
Parang nanunumbong ang kanyang tinig, nagdadamdam.
"Do I always have to tell you everything? And do I always have to tell you things over and over again? You obviously don't listen to me before. Kaya mabuti na rin itong hinayaan na kitang ikaw na ang bahala sa sarili mo," mahinahong panenermon nito. Kahit kailan talaga wala sa katawan ni Basil ang magpaka-softie kahit kaunti para magpakita ng concern sa kahit sino. "Now, back to the original matter," he cleared his throat and leaned closer to her once more, "iyong sa post. Hindi talaga ikaw ang gumawa niyon?"
Lily groaned. "That's what I've been trying to say all along! It wasn't me!"
"Okay, okay. Huwag mo akong sigawan."
"Ayaw mo na paulit-ulit ka pero pinapaulit-ulit mo rin naman ako!"
"I want to clarify. Ang ginawa mo lang naman kasi nitong nakaraan, eh, mag-walk out. You just took the accusaition as your own."
"Dahil sinabi ko nang hindi ko ginawa iyon pero ayaw mong maniwala. Eh,'di inako ko na lang para wala na tayong pagtalunan! Pinapahiya mo lang ako that time sa office. Pinagtitinginan na tayo noon at—" another heavy sigh then she shook her head. Pagod na nagpakawala siya ng buntong-hininga na naman. Gusto niyang gawin 'yung calming technique na tinuro sa kanya ni Jared. Kaya lang baka magtaka si Basil kung ano ang nginu-nguso-nguso niya.
"Remember our setting. Nasa workplace tayo. In here, I can't be your brother. I can't make decisions and judgments just because we're siblings. Ano ang gusto mong maging impresyon ng mga tao rito? Na nagpapairal ako ng kamag-anak system dito?"
Lily just looked away.
"No matter what happens, Lily," seryoso nitong saad kaya napukaw niyon ang kanyang buong atensyon, "you have to stand your ground. Makinig man sa'yo ang mga tao o hindi, panindigan mo kung ano ang totoo. You have to be strong on your own, because you never know when the people you lean on will be unable to keep standing by your side."
Bakit nasasaktan siya sa mga sinasabi ng kapatid.
"Are you going to die? Do you have a terminal disease or something?"
Naeeskandalong pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Anong mamamatay na? Umayos ka nga!"
She was relieved, but still could not explain why she was scared of the things Basil were saying.
"I can't be who I used to be in your life anymore, Lily. I can't be that person you can lean on anymore. I am still your brother, but you have to outgrow me. Dahil kung aasa ka na muli mo akong masasandalan ulit tulad noon, wala..." umiling ito, nasa kanya pa rin ang mga mata, "wala kang mararating. You won't get out of your comfort zone. You won't learn to do things on your own. Lagi mo akong tatawagin kapag may problema ka at ipapaayos mo iyon sa akin. I don't want that, dahil ayokong maging kawawa ang kapatid ko kapag wala ako."
"You can teach me that without being mean to me."
"I have to. Dahil magkatrabaho na tayo. At puro kalokohan ang pinaiiral mo rito. Halata namang nang-aasar ka sa amin rito."
"Dahil, hello, anong klase ng trabaho ang binigay ninyo sa akin? Taga-print. Taga-photocopy."
"The easiest job," paglambot ng mukha ni Basil. "Because I want you to keep living."
"The easiest job... I... I never looked at my job that way before," naluluha niyang saad. "All this time, in my mind, iniisip kong binigay niyo sa akin ang trabaho ko rito para ipakita sa lahat kung gaano kaliit ang tingin ninyo sa akin."
"To be honest, I am willing to give you a higher position. Pero mahirap i-compromise ang ikabubuti ng kompanya at ng mga empleyado nito sa isang tao na... hindi sigurado sa kung ano ang gusto niya sa buhay. Kung ano ang passion niya. Kung anong klase ng trabaho ang gusto niya." Nalungkot si Basil. "You never wanted to be anything since then. You wanted to be happy and that's all. You never aspired to be anything, to be something. Just to feel happy."
"And survive," she clarified, recharging her inner strength.
"You didn't do it," Basil confirmed. "You had every opportunity to bring this company down but you didn't."
"Will it make me happy, Basil? Will I survive after I bring this company down?"
Napatitig sa kanya ang kapatid. Pinaliwanag ng reyalisasyon ang mukha nito.
"It won't," Lily answered. "So, what makes you think I'll sabotage Variant?" At buong determinasyon at tapang niyang inamin muli rito. "I want to have Variant. I won't ruin something just to have it, the same with I won't destroy the people I love to make them love me. Buong buhay ko kayo gagalitin, pero hindi ko gugustuhin na mapahamak kayo. Buong buhay ako sigurong magrereklamong nababagot ako sa trabaho ko rito sa Variant, but I won't stop until I get to manage this whole place."
.
.
NAKASANDAL SA PADER SI JARED NANG MAKITA SI BASIL. Nanggaling ito sa conference room tulad ni Lily pero nakakapagtakang ito lang ang lumabas mula roon.
He was about to greet Basil. Gusto niyang tanungin ang lalaki kung ano ang nangyari sa pag-uusap nila ni Lily. Pero naunahan siya nito. Nilagpasan siya ng lalaki.
Tinanaw ito ni Jared hanggang sa huminto sa tapat ng sarang pinto ng elevator. Basil pressed the up button and stood there waiting. Sinamantala na dapat ni Jared ang pagkakataong iyon pero tuluyan na siyang napako sa kinatatayuan.
Minasama ba niya ang tungkol sa amin ni Lily? Nag-aalalang titig niya rito. Kaya ba... hindi niya ako pinansin?
The doors opened. Walang lingon-lingong pumasok doon si Basil.
Jared turned around and headed to the conference room. Nadatnan niya roon si Lily, nakaupo pa rin sa upuan na orihinal nitong pinuwestuhan. Lalong lumala ang pag-aalala niya dahil nakasubasob ang mga kamay ng dalaga sa mukha nito.
As he strode towards her, she slowly ran down her hands. Matapos nito hilamusin ng mga palad ang luhaang mukha, napasinghap ito. Saktong pag-angat kasi ng dalaga ng tingin, nakatindig na siya sa tabi nito.
"J-Jared."
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pinangunahan siya ng pagdidilim ng anyo kahit hindi dapat. Wala pa siyang nalalaman sa naging usapan nila, hindi siya dapat nag-a-assume ng kahit ano o nanghuhusga. Pero bakit ganito? Bakit nagagalit siya? Bakit masama ang loob niya kapag may nananakit kay Lily? Bakit una siyang nabubulag ng emosyon kapag ang dalaga na ang apektado? Ito ba ang totoong nais ipaintindi sa kanya kanina ni Miss Jackie? Na kapag ang taong mahal mo na ang naagrabyado, pinapangunahan ka na ng sarili mong emosyon?
"Ano ang sinabi niya?" mabigat ang kanyang boses, pilit na sinusupil anuman ang galit na namumuo sa kanyang dibdib.
Hindi pa rin ba naniwala si Basil sa'yo... Lily?
Lily carefully wiped her tears. Inokupa ni Jared ang binakanteng upuan ni Basil sa kabisera ng mesa para mag-lebel ang kanilang mukha. He made sure he would catch the gaze of her eyes rimful of tears. Her lips stretched into a sad smile.
"He... He finally believed me, Jared. He finally did," umiiyak sa tuwang garalgal nitong pagsasatinig sa nararamdaman.
He was wrong. He assessed it wrong. It wasn't a sad smile. Her tears weren't out of heartbreak.
Lily was happy. Happy beyond comprehension. It was a feeling so overwhelming it made her tears flow freely. Sumingot ito at nagpakawala ng garalgal na tawa. Mahina pero para kay Jared, pinagsisigawan ng tawang iyon ang kanyang saya.
Sa wakas at nakuha na niyang ngumiti. Pero sa pag ngiti, medyo nanginginig ang kanyang mga labi. Masaya siya para sa dalaga, pero kapag nakikita niyang umiiyak ito parang nahahawa na rin siya. It was too late before he felt his eyes film with tears.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro