Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixty-Three

"NAGKASAGUTAN KAMI NI MISS JACKIE," balita kay Lily ni Jared.

Nang maka-recover si Lily at nag-ayos ng sariling hitsura, nagmamadaling tinahak nila ang pasilyo. Sumakay sila sa elevator kung saan muli silang nag-usap ni Jared. Wala namang ibang pupuntahan si Miss Jackie kundi ang opisina nito sa HR Department. At malamang, doon din dumiretso si Basil matapos siya nitong kausapin. Kung hindi pinatagal ni Basil ang isyu tungkol sa mapanirang post patungkol sa Variant sa social media, mas lalong hindi nito palalampasin ang pagkausap kay Miss Jackie.

Lalo na't iyon ang magpi-pinal sa desisyon ni Basil tungkol sa gulong ito.

Anuman ang maging pasya ni Basil, pinagkakatiwala na lang iyon ni Lily sa kapatid.

Hindi man siya ang magpalakad sa Variant bukas o sa susunod na taon, mahigpit ang paniniwala niyang maayos iyon ililipat ng kanyang Kuya sa kanya kapag dumating na ang panahon para roon.

Sana... sana dumating na ang panahong iyon...

Nagpatuloy si Jared nang makasakay na sila ng elevator.

"May binanggit siyang anak."

"Anak?" kunot-noong lingon niya rito.

Hay, ang gwapo. Kainis. Diretso na sa indicator gilid ng pinto, malapit sa mga buton, ang tingin ng binata.

"She said she's doing it for her child. Na naagrabyado ang anak niya. At sinong tao raw ang hindi kikilos kapag anak na niya ang naagrabyado."

Nakatitig lang siya kay Jared. He looked hard as stone again, pensive and unfeeling at the same time. Gaano karaming bagay kaya ang mabilis na tumatakbo sa isipan nito?

"May anak pala si Miss Jackie," mahinang bulong niya, tinuon na rin sa harap ang tingin.

Gulat siyang nilingon nito. "Hindi mo alam na may anak si Miss Jackie?"

Lily shrugged. "How would I know? Wala nga sa HR ang nakikipagkaibigan sa akin, 'di ba? Kapag kinakausap naman ako ni Paula—" Nilingon niya saglit si Jared. "Look, I respect her. I mean, I can see that she's really doing her job very well—" At binalik niya sa harap ang tingin. "Pero puro pananaway at panenermon ang sinasabi niya kung hindi work-related. So, how can we be friends?" Hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi na big deal ngayon sa kanya ang bagay na ito. Na wala siya naging kaibigan talaga sa trabaho. "Ang mga nakakakwentuhan ko lang naman eh, 'yong mga taga-maintenance. Although I know, sinasakyan lang ako ng iba sa kanila kasi alam nilang Marlon ako."

"You worked here for five years. And you really have no idea?" pangungumpirma nito.

She met his gaze, gently shook her head. "Wala, wala. Wala talaga, Jared."

Lumalim ang ilang guhit sa noo nito at tumango-tango. Tumuwid ito ng pagkakatayo, nakaabang na ang tingin sa pinto.

"We have to find out kung sino 'yong anak na tinutukoy niya. Ikaw ang pinag-iinitan ni Miss Jackie, kaya posibleng ikaw ang nakaagrabyado sa anak niya—"

Pinanlakihan niya ng mga mata si Jared. "Are you suspecting me?"

"Let me finish!" lingon nito sa kanya. They had a sizzling staring match before he calmly continued. "Posibleng ganoon ang nangyari. O baka nagtrabaho na rito sa Variant ang anak niya. Hindi maganda ang naging dahilan kaya natanggal rito. O pwede rin namang si Basil ang nakaagrabyado sa anak niya."

"Imposibleng employee 'yon dito. If that's the case, Kuya Basil would already know na may anak si Miss Jackie na nag-work dito noon," labi niya, nasa pinto na rin ang tingin. "At kung si Kuya Basil ang nakaagrabyado, somewhere outside Variant..." Napailing siya. "I really don't know, Jared. Parang hindi tama, eh. I mean, why would Kuya Basil put someone in trouble? Eh, siya nga mismo, takot na takot makagawa ng pagkakamali sa buhay niya. He's so afraid to disappoint anyone, especially himself."

"Maybe it's unintentional."

"Or maybe, hindi sa akin, kay Kuya o sa Variant may galit si Miss Jackie," Lily's eyes narrowed. "What if, may sobrang maaapektuhan sa gulong ito na ibang tao kaya ginagawa niya ito?"

Jared took some time to reply. Nakalabas na sila ng elevator nang magsalita ito.

"Is Oliver somehow related to her? Is she Oliver's mother?"

He asked that in a hushed tone. And the question made Lily almost choke in laughter. The result was a wheeze. She just found it funny because Miss Jackie and Oliver's personalities were poles apart. Kung si Miss Jackie ang nagpalaki kay Oliver, hindi magiging sobrang carefree ng lalaki at malakas ang apog. Lily could imagine Miss Jackie's child to be well-mannered, decent and timid. Someone who was trained by their mother to choose doing the right thing at all times. To never disappoint anyone. To avoid getting into troubles, risky adventures or making mistakes...

"Si Miss Jackie? Nanay ni Oliver?" pigil niyang mapalakas ang tawa. "Hindi, no! I've met Oliver's parents before. I swear, hindi related si Miss Jackie sa Oliver na 'yon."

"I don't even know how I thought of that. That's an instinct driven idea, nothing logical about it," Jared murmured as they neared the entrance to the HR Department.

Nahihiwagaang napatingin si Lily sa mukha nito. Hindi man lang nag-effort si Jared na itago ang pagkalito sa ginawa nito.

"You don't have to act like a stereotypical Psychologist all the time. Be human, Jared baby."

"I know that. May mga pagkakataon lang talaga na... Ewan ko ba. Nagpapasikat yata ako sa'yo kaya gusto kong—" napailing ito at natawa sa sarili. "When I started Psychology, I never really planned to and never really wanted to. Kaya ngayong licensed na ako, pakiramdam ko, hindi ako legitimate na Psychologist. I always feel like, I should make sure I act like one, you know?"

Nangingiting tinapik-tapik niya ito sa braso.

"I think you're just overthinking things." Then, here comes her teasing smirk. "I'll relieve that this weekend at The Org."

Napamaang na nilingon siya nito. She just said those things loudly and exactly when they already stepped inside the HR Department. Ginantihan niya ito ng malaking ngisi at nahihiyang nag-iwas ito ng tingin. Mabilis na ginala ni Jared ang tingin sa paligid. He was checking if anyone were in their own desk and overheard their conversation.

But surprisingly, most of them were not on their desks.

Natanaw na lang nilang nakatayo sila sa loob ng cubicle ni Isla. Doon nagkumpulan ang mga ka-department ni Lily, nag-uusap sa mababa at mahinang mga boses nang kanilang lapitan. Gulat na napalingon ang mga ito sa kanila.

"What happened?" diretsahang tanong ni Jared sa mga ito.

Nagtatanong man ang mga mata nila kung bakit magkasama sila, mas pinili ng mga ito ang manahimik. Pinaubaya nila kay Paula ang pagsagot sa tanong ni Jared.

"Si Miss Jackie, nag-undertime," anito, kalmado sa kabila ng pag-aalala. "Natiyempuhan ni Sir Basil na paalis. Nagkasagutan sila dito kanina."

"Ano'ng— Paano—" sabit ng mga kamay ni Lily sa ibabaw ng dingding ng cubicle ni Isla para masilip ng mabuti ang mga ito.

Gusto niyang alamin kung ano ang pinagtalunan ng dalawa. Kung ano ang saktong mga salitang binitawan ng mga ito. Kaya lang, nangibabaw ang pagkalito niya. Ang pag-aalala. Ang gulat. She could not even word things out the way she wanted to.

Nakakagimbal ang kanilang nabalitaan dahil kahit kailan, hindi pa nagkasagutan si Basil at Miss Jackie. They seemed to have one mind and always agree with each others' input and decisions concerning Variant. Isa pa, masyadong professional kumilos sa kompanya si Miss Jackie. All these years, her record had been clean, which made her rise to position from Front Desk Receptionist up to HR Head non-questionable at all. Everytone thought that it was very well-deserved.

Lily never liked Miss Jackie that much. For her, the HR Head was a heartless boss who chose to always stick to the rules and decisions that are only favorable to the company. Pero hindi naman niya hiniling sa tanang-buhay niya na humantong ang lahat sa ganito. Hindi niya kayang i-discredit ang loyalty ng ginang sa kompanya, ang mga taong ginugol nito na ginagawa ng maayos ang bawat trabahong iniatas dito.

"Gusto siyang kausapin ni Sir Basil," panimula ni Isla.

Mukhang may ideya na si Paula kung ano ang ikukwento ng kasama kaya nahihiya itong napayuko. Habang ang mga katrabaho nila, hindi malaman kung kanino ipupukol ang buong atensyon. Nagpalipat-lipat ang kanilang nag-aalalang mga mata kay Paula, sa kanila ni Jared, at pabalik kay Isla nang ituloy nito ang pagkukwento.

"Pero ayaw niya makipag-usap. Hindi naman pumayag si Sir Basil na lagpas-lagpasan lang siya ni Miss Jackie kaya pinigilan niya talaga. Hinarang niya talaga rito mismo."

Isla paused then, checking everyone's faces. Binigyan ni Lily ng tingin ang babae na nagbibigay assurance na nakikinig pa rin siya rito. Gayundin ang iba nilang kasamahan.

"He's finally asserting authority. Showing her who's really the boss here," Jared gently murmured before nodding at Isla who glanced at him. His nod was a cue for her to keep talking.

"Doon na sumabog si Miss Jackie. Sabi niya, tatanggalin din naman daw siya ni Sir Basil dito sa kompanya kaya para saan pa na pinipigilan siya ni Sir umalis."

Hindi makapaniwalang napatitig lang lalo si Lily kay Isla.

She just snapped back to reality when Jared spoke.

"Check lang ako ng notifs ko," iwan nito sa kanila.

Lily gave the girls a courteous nod, letting them know that she was going to leave as well.

"Ngayon mo pa naisipang gawin iyan?" habol niya kay Jared.

Dumiretso ang lalaki sa kanyang desk. Pumuwesto ito sa harap ng kanyang desktop. Naiwan iyong naka-stand by lang kaya mabilis na bumukas agad. Sumilip si Lily mula sa likuran ng binatang nakaupo sa swivel chair. He clicked open a web browser and visited a social media site.

The page loaded on the screen. Napalunok si Lily dahil naiwang naka-log in pa roon ang kanyang social media account. 'Yong lumang account mismo. 'Yong account na pinalitan ng pangalan kaya naging Rebellacion Trinidad.

Naghintay siya. Pero hindi iyon ni-log out ni Jared. He typed something on the search bar of that website.

"Jared, why are you using my account?" higpit ng kamay niya sa ibabaw ng backrest ng kinauupuan nito. Then, she remembered all the evidences that Jared presented to the meeting earlier. "Tiningnan mo ba lahat-lahat ng nasa account ko na 'to?"

Saktong natapos sa pagta-type ang binata.

Maria Jacqueline Oreta

"Bakit mo hinahanap ang social media account ni Miss Jackie?"

"Aalamin lang natin kung sino 'yong anak na tinutukoy niya," malumanay nitong paliwanag. Lumabas na ang resulta ng search. Mahaba-habang hanay ng listahan ng mga accounts na may ganoong pangalan ang nakaabang sa kanila. They saw exact names, as well as accounts named closely with Miss Jackie's full name.

"Sagutin mo muna ang tanong ko habang naghahanap ka diyan. Tiningnan mo lahat ng nasa account ko rito sa Face—"

"Oo," walang gatol nitong sagot. Seryoso ang boses dahil mas nakatuon ang buong focus nito sa iniisa-isang mga account.

"Pati mga albums?" humina ang kanyang boses.

"I have to. Part of investigation."

"Isn't that invasion of privacy?"

"You signed a contract with Variant that you agree with the contents of the employee's handbook. Nakasaan doon na binibigyan mo ng authorization na mag-conduct ng anumang klase ng investigation na nararapat kapag na-involve ka sa isa sa mga kailangang imbestigahan ng kompanya."

Lily swallowed, still staring at Jared's sharp and defined sharp profile. Contents of the monitor reflected in his lifeless eyes.

"Do you think, lahat ng employees binabasa talaga ang buong handbook na 'yon? I mean, it's 700 pages long and—"

"It's only 452 pages," pagwawasto ni Jared pagka-click sa isa sa mga profile sa website. "And as an employee, you really should read everything. Hindi lang kontrata kundi pati handbook. Lahat. Read it. Hindi para sa kompanya iyon. Para rin sa'yo 'yon. Sa safety mo. Sa rights mo bilang empleyado."

Lumipat ang tingin niya sa monitor. Nakalantad na ngayon ang social media account ni Miss Jackie. It was named Ma. Jackie Oreta. Jared recognized that account from Miss Jackie's profile picture of herself wearing a white semi-formal dress. She stood in front of a high-profiled hotel's gigantic Christmas tree with sparkling gold-themed decorations. Maging sa litrato, propesyonal ang ngiti ng babae na nakapusod pa ng malinis ang buhok.

Jared immediately clicked the About section of Miss Jackie's profile.

Isa lang ang nakalagay nitong anak sa parte ng Relationships sa section na iyon.

And Lily immediately recognized the soft face of the woman there who was pressing her cheek against the cheek of a cute little curly-haired boy.

"Gretchen..." Lily whispered audibly.

"You know her?" Jared clicked open Gretchen's profile. Nag-scroll doon ng kaunti ang lalaki pero naka-private iyon kaya limitado lang ang nakita.

"Oliver's..." Hindi niya tinuloy ang sasabihin. That idiot!

"I guess we have to talk to Oliver," Jared spoke, already done filling the missing words she never said.

Para siyang sinuntok sa sikmura sa narinig.

"No," awtomatiko niyang daing pagkasabi na pagkasabi ni Jared na gusto nitong kausapin si Oliver.

Jared looked at her over his shoulder. "What no?" Gumusot ang mukha nito. "Malinaw na ngayon ang lahat. What she did is personal-driven." Nasa monitor saglit ang tingin ni Jared. "Oliver is somehow involved with Miss Jackie, through this Gretchen." Nilingon siyang muli ng lalaki. "Ginugulo ka ng Oliver na 'yon, 'di ba?"

"Nung nag-dinner tayo n'on, pero nangamusta lang 'yung tao. Hindi ko pinansin kaya kung anu-ano ang pinagsasasabi—" She sighed heavily. How terrible she felt for Jared that night. Ayaw na niyang magkaroon ng anumang rason ang lalaki para kamuhian siya. "That's the only time, Jared. Since then, wala na akong narinig sa kanya. I never saw him again."

Lily was already praying at the back of her mind. Sana maniwala lang sa kanya si Jared. Sana hindi ito magkaroon ng anumang ispekulasyon tungkol sa kanya at kay Oliver. Sana manatili na lang silang ganito.

She already knew how it feels when he's mad at someone.

When he's mad at her.

Lily didn't want that to happen again.

Ayaw na niyang magkaroon ng anumang dahilan para muli silang maghiwalay.

"I already know that," anito. "I was with you that night."

He raised a hand and left his palm open. The gesture magnetized her to put her palm against his', to slide her fingers between the gaps of his'. Dahan-dahang sumara ang kamay ni Jared, pinayakap sa likuran ng kanyang kamay ang mga daliri nito. Then slowly, ever slowly, he pulled her hand closer to his face. To his lips.

Jared bowed.

His lips pressed like butterfly wings on the top of her hand.

Pigil ni Lily ang hininga. His kisses are always the most effective thing that could calm her down. The most effective thing to comfort her worried heart... her tortured mind.

"I understand that you don't want to reconnect with the past anymore. But this is not just about that anymore, Lily. This is about our jobs. About Variant." Tiningala ulit siya ni Jared. His hair softly touched the side of her waist, her arm already draped across his chest. "Are you going to let the past and the people who hurt you before hurt you again?"

She stared into his eyes.

"Are you going to let the past hurt the things you love like this company? Are you going to let it hurt the people here?"

Madali lang naman ang pinapakiusap nito.

Kung walang nalalaman si Oliver tungkol sa nakaraan niya, tungkol sa pagiging pabaya niya na dahilan ng pagkamatay ng isang walang muwang na sanggol... oo. Oo, kaya niyang komprontahin ito. Kaya niyang harapin si Oliver at kausapin tungkol sa Variant.

Tungkol kay Miss Jackie.

Pero hindi. Base na rin sa nangyari nung huli nilang pagkikita, alam na niyang walang magandang patutunguhan kung magkikita pa sila ulit.

"No. Not again and not anymore." Her eyes pointed at a blank distance, searching for more courage. In fact, I am never, never ever going to allow the past to ruin everything for me now. Never. Then, she returned her eyes on her hand held by Jared while pressed on his chest. "But listen," Lily said calmly, "we don't need Oliver here. We are not required na kalkalin ang personal life ni Miss Jackie. Gayundin ang abalahin ang mga tao sa personal niyang buhay. Why don't we just talk to Miss Jackie? Have another meeting? Tutal, work-related issue itong inaayos natin dito. Manatili na lang sana ang lahat ng ito dito sa loob ng Variant. Whatever's happening with her personal life... it's none of our business. Out of respect, let's just not meddle with it."

Habang hinihintay ang isasagot ni Jared, napaisip siya.

So far, there's nothing strange and wrong with her reasonings. They are pretty objective, not the kind that can easily be thought of as something said out of personal or ulterior motive. Passable for something sound and professional...

Dahil kung may kinalaman talaga ang ginawa ni Miss Jackie sa nakaraan nila ni Oliver, mas maigi pa nga na isantabi na lang ang lahat. Paalisin na lang siguro nila si Miss Jackie o anuman. Basta huwag na nilang balikan pa anuman ang mga naganap noon na may kinalaman sa kanya at kay Oliver.

Ayaw na niya. Ayaw na niyang balikan pa nila ang mga nangyari noon.

Masakit. Masalimuot. At ngayong nakaka-move on na si Lily sa lahat ng iyon, nakakahiya na tuwing binabalik-balikan niya sa kanyang alaala.

"That's something that Sir Basil would say," Jared said, breaking in through her thoughts.

She internally cringed at the realization that everything she said would be something that Basil would also say.

"You think so?" mahina siyang natawa para pagtakpan ang nerbiyos.

"Well, you see how he handled the case when you were still the suspect. He just wanted you out of the company. Ayaw na niyang pakumplikaduhin pa ang lahat."

As Jared threw a gaze at her, Lily lowered her eyes.

She felt his reassuring squeeze on her hand.

"You don't have to do this. Huwag kang mag-alala. Hindi mo na kailangang harapin pa si Oliver o si Gretchen."

Gulat na napatingin siya sa mga mata nito. "And why is that?"

Jared gave her this small and gentle trust me smile. "Dahil ako na lang ang mismong kakausap sa kanila."

"There you are," pangingibabaw ng boses ni Basil, papasok sa cubicle ng desk ni Lily.

Sabay na bumitaw ang kanilang mga kamay sa isa't isa.

"Sir Basil," tindig agad ni Jared mula sa kinauupuan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro