Chapter Sixty-Six
TODAY MUST BE HIS LUCKY DAY. Oliver smiled from ear to ear as he dropped the call.
Nilingon nito si Miss Jackie. Nakatayo sa malayo ang babae, sa tabi ng bakanteng mesa ng isang coffee shop. Hindi napigilan ni Oliver na tuluyang humarap sa direksyon nito. Habang hawak ang cellphone, nangingising pinag-ekis nito sa dibdib ang mga braso.
An opportunity like this is very rare— seeing the usual, composed and in-control Miss Jackie soften her face with worry.
Malinaw itong nagsasalita. May emosyon. Kahit malayo, umaabot sa kinatatayuan niya ang boses nito. Oliver could not make out the words but he knew there must be a problem.
But this is favorable to him.
Siguro naman ngayon, titigilan niyo nang mag-ina ang pangungulit sa akin.
Kinalas niya ang pagkaka-ekis ng mga braso, napatingin sa hawak na cellphone.
Now that I am done with those two— it’s your turn, Lily and Jared.
“YOU HAVE TO GET HERE, MA,” pakiusap ni Gretchen habang kausap si Miss Jackie sa cellphone.
Palipat-lipat ang tingin ni Gretchen at sa mga bata sa salas. Kasalukuyang nakatayo ang babae sa tapat ng pinto ng bahay nito. Sila Paula at Jared naman ay nanatili sa table set kung saan sila iniwan nito.
“Magwo-work kaya ‘to?” nag-aalalang lingon ni Paula kay Jared.
Jared snapped out of his thoughts upon hearing her.
“Let’s hope,” tanaw niya kay Gretchen pero nawala rin agad ang atensyon niya rito.
Kahit nakatutok sa babae ang kanyang mga mata, si Lily pa rin ang nakikita niya. Ang phone call na iyon ni Oliver pa rin ang nagpapabalik-balik sa kanyang isip.
Nakatitig sa kanya si Paula. “Sino’ng tumawag kanina?”
Gulat na napatingin siya rito.
“Kanina ka pa ganyan. Parang wala rito ang isip mo.”
He took in a deep breath. “I might leave early.”
“Hay, naku.” Paula groaned. “Bakit? Saan ka pupunta?”
“Someone wants to see me,” he lowered his eyes on the table, saw the enveloped memo for Miss Jackie there.
“Nasa kalagitnaan tayo ng trabaho, Jared.”
“Alam ko.” It felt heavy as he said that, but eventually, saying more is starting to wipe off the weight on his shoulders. “Pero mas mahalaga ito sa akin.”
Tumuwid siya ng upo at nilingon si Paula.
“Tatawag ako sa HR. Tatanungin ko kung may kilala ba sila Isla na pwedeng sumundo sa iyo rito.”
Binalik ni Paula sa harap ang tingin. “Magko-commute na lang ako.”
Naawa siya sa babae. He could sympathize with the feeling of having to carry everything on one’s shoulder. He used to be that person. Na dahil panganay siya, inako niya ang lahat para sa ikatutuwa ng mga magulang.
“Please. I insist. Mas mahihirapan ka kung magko-commute ka.”
“Nagko-commute lang kaming mga taga-HR, no. Si Lily at si Miss Jackie lang sa amin ang may kotse. Kaya walang makakasundo sa akin dito mamaya.”
“Baka may mapakiusapan tayo sa ibang department,” Jared began swiping on his phone.
Una niyang nadaanan ang pangalang Basil Marlon.
“I’m very sure, this person will help,” he commented. “Pero dahil hindi ka komportableng kasama siya, I’ll find someone else.”
He continued swiping while Paula looked at him confused. Pero may pang-unawa ring sumungaw sa mga mata nito nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya rito kanina.
.
.
LILY LOOKED DEFEATED. Mula sa malayo natatanaw na niyang walang nakaparadang sasakyan sa tapat ng bahay ni Miss Jackie.
I’m too late!
Hindi niya na tinuloy ang balak na lumapit pa sa loteng kinatatayuan ng bahay nito. May naaaninagan siyang dalawang babae sa bakuran. Possibly, Gretchen and Miss Jackie talking. She didn’t mind them that much.
Niliko niya sa ibang daan ang sasakyan para makalabas ng subdivision.
Pero kung tapos na silang kausapin si Miss Jackie, bakit hindi pa rin sinasagot ni Jared ang tawag ko?
Sinulyapan niya ang cellphone.
Shoot. Of course, he’s driving! Si Paula kaya?
Tinabi niya saglit sa tapat ng gate ng isang bahay ang sasakyan. Buhay pa rin ang makina habang tinatawagan si Paula.
Nang matagalan ang babae sa pagsagot, kinabit niya ang cellphone sa phone holder ng kotse. Pinaarangkada niya iyon ulit.
Calling pa rin.
“Fuck. Who invented this policy ba na bawal sumagot ng personal calls during work?! What if may emergency?” Lily slapped the steering wheel in frustration while driving.
Her eyes looked around alertly. Even if she was already growing frantic, she wouldn’t let that distract her from driving safely.
But before she could start a call, her phone rang.
Ayon sa caller ID, galing ang tawag sa isang Atty. David.
.
.
PAULA JUST COULDN’T BELIEVE IT. Mula sa kinauupuan, tinanaw nito ang pag-alis ng sasakyan ni Jared.
Nag-aalalang lumapit si Gretchen dito.
Hawak pa rin nito ang cellphone malapit sa mukha, nakatakip sa mouthpiece sa dulo niyon ang isang kamay.
“Bakit umalis si Mr. Guillermo?”
“May emergency lang. But don’t worry, maghihintay ako rito hanggang sa makausap ko si Miss Jackie.”
Malungkot na nagbaba ito ng tingin. “I think, you should go. Imposibleng makapunta rito ngayong araw si Mama.”
“Bakit? Nasaan ba siya?”
“She’s not around Manila anymore.”
Napatitig si Paula sa babae. May sinabi kaya si Miss Jackie rito? Kung ganoon kasi, posibleng pinagtatakpan na ito ngayon ni Gretchen.
Paano niya ito magagawan ng paraan?
Paula took in a deep breath. “If that is the case, paabot na lang ito,” dampot niya sa envelope at inabot kay Gretchen. Mabilis na tinanggap iyon ng babae, natanggal ang pagkakatakip ng kamay sa dulo ng cellphone. “Hopefully, this week, makausap namin siya ng personal. Naging loyal siya sa Variant ng maraming taon. Kung aalis siya, gusto sana namin na maging maayos ang pag-alis niya. Gusto namin siyang bigyan ng opportunity na linawin ang lahat, na ipaliwanag ang side niya, kasi baka katanggap-tanggap naman ‘yung dahilan niya.”
Paula stole a glance at Gretchen’s cellphone.
Naririnig mo ba ako… Miss Jackie?
“Sasabihin ko,” naiilang nitong salubong sa tingin niya.
“Salamat,” upo ulit ni Paula sa upuan. “Hintayin ko lang dito ‘yong susundo sa akin.”
“Drinks?”
“No,” tingala niya rito dahil nakaupo na siya.
“Are you sure? You’ve been here for almost an hour. You must be getting parched.”
“Hindi na talaga. I am fine. Thank you,” Paula smiled politely.
.
.
IS IT POSSIBLE FOR US TO MEET THERE?
Oo nga pala. Hindi updated si Clint, kahit ang abogadong nirekomenda nitong si Atty. Kristen Avalon-David na nakabalik-trabaho na siya sa Variant. A lot is just happening, all at once, that Lily get some important things left out.
Tulad na lang ng napagkasunduan nila sa text ng abogada na tatawag ito para kumpirmahin kung payag itong makipagkita, kung saan nito gusto at anong oras.
Habang nagmamaneho, pinakinggan ni Lily ang suhestiyon ng abogada. Gusto nito makipagkita sa isang coffee shop na nasa lifestyle center na isang tawid ang layo sa isang mall.
Lily knew that place so damn well because it was the very same place with the fountains. Nasa lugar na iyon ang chocolate café na kinainan nila ni Jared, at ang japanese restaurant kung saan sila nag-date nung gabing nakita nila si Oliver.
Of all the places… why there?
Malapit ka lang naman doon ‘di ba?
Of course, that place is a very familiar landmark. Kahit sa mga hindi taga-roon. At siya nga pala ang nagpahiwatig sa text na pwede sila mag-meet ng abogada saanman sa siyudad na tinitirahan niya.
“Sorry, I am still processing this. A lot is happening lately… and now… and…” Nasapo niya ang noo.
I have to find Jared…
I want to know what happened nung kinausap nila si Miss Jackie…
I want to warn Jared about Oliver… Tell him about that idiot calling me up and scaring me…
What about Attorney David?
“Should we meet right now? Ngayon mismo?” wika niya. “I can cancel plans. I’ll go there now.”
No. After lunch, magaan nitong wika.
“After lunch. 1 P.M.”
1 P.M.
Lily nodded, taking in deep breaths. Medyo nakatulong naman iyon para bawasan ang taranta niya sa dami ng isipin.
“1 P.M. See you, Attorney.”
Determination shone in her eyes. I’ll also ask her about Oliver.
.
.
SINAMAHAN SI PAULA NI GRETCHEN SA PAGHIHINTAY SA SUNDO NITO. While killing time, kinuwento lang nito ang tungkol sa mga anak. Ang limang taong gulang na si Owen na sobra sa kakulitan, at ang isang taong gulang na si Grett na curious sa lahat ng bagay. Mas nai-stress daw ito kay Owen, gayunpaman, mahal naman daw nito ang mga anak.
“Natutulungan ka sana ng asawa mo sa mga bata kapag day-off niya,” komento ni Paula.
Napunta sa malayo ang tingin ni Gretchen.
“Asawa?” she scoffed, sarcastic. “Wala akong asawa.”
Napalunok ito. “Sorry. Hindi ako dapat nag-assume.”
“It’s okay.” Nakaiwas pa rin ang mga mata ng babae rito. “Babalik rin naman siya sa akin. At kasal pa rin kami. So, literally, I still have a spouse. But in essence, wala.” Dahan-dahang tumiim ang mga mata ni Gretchen kay Paula. “Kaya ngayon, si Mama na lang ang mayroon kami ng mga bata. You see, I have to take care of them, I can’t manage to have a job as of this moment. Kaya… si Mama na lang ang maaasahan namin ngayon.”
Paula lowered her eyes. Pakiramdam nito, nagpapahiwatig ang kausap tungkol sa anumang atraso ng nanay nito sa Variant.
“Kaya umaasa ako na, maayos agad itong gusto niyong maayos,” pagtatapos ni Gretchen.
Nanatiling kalmado si Paula. “Maaayos ang lahat kung makikipagkita siya sa amin. Bukas ang opisina sa Variant. She knows the schedule. Pwede niya kaming puntahan doon.”
Napatingin sila sa gate. Narinig kasi nila ang ugong ng silver na kotse na pumarada sa tapat niyon.
Iyon na yata ang sundo ni Paula.
Naghintay muna itong may bumaba. Pero imbes bumaba, bumusina lang ang driver niyon.
Driver na hindi maaninagan ni Paula sa salamin ng kotse nito. She’d better hurry and check.
Tumayo agad si Paula. Sumunod si Gretchen.
“Aalis na ako,” lingon niya sa babae. “Maraming salamat.”
“Salamat din,” walang buhay nitong saad at nagpatiuna pa sa gate.
Sinubukan ni Paula pero hindi nito nasabayan ang mga hakbang ni Gretchen. The woman immediately opened the gate for her, displayed a forced smile that didn’t reach her eyes.
“Thanks,” tango ni Paula at nilapitan agad ang kotse.
Kinatok nito ang bintana sa driver’s seat.
At nagulat nang makitang si Basil iyon.
Napasinghap si Paula. “Bakit ikaw?!”
Then she froze. Nakaalala ito na maging propesyonal. Paula cleared her throat and formalized her tone.
“I-Ibig kong sabihin… Good morning, Sir,” tumango pa si Paula rito. Pumaling ang ngiti. “Nasaan po si Sir Mikee? Akala ko, siya ‘yong kinontak ni Mr. Guillermo na susundo sa akin?”
Medyo nabawasan ang hindi maunawaang kaba ni Paula nang manatiling walang ekspresyon sa mukha ni Basil. He answered formally as well.
“I need Mr. Peñamora to troubleshoot a machine at the production floor ASAP. Nabanggit niya sa akin ang paghingi ng pabor ni Mr. Guillermo, and I think, this is my responsibility in the first place because I hired him. That’s why I am here.” Hindi umalis ang tingin ni Basil kay Paula. “Now, hurry up, Miss Paula. Tambak ang desk ko ngayon.”
Tumalima agad ang babae. “Sorry, Sir. Yes, Sir.”
At dumaan ito sa harap ng sasakyan, paikot sa shotgun seat. Habang naglalakad ang babae, doon pinakawalan ni Basil ang pinipigilang paghinga. He hyperventilated too, aggressively breathing in and out before shaking his head to calm the nerves completely. Saktong bukas ng pinto sa shotgun seat, nasa kondisyon na ang lalaki.
Tahimik nitong sinara ang bintana sa tabi nito. Nilingon ni Basil si Paula nang makaupo na. She swiftly put on her seat belt after shutting the door.
“Nakausap mo si Miss Jackie?” seryoso niyang tanong dito habang pinapausad ang kotse. “And what happened to Mr. Guillermo? Bakit iniwan ka rito?”
Diretso sa harap ang tingin ni Paula. “Unfortunately Sir, hindi nagpakita si Miss Jackie. Nung pinatawagan namin sa anak niya para pakiusapan, ang sabi, malabo siyang makapunta rito. Nasa Batangas na raw siya.”
“And do you believe that?”
Muntik na itong masamid. Nilingon nito si Basil.
“Sir?”
Nasa daan lang ang tingin ni Basil. He looked so composed. Walang makakahalata sa pagririgodon sa dibdib nito.
“Naniniwala ka bang nasa Batangas nga siya?”
Paula chose to be honest. “Sa tingin ko hindi. Posibleng pinagtatakpan siya ni Gretchen.”
“Same,” liko nito sa sasakyan. “Kaya, mag-aabang tayo rito.”
Paula felt a thump in her chest. “T-Tayo?”
“Yes,” parada ni Basil sa dulo ng kanto ng isa sa mga kalsada ng subdivision na iyon. Pinosisyon nito ang sasakyan kung saan abot-tanaw nila ang gate ng bahay ni Miss Jackie. “Maghihintay tayo kung talagang hindi makakauwi si Miss Jackie ngayong araw.”
“Para malaman ‘yan, buong araw natin kailangang maghintay dito.”
Hindi makatingin si Basil sa dalaga. “Hindi naman siguro tayo aabutin ng ganoon katagal.”
Kabadong nakiabang na lang din si Paula. “Akala ko po ba, Sir, tambak ngayon ang desk ninyo.”
“Oo. Pero nagbago ang isip ko. Uunahin natin ito. Hindi pwede sa akin na wala kayong nakuhang resulta ni Mr. Guillermo sa pinapatrabaho ko.”
She lowered her eyes. “Sorry, Sir.”
Patay na ang makina ng sasakyan. Tinukod ni Basil ang siko sa usli sa ilalim ng katabi nitong bintana.
“Kunin mo na lang sa sahig sa backseat ‘yong mga pagkain.”
Namilog ang mga mata nito. “Talaga bang nagbago ang isip mo o pinalano mo talagang tumambay tayo rito?”
He gave Paula a side-eye. “Look, I just want to give a meal incentive to my employees. I was expecting you got the job done.”
Nagdududa pa si Paula pero inabot na rin naman nito ang malaking paper bag ng pagkain. Kinandong din iyon ng dalaga.
“Pang-dalawang tao.”
“Supposedly, para kay Mr. Guillermo ang isa, but fuck it, give me that,” dakot nito para kumuha ng isa sa mga hamburger sa paper bag na kandong-kandong ni Paula.
Nagmamadaling kumapa si Basil at dumampot.
“Sir!” kislot ni Paula, natangay nito palayo ang kandong na paper bag.
Basil immediately withdrew his hand from the paper bag. Wala itong nakuhang pagkain.
“What?” he worried.
“Iba ‘yong dinadakot mo, eh!” angil nito. “Ako na lang ang kukuha, okay?” Pulang-pula ang mukha nitong yuko at nagkalkal. “Ano ba ‘yong kukunin niyo, Sir. Hamburger at Spaghetti lang ang meron dito. Nasa likuran pa ‘yong drinks. May fries din dito.”
“Burger,” nahihiyang iwas nito ng tingin. Palihim na minasahe ng kamay ang sentido. Narealize na kasi ni Basil kung ano ang nadakot niya kanina.
“Sir,” tapat ni Paula ng nakabalot na burger sa mukha nito.
“Thanks,” nahihiyang tanggap ng lalaki at tinuon ang tingin sa tinatanaw na gate ng bahay ni Miss Jackie. “Sorry too. I swear, I didn’t mean that.”
Nanatiling tahimik si Paula. Namimili ito ng kakainin sa paper bag pero nawawala roon ang atensyon nang magsalita si Basil.
“I don’t know why I always have to fuck things up everytime we encounter each other,” he murmured. “It always ends this way, things get awkward between us. And it’s fucking up with my mind when I think about that.”
Napatitig si Paula sa lalaki na pagkatapos maglitanya ay kumagat ng malaki sa hawak nitong burger. Sabay dura. Hindi pa pala nito natatanggal ang nakabalot doon na wax paper.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro