Chapter Sixty-Four
LILY SAT THERE. She watched her nightmares come into manifestation.
Nang madatnan sila ni Basil sa kanyang desk, walang patumpik-tumpik na niyaya sila ng kapatid sa loob ng opisina mismo ni Miss Jackie. Both of them seated on the visitor chairs across each other.
Si Basil naman, nakatayo sa gilid ng desk.
Miss Jackie left the office still reeking of her personality- clean and seamless. Neat. A light shade of calming blue on the walls blended with a hue of gray for her professionalism. Kung paano gumawa ng trabaho si Miss Jackie, iyon din ang pinagsisigawan ng silid. Organisado ang lahat ng mga nasa shelf. Not a thing out of place, it was as if Miss Jackie didn't leave at all.
"Okay," tango ni Basil.
Katatapos lang ibalita ni Jared ang bago nilang nadiskubre tungkol sa background ni Miss Jackie- ang involvement ng anak nitong si Gretchen kay Oliver na malaki ang posibilidad na may kinalaman sa ginawa nitong paninira sa Variant. Lalo na at nabanggit nito kanina lang kay Jared na naagrabyado raw ang anak nito. At si Gretchen lang naman ang nag-iisa nitong anak.
"I am getting the point," patuloy ng kanyang kuya. "Pero, pagkatapos ng ginawa ni Miss Jackie sa Variant, how can we still take her word for what it is?"
Napatingin si Lily kay Jared na na kay Basil lang ang atensyon.
Basil took turns at glancing at each of them. "You see, she already lied to us. Paano kung sinabi lang niya ang mga iyon para ilihis ang focus natin sa kanya? Paano kung hindi naman talaga iyan ang dahilan kaya ginawa niya ang lahat ng ito?" Nagsalubong ang mga kilay nito, ebidensya ng masinsinang pag-iisip-isip habang kausap sila.
"What could be her reason, Sir Basil?" malumanay na tanong ni Jared dito.
Napatingin ang kanyang kapatid sa lalaki. Habang nakatingin ay nag iisip-isip.
Medyo natagalan yata si Jared sa kanyang kapatid kaya muli itong nagsalita.
"You know her better, Sir. Maybe, you can give us an insight on how her mind works. Bakit ito magagawa sa inyo ni Miss Jackie? Sa tinagal-tagal niya rito sa Variant, sa sobrang loyalty niya sa kompanya, bakit ngayon lang? At ano ang mabigat na dahilan para balewalain niya ang loyalty sa inyo at gumawa ng ganitong gulo?"
Tinukod ni Basil ang gilid ng hita sa gilid ng desk, napahalukipkip.
Napatingin sa kawalan.
"It must be the joke I made one time."
"A joke?" Lily murmured, curiosity brewing.
"May pinuntahan kaming dinner meeting nitong nakaraan. On our way home, pinaringgan ko siyang kung papalitan ko siya, si Paula ang ipapalit ko sa kanya bilang HR Head."
"Why would you fucking do that?" Lily hissed at him.
Basil threw a glare at her. "What? She started it! She joked about preferring Dasiy over me! Kaya gumanti lang ako ng biro sa kanya!" He scoffed and looked away after that. "Kaya hindi mo talaga pwede pagsamahin ang personal sa professional. You can't be really totally friendly with people you work with."
"Or maybe, improve your sense of humor," Lily rolled her eyes.
"Her sense of humor," pandidilat sa kanya ni Basil. "Akala ba niya, natuwa ako sa biro niya?"
"Well, it's you who lead her on. You made her feel na super close kayo," ganti niya rito.
Jared lowered his eyes, suppressing his laugh but could not hide that small smile on his lips.
"See what happens when I tolerate people? Umaabuso talaga," iling ni Basil.
"Pinapatamaan mo ba ako?"
"Oops," maang-maangan nito, "sorry. May tinatamaan pala."
"Either way, we have to figure out which is which," seryosong interupsyon ni Jared sa kanilang dalawa. Deep in her heart, Lily knew that Jared did that to cease the fire. Mukhang natutunugan nitong malapit na silang magkapikunan ni Basil. "Kung personal ang dahilan o may kinalaman sa trabaho talaga. 'Yung sama ng loob niya at threat na naramdaman sa isiping matatanggal na siya sa trabaho."
"What course of action can be taken for each one?" pagseseryoso agad ni Basil.
"Well, depende sa'yo at sa management," ani Jared at pakiramdam tuloy ni Lily nanonood na lang siya at hindi kasali sa eksenang ito. "Kasama pa rin sa option ang pagsasampa ng kaso laban kay Miss Jackie. Defamation, Cybercrime specifying libel... You should really talk to a lawyer to have more clarifications about this matter."
"The least I want is to waste time and money and gain unwanted attention," Basil waved a hand as he got away from the desk. His slow pacing back and forth has started. "Ayoko nang pahabain pa ito sa kaka-attend ng mga hearing. Magastos. Hassle. I also, don't give a fuck about anyone's personal life. Labas na tayo riyan." Basil stopped walking and turned to Jared. "I do have the option to just terminate her, right?"
Mula kay Basil, napunta ang laglag-panga at namamanghang tingin ni Lily kay Jared.
That's something that Sir Basil would say, she remembered Jared remarked earlier.
"Of course, you do," Jared replied humbly.
Akala ni Lily, nagwagi na siya. Mangyayari na ang gusto niyang mangyari.
"Pero," patuloy ng binata na nagpapigil sa kanyang hininga.
Nasa gulat sa mga mata rin ni Basil masasalamin na hindi nito inaasahang may isusuhestiyon pa ang kausap nito.
Jared continued, "isang kompanya ang Variant. You should be concerned with your employee's well-being. You need to put in report the real cause as to why your employee can't perform their job effectively. You cant just terminate people and put there their case without attaching a written letter that explains their side."
Napabalik si Basil sa tabi ng desk, sa pwesto na direktang nakaharap sa kinauupuan ni Jared.
"It's on your employee handbook also," may pinalidad sa boses ni Jared.
"Thanks for reminding me that, Mr. Guillermo."
"I understand," tango ni Jared, nasa mga mata ang lihim na galak na napupunta ang usapan sa gusto nitong puntahan.
Napadiin naman si Lily ng pagkakasandal sa backrest.
This is her nightmare coming to manifestation.
Ito na nga ba ang sinasabi niya. The very reason why she chose to ghost this man before than explain her side. Jared would twist anything one way or another just to get to the result he wants.
Sa ngayon, nakikita niyang ginagawa lang ng binata ang trabaho nito. Wala itong pinapanigan na kahit sino. Pero kahit ganoon, sinisigurado din nitong walang nagagambala o naaapakang tao lalo na kung wala namang kinalaman sa inaayos nilang gusot.
"We really have to get Miss Jackie's side. I can't convince her to stay to talk about it. She walked out on me earlier."
"It must be the setting that's intimidating her," paliwanag ni Jared. "Dito sa Variant, required siyang umakto ng propesyonal. At kapag hindi niya kayang gampanan iyon, she simply files for a leave, right? So, I figured, I'll pay her a visit. I'll bring Paula with me."
Nasamid siya narinig. Hindi napigilan ni Lily ang sarili. "Bakit si Paula-"
Jared's gaze made her stop. Dama niyang nakatingin sa kanila si Basil.
Lily sat straight, recollected herself. "I-I mean, bakit si Paula ang isasama mo? Hindi ba, sabi ni Ku- ni Sir Basil, si Paula ang binanggit niya kay Miss Jackie na ipapalit na HR Head? Baka lalo lang maging defensive si Miss Jackie o denial kapag..." nagtaas-noo siya, nawala na ang kawalan ng kasiguraduhan sa kanyang tinig, "kapag siya ang sinama mo."
"I think Miss Jackie will open up more, if I bring Paula with me. Paula's presence is enough to trigger something in her, to make her finally open up," at nilingon ni Jared si Basil. "What do you think, Sir Basil?"
Basil fell silent for a short while. May pagtatalo sa isip nito. Para bang sa kauna-unahang pagkakataon, mag-isa na lang itong gagawa ng desisyon na magkakaroon ng impact sa kompanya.
"As long as you'll bring back Paula in one piece," he muttered and suddenly headed to the door. "Papapuntahin ko lang si Paula rito."
Mabilis na tumayo si Lily. "At bakit ikaw ang susundo sa kanya?"
Basil stopped in his tracks in the middle of the room. Nagbabantang pinanlisikan siya nito ng mga mata dahil nang-aasar ang kanyang ngisi rito.
"Nandito ako, oh. Pwede mo namang iutos sa akin na papuntahin dito si Paula para makausap tungkol sa gagawin natin," lagpas niya sa kapatid para unahan ito sa pinto.
"That's exactly what I was really planning to do," defensive na atras ni Basil at pinanood ang pag-alis niya. "Pagbubuksan lang kita ng pinto."
"Sus," tukso niya rito. "Ang sabi mo, papupuntahin mo si Paula rito-"
"Just get out already, Lily! Dalian mo at nang matapos na tayo rito. May trabaho pa akong aasikasuhin-"
Tinawanan lang niya ang kapatid bago nagmamadaling lumabas at nilapat ang pinto pasara.
As soon as the doors closed, Lily pressed her back on them.
A deep inhale.
Then her chest lowered as she released a big, relieved exhale.
Tension was slowly leaving her shoulders, dropping its weigh from them.
They're going to talk to Miss Jackie. Tapos malalaman nila ang tungkol kay Gretchen at Oliver. Tapos mauungkat ang nakaraan namin ni Oliver tapos-
Lily found herself on guard again as Paula approached her. Ito ang unang nakapansin sa kanya dahil mas malapit ang desk nito sa opisina ni Miss Jackie. At ang iba naman ay abala sa kanya-kanyang gawain. Wala sa HR Department si Isla dahil pumunta sa Purchasing para i-double check ang mga pinabili para sa Team Building. Si Arlene naman, palipat-lipat ng desk dahil ito muna ang umaasikaso sa iba pang trabaho ni Isla.
"Kumusta?" Nasa mukha ni Paula ang pag-aalala.
Lily swallowed her breath before managing to speak. "Gusto ka raw makausap ni Sir Basil."
Sumaglit ang tingin ni Paula sa pinid na pinto ng opisina ni Miss Jackie bago bumalik sa kanya.
"Please, paki-prepare naman ako sa pag-uusapan natin," pagpormal ng tono nito. "Ano ang dapat kong maging expectation? May kinalaman ba ito sa trabaho ni Mr. Guillermo o sa pagwo-walk out kanina ni Miss Jackie?"
"Both," tabi niya kay Paula para masabayan ito papunta sa HR Head office. "Papakiusapan ka nila na tumulong."
"How can I do that? I swear, wala akong alam-"
"Sumama ka na lang kasi."
Tinatagan ni Paula ang sarili, nakita iyon ni Lily sa pagkupas ng pag-aalinlangan nito kanina. Napalitan iyon ng determinasyon. Ng paghahanda kaya tumuwid ang postura ni Paula at naging propesyonal ang aura.
Why do people have to look dead and stoic just to prove their professionalism? Lily wondered as she looked at Paula. The way Paula changed in the way she looked reminded her of Miss Jackie. Of her brother who doesn't seem to recognize her before when they meet in Variant. Of Jared who wouldn't even dare hold her hand when he's doing his job. Can't people go to work with a smile on their face? With life in their eyes? Is it wrong to let your heart beat when you are doing your work?
.
.
.
***
.
.
.
KINABUKASAN. Sabay ngunit nasa magkaibang kotse sila Lily at Jared nang pumasok sa trabaho.
Hindi rin nagtagal sa Variant ang binata dahil tulad ng napag-usapan, aalis ito at si Paula para bisitahin si Miss Jackie. Siguro naman ay sapat na ang kahapon para mahimasmasan ang kanilang HR Head. Siguro naman ay tama ang timing na ngayong umaga ito puntahan nila Jared para makausap ng masinsinan tungkol sa anumang sama nito ng loob sa Variant, o kay Basil.
Nang makaalis ang dalawa, komportableng naupo si Lily sa kanyang dating desk.
She caressed the clean desk with her palm and smiled. Hindi niya inaasahang mamamasa ng ganito ang kanyang mga mata. It was only a desk, yet she felt like she was separated from someone alive and dear to her. Ginilid niya ang keyboard para lang mayakap ang desk. It was cold as her soft left cheek pressed against its polished white wooden-finished surface.
"Na-miss kita, you freaking, little desk!" she squealed in a controlled hushed way.
Pag-angat ni Lily ng tingin, nahuli niyang nakasilip sa ibabaw ng dingding ng kanyang cubicle si Arlene.
"Happy much?" Nakangiti ito sa kanya. More rather, amused at how she could miss something as little as an office desk.
Hindi siya natinag sa pagkakayakap sa mesa.
"Well, I never the higher ups never liked me and vice-versa, but that doesn't mean I never like working or having a job!"
Nangingiting napailing na lang ito.
"Nagpapapaskil na ako sa mga department heads sa bulletin boards nila ng tungkol sa Team Building. Via email ko naman sinend 'yung announcement para sa atin dito sa HR."
Bakit kinakabahan siya? Kaba nga ba ito o excitement?
Ano ba kasi ang dapat niyang ikabahala tungkol sa Team Building? Malinaw na ngayong hindi siya ang may kagagawan ng mapanirang post. Wala na siyang dapat pang ikabahala pagdating sa pakikihalubilo sa mga katrabaho roon.
Her heart knew before her mind did. Now her mind is catching up.
Alam na niya ang tunay na kinababahala.
"Will Jared be there?"
"Well..." lumiit ang ngiti ni Arlene, "he's not officially an employee here. Outsource lang siya at posibleng matapos na ang trabaho niya rito this week so... hindi siguro."
Tumuwid siya ng upo. "Siguro? Parang hindi ka sigurado?"
"Eh kasi hindi pa naman sigurado kung aabutin ng Team Building dito si Mr. Guillermo," depensa nito.
Lily looked away, thinking. "I'll look at the email now."
Arlene's sweet smile returned. "No excuses ha? A-Attend ka!"
"Oo na," nangingiting sagot niya.
Nasa inaayos na keyboards at mouse ang mga mata ni Lily. Hindi na rin niya binalik kay Arlene ang tingin dahil alam niyang umalis na ito agad para tunguhin ang sariling desk.
Habang binabasa ang email ni Arlene, bumalik sa kanya ang ilan sa mga sinabi nito kanina.
Outsource lang siya at posibleng matapos na ang trabaho niya rito this week...
Inangat ni Lily ang ulo.
Si Miss Jackie lang ang kakausapin nila ni Paula, 'di ba? Si Miss Jackie lang...
Ah, hindi. Hindi tama ito. Nahihirapan siyang huminga. May pagbubuhol sa kanyang sikmura.
Masama ang kutob niya tungkol dito.
One way or another, Jared might find out from Miss Jackie about her horrible past.
Her hand was already shaky as she let go of the computer mouse.
Nagdalawang-isip pa siya bago nagmamadaling pinatay ang computer.
Ilang minuto pa at nagmamadaling lumabas siya ng HR Department. Walang kamalay-malay ang mga kasamahan niyang abala sa kani-kanilang mga computer. Lalo na si Arlene na gumagamit ng earphones kapag nagta-trabaho at naaalerto lang kapag nakarinig ng malakas na ingay o pag-ring ng telepono.
.
.
JARED STOPPED THE CAR IN FRONT OF A HOUSE. Nakatindig ang simpleng up-and-down kahanay ng mga ka-modelo nito sa isang tahimik na subdivision. Halatang matagal na ang subdivision dahil karamihan sa mga bahay doon ay na-renovate na para i-customize sa ayos na gusto ng may-ari niyon.
Pantay ang pagitan ng mga bahay sa street na tinitirahan ni Miss Jackie. Lahat ay dalawa ang palapag at tuwid na tuwid ang korte. Mataas ang bakod na semento sa kaliwa at kanan habang mataas ang bakal na grills ng bakod at gate sa harap. Solidong semento ang tirahan ng HR Head na binuhusan ng puting pintura at may accent na gray. Namumukadkad sa bawat pader at sulok ng harapang bakuran ang berdeng mga halaman.
At sa lilim ng puno ng caimito, may nakaposisyon doong table set na bakal.
It was still early. Late eight in the morning. Nasisinagan pa ng araw ang kinauupuan ng maputing babae na may kandong na batang lalaki. Bata na tantya ni Jared ay nasa isang taong gulang na. The woman saw his car and automatically looked at his direction. Lilingunin niya sana si Paula na nakaupo sa tabi niya sa sasakyan nang may lumabas mula sa bahay.
Isang batang nasa limang taong gulang na.
"Mr. Guillermo?" pukaw sa kanya ni Paula. Kanina pa ito nagtataka sa pananahimik niya. Gayundin sa matagal na pagkakatitig sa labas.
Pero saglit siyang nabingi.
Siya? Siya ba ang pinalit ng hayop na Oliver na 'yon kay Lily?
His hand clutched tightly on the steering wheel.
"Mr. Guillermo." This time, Paula's voice was stern.
As Jared turned to her, she gave him a sharp look that meant business.
"I'm sorry," he slowly breathed in and out. As he relaxed, he released his tight hold from the steering wheel. "Hihintayin kita rito sa sasakyan, Miss Paula. Pwede ka nang pumunta roon."
"Hindi mo ako sasamahan?"
Nasa harap ang tingin ni Jared. Yes, he had to. Or Paula might read something she shouldn't in the darkness that shadowed his eyes.
"Hindi."
Wala sa bokabularyo ni Paula ang magpa-basta basya. "Pero ang usapan, sasamahan kita. Bakit parang ako pa itong sinamahan mo ngayong kumausap kay Miss Jackie? This is your job."
"I am asking you a favor now to help me finish my job here." Hindi talaga siya makatingin sa babae.
"Kung ganoon, sasamahan mo akong kumausap kay Miss Jackie."
But what if I lose control? Paano kung mangibabaw ang nararamdaman ko? From his anger earlier, hesitance took place in his eyes. What if I mess up with my job... again? What if I let Lily down?
Binuksan na ni Paula ang pinto sa tabi nito.
"Tara na, Mr. Guillermo." At mabilis nitong sinara ang pinto pagkababa.
He let out a defeated sigh before turning down the car engine. Pagkababa ng sasakyan, nasa tapat na ng gate si Paula, nakaabang ang tingin sa kanya.
Jared readjusted the sleeves of his shirt rolled to his elbows as he walked toward the metal gate.
Nang makalapit na siya, siyang silip ni Paula sa bakuran.
"Good morning po!" malaking ngiti nito sa babaeng tumayo na mula sa kinauupuan nito.
Buhat ng babae ang isang taong gulang na anak habang kinukulit ng limang taong gulang na bata. Bahagyang kumunot ang noo nito sa labis na pagtataka habang palapit sa kanila.
Sa paglalakad nito, panay din ang saway ng babae sa salitang pangungulit ng mga anak nito.
"Good morning," nakangiti pa ring bati ni Paula nang makalapit ang babae. "Dito nakatira si Miss Jackie, 'di ba?"
"Oo," gusot ng mukha nito. "Bakit? Ano ang kailangan ninyo sa kanya? Nasa work siya ngayon, eh."
Naguguluhang napatingin sa kanya si Paula.
Jared was left with no choice.
"Pwede bang ikaw na lang muna ang makausap namin, Miss Gretchen?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro