Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixty-Five

TUMAAS ANG SULOK NG LABI NI OLIVER.

“Do you really think you can mess with her?”

Nanlisik lang naniningkit na mga mata ni Miss Jackie.

They sat face to face, in an umbrellad table set of a lifestyle center. Around them stretched man-made field of concrete pathways and patches of green grasses here and there similar to a golf course. Tables and blue umbrellas scattered at strategic positions. Nakapaikot sa latag na iyon ng damuhan, mga upuan at payong ang mahabang commercial units na nirerentahan ng iba’t ibang mamahaling kainan.

Cold December breeze chilled the air, clouds blocked the sunlight. Sapat na iyon para piliin ng ginang magsuot ng itim na pants at patungan ang itim nitong blouse ng puting may kakapalang cardigan. Nakapusod ng mataas ang buhok nito.

“I could if that Mr. Guillermo did not come to the scene.”

“Pero base sa kwento mo sa akin, sinadya mong isali dito ang lalaking iyon.”

Miss Jackie flinched, highly offended.

Oo. Noong una, akala ko, magagamit ko siya para lalong madiin si Lily. Para palabasing biased siya dahil may namamagitan sa kanila, isip ng ginang habang inaalala ang nakitang private photo album sa na-hack nitong social media account ni Lily.

Mga litrato ni Lily sa Belgium kasama si Jared.

Nagpakahirap pa akong hanapin ang Psychologist na ‘yon. Pero mautak talaga ang mga hayop na iyon. Hindi ako dapat nagpakakampante sa lakas ng kapit ko sa Basil na ‘yon!

Lalong gumusot ang mukha ni Miss Jackie.

Si Basil... ang pinaka walang kwentang President na nakatrabaho ko. Halos lahat kinokonsulta niya sa akin. Akala ko, sapat na ang mga taong ako ang magsilbing confidante niya para tuluyan kong mabilog ang kanyang ulo. May lamat sila ng Lily na ‘yon, kaya akala ko… akala ko madali ko na lang siyang makukumbinsing si Lily ang may kagagawan ng lahat!

“Tatanggapin mo ba ang alok ko, o hindi?”

“I don’t know… This is pretty suspicious,” Oliver side-eyed, shifting gazes between Miss Jackie and the paper she was reaching to him. “You dared to ruin Lily’s life, dahil iniwan ko si Gretchen dahil mahal ko pa rin siya. What makes you think I’ll do you a favor?”

Bahagyang nagdilim ang anyo ng lalaki.

“I had realizations, Oliver,” pagmamataas nito. “At iyon ay… balang araw—” usog nito sa kapiraso ng papel palapit kay Oliver, “—matututunan din ng anak kong kalimutan ang isang walang kwentang lalaki na katulad mo. At makakaya niyang itaguyod ang dalawang anak nang wala ka.”

Pagak na tumawa ang lalaki. “Humihingi ka ng tulong ko, tapos iinsultuhin mo ako at tatawaging walang kwenta? Ibang klase ka talaga, biyenan—”

“Huwag mo ako matawag-tawag na biyenan,” anas nito sa pagitan ng mga ngipin, nagtitimpi. “Kung alam mo lang na napilitan lang akong makipagkita sa’yo.”

“Kung alam mo lang din na dededmahin ko lang ang mga tawag at text mo kung hindi mo lang nabanggit si Lily.” Oliver finally took the piece of paper.

Bakas sa mukha ni Miss Jackie na parang nabunutan ito ng tinik sa ginawa ng lalaki.

He scoffed, wore a sarcastic grin. “Should have had that realization earlier before putting yourself in this big, dirty immature mess, eh?”

Miss Jackie did not entertain his mocking. Malakas ang paninindigan nitong walang immature sa ginawa nito. As a mother, she felt compelled to do something, to make it even for her daughter who experienced this injustice.

Hindi na nga nito makayang makita sa Variant araw-araw ang tamad na Lily na ‘yon, tapos malalaman pa nitong ito ang babaeng dahilan kaya iniwan ni Oliver si Gretchen?

Yes. She can always take it out on Oliver. Si Oliver naman talaga ang letse sa kwentong ito. Ito ang animal na dapat na nagdurusa sa hagupit ng galit ng isang inang katulad ni Miss Jackie. Pero kapag kinanti nito ang lalaki, natatakot naman ang ginang na anihin kapalit niyon ang galit ng sariling anak. Ng anak nitong mahal pa rin si Oliver. At ang mga apo ni Miss Jackie na umaasa pa rin sa araw-araw na makakasamang muli ang kanilang ama.

Hindi lang sa trabaho. Kahit sa sariling buhay, pasan ni Miss Jackie ang mabibigat na mga desisyon at responsibilidad. May mga pasya siyang ginawa hindi para sa sarili.

Ito na lang sana ang magsisilbing pampalubag-loob niya. Pambawi sa anumang mga pagkukulang niya sa pagprotekta kay Gretchen— ang ipaghiganti ito sa Lily na ‘yon.

But those two— Lily, Jared… and add up Basil as well.

They got her cornered.

Hindi pwedeng makaabot kay Gretchen ang mga pangyayari. Hindi pwede.

Kaya uunahan na ni Miss Jackie ang mga iyon.

Binasa ni Oliver ang nasa papel bag inangat saglit ang mga mata sa ginang. “Number ba niya talaga ‘to?”

“Oo.”

“Lilinawin ko lang,” balik ng mga mata ni Oliver sa papel, para bang may hinahanap pa ito sa mga nakasulat doon. “Nung una, gusto mong sirain ang buhay ni Lily para makaganti ka sa pag-iwan ko sa anak mo. Lalo na at alam mong hinahabol-habol ko pa rin si Lily. Tapos ngayon… sinusuportahan mo na ang paghabol-habol ko kay Lily—"

She lost patience and interrupted him. “Ang gusto ko lang ay guluhin mo siya. Gawan mo ng paraan para makumbinsi ang babaeng iyon na tigilan na nila ako ng kapatid niya. Sigurado akong hindi nila ako tatantanan hangga’t hindi nila ako napapaamin tungkol sa post na iyon. Lalo na ang mga kapatid ng Lily na iyon na walang ibang pinahalagahan kundi ang mga imahe nila.”

Inihilig ni Oliver ang ulo. He smirked.

“Just to make sure.”

Nilabas nito ang kamay na kanina pa nakasuksok sa bulsa ng asul na hoodie na suot. He pulled out a phone along with his hand. Nag-dial ito at nilapit ang cellphone sa tainga.

Ilang minuto pa at may sumagot sa tawag nito.

“Hi, Lily,” lapad ng nakakalokong ngisi nito. Kumislap ang katusuhan sa mga mata ng lalaki nang ipukol iyon kay Miss Jackie.

Samantala, unti-unting lumulubog ang pakiramdam ng ginang. Sa kabila ng composed nitong hitsura at postura, delubyo ang pagtatalong nagaganap sa isip nito.

This would hurt her daughter a lot.

Pero hindi naman pwedeng magipit ito.

Makasuhan ng mga Marlon.

Makulong.

Kung mangyayari iyon, paano na si Gretchen? Paano na ang mga apo nito rito?

Sino na lang ang matitira para kay Gretchen kung makukulong ako?

.

.

LILY ALREADY GOT INSIDE HER CAR.

Nagmamadali na siyang makapunta kina Miss Jackie.

How could she be a fool? A coward?

Pinairal niya ang takot. Lalo na sa posibilidad na makausap doon ni Jared si Oliver. O ‘yong Gretchen.

Dapat sumama siya sa lalaki. Siya na lang ang sumama at hindi si Paula. Mas magkakaroon pa siya ng kontrol sa mapag-uusapan ng mga ito. Mas magagawan pa niya ng paraan para hindi mabanggit ni Oliver o ni Miss Jackie o ni Gretchen ang tungkol sa kanyang nakaraan.

Hindi siya dapat nagpadaig sa takot niya. Sa trauma niya. Sa anumang anxiety na lumulukob sa kanya sa isiping mauungkat ang kanyang nakaraan.

Sa isiping pumapasok na naman sa kanyang buhay ang demonyong Oliver na iyon!

Dahan-dahang umuusad ang kotse paalis sa parking lot nang mag-ring ang kanyang cellphone. Hindi niya malaman kung ano ang uunahin. Tarantang sinuksol niya sa phone holder ang cellphone, hindi nag-abalang basahin ang nasa screen niyon nang sagutin ang tawag.

“Hello?”

Pagkatapos, nasa manibela na ulit ang kanyang mga kamay. Pinausad na niya ang kotse hanggang sa makalabas sa main road.

Nagtaka siya dahil walang nagsasalita. Sumulyap siya sa screen, nakitang unregistered number ang nakalahad doon.

“Hello, who is this?”

Hello, Lily, boses ng lalaki.

Weird. Hindi naman kasi ganito ang boses ni Clint. Medyo malalim iyon kung ikukumpara rito. Imposibleng si Basil o Jared din ang tumawag. Kapwa naka-save ang mga numero ng mga ito sa Contacts niya. At kilalang-kilala niya ang mga boses.

Lalo na ang boses ni Jared.

“Hello,” kunot-noong tutok ni Lily ng mga mata sa daan. “Who’s this?”

Stop fronting, Lily. Kunwari ka pang hindi mo na maalala ang boses ko.

She had no time for this.

“Look,” she replied. “I have a low voice recognition. Lalo na kung hindi ko madalas kausap—”

It’s Oliver, babe.

She gagged at that revelation. Napahampas ang isang kamay sa manibela bago alertong hinigpitan ang kapit at tinuloy ang pagmamaneho.

Sobrang higpit.

“Stop these prank calls. Whoever you are,” she gritted, sharp eyes remaining on the road. “Wala akong kilalang Oliver.”

You can meet me here at the benches. Sa may fountain.

“Why would I fucking do that? May sarili akong lakad! Bye!” aabutin na niya sana ang cellphone nang masulyapang nakahinto ang sasakyan sa kanyang harapan.

“Shit!” she gasped, held her breath and immediately gripped the steering wheel with both hands.

Tarantang kinabig niya ang manibela. Sumayaw ng kaunti ang kanyang kotse bago niya natadyakan ang brake. She pressed down her toe so hard, praying her car would halt.

Malapit na niyang mabangga ang puwitan ng iaang puting taxi.

Muntik na.

Muntik na.

Sa biglaang paghinto ng sasakyan, tumulak siya pasulong. Her head whipped forward as her arms wrapped around the steering wheel to keep her in place.

Manginig-nginig na nag-angat siya ng tingin.

Lily released a relieved pant.

Hindi siya nabunggo. Hindi. Hindi.

Ligtas siya.

Ligtas.

Nakayakap pa rin siya sa manibela nang sulyapan ang cellphone. Naka-disconnect na ang tawag. Inasahan siguro ni Oliver na puputulin niya ang phone call inunahan siya.

Dahan-dahang umayos siya ng pagkakaupo.

“Jared,” naiiyak niyang hablot sa cellphone paalis sa holder. Pagka-dial, naghintay siya ng sagot.

Pero nakakatatlong tawag na siya, walang sinagot si Jared sa mga iyon.

On the first two, the phone was unattended.

On the third one, the line was busy.

.

.

GINABAYAN SILA NI GRETCHEN SA TABLE SET SA HARAPANG BAKURAN NG BAHAY. Binaba nito ang isang taong gulang na anak.

Ang bata mismo ang kasama ni Gretchen sa profile picture nito nung nakita ni Jared kahapon sa computer.

Masayang tumakbo ang bata palayo sa kanila. Sabik itong sumugod patungo sa mga halaman.

“Mama...” the five-year-old whined, head’s up, knees bent and shoulders dropped. He had that lazy look in his almond eyes and a pout in those upturned lips— something reminiscent of Oliver.

Except for the hair. Nagmana ang itim na alon-alon niyon sa buhok ng kanilang ina na si Gretchen.

“Maglaro muna kayo ni Grett,” iritableng baling nito sa bata.

“But Mama!” inarte nito na may kaunting pagpadyak. “I want to watch. Open the TV!”

“Later, Owen, I have visitors, oh!” panlalaki nito ng mga mata sa anak.

Owen whined a bit more and Gretchen just said the same thing. Natapos sa negosasyon ang mag-ina na bubuksan na ni Gretchen ang TV basta doon lang sila sa salas ni Grett. Pumayag si Owen kaya saglit na pumasok sa loob ng bahay ang tatlo.

Nang nawala ang mag-iina, kumuha na sila ni Paula ng kanya-kanyang upuan. Napagdesisyon nilang kabilaan ang kunin para mapagitnaan kahit papaano si Gretchen.

Gretchen looked more relieved and easy when she reappeared. Natagalan ito sa loob kaysa sa inaasahan nila.

“Can I get you something?” anito, walang ngiti at pinalipat-lipat ang tingin sa kanila.

“No, thanks. Saglit lang naman kami rito kasi wala naman si Miss Jackie,” malumanay niyang ngiti sa babae.

Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-aliwalas ng mukha ni Gretchen sa narinig. Jared expected that reaction as well. After all, he made sure to say the exact words Gretchen would want to hear.

Kaya ngayon, kampanteng umupo ito sa upuang sinadya nilang okupahin nito.

“Kasama niyo sa work ang Mama, ‘di ba?” panimula nito, gustong matapos agad ang pag-uusap nila para maasikaso ang mga bata. “So how come you’re here instead of talking to her in the office?”

Jared signaled Paula with his eyes. She quickly picked up her cue. May pinatong itong sobre sa sentro ng bilog na mesa.

“Memorandum Letter for Miss Jackie. Paabot na lang sa kanya. Wala kasi siya ngayon sa office.”

Gulat na napamaang ito. “Wala?” Naguguluhang napailing ito. “I’m sure, sabi ni Mama, she’s going to work today.”

“I’m sorry to hear that,” Jared tried to speak as gently as he could. “But she’s not at work today.”

“Oh, no…” Gretchen worried. “ Baka late lang. Baka… baka kung ano na ang nangyari kay Mama.”

Nagkatinginan silang dalawa ni Paula. Paula seemed go be asking for his help already.

Jared braced himself and calmly turned to Gretchen.

“Can I borrow your phone? We’ll check on her.”

“Why my phone?”

“Dahil mas sasagutin niya ang tawag mo kaysa sa tawag namin.”

“W-Wait,” hindi nito malaman ang gagawin, nagdalawang-isip pa bago tumayo para balikan sa loob ng bahay ang cellphone.

Tinanaw muna ito ni Paula bago siya nilingon.

“Parang kang mambubudol,” takot na panlalaki ng mga mata nito sa kanya. “Hinipnotize mo ba siya o ano? At anong gagawin mo sa cellphone niya?”

“Papatawagan lang natin siya kay Miss Jackie. Hindi direktang sinabi sa akin ni Miss Jackie pero pinapabiwatig niya sa akin kahapon na naagrabyado ang anak niya… kaya nagawa niya ang lahat ng ito.” Jared glanced at the open door. Wala pa rin si Gretchen. “Siguro naman, kung si Gretchen na ang makikiusap sa kanyang umuwi rito para makausap natin, papayag na siya.”

“Naguguluhan talaga ako,” pagbaba ng mgamata ni Paula. Tumutok iyon sa sobreng nakapatong sa mesa. “Hindi ganito umakto si Miss Jackie…”

“Do we really know the people we work with outside the office?” balik ng mga mata ni Jared kay Paula.

Paula glanced at him then at the door.

“I hope you’re not being this persistent just because, naagrabyado rito ang babaeng gusto mo.” Paula eyed on him mysteriously. “Si Lily. Right?”

“Why? Is there something else I am supposed to do instead of this?”

“Nabanggit na ni Sir Basil kahapon. Pwede namang diskartehan na lang ito. Declared as AWOL or terminated. Kailangan ba talaga natin mag-effort ng ganito para lang makuha ang statement ni Miss Jackie?”

“Review the Labor Code,” he eyed lifelessly on her. “Kung hindi kayo mage-effort ng kaunti para lang maayos na mapaalis sa Variant ang emplyedo ninyo, anuman ang atraso niya, parang pinatunayan niyo na rin na may katiting siyang dahilan para manggulo. You’re not making your employees feel important. Important enough to be made effort to.”

Napahiyang nag-iwas ng tingin si Paula.

“Pero itong ginagawa natin, naiisip mo ba na tinatakot lang natin si Miss Jackie? Para tayong mga nangha-hunting. Daig pa niya ang kriminal na hinahabol-habol natin.”

Siya naman ngayon ang nakaramdam ng pagkapahiya.

Of course, he already saw that angle of these actions.

“But she’s been the HR Head, she’s supposed to know the proper process regarding this. Hindi iyong basta-basta na lang siyang nag walk-out at hindi na nagpakita sa atin.” At dinukot niya ang cellphone para silipin ito saglit. He worried upon seeing that he missed two calls from Lily.

Tatawagan niya na sana ito nang maunahan siya ng natanggap na tawag mula sa isang unregistered number.

“Excuse me,” paalam ni Jared bago lumayo kay Paula.

Pumuwesto siya sa tapat ng gate bago sinagot ang tawag.

“Hello.”

Hello! Masigla ang boses ng lalaki sa kabilang-linya.

“Who’s this?”

Pal, I owe you one little seminar to get to know tour date better. Like, do you really know the person that you love? So here I am to help a friend out. It’s Oliver, by the way.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro