Chapter Seventy-Two
𝔞𝔫𝔫𝔬𝔲𝔫𝔠𝔢𝔪𝔢𝔫𝔱!
𝑖𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑔𝑢𝑒𝑠𝑡 𝑛𝑔 𝑊𝑎𝑡𝑡𝑁𝑜𝑤? 𝑚𝑎𝑚𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑏𝑖 (𝑠𝑒𝑝𝑡𝑒𝑚𝑏𝑒𝑟 9)! ♡︎
𝑑𝑜𝑤𝑛𝑙𝑜𝑎𝑑 𝑦𝑜𝑢𝑟 𝐾𝑢𝑚𝑢 𝑎𝑝𝑝 𝑛𝑜𝑤 𝑎𝑛𝑑 𝑓𝑜𝑙𝑙𝑜𝑤 𝑊𝑎𝑡𝑡𝑝𝑎𝑑𝑃𝐻!
𝑘𝑖𝑡𝑎-𝑘𝑖𝑡𝑠 𝑚𝑎𝑚𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 9𝑝𝑚! ♡︎♡︎♡︎
𝑤/𝑙,
𝑎
•••
“IF THERE ARE THINGS YOU DON’T WANT ME TO KNOW, I WON’T DARE TO KNOW THEM. If I want to know something about you, ikaw lang ang pagtatanungan ko tungkol doon.”
“Lies.” Her voice was soft. Pained.
Napunta kay Lily ang kanyang mga mata.
“Paano napunta sa’yo ‘yong mga pictures? Paano?”
Jared lowered his eyes. His chest tightened because he could already see what’s coming when he answered her question.
“Did it come in this little parcel? Dineliver ba sa ‘yo? Kasi, if that’s the case, iche-check mo kung ano ang laman ng delivery, right?” Lily turned her head. Bahagyang inangat ang babae para ianggulo nang naabot siya ng tanaw nito. “O nakipagkita ka kay Oliver?”
“Lily…”
“Alin sa dalawa, Jared?” tears filmed her eyes.
He didn’t want to make those tears fall.
“Answer me!” she demanded in a hard voice strained by her brokenness. “Nakipagkita ka sa kanya?”
“Oo, nakipagkita ako!” he blurted. He had been keeping it all in his chest, releasing it turned to an explosion. Like a grenade when the pin is removed. But just looking into her eyes softened him inside. Jared took in a deep breath and lowered his voice. “Nakipagkita ako. Nakipagkita ako para pagsabihan siya na tantanan na tayo.”
Tinitigan siya ng babae. Sinukat nito ang katotohanan mula sa kanyang mga salita.
Napakasakit dahil pagdududa ang puminta sa naluluha nitong mga mata, sa maganda nitong mukha.
“Pero tinanggap mo ‘yong mga pictures,” mabilis nitong upo sa kama paharap sa kanya. “Binigay niya ang mga iyon para siraan ako sa iyo at kinuha mo naman!”
“Oo. Dahil kung hindi ko kukunin ‘yon, baka kung kani-kanino pa niya ipakita iyon.” His voice was pleading.
Gulat na napamaang ang babae sa kanya.
How Jared wished she would consider this time…
“You see,” he continued calmly, “pareho tayo ng nasa isip. He wants me to look at those pictures. Gusto ng lalaking iyon na siraan ka sa akin. Na ma-turn off ako sa’yo. I didn’t look at them. I even doubt if they’re real. Uso na ang photoshop ngayon. But I still took them. Dahil hindi natin masasabi kung saan niya gamitin ang mga litrato mo kapag hindi ko kinuha.”
Dahan-dahang nagbaba ito ng tingin. “Bakit hindi mo sinabi ang mga ito nung nakaraan?”
“Because you’re having a hard time already. And you seemed not ready to listen,” he sighed, still feeling a heavy weight in his chest. “When you said that it’s not me but it’s you, I took it this way… that it is you. You are not yet ready to sort things out with me. So I let you leave. I gave you some time to sort out your feelings, your mind.”
Pigil ni Jared ang hininga nang dumausdos ang mga luha sa pisngi ni Lily. He was grief-stricken at the sight. He felt a hard lump on his throat. A stone in his chest. His eyes were misting.
And another crack appeared in his heart. Because he saw her smile.
In the midst of her hot trailing of tears, Lily pulled out a pained smile.
“Masyado… Masyado ka nga talagang mabait. You did a lot of good things for me… to me… I came in your life as a stranger, pero walang pagdadalawang-isip na, pinatulog mo ako sa tirahan mo. I left without any goodbyes, came again in your life as this trouble, this disaster and yet…”
Jared had to blink. Lumalabo na ang imahe ng dalaga dahil sa unti-unting pag-uulap ng mga luha sa kanyang mga mata.
“I love you so much…” she wept. “But… do you really deserve a person like me? Should you really be with a person like me?”
“Bakit hindi mo alisin ang pangamba mo?”
Napatingin sa kanya ang lumuluhang dalaga. Kahit para siyang sinasaksak ng patalim sa dibdib, sinalo pa rin nh kanyang mga mata ang titig nito.
“Lily, let me see those pictures. Let me see those things.”
She wildly shook her head. “Hindi ko kaya, Jared! Mga kahihiyan ko iyon! Mga pagkakamali ko…” Hindi na nito natuloy ang sasabihin. She hung down her head and sobbed.
Hirap na hirap na si Jared, pero kailangan niyang pigilan ang sarili.
“Akala ko ba, naniniwala kang tatanggapin pa rin kita kahit makita ko ang mga ‘yon?” His hot tears were a mixture of his rage and pain. He was enraged not with Lily, but with how he could not handle this situation. He was mad that he could not take the conversation to the result he wanted.
All that he wanted was for them to be together.
Again.
“Yes, I said that! But I also said that I can’t bear being with you, knowing that you know about all of it!” She lifted her eyes on him again, and was more hurt when she finally saw him crying too.
“At ngayong inamin kong hindi ko pa nakikita ang mga pictures, bakit ganito? Bakit ayaw mo pa rin magkabalikan tayo?” He inhaled sharply, breathing became hard when he started crying. “All that I want is for us to be okay. All I want is for us to be together. Wala nang iwanan. Walang malabong usapan. Walang sakitan. You want that too, right?”
Umiiyak na nakatitig lang ito sa kanya. Her lips quivered, shut tight. Nagpipigil itong magpakawala ng hagulgol.
“Say it, Lily. Please, say you want the same. Say that you want that too.”
They heard a knock. Naiwang nakabukas ang pinto kaya nang mapunta doon ang tingin, nakita nilang nakatayo roon si Paula.
“Papunta na rito ‘yong dalawa. Ayusin niyo na ang mga sarili niyo,” matatag ang tinig nito, mahigpit, pero mapang-unawa ang tingin na pinukol sa kanilang dalawa.
Jared stiffed. All this time, was Paula eavesdropping on their conversation? Nagtatago ba ang babae sa labas, malapit sa pinto?
Nagmadaling pinunas ni Lily ang mga kamay sa mukha. Kasabay niyon ang pag-alis sa kama. Dumiretso ito sa banyo.
Jared returned his eyes on Paula, but she already left.
He sniffed. Dinakma niya ng kamay ang mukha at hinilamos iyon sa sarili.
.
.
SA DINING HALL. Nagkanya-kanyang upo na ang lahat. Nagkalat ang ingay ng mga boses na nagkukwentuhan o ‘di kaya’y nagtatawanan.
Napuno ang silid ng sari’t saring emosyon. Nagkumpulan ang mga magkaka-close.
Natanaw ni Lily si Paula. Nagmamadaling nilapitan niya ito.
“Lily,” lingon agad ni Paula sa kanya, buhol ang mga kilay. “Pwede bang ikutin mo ang buong villa? Hindi pa tayo kumpleto rito.” Tumingin ito saglit sa paligid bago binalik ang mga mata sa kanya. “Kapag may nakita kang nasa villa pa, pakisabihang dumiretso na rito.”
Tango ang sinagot niya kay Paula bago ito iniwan.
Nakalayo-layo na si Lily nang lingunin ulit ang babae. Seryoso ang mukha nito habang lumilibot sa mga nasa dining hall ang tingin. Then, Paula began moving, checking every table and group.
Hindi malaman ni Lily kung mangingiti ba o ano. Maganda na ginagawa ng Paula ng maayos ang trabaho. Kaya lang, masyado naman yata nitong dinidibdib iyon.
Nasa Team Building sila. Tapos na ang mga activities. Lily thought that Paula should loosen up a bit.
Nakabalik na si Lily sa loob ng villa. May nasalubong siyang mangilan-ngilang empleyado ng Variant. Magaan niyang sinabihan ang mga ito na dumiretso na sa dining hall.
Sunod niyang inakyat ang ikalawang palapag.
Habang tinatanaw ang walang katao-taong pasilyo, nakaramdam siya ng panlalambot ng mga tuhod.
Nasa kwarto pa rin kaya si Jared?
Oo. Hindi siya lumabas ng banyo kanina hangga’t hindi pa umaalis si Jared. Pero, hindi niya rin napansin ang binata sa dining hall. Paano kung may binalikan ito sa kwarto?
Paano kung masolo na naman siya nito?
Lily took in a deep breath.
Sinimulan na niyang silipin isa-isa ang mga kwarto.
Pigil niya ang hininga nang marating ang para sa HR Department.
Walang katao-tao roon. Naiwang bukas ang pinto ng banyo roon na bakante rin.
Mukhang ako na lang ang kulang d’on, pihit niya pabalik.
Nang makabalik sa dining hall, halos lahat ay nakaupo na sa kanya-kanyang mga pwesto. May kanya-kanya nang pagkain. She noticed Jared seated beside Isla and a staff from Accounting that they shared the table with. Naiwang bakante ang dalawang pwesto sa tabi ni Arlene. Lily lowered her eyes and took the seat at the far end of the table. Siyang sulpot ni Paula at sinilip siya sa mukha.
“I’ve been looking for you. Buti, tinext ako ni Arlene na nandito ka na.”
Lumagpas ang tingin niya rito. Napunta iyon kay Arlene na narinig sila kaya ngumiti at nag-peace sign sa kanyang gawi.
Lily returned her eyes on Paula, granted her a weak smile.
“Kompleto na ba ang lahat?” she asked in a soft voice.
In the midst of the lively chatter that filled the area, Paula heard her.
“I think so. Kani-kanina pa natapos ni Jared mag-check sa labas. Sa mga pool at grounds. Wala nang nasa labas.” Tumuwid ito ng tayo at nilibot ng tingin ang paligid. “Puno na rin ang mga mesa.”
Lily nodded.
“Halika. Kumuha na tayo ng pagkain,” anyaya ni Paula.
Nasa buffet na sila nang pakiramdaman ni Lily ang babae.
How much have Paula heard earlier?
Tatanungin na ba siya nito tungkol sa naging sagutan nila ni Jared kanina? Naghahanap lang ba ito ng tiyempo kaya ilang minuto na’y hindi pa siya nito iniimik?
“Do you need help?” tukoy ni Paula sa dala niyang pinggan ng pagkain sa isang kamay at baso ng juice sa kabila.
Mataman niyang tiningnan ang babae sa mga mata. “Wala ka bang sasabihin tungkol kanina?”
Her questioning look was genuine. “Kanina?”
“I know you heard a lot. From me. From Jared,” pihit ng buong katawan niya paharap dito.
“Ah, iyon ba?” gumaan ang mukha nito, naging mapang-unawa ang tingin. “It’s between you and Jared. Bakit kailangang may sabihin ako tungkol doon?”
“You have no opinion or whatsoever about it?”
“Siguro meron. Pero sasarilinin ko na lang. Because it doesn’t matter.” Her gentle smile was comforting. “Anumang opinyon ang meron ako, hindi iyon dapat ang pagbasehan ninyo kung ano ang gagawin sa sitwasyon ninyo. And besides,” she sighed, “your problem with each other is not work-related so… hindi talaga ako dapat makialam, right?’
Tumango-tango siya. Nagbaba ng tingin.
“Maybe I need help,” pag-angat ng tingin kay Paula, inangat din niya ang mga bitbit. “With these, I mean.”
“Find an easier way to carry things on your own,” ngiti nito. “Kunin mo ‘yong tray,” nguso nito sa patong-patong na tray sa dulo ng buffet table.
Natatawang napangiti siya. “Of course.”
Nanatiling tahimik si Lily. Nag-iisip at wala sa paligid ang presensya habang kumakain. Paula seemed to sense this and let her have her own space. Madalas nitong kausap ang katabing si Arlene at ang iba pa nilang ka-share sa mesa.
Lily would sometimes give in. Sumimple siya ng tanaw kay Jared. Pero sa makailang beses niyang ginawa iyon, ni isa, wala siyang natiyempuhang pagkakataon na nahuling gumawi ang mga mata nito sa kanya.
Yet she looked on from time to time. She watched him talk to others. She watched smile at others. He ate dinner but seemed to not pay that much attention to what he eats.
Instead, he kept himself more occupied with accommodating the people around him. With responding to everyone who starts a conversation with him.
Humihilab ang puso niya sa mga pagkakataong napapanood niya ang pagtawa ni Jared. It’s just too painful to watch him laugh while his eyes misted with hurt. Alam ni Lily na alam din iyon ni Jared. Alam ni Lily na hindi lingid sa lalaki na hindi nito mawawaksi agad ang nararamdamang sugat sa puso. Kasi, sa tuwing natatawa, napapailing ito pagkatapos.
Mabilis na natapos sa pagkain si Lily. Nagpaalam siya kay Paula na babalik na sa kwarto nila. Paula looked hesitant, but didn’t stop her from leaving too.
Pagkalabas ng dining hall, naamoy niya ang simoy ng hangin. Malamig at presko lalo na sa dami at kapal ng mga punong nakapalibot sa camp resort.
The night sky was dark. And since the place was isolated from the bright lights of the urban, the darkness paved way for the stars to shine visibly.
Naengganyo tuloy siyang maglakad-lakad.
The grass was soft against the soles of her cream-colored yellow striped flat shoes. Sinuksok ni Lily ang mga kamay sa bulsa. Mabilis kasing lumamig ang mga iyon nang nakalayo-layo na siya sa villa. The chill easily enveloped her, after all she was wearing a white crop top and white jeans. She should have put on a hoodie, pero tinatamad siyang magpabalik-balik.
Inikot niya ang isa sa mga pools. It was curved and fenced by grass and tall trees. Nagmistulang mga anino ang iyon dahil sa dilim na hatid ng gabi. Soft orange light reflected against the leaves, made lines that wavered in the still and dark waters of the swimming pool. The ambience of the place look as sad as sunset, as conflicting as the setting sun wrestling with the night at twilight.
Doon siya nagtagal kahit malungkot ang paligid. Kahit nag-iisa lang siya. Lily sat, cross-legged, at the side of the pool. She soaked herself in silence. In her own reflections.
And a wave of peaceful came first. In here, she was alone. She has nothing to feel ashamed of.
But then, it left her shore.
Then returned into a tidal wave of emotions.
It was the realization that at some point, she had to face it. She had to deal with the things she’s ashamed of about herself.
May naulinigan siyang boses mula sa malayo. Tunog ng boses na nasa mikropono. Kinabahan siya. Baka may announcement o nagtatawag na sa kanya si Paula dahil nawawala siya. May open forum pa naman pagkatapos ng hapunan. Nagmamadaling bumalik siya sa villa.
Pero malayo-layo pa lang si Lily, luminaw na ang boses sa mikropono.
It was the sound of a person singing.
It stopped her on her tracks. Nang igawi ang tingin sa bandang kanan, nakita niyang sumisiklab na ang camp fire doon. Lumapit siya sa dalawang lalaki na magkatulong sa pag set-up ng camp fire sa mabuhanging parte ng camp grounds.
One of them was Jared.
Hawak ng isang lalaki ang maliit na bote ng gas. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. He slowly stepped back, felt out of place. Paano kasi, hindi naalis ang mga mata nila Lily at Jared sa isa’t isa.
“Tawagin ko na sila,” paalam ng lalaki sa kanila.
“Sige,” mahinang sagot ni Jared dito, pero sa kanya pa rin nakatingin.
Lakad-takbong umalis ang lalaki.
Now, they were all alone again.
The crackling fire reflected its lively orange glow on Jared. It touched a half of his face and shadowed the other as he side-glanced at her. He still wore that pair of black drawstring shorts and a navy blue fitting shirt that fitted him sexily.
The movement of the flames at the campfire danced in their eyes.
“Can we talk?” he finally had the courage to say. Wala nang anumang senyales sa binata na maiiyak o mage-emosyonal. He sounded more firm now. More stable.
At that, Lily was inspired to be the same. To act more firm.
“Tungkol kanina?” pangungumpirma niya.
“Oo.”
Nasa background pa rin ang ingay ng mga nagvivideoke. Ng mga nagdadaldalan at nagkakasayahan sa assembly hall.
“Matatagalan ba itong pag-uusap natin? Baka magsimula na ang open forum.”
“I postponed it.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Postponed? Bakit?”
“I figured,” Jared squatted, arms on his knees, and stared at the fire, “why not let everyone end this day happily, right? Why not let them enjoy?” Dinampot nito ang naligaw na sanga at initsa sa apoy. “Sa mga open forum, hindi maiiwasan ang labasan ng sama ng loob. Ayoko namang matapos ang araw na ito nang may nagkakasamaan ng loob dito.”
Napaiwas siya ng tingin. Totoo ba ang mga sinasbai ni Jared o pinapatamaan siya nito?
Lily rubbed her arms. Hindi siya ganoon kalapit sa apoy kaya giniginaw pa rin siya.
“Eh ‘di kailan mago-open forum?”
“Bukas ng umaga.”
“Then, it’s just like, ruining the day ahead for them.” At binalik niya ang tingin dito. “Kasi umagang-umaga, maglalabasan na sila ng sama ng loob.”
“Exactly. But the earlier the better. So that they can have the rest of the day to think among themselves, whether to fix it or just let it be like that.”
Napahinga siya ng malalim. Lalapit na sana siya pero kumalabit na naman ang takot sa kanya. Hesitance writ in her eyes as she stared at Jared. At Jared who just kept his eyes on the campfire.
Lily stared at her feet. They felt heavy. Pero nang maihakbang ang isang paa, tinuloy-tuloy na niya.
She left a two-step space between her and Jared. Nag-squat na rin siya sa tabi nito at tumitig sa apoy. Lily stretched out her hands. Dinama niya gamit ang mga palad ang init ng apoy.
“Mamaya, may ibibigay ako sa’yo,” si Jared. “Cellphone ni Oliver na nakuha ko kasama nung mga pictures.”
Kasama nung mga pictures? Hindi iyon napansin ni Lily nang isuksok pabalik sa bag ni Jared ang mga litrato nung nahulog niya iyon.
“Sinunog ko ‘yong mga print-outs. So, that’s all that’s left. ‘Yong cellphone,” he glanced at her, then back to the campfire. “I took it, because I bet, naroon pa rin ‘yong kopya ng mga picture na pina-print niya. I took it, dahil baka magamit pa ‘yon ng taong ‘yon para ipagkalat ang mga litrato mo.”
She lowered her eyes. “Keep it.”
Naguguluhang napalingon ito sa kanya.
Lily smiled painfully. “Tingnan mo ang mga pictures kapag… kapag sa tingin mo… handa ka na.”
“You’re allowing me now to see them?”
“Well… are you man enough?”
Natatakot siya pero, ano pa ba ang magagawa niya? Wala na siyang magagawa. No matter how much she tries to hide it, Jared would know her shame one way or another. Gising na siya sa katotohanan na hindi niya na maitatago iyon sa lalaki.
Mabuti nga at hindi pa huli ang lahat nang ma-realize ito.
Na hindi niya matatago ang pangit na nakaraan sa lalaki.
Bakit ba kasi nagkaroon siya ng lakas ng loob? Na kaya niyang paglihiman si Jared? Na hindi nito malalaman ang lahat kapag naging maingat siya? Why did she ever believe that as long as Jared won’t find out her stinking past, they can make it til the end?
Why did she ever dream of living happily ever after with him?
Bakit siya nangarap ng bagay na hindi niya deserve?
Bakit siya nangahas na maangkin ang lalaking hindi niya deserve? Ng lalaking hindi dapat napupunta sa isang katulad niya?
Jared’s eyes blazed along with the camp fire. He fell into a deep silence.
“Hindi ko pa nakikita ‘yong pictures, iiwanan mo na ako. Kapag naman nakita ko, gan’on pa rin iyon, ‘di ba? Iiwanan mo pa rin ako.”
Napatitig si Lily dito.
“Tulad ng sinabi mo. It doesn’t matter if I can accept what I’ll see. Meaning, it doesn’t really matter whether I am man enough or not to know the truth.”
Nahihiyang napaiwas siya ng tingin dito. Pero ramdam ni Lily na nasa kanya pa rin ang matiim na mga mata ni Jared.
“I just need you to decide. Tatapusin na ba natin ‘to?”
Nasaktan siya. She has never imagined that for the second time, and after all the effort she did for them to get this far, she will fall to the same question over again.
Tatapusin na ba niya ang namamagitan sa kanila ni Jared?
Sobrang sakit. Ang sakit-sakit.
Dahil siya.
Siya na naman.
Siya na naman ang magwawakas nito.
Siya na naman ang aalis. Siya na naman ang lalayo. Siya na naman ang makikipaghiwalay.
In a break-up, people always feel sad for the one left behind.
They don’t realize the gravity of being the one who leaves.
More specifically, the one who had to leave when they’re still so deep in love. Leaving the person you love gnaws you will unforgiving guilt, then longing. Then regrets. Like, why didn’t you hold on a bit longer? Why did you just leave? Then, rage follows. You blame yourself and hold yourself accountable for what happens to the person you left behind.
The never-ending, You shouldn’t have left him You shouldn’t have ran away. You are to blame for the pain you caused him for leaving.
Lily hung down her head. Hindi niya na maramdaman ang init ng apoy ng campfire. Gumapang ang panlalamig sa kanyang buong katawan.
She didn’t want to leave. She didn’t want to!
Namintana ang mga luha sa kanyang mga mata. Pinipigilan niyang pumatak ang mga ito kahit gusot na gusot na ang kanyang mukha. Nakangiwi ang mga labi. Kumurba ang mga kilay. She took a sharp exhale. She cupped her mouth with both hands and heaved a deep breath in her lungs, shuddering.
“You already said it yourself,” Jared spoke, unfazed. Hindi niya alam kung ganoon na ang nito dahil napaghandaan na ang pag-uusap na ito o kung palabas lang ito para hindi siya masaktan para rito o maguilty sa gagawing desisyon. “It’s not me. It’s you. And you’re right.”
Kumawala ang hikbi niya sa narinig. She gasped in shock while shaking with tears clouding her eyes.
“In every decision you make, don’t think about me. Don’t do things for me. Think of yourself. Do things for you. Okay?”
How could he speak this gently to her? How could he be so comforting? It felt so wrong because she could not be at ease when they were already doomed to be over.
“Kung makakabuti para sa’yo, sinisigurado kong… magiging maayos lang ako.” Jared’s eyes never left her, each sparkled with film of tears. He pulled a broken shuddering smile, a smile you see from people who are so crushed in heart and spirit. “Basta makakabuti sa’yo… magiging ayos lang ako.”
Napipilitang ngumiti si Lily nang alisin ang mga kamay sa bibig.
She wanted to, but damn! She could not look at him!
It’s so hard. It’s so painful.
Nasa isip pa lang niyang hindi na sila magkikita ulit, pero namamatay na siya mula sa loob-loob.
Mas masakit pa itong nararamdaman niya ngayon kaysa sa pag-iwan sa lalaki sa Belgium. Ang nakakabwisit pa, may kumakanta na ng Nobela ng Join The Club sa videoke.
Lily controlled the quivering of her lips, tried so hard not to stammer before speaking in a shaky voice.
“Forget me, Jared. Even if you don’t want to,” tears slipped down her cheeks. “We’re over.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro