Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seventy-Six

"O, HUWAG MO MASYADONG DAMIHAN ang pasalubong na chocolates," nangingiting lapit kay Lily ng kanyang nanay na si Gaia sa pinto. "Bawal na sa Papa mo ang matatamis. Kapag nakita n'on na marami, magdadahilan 'yon na sayang kung hindi niya kakainin 'yong iba."

Sinundan iyon ng magaang pagtawa ng babae. Her mother guided her to one of the cushion sofa seats covered with an old green sofa cover made of rough textile. Naglaro ang mga pattern ng bulaklak at dahon doon.

She just dropped by at her parent's house to say goodbye. She figured she should. She had no idea if she will ever come back anyway.

"Ako na ang tatawag kay Papa," ani Basil na kakapasok lang ng bahay. Ito kasi ang nahuling magparada ng kotse sa labas ng gate.

Gaia nodded, then seated beside her. Excitement sparkled her soft, droopy eyes. White strands nearly dominated the blackness of her fluffed, shoulder-length hair.

"Gaano katagal ka ba sa Europe, anak?Marami ka bang gagawan ng vlogs na spots doon?"

Within two years, Lily discovered that traveling is therapeutic for her. Hindi niya ma-contact si Jared, dalawang buwan matapos ang huli nilang pagkikita. Dalawang buwan bago siya tuluyang bumigay, hindi nakatiis at binahaan ng tawag, chats at e-mails ang lalaki. Lahat, hindi nito sinagot. Nahihiya naman siyang abalahin si Basil. Gayundin si Nena na buntis pa noon at si Beta na humabol pagdating sa pagdadalang-tao. Hindi rin naman sila masyadong close ni Paula. So, she ended up appearing in a psychologist's office.

Nakailang pa-referral din siya. Nakailang lipat. Lily figured that psychologists are like friends. You have to find one who is compatible with you and your needs. And when she found one, the solution to her ghosting and running away issues became visible.

She tried traveling when feeling upset. Kung hindi man kaya, nagba-bike siya. Naglalakad-lakad. Nagja-jogging. Sa ganoong paraan, pakiramdam niya malaya siya. Natatakbuhan niya ang problema. She was instructed to make a map before biking or jogging. The map was supposed to lead her back to where she started jogging or biking. And the moment she circled back to that spot, that should let her know that it's time to address what upsets her. She'll sit and have some water. Meditate while resting.

That worked for her. Since then, Lily began thinking big. She thought of traveling. From one city to another. Hanggang sa narating na niya ang mga probinsya sa Pilipinas.

She always filmed her travels, put subtitles and music instead of voice overs. She showed face in any of the clips. Then uploaded them on YouTube. Her subscribers grew in numbers. Comments flooded. She earned money off traveling. Even got offers to visit people's restaurants, hotels, vacation spots, and resorts. Kaya tinuloy-tuloy na niya.

And traveling helped her. Not run away from everything this time, but to see perspectives that she only saw when she went to a different place.

When she experienced a new experience.

When she learned something new about the myths and history of a place.

When she listened to other people's stories.

Minsan, nakakausap niya ang mga nakakasabay sa pagko-commute. O sa mga waiting lounges. O ang kanyang katabi sa eroplano. Nakakausap niya rin ang mga nakakasalamuha sa restaurant na kinakainan. O ang ilang staff sa tinutuluyan niyang hotel.

"Lily?"

She snapped back to reality. Nginitian niya ang ina.

"Marami. I think, matatagalan ako ng balik."

Kontentong ngumiti ito. Tumango-tango.

"Hindi lang ito ang pinunta ko rito," hugot niya ng malalim na paghinga.

"What else? May kukunin ka ba sa dati mong kwarto? May nalimutan ka ba?"

Nagbaba siya ng tingin. "I just want to know, Mama." Damn. It took her two years to be in good terms with her parents. It had been awkward at first, pero nung tumagal na, tila gumaan ulit ang loob ng mga ito sa kanya. Lalo na nang pinagmayabang ni Basil sa mga ito na kumikita na siya sa mga vlogs niya.

Lily took Clint's advice about secrets. She showered her parents with love and care. She set aside the pain she caused them. She bide her time to dull the sharp edges of the painful truth she was keeping inside.

The painful question she kept a secret from her parents for years.

Lily glanced at Gaia. "Why did you give up on me?"

Lumambot ang mukha nito. Naguguluhan na gumusot nang may tamlay.

"Give up on you?" Napailing ito, tutok pa rin sa kanya ang mga mata. "What are you talking about, Lily?"

A hint of smile was on her face, but only for show. To hide the pain that was left in her heart.

"One day, you just decided that I'm a disappointment and a hopeless case. So you gave up on me."

Kadalasang pinapalabas sa mga pelikula na kapag nagheart to heart talk ang anak at magulang, kapwa sila nagiging malambot. Naiiyak. Emosyonal. Aaluin agad ng magulang ang anak. Sasabihin na mali ang akala ng anak.

But Gaia only scowled. Nadidismayang inalis tuloy niya ang mga mata sa ina.

"And when did this happen?" may bahid ng pagtataray sa tono nito.

"When I was what? Twenty? Twenty-one? Twenty-two?" she smiled bitterly. "Nung... nung naghiwalay kami ni Oliver? Nung nabuntis ako?"

"And what are we supposed to feel, Lily Celeste?" sabad ng ama niyang si Lander.

"Dad," mahigpit na saway ni Basil sa ama.

Nagkataong nadatnan ng mga ito ang usapan nilang dalawa. Siyang panaog ng dalawang lalaki mula sa itaas ng hagdan para lapitan sila. Malalaki at mabibilis ang mga hakbang ni Lander. Naaleerto tuloy si Basil at hinabol ito.

Lander stopped in front of her. Furious. Lily immediately stood up.

"May give up-give up ka pang nalalaman!" patuloy ng matandang lalaki. "Ikaw itong nagmayabang sa amin na kaya mo na ang sarili mo. Na huwag namin pamialamanan kung sino ang aasawahin mo at hayaan ka na naming gawin mo ang gusto mo sa buhay!"

"Papa, please, hear me out first. Ang boses mo-"

He did not stop. "Ang akala namin dito, nagtino-tino ka na! Ano na namang kadramahan itong sinisimulan mo? Ano na naman 'yang sinusumbat-sumbay mo sa nanay mo?"

"Papa, wala akong sinusumbat-"

"Narinig ko ang lahat, Lily!"

"You won't know what she's trying to say if you won't let her talk, Papa," si Basil sa mahinang boses.

Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Lander. He glared at his son before returning his eyes on her, staring daggers.

Dahil wala itong imik, kinuha niya iyong hudyat para magsalita.

"Papa," nilingon niya si Gaia na tumayo na rin mula sa kinauupuan, "Mama. Gusto ko lang naman malaman kung bakit... kung bakit simula nung na-disappoint ko kayo, parang tinakwil niyo na ako bilang anak?"

"What are we supposed to do? Palakpakan ka?" matabang na anas ni Lander.

Napatitig lang siya sa nagpupuyos na ama.

"Maybe, I just needed a little more patience? More guidance? More understanding on your part?" Pinatatag niya ang sarili. "Maybe, I don't know, maybe as your child, you're supposed to help me out?"

She saw disbelief and disgust as Lander shook his heart, unconvinced.

"Help you out? What are you? A three-year old? Treinta ka na. Kung tutuusin nga, bilang magulang mo, tapos na ang obligasyon namin sa'yo."

"This is not about my break up with Oliver anymore, Papa. This is not about obligation. This is about how much you're supposed to love your children. Kahit man lang nung mga panahon na," she drew in a sharp inhale, "nawalan ako ng anak. Kahit nung time na 'yon man lang, naramdaman ko sanang hindi ninyo ako pinabayaan."

"Pinabayaan ka pa namin sa lagay na 'to, Lily? Na pinatira ka namin? Na binigyan ka ng sarili mong bahay dahil ang hirap mong kasama sa iisang bubong? Na pinatapak ka namin sa Variant, pinagtrabaho kahit puro sakit ng ulo ang dulot mo sa'yong mga kapatid?"

Lily was unfazed since she already prepared herself for this very moment.

"Eh, hindi naman mga materyal na bagay ang kailangan ko. I never needed you to show me that you care. I needed to feel that you care for me," tagos sa puso niyang sagot. Patotoo ang pag nipis ng kanyang boses sa panlulumo, ang pamamasa ng mga mata.

Pero nanatiling matigas ang anyo ng kanyang ama.

"Ang dami mong sentimiento. Natuto ka lang tumayo sa sarili mong paa, nagyayabang ka na," Lander scoffed. "Ano ba ang gusto mong mangyari? Aalis ka na ngayong araw 'di ba? Aatupagin mo na naman iyang travel-travel at vlog mong kapritso?" He stepped back and waved a hand. "Umalis ka na."

Iyon lang at tumalikod na ito. Pumanhik ang lalaki sa hagdan, pabalik sa kwarto nito.

Lily glanced at her mother. Nagbaba lang ito ng tingin, nilukob ng pagkapahiya.

"Mag-iingat ka lagi sa mga biyahe mo, anak," mahinang namutawi sa mga labi nito bago sinundan ang asawa.

Sinundan niya ng tingin ang ina. Lily knew that her mother, somehow, has a softer spot for her than her father. But Gaia's fear, respect, or love- whatever it could be- was greater than for her, her own daughter.

Because up to this very point, her mother still took her father's side.

Nakasandal si Lily sa gilid ng kanyang kotse. Nag-abang siya sa labas ng bahay kay Basil. Naiwan kasi ito para kausapin ang mga magulang nila.

She looked at the white-gray skies, took in a deep breath while shoving her shaking hands in the front pockets of her white long-sleeved cloak hoodie. Nakabagsak ang hoodie, kita ang nakapusod niyang buhok na kulay itim. Layered ang dulo ng tela niyon, nilalantad ang gintong zipper ng kanyang faded blue jeans.

"I just apologized for what happened," paliwanag ni Basil nang madatnan siya sa labas ng bahay. "Para hindi sila magtanim ng sama ng loob sa atin. Para makabalik ka pa rito." Then his tone became hopeful. "Pagbalik mo rito, you can try to make them understand your side again."

Hindi niya ito tinapunan ng tingin.

"Ayoko na."

Nabahala ito. "Ayaw mo na?"

"Don't reason They're your parents, Lily because I am so full of it, Kuya Basil."

Pumuwesto ito sa harapan niya para makapag-usap sila nang mata sa mata.

"I already told you. Ganyan talaga katigas ang ulo nila. They... they grew up conditioned to be like that when they become a parent." He looked away. Naghahagilap sa kung saan ng mga sasabihin. "Sa isip nila, kapag magulang ka, role model ka ng mga anak mo. Admitting that they've been wrong will just invalidate their credibility." Basil returned his eyes on her. "Sa panahon nila, stability ang sukatan ng success. As parents, gusto nila na successful ang anak nila. Successful na naka-base sa nakamulatan nilang standards." Basil was trying hard to lighten her load with his little nervous laugh. "Pero masasanay din sila, Lily. They will appreciate the kind of success you have right now. 'Yong ganito na, okay ka na. 'Yong kumikita ka sa paglilibang mo, sa pagta-travel. Itong unti-unti mo nang nalalagay sa ayos ang buhay mo."

Their eyes met.

"I know they will. Ako nga eh, proud na proud ako sa'yo," ngiti nito.

Nagtaka ang kapatid niya sa makahulugang titig na ginawad niya rito. Tumabingi tuloy ang ngiti nito, nabahiran ng pag-aalinlangan. Napayuko si Lily habang nangingiti.

"Si Papa na mismo ang nagsabi, Kuya. Tapos na ang obligasyon niya sa akin. Kaya tapos na rin ang obligasyon ko sa kanila bilang anak nila."

Napamewang ang dalawa nitong kamay.

"Huwag ka naman magsalita ng ganyan, Lily," pakiusap nito. "Ganyan talaga sa umpisa. Mahirap baguhin ang isip ng matanda na. Mahirap i-educate. Huwag ka tumulad sa kanila na sinusukuan ang taong mahal nila."

Wala siyang tinugon doon. Hindi naman kasi niya alam kung mahal ba talaga siya ng mga magulang. At kung mahal nga, bakit ganito ang trato nila sa kanya?

Tinitigan lang ni Lily ang suot na itim na leather ankle boots. Medyo basa ang mga iyon dahil sariwa pa ang manipis na latag ng tubig mula sa kalat-kalat na ambon at buhos ng ulan.

Sumusukong tinabihan siya ni Basil sa pagkakasandal niya sa gilid ng kotse.

"They were skeptical about my coffee shop."

Napalingon siya sa kapatid. Hindi nag-angat ng ulo kaya ang pinamulsa nitong mga kamay sa itim na pantalon ang nasumpungan niya. Those black slacks matched well with Basil's mocha-colored button-down shirt.

He looked at the gray skies that hinted the raining would not yet stop. That it will rain again later.

"Noon, nakumbinsi ako ng Papa na walang future sa coffee shop business. Na mas magiging madali ang lahat kapag tinutukan ko ang Variant. Nung nag-resign ako, ang Papa pa ang unang nagsabi sa akin na dehado ako sa kompetisyon. Sobrang dami na ng coffee shops sa Pilipinas. Mga well-established brands pa ang makakabangga ko. Wala raw akong pag-asa sa coffee shop-coffee shop na 'to." Mahina itong natawa. "Then, I proved him wrong. But you know what he told me?" lingon nito sa kanya. "Ang sabi niya, tingnan na lang daw namin paglipas ng mga tatlo o dalawang taon."

"That asshole," Lily muttered.

"Yeah. I know. Pero hanggang doon lang naman sila, 'di ba? They can't stop us even if they want to. They can use some kind of force, just to make us do what they want. But they didn't."

"Kuya..." protesta niya.

"I know that deep inside, they love us. They were just taught the wrong way of showing it."

Napatingin si Lily sa mukha ni Basil. He gave her a light encouraging smile.

"If we cannot change that, then let's just stop the cycle." Tumingala na naman ito sa kalangitan. "Kapag nagkaanak kami ni Paula, ibang-iba sa mga magulang natin ang magiging parenting style ko. I'll be-"

Lily knew it was rude to cut him off. Pero hindi talaga niya kinayang pigilan ang matawa.

"Whaaaat?" panlalaki ng mga mata ni Basil sa kanya, hindi malaman kung makikitawa o maguguluhan sa kanya.

"Mamaya pa lang ang first date niyo ni Miss Paula, anak na agad ang iniisip mo!"

"What?" His tone pitched defensively. "A guy can dream of things like that, Lily!"

"Alam mo, ang dirty mo. Una mong naisip talaga na anakan si Miss Paula imbes 'yong first date niyo."

Naeskandalo ito. "Ikaw ang bastos! Bunganga mo, Lily! Anakan- what the fuck." Napailing ito. "Talagang iyan ang naging impression mo sa pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kasama si Paula?"

Bumungisngis lang siya habang binubuksan ang pinto ng kotse.

"Wait lang, Kuya."

Kinuha niya ang wallet sa glove compartment. May kinuhang calling card at inabot iyon kay Basil.

Mabilis na kinuha ni Basil ang itim na card, tinitigan iyon.

"Kapag pumayag makipag-second date si Miss Paula, diyan mo naman siya dalhin."

Napatingin ito sa kanya. "Are you serious?"

"Yup," ngiti niya rito. "That's one of my favorite places. Chocolate ang main specialty nila pero masarap din ang kape nila diyan.

Binalik ni Basil ang tingin sa card.

"Okay?"

"Tawagan mo iyan. Mas maganda na may reservation ka kasi lagi silang puno ng tao. Lalo na tuwing weekends." Umupo na siya sa driver's seat.

He turned to her. Sumilip bago niya isara ang pinto.

"Thank you. Ingat sa flight mo bukas."

Napaawang ang mga labi niya sa laki ng ngiti sa kapatid.

"Good luck sa date niyo mamaya. Ciao," ganti niya rito.

Nung lumayo na si Basil, sinara na niya ang pinto ng kotse at pinasibad iyon. Hinatid pa siya ng kapatid ng tanaw bago sinipat ukit ang itim na calling card.

He nodded his head in approval, slipped the card at the small front pocket of his shirt. Basil excitedly got inside his own car.

.

.

LILY PARKED HER CAR. Pagbaba ng sasakyan, suot niya ang hood ng cloak hoodie dahil umaambon na naman ng mahina. Tiningala niya ang signage ng main store ng Corinstones. It was a white three-storey building. Salamin ang pader ng harapan ng shop na natatapalan ng ilang posters at nababantayan ng gwardiya ang pinto mula sa loob.

Kilala na siya ng gwardiya na si Kuya Anton, estimang nasa mid-fifties na nito. Magiliw siyang binati ng unipormadong guard. Gumanti rin siya ng bati bago nagtanong.

"Nandito si Beta?" baba niya sa hoodie na tumatakip sa ulo.

"Nasa office niya, Ma'am."

He meant, Beta's office at the third floor.

"Salamat," ngiti niya rito bago tinungo ang sadya.

Sakto namang nag-aayos na ng desk nito si Beta nang kanyang madatnan. She wore a white high-waisted pants paired with a red spaghetti-strapped babydoll top. Her silky black arm-length hair was tied in a single braid.

Oo, nagpaikli ng buhok noon ang kaibigan nung nalamang buntis ito. Beta just didn't want to be hassled with that hair while taking care of a baby that time.

Umupo muna si Lily sa egg-shaped visitor's chair.

Napagawi ang tingin niya sa display shelf, sa hanay ng prototype ng limited edition designs ng mga alahas na si Beta mismo ang nagdisenyo.

May naalala tuloy siya.

"Two years ago," aniya habang abala pa rin si Beta sa desk nito, "you showed me a pearl necklace. It was that time na sabay tayo nag-lunch." Gumawi ang tingin niya sa kaibigan. "What happened to that design? Matagal ko na gustong itanong. Hindi kasi naka-display dito."

Napaisip ang kaibigan. Her bright red lips tightened, eyebrows furrowed in concentration.

Then, Beta's eyes lit up.

"Oh, the choker!" her friend smiled, looking like having a Eureka moment.

Right. Now Lily recalled. Beta corrected her that time. That it wasn't just a necklace but a choker.

"Inspired 'yon ng Flintstones, right?" magaan niyang ngiti.

"Oh, about that one," napakibit ito ng balikat, binalik ang tingin sa sinasalansan na lapis, marker pens at ballpens. "It was already bought."

"Of course. You plan to sell it, right? Market it off as a The Flintstones tribute?"

Napaling ang ngiti nito. As if she was corner, caught red-handed.

"About that..." Napaupo ito sa swivel chair para mag-lebel ang mga mata nila. She even leaned forward to get a better gaze into her eyes. "I only said that to avoid ruining the surprise." Hinanda nito ang sarili bago nagpatuloy. "I just want to know if you'll like it. Iyon kasi ang plano ko i-regalo nung birthday mo. Of course, not the prototype," she slightly laughed, straightening in her seat. "I will gift you that item made from real pearls and stainless steel lock."

"Hindi mo niregalo sa akin. Dahil hindi ko na-type-an?"

"About that..." her smile turned awkward. "I was about to gift it to you. But someone else bought it. Kaya ang ginawa ko na lang that time libre na lang namin ni Walter 'yong expenses sa party mo sa The Org. I told you that, right?"

"Yes. But except about the necklace. So, ibibigay mo na lang sa akin, binenta mo pa?" She was calm. Her questions were only rooted by genuine curiosity.

Napabuntong-hininga ito. Beta was having this struggle to tell her the truth. Lily could read it from the discomfort in the movements of one of the most confident and empowered people she has ever known.

"Jared bought it."

"Jared?" nabasag siya sa loob-loob sa rebelasyong iyon.

"I sold it to him. Because in my mind, sa'yo rin naman siguro mapupunta."

"How much did he pay for it?" dikit niya sa mesa.

"Look. I only joked him about the payment. Ibibigay ko naman talaga 'yon sa'yo kaya hindi na niya kailangang bayaran but that sly, sly man deposited the money directly to Walter's bank account."

Napatitig siya sa pamimilog ng mga mata ni Beta. She also noticed the way her friend's voice hushed.

"So how much was it?"

She was blown away at the price that Beta whispered.

"Biniro mo siyang magbayad ng gano'ng kalaking halaga?!"

"Seems like, wala siyang idea kapag overpriced ang isang alahas," nagi-guilty na nahihiyang ngiti ni Beta sa kanya.

"Bakit-" Napailing na lang siya. "He didn't give me that necklace. So, what for? Bakit ko pa inaalam?"

Naaawang napatitig si Beta sa kanya.

"After ng lunch natin, didiretso na ako sa bahay ng parents nila Clint. Naroon kasi sila ni Nena kasama si Walter at 'yong dalawang bata."

Ang dalawang bata na tinutukoy ni Beta ay ang kapwa one-year-old na sila Liz at Nina Cline. Both were pretty little girls with lively dark eyes, soft dark hair and the brightest of innocent smiles. With Liz, she saw the actual thing. With Nina Cline, only in pictures that Beta showed her.

"That's great."

"Sigurado ka bang... ayaw mong sumaglit muna doon?"

Umiling siya. Nginitian si Beta. "Sira. Alam mo naman ang atraso ko kay Jared. Kaya nga nag-iiiwas ako na makasalubong sila Nena at Clint." Especially Clint. Tiyak niyang nabuhay na naman ang inis nito sa kanya nang malamang hiwalay na sila ni Jared. "Kontento na ako makitang masaya kayo. Ikaw, si Nena. Those cute little girls. Your husbands."

Mapang-unawa siya nitong nginitian. Kahit masaya na sa buhay nito si Beta, for some reason her heart still broke for her. It was so evident in her fiercely-designed eyes. So obvious because the sadness contradicted how naturally brave and fierce her glances are.

"Sorry kung hindi ko napagbigyan ang request mo maging tulad tayo ng Gimik. Ng F.L.A.M.E.S. O ng F.R.I.E.N.D.S. 'Yong magkakaibigan na magkakaibigan din ang napangasawa nila."

Naluluha siya nang sabihin iyon. She may have already healed, but sometimes, it still affects her when she feels like she disappointed someone. Lalo na kung malapit sa puso niya tulad ni Beta.

"Don't be sorry. It's just a request. Nothing mandatory. Sa huli, choice mo pa rin ang masusunod. Your heart."

Tinapos na nito ang pagliligpit, sinukbit sa balikat ang pulang shoulder bag at sinabayan siya sa paglabas ng gusali.

For what felt like the last time before a long time of separation, Lily and Beta had lunch together.

It made her happy.

It wasn't so bad after all, to share her best friend to other people. Kasi, mas marami na silang napagkukwentuhan ni Beta.

Kinuwento niya rito ang huli niyang travel sa Siargao. Ito naman, nagkwento tungkol sa bagong milestone nila Liz at Nina Cline.

Lily loves it when Beta talks about the kids. Kasi, kahit doon man lang, pakiramdam niya naging nanay pa rin siya. She would listen to Beta's story, then smile to herself when she imagines the story was about her and the child she lost years ago. Kahit sa isip at mga dasal man lang, makabawi siya sa anak na nawala sa kanya. Sa anak na hindi man lang niya nayakap. Nahalikan. Nakasama.

She would imagine that it was her, teaching her child to walk. Matatawa siya kapag in-imagine na tulad din ni Liz ang kanyang anak na paatras gumapang. O tulad ni Nina Cline na mahilig mangagat.

Then, they stepped out of the restaurant. Tumigil sila sa pagitan ng magkatabi nilang kotse.

Beta gave her a long, tight embrace.

Napapikit si Lily. Hindi sila natinag sa pagyayakapan kahit nagsimula nang pumatak na naman ang mahinang ambon.

Siya na rin mismo ang humiwalay sa kaibigan.

"Video call tayo, ha?" ngiti ni Beta sa kanya. "Pasilip naman ng kaunti sa mga lugar na iba-vlog mo."

Magaan siyang natawa. "Of course!" Then, she was silenced. "Paki kumusta na lang din ako kina Nena."

Mas tumingkad ang ngiti nito. "I will. And I hope pagbalik mo, hindi lang kumusta sa kanya ang ipakiusap mo. I hope, the three of us can hang-out together."

Gumaan ang pakiramdam niya roon.

"Let's do that. Pagbalik ko."

Iyon lang at umuwi na si Lily sa kanyang bahay. Ni-recheck niya ang mga gamit bago humiga sa kama na tinanggalan na niya ng bedsheet. It was nothing but a bare, white mattress, slightly creaking against her back with her every toss and turn.

Sa huli, napatitig siya sa kisame.

This very house still felt like home. Kahit hindi na niya kasama pa rito si Jared. Everytime she misses him, she leaves the house.

But when she travels, she still misses him.

Kaya umuuwi pa rin siya sa bahay na ito.

Lily closed her eyes.

And next thing she knew, she was already rushing inside the airport. Lily wore her most comfortable slip-on shoes in pink, a pair of white drawstring, gartered pants, and oversized t-shirt. Ang itim at lagpas-balikat niyang buhok ay naka-low messy bun. She didn't even bother to put on make up. Mahaba-haba ang biyahe at sigurado siyang puro tulog ang gagawin sa eraplano bukod sa pagbabasa ng libro.

Nailagay na sa baggage carousel ang kanyang mga gamit nang makatanggap ng tawag galing kay Basil.

Lily!

Para saan ang gigil sa boses nito? Naiinis? Natatakot? Naeeskandalo?

"Kuya, Basil. Pa-onboard na ako! What happened?"

Please, make this quick, she rolled her eyes.

What the heck, Lily! Seryoso ka ba sa card na binigay mo sa akin kahapon?

Nahati ang mukha niya sa pag gusot dala ng pagtataka at pag ngisi nang pilya.

Aba, mukhang may naka-tsamba ng second date kay Miss Paula, isip niya. Nakangiting sumagot siya kay Basil. "Bakit? Maganda naman ang Henley's, ah?"

Henley's! Shit. The Org itong binigay mo sa akin! Nag-inquire ako sa phone. In-advise-an akong via online ang reservations nila. Pagtingin ko sa website- Fuck! How did you get an access to this- what is this again? She could imagine Basil sitting in front of his laptop, checking its screen again. Damn you, Lily. Damn you. A sex club? Really?

Napabunghalit siya ng tawa. Her eyes strayed at the airport staff who was already gesturing at the coming passengers. Simula na kasi ng pagpapasakay sa mga pasahero na kapareho niya ng flight number.

Is this about that 'anakan' conversation we had? Kung anu-anong kalokohan talaga ang nasa isip mo!

Tawang-tawa talaga siya sa panic sa boses ng kapatid.

"Take her at Henley's, Kuya," paghina na ng tawa niya, patungo na sa dapat puntahan. Once she reclaimed her pink wheeled travelling bag and positioned the other bag- a black sports bag- on top of it, Lily rushed. "And who knows? That card might come in handy on your third date."

Sira, mahinang natawa na ang kanyang kapatid. Paula is not meant for places like this sex club thing.

"You'll never know where your curiosities will take you," aniya. "Ciao, Kuya!"

At humalo na siya sa mga taong pasakay ng eroplano.

.

.
.
***
.
.
.

INALIS NI JARED ANG BIKE mula sa pagkakasabit katabi ng pinto. He was about to go to his usual afternoon shopping when he heard a doorbell.
.
.
IT HAD BEEN A WEEK SINCE LILY ARRIVED IN ANTWERP, BELGIUM.

Nung nasa Pilipinas pa siya, pakiramdam niya handang-handa na siyang harapin si Jared. Pero nung nawala ang kanyang jet lag, nabahag naman ang kanyang buntot.

She figured that she’ll buy herself some time. Inikot niya ang Antwerp. Kumuha ng ilang mga videos. Muli niyang tinikman ang mga pagkain doon— lalo na ang mga tsokolate, beer, at ang naglalakihan nilang fries. She took a beer or two for courage.

Tapos, pupuntahan niya ang mga lugar na pinuntahan nila ulit ni Jared.

Dadaigin siya ng panghihinayang.

Mapapaiyak.

Idagdag pa ang dismaya niya dahil ni isang beses, hindi niya natiyempuhan sa mga lugar na iyon si Jared.

It pained her to think that he doesn’t visit the places they used to go to anymore.

Lalo tuloy siyang nag-aagam-agam na makaharap ito.

What if he completely moved on from her?

Some exes should be treated like Oliver— no closures. No explanation is necessary. Because for Oliver, he’s the hero in his own story and he would only justify the hurt he caused her.

Some exes, are like Jared. Damn. She needed to know what’s up with him. She needed to check if there’s still a chance.

Then, this afternoon, courage came.

Sinadya niya ang flat na dating tinirahan ni Jared. Dating tinirahan nila. Muntik pa siyang maligaw. Because in that neighborhood, the houses almost looked the same.

De-tiklop ang bike na binili ni Lily. Gawa sa magaang materyales. She folded it and tucked it under her arm before entering the rental space.

Huminto siya sa tapat ng pinto ng flat nila noon ni Jared. It had a fresh coat of white paint on it but still had the same gold metal number plate nailed on it.

Lily checked her attire— a pair of black biking legging with white lines on the sides paired with a sports bra of the same design. Nakatago nga lang ang sports bra sa ilalim ng kanyang makapal na parka na puti na mistulang bubble wrap. On her feet were a pair of black rain boots.

Nag-doorbell siya, halos pigil ang hininga habang hinihintay pagbuksan ng pinto.

What welcomed her is a young woman with natural ash-blonde hair. Very pretty.

Her heart turned to a mush of squeezed out clay.

May babaeng nakatira sa flat ni Jared…

The Flemish woman curious gray eyes scanned her before asking in their native language what does she need.

“Sorry,” huma niya sa pagkabigla. “Is Jared there?”

Kumunot ang noo nito.

“Ah, wait,” she gestured a hand to tell the woman to give her a minute. Binaba niya saglit ang nakatiklop na bike. Inalis ni Lily mula sa arm strap na itim ang cellphone at pinakita rito ang litrato ni Jared na nasa photo gallery.

She pointed at his picture, then at the open door of the flat.

Umiling-iling ang babae.

“You’re looking for him?” she spoke with prominent Flemish accent.

Nabuhayan si Lily ng loob. “Yes. He used to live in there.”

“Not anymore,” sagot nito, diretso ang tingin sa kanya. “I’ve been living here for four years.”

“Oh…” Nanamlay siya. “Is that so…”

“Good luck with your search,” tipid nitong ngiti sa kanya.

“Thank you.”

Sinara na ng babae ang pinto. Napatitig si Lily sa litrato ni Jared na sakop ang buong screen ng kanyang cellphone. Her point finger delicately hovered a few centimeters above the screen as she imagined stroking his face.

That light smile, slightly thick brows, and dark pair of intent eyes. That waves of thick luscious hair. His gorgeousness even in a picture can already take her breath away.

Napasandal siya sa pader malapit sa pinto ng pinagtanungan niya. Tantya niya malapit na mag hatinggabi sa Pilipinas. That’s why, she’s thankful that Beta answered her overseas call.

“Beta,” bungad niya rito. “Sigurado ka bang nandito sa Antwerp si Jared?”

Si Clint mismo ang nagkwento sa amin noon. Pagkatapos ng Pasko noon, two years ago, diyan sa Antwerp na nag-New Year si Jared.

“And until now? He’s still here?”

Oo. Nakaka-video call nga namin siya minsan. Kinukumusta niya sila Clint.

“Kasi wala siya rito sa flat na dating tinirahan niya.”

Bakit naman kasi diyan siya ulit titira? Malamang, may nagrenta nang ibang tao diyan kaya hahanap siya ng ibang marerentahan.

“Any clues? Kung saan na siya nakatira ngayon?”

You know that I can help with that. Kaya lang, baka makahalata si Clint at Jared kapag tinanong ko ‘yan. Ikaw na rin ang nagsabi na huwag ako masyadong magpahalata.

“I know,” she groaned, feeling hopeless. Napaupo siya sa sahig, katabi ng folded bike na nakasandal sa pader. Napatingala siya. “I just don’t understand. Isang linggo na ako rito sa Antwerp. Halos naikot ko na itong lugar na ito pero hindi ko man lang nasasalubong si Jared.”

Hindi nakaimik si Beta, pero alam niyang nasa kabilang-linya pa rin ito.

Hello? Lily? Sorry, choppy. Ano ulit ‘yon?

Inulit niya sa kaibigan ang mga sinabi.

Should I ask for Clint’s help now?

“No,” iling niya. She was still groaning, pained from this exhausting search. “I think I need to do the biking thing na tinuro sa akin ng psychologist ko. I feel like wanting to run away from a problem that I made. But I know that I shouldn’t give up. So,” she stood up with a grunt, “I’ll bike in circles.”

Beta sighed. Sympathetic. Nasa boses nito ang lungkot.

Just let me know. And I will ask for Clint’s help. Hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya sinasabi kung saan mismo nakatira si Jared.

“Thank you,” bitbit ni Lily sa kanyang bike. “Pero please, huwag na huwag mo silang bibigyan ng idea na pinuntahan ko rito si Jared. Sige. I am going na. Ciao.”

Pagkalabas ng gusali, in-assemble ulit ni Lily ang kanyang bike bago sampahan. Inayos niya ang smartphone sa kanyang arm strap. Inayos din niya ang pagkakasuot ng puting biking helmet na hindi niya hinubad kanina nung kausapin ang bagong tenant sa flat nila ni Jared dati. In-adjust niya nang mabuti ang GoPro camera na kakabit niyon. She had no plans to record her reunion with Jared through that action camera. Para iyon sa pag-video sa mga nadaanan niyang lugar sa Antwerp. Para sa kanyang vlog.

Lily began pedaling. The black wheels glided against the wet brick path that laid between houses and buildings that faced each other in the neighborhood of Stadswaag. Cold, fresh air caressed her cheeks as she moved forward.

Lily would occasionally look around. Some zagged pyramidal roofs of the houses were still present— one of the things that made Lily feel that she’s really in Belgium. The brick structures— the reddish, whitish, or orange-ish colors of the walls of some houses that complimented well with the Autumn season.

Iniwasan niyang mabangga ang mga sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada dahil sa kawalan ng parking space o garage ng mga bahay sa area na iyon.

Halos makipagkarerahan si Lily sa papalubog na araw. Paminsan-minsan, sinisilip siya nito sa mga awang sa pagitan ng magkakatabing bahay o gusali. Sa pagitan ng abuhing mga ulap na lumukob sa buong Antwerp nung nagpabagsak ng ulan. Narating din niya ang dulo ng kapitbahayanan. Abot-tanaw na niya ang daan na napapagitnaan ng hanay ng mga wooden bench at puno.

Mga punong kulay dilaw at kahel na ang naglalaglagang mga dahon. Mga dahong nagkalat sa basang kalsada dahil sa katatapos lang na ulan. Siyang bulaga sa kanya ng matingkad na pagsirit ng hibla ng liwanag mula sa araw.

The sun rays touched her eyes, making them glow like beer beneath the bar lights. A sight anyone would excitedly take in and get drunk for.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro