Chapter Seventy-Seven
JARED CHANGED HIS MIND ABOUT SHOPPING. Kasi, nang buksan ang pinto, bumungad doon si Heidi.
"Hi, Doki!" masigla nitong bati.
Nakangiti nitong tinaas ang dalawang kamay na hawak ang mga pinamiling makakain nila.
"From me to you!"
"Wait," sinarahan niya saglit ng pinto so Heidi para isabit ulit sa pader kalapit niyon ang kanyang bike.
Then, he opened the door for her again.
"Let me help you," ako niya sa canvas bag at beer carrier. "At sabayan mo na akong kainin ang mga 'to." He eyed on the beers. "Why freaking six cans?"
"Siyempre, reserba mo na 'yong iba dyan. Autumn na ngayon, no. Palamig na ang panahon."
Makes sense. Jared nodded convincingly.
Heidi followed him inside the flat after she closed the door. She reappeared in her jeans and white turtle neck long-sleeved wool sweater. Nahuli ito makarating sa dining room dahil naghubad pa ito ng boots, maayos na sinalansan iyon sa bakanteng espasyo ng shoe rack. Heidi took off her warm gloves. Stuffed them in the pockets of her coat. She also took off her brown heavy furry coat, hang it at the coat hanger beside the door with her beanie hat.
Maingat na nilapag ni Jared ang mga pinamili ni Heidi sa mesa. Dumiretso sa lababo si Heidi, naghugas ng mga kamay bago tinungo ang drawer ng mga pinggan at kubyertos. Nilagay naman ni Jared sa ref ang beer carrier na may apat pang lata ng alak. Dalawang in-can lang ang iniwan niya sa dining table. Kumuha si Jared ng isang food packaging sa paper bag na nasa loob ng canvas bag.
Sa takip ng packaging ng beef steak, may nakadikit doon na sticky note.
Huwag magpapagutom! Eatwell.
- Heidi
Napailing na lang siya. Napangiti.
"Bakit may note pa? Eh, sasabayan mo naman akong kumain?" sulyap niya sa dalaga na kakalapag lang ng mga pinggan at kubyertos sa dining table.
"Eh, para sa'yo naman talaga lahat ng ito. Ikaw itong nagyayang sabayan kita kumain. Alam mo namang basta ikaw, at basta pagkain, hindi ako tatanggi," masaya at sasayaw-sayaw nitong set ng mga pinggan sa mesa.
He glanced at the sticky note he was holding. Naalala kasi niya si Lily. That woman who left a sticky note on his forehead the day she left him.
Then, he returned his eyes on Heidi. Masaya nitong inaalis sa paperbag ang natitira pang packaging ng pagkaing pinamili.
"Sa'yo na lang 'yang steak, Doki. Isa lang 'yang binili ko, eh."
"Hati na lang tayo," Jared opened the packaging. Nilipat niya sa naghihintay na babasaging pinggan ang mainit-init pang sweet-sauced na beef steak.
Sa kabila ng paglisan niya sa Pilipinas kaya nawalan ng trabaho ang assistant niya roon na si Heidi, hindi pa rin ito nakalimot sa kanya. A few weeks after Heidi passed the examination and became a licensed nurse, he was one of the people who first knew about it. After all, he made it a point they remained in contact with each other even after years of leaving Philippines. Iyon ay baka kasi may kliyente siya sa Pilipinas na mag-reach out kay Heidi. Jared just wanted to make sure he can still accommodate them or give them better referrals if his first referrals are not compatible with them.
Nagpatulong din si Heidi sa kanya makahanap ng trabaho sa Belgium. The woman just realized through the years that she cannot live with people who kept on discouraging her when it comes to reaching her ambitions. Tulad lang ito ng pinag-usapan nila sa kanyang opisina noong nagtatrabaho pa para sa kanya ang dalaga:
"Sir Jared?"
"Yes?" patapos na siya sa sinusulat.
"Sa tingin niyo ba, Sir, may pag-asa pa ako?"
"What do you mean?"
"Parang magi-stop na naman kasi ako sa pag-aaral, Sir."
"Bakit naman?"
"Wala kasing tutulong kina Nanay."
"Sila ba ang nagsabing mag-stop ka?"
Hindi ito nakasagot kaagad.
"Hindi kita matutulungan kung, hindi ka magsasabi sa akin."
"Eh, kahit ano naman siguro ang mapag-usapan natin, Sir, hindi rin naman siguro mababago n'on ang sitwasyon ko."
"Pero ikaw ang naunang kumausap sa akin. Ibig sabihin, alam mo sa sarili mong may magagawa ka para mabago ang sitwasyon mo."
Pinanghihinaan ng loob na napalingon ang babae sa kanya. "Sa tingin mo, Sir?"
"Oo..."
Nilipat na rin ni Heidi ang iba pang pagkain sa mga serving plates. Habang kumikilos, patuloy siya sa pag-alala sa usapan nilang iyon ni Heidi.
"Ikaw?" usig niya para mapatingin ulit sa kanya si Heidi. "What's your decision?"
"Paano kung hindi worth it, Sir Jared?"
He smiled faintly. "I don't think you'll pursue something, or someone, if you think the journey will not be worth it. Kung alam mo namang hindi worth it, bakit ka pa magtitiyaga sa isang bagay?"
Jared cleaned up the table from paper bags and plastic packaging before getting seated.
Sa ngayon, anim na buwan nang nagtatrabaho si Heidi sa isang ospital sa Antwerp. They still meet a lot. Bukod sa nangangapa pa ang dalaga sa pamumuhay sa Antwerp, kailangan din nitong hasain ang sarili sa wika ng mga taga-Belgium. She was learning from Jared and the internet. Sa oras na maging stable na ang dalaga, nangako itong mag-e-enroll para sa French at Dutch language classes.
Kadalasan, nagsasama rin si Heidi ng mga kapwa OFW. Ayon kay Heidi, madaling makahanap ng kaibigan kapag ilan-ilan lang kayong magkakatulad ng lahing pinagmulan. Lagi siyang niyayaya ni Heidi sumama sa mga ito. They would go out in groups, eat in a restaurant, or chill at a park. They would always talk, vent out their frustrations, and share experiences.
Heidi paid him back in a way that she opened his world to other people. Jared learned from being around people- talking to them and being in the moment, instead of just observing them from afar.
"May shift ka ngayon, 'di ba?" ani Jared habang kumakain sila.
"Oo, Doki. Pero kanina pang 4 P.M. ang clock out ko," hinto nito sa pagkain para mataman siyang titigan. "Kumusta ang mga online consultation?"
"I am doing well," Jared focused on his food. "Nakakapanibago itong bagong paraan ng pagtatrabaho pero, nasasabayan ko naman siya."
"Eh, 'di ngayon, may dahilan ka na naman para magkulong dito," may panghihinayang sa ngiti ni Heidi sa kanya.
"You worry a lot, dear," Jared smiled at her as he mimicked a deep-voiced, heavy Flemish accent.
Pinalakihan siya nito ng mga mata. But her open-mouthed smile stretched wide.
"Alam mo, shut up!" Pigil ni Heidi ang matawa, "Kaysa masayang naman 'yang porma mo, what about we go out?"
"Saan?" excited niyang tanong dito, hindi tumitigil sa pagkain.
"Basta. Magugustuhan mo 'tong lugar na 'to."
.
.
WHAT IF, Jared already lives outside Stad... Stad what again? si Beta, sa video call.
Nakayuko si Lily sa desk ng tinutukuyang flat. Nakalatag doon ang print out map ng Antwerp at isa pang mapa na ispesipikong para sa Stadswaag.
"Stadswaag," she replied in a monotone because she was distracted with the maps.
Yeah. Stadswaag. Like... dito, tumingin si Beta sa hawak nitong cellphone. Laptop kasi ang gamit ng kanyang kaibigan sa kanilang video call. What if nasa Ghent na siya nakatira? O sa Brussels?
Lily traced the map with her fingers.
"I don't think he will stray away from Stadswaag. Dito lang siya sa Stadswaag titira."
How sure are you?
Mabigat ang kanyang buntong-hininga. Napatuwid siya ng upo, nauubusan ng pag-asa.
"Siguro..."
Siguro umaasa lang akong hihintayin niya ako. At alam niyang Stadswaag lang ang alam kong lugar dito sa Belgium...
Lily felt a sting in her eyes.
What made me think that after all these years and after everything... Jared will wait for me? That his world will stop for me while I am living my own life?
Lily? Pukaw sa kanya ni Beta. Nasalubong niya ang nag-aalalang mga mata nito. It was already 7 P.M im Belgium. Mga ala-una o alas-dos naman ng madaling araw sa Pilipinas.
Nakonsensya tuloy si Lily.
"Sorry for making you stay up late. 7 pa lang ng gabi dito sa Belgium pero diyan..."
It's okay. Sasabihin ko naman sa'yo kapag gusto ko na matulog, no, pamamarangka nito at binalik sa cellphone ang tingin.
Bakit ba pinapahirapan masyado ni Lily ang sarili? Her pride was only hurting her more. Her pride was only giving her a hard time.
"Pahingi ako ng number ni Clint."
Gulat na napatingin sa kanya si Beta.
Number ni Clint?
Napailing siya. Siguradong mahirap nang pakiusapan si Clint. Clint allowed her to have a second chance with Jared and look what just happened.
"Number na lang ni Nena," aniya rito.
Pagkatapos makausap sa overseas call si Nena, tinitigan ni Lily ang numerong nakasulat sa kanyang leather pocket journal. She saved the number on her phone before dressing up.
Alas-nuwebe na ng gabi nang lumabas mula sa kanyang flat si Lily. She wore a pair of black rain boots, jeans and a fitting shirt beneath her fur-collared white sweater. A foldable umbrella was safely tucked inside her big, shoulder bag that hung at the crook of her arm.
The streets of Stadswaag were lit as she biked past each streetlight. The cobblestoned path was blanketed with a light film of rain water. Binudburan ang parehong kalsada ng lagas na mga dahon. Basa ang kahel at dilaw na mga dahon, halos kumintab nang tamaan ng liwanag mula sa mga poste ng ilaw.
Sinadya ni Lily ang isa sa mga gastropub sa Boomgaardstraat. Maganda kasi ang reviews ng kainan na iyon at isa rin ito sa mga gusto niyang ipakita sa gagawing vlog.
Pasimpleng kinunan niya ng video ang lugar. Just a short video clip. Kuha sa video na iyon ang ambience ng lugar. It was the warmth of the lowly lit restaurant- the bright red neon lighting behind the open-kitchen. The clash of modern and rustic when it comes to the furniture like the wooden stools and tables with black wrought iron frame. A rugged, underground styling goes for the interior design.
On the other side of the room was the bar area. Nagmistulang entablado ang pwestong iyon. Walang mga upuan sa tapat ng bar counter, kaya kitang-kita ng mga nasa kani-kanilang mesa ang pagpapakitang gilas ng bar tender sa pagmi-mixing ng mga inumin. The area was low-lit with yellow bulbs as well. The shelf behind glowed in yellow lighting too, had a display of miniature logs and a rustic feel to it as well.
Lily filmed the food and drinks before eating them. She wanted to have a good night, so she ordered a light cocktail drink and steak. It made her smile contentedly.
She closed her eyes for a few minutes, enjoying an inner peace that took her thirty-four years to have.
It's hard to imagine that you can have inner peace when your heart is still longing for someone. How can you sleep well in the night when you miss somebody?
For Lily, it was hope. Having hope in her heart helped it stay at peace especially through the cold nights.
It was hopelessness that forced her to stay in Variant. Ang nasa isip niya kasi, walang na siyang ibang mapagtatrabahuan dahil underqualified siya. It was hopelessness that made her leave Jared at first. Akala niya, dahil magkakaanak na sila ni Oliver, imposible nang magkatuluyan sila. It was hopelessness that turned her into this wild monster. She lost hope for everything since her parents invalidated her, since she lost her child.
She left Jared for the second time, feeling hopeless about being the person someone like him deserves. But, now that she found hope- she's reborn.
She wanted to share the inner peace she's enjoying now. With Jared.
Sinimulan na niya ang pagkain.
As soon as she finished her steak and potatoes, she settled her bill.
Inuubos na lang niya ang cocktail, nag-iisip kung magba-bike pa ba o didiretso ng uwi sa flat nang may marinig.
The noise snapped her out of her thoughts. Maingay ang mga bagong dating sa restaurant. Hindi niya tuloy napigilang tanawin ang entrance door. Isang grupo ang magkakasamang dumating sa restaurant. Mga nakapanlamig.
What took her attention the most was the language. Naulinigan niya ang mga salitang Libre naman diyan! at ang litanyang Bawal magbalot ng pagkain, ha? ang sanhi ng halakhakan mula sa grupo.
That made Lily stare. At saka lang niya napansin na parang pamilyar ang mukha ng babaeng naka-brown na coat at beanie. May tinapik ito sa braso kaya napalingon ang lalaki rito. Sa paglingon ng lalaki, humarap din sa direksyon niya ang mukha nito.
Jared!
Lily almost scrambled on her seat. Biglaan kasi siyang pumihit paharap dito. Pero paano naman siya makikita ng lalaki? The area was low-lit!
He faced the woman who tapped his arm. He smiled at her and nodded. At sumama na ito sa mga kasamahan na paalis ng restaurant.
Iniwan niya agad ang mesa para sundan ang mga ito.
Ginabayan ang grupo nila Jared ng isa sa mga waiter sa daan papunta sa rooftop. May bar at mga mesa rin kasi sa bahaging iyon ng gusali. Nagawan niya ng paraan makahalo sa grupo. They even barely noticed her and went on chattering away with each other. Tantya ni Lily magdadalawampung tao ang bilang ng mga ito.
As they climbed the metal stairs, that looked like fire exit stairs, that led to the rooftop bar of the restaurant, she reached almost two people away behind Jared.
"You worry too much, dear," ngisi ni Jared sa babaeng kausap.
Lalo pang natawa ang lalaki nang hambalusin ng natatawang si Heidi sa braso.
Heidi...
Napahinto siya sa pag-akyat sa hagdan.
Naiwan siyang nakatanaw sa mga ito habang patuloy sa pag-akyat ng hagdan.
Naaalala na niya.
Si Heidi.
That assistant who accomodated her one time... when she went to Jared's office...
.
.
PAGKAUWI SA KANYANG FLAT, tinitigan ni Lily ang numero ni Jared na naka-save sa kanyang cellphone.
Nakahiga siya sa kama, naka-pajamas na napapatungan ng makapal na pink na roba. Her black hair laid out on the bed. Patay ang mga ilaw, bukas ang bintana kung saan masisilip ang kumukutitap na mga ilaw mula sa malalayong mga bahay at gusali.
Lily didn't know what to feel.
Sa nakita at narinig niya, napaurong siya sa balak na abangang maiwang mag-isa si Jared para makausap niya ito.
Pagkakataon na niya sana kanina.
But she didn't want to ruin the night for Jared. He looked high in spirits.
He looked happy.
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at paano nangyaring kasama nito si Heidi sa Belgium pero... hindi niya magawang magalit sa pagkalitong naramdaman.
It only made her more curious to know what's going on. She wanted to hear it from Jared. Gusto niyang malaman kung ano ang nangayari rito sa loob ng dalawang taong paglalayo nila.
Kung sa dalawang taon na iyon, hanggang ngayon ba ay sumasagi man lang ba siya sa isip nito?
But he called her 'dear', her mind protested at her decision to give Jared the benefit of a doubt. Why else would he do that to her... if he still thinks of you?
"They're friends?" malakas niyang sagot sa sarili. "You can call your friends dear, right?"
Lily flinched. Kahit siya, ayaw paniwalaan ang dinadahilan sa sarili. Here she is, trying to ease her own feelings, protecting her spirits so her heart won't break again.
Nahigit niya ang paghinga.
Eleven na. By now, sarado na 'yong place na 'yon. Nakauwi na kaya si Jared?
Bumigat ang pakiramdam niya.
Sa iisang flat ba sila nakatira ni... Heidi?
She pressed the call button.
"Shit. Shit. Shit. Shit!" padyak ng mga binti niya at nilapit sa mukha ang cellphone.
She began heaving, her heart compressed by her swelling chest.
Hindi siya makapaniwalang napindot niya ang call button!
Oo. Sinadya niya iyon! Pero hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa!
Nanatili siyang nakatitig sa cellphone, naghihintay sagutin ang kanyang tawag.
A part of her prayed Jared would answer.
She just missed him so much.
The other part begged that he wouldn't. Kasi, kung magkakausap na sila ngayon ng lalaki, baka mawalan na siya ng idadahilan dito para magkita sila.
She prepared herself for this, but it wasn't enough. Nagririgodon ang puso niya. Hindi siya mapalagay.
Hello, he said and her heart fluttered.
Tears rimmed her eyes in an instant.
Naalala niya ang pag-You worry too much, dear nito kay Heidi. They sounded the same, except this time, Jared wasn't using a heavy Flemish accent.
She knew his voice. This voice. The tenderness of it behind its lifeless formal mode. Jared sounded professional as he answered her call.
How can I help you?
Help me make you mine again, Jared baby, she thought helplessly, covering her mouth with her other hand.
She was already sobbing, staring blankly at the screen of her phone. In the darkness of her room, the only light came from her smartphone's screen. It glared against her face, against her eyes glittering with crystal clear stream of tears that washed her cheeks and the sides of her face. That slipped to her ears and dropped on the bedsheet.
Hello? Jared sounded confused. Not irritated or stern. Just gentle and curious.
Lily sniffed.
I see, wika nito. Going through something heavy?
Akala yata nito, isa sa mga gustong maging kliyente nito ang tumawag.
"I-I'm-" She stopped. Hindi niya inasahang garalral ang lalabas sa mga labi. Hinanda niya ang sarili bago magsalita. Pero heto, palpak. Gumaralgal. Nanginig ang boses.
You're doing the right thing. Just cry. Cry it out, he said soothingly. You can tell me about it later. For now, just cry. Just cry it out.
"Idiot," she gritted in the midst of her tears.
Lily?
She released a breath. Hindi niya alam kung matutuwa o mas iiyak. Halos sabay rin naman kasi siyang napangiti nang nakabuka ang bibig at umagos ng marami-rami ang mga luha.
"Now I know you can hear," nangingiti niyang iyak.
What do you expect? Makikilala agad kita kapag huminga at suminghot ka sa phone? magaan nitong saad, natatawa pa yata sa kanya. Hindi lang niya marinig ang tawa nito.
"Ah, shut up," dumapa siya sa kama. Nilapag niya sa tapat niya ang smartphone habang pinupunasan ng kwelyuhan ng suot na roba ang mga luha.
How are you?
Kung makakumusta itong lalaki na ito. He didn't sound bothered at all.
He didn't sound pained at all.
"You already know I am crying! Kinukumusta mo pa ako!"
We cry for different reasons. I just want to know why in your case.
"A-Are you in Belgium? In Stadswaag?"
Why? Do you want to meet me?
"Yes. I want." Walang kwenta ang pagpunas sa mga luha. May panibago na naman kasing dumausdos sa kanyang mga pisngi. "I want to meet you. Sorry sa lahat ng mga dinanas mo dahil sa akin. Sorry because even at the second time, I put you through a lot again."
You did the right thing when you left me. You don't need to apologize for doing the right thing.
Nabiyak ang puso niya sa mga sinabi nito.
What made it so right for Jared?
Because he has Heidi now?
You did the right thing when you left me, his voice echoed in her mind over and over again. And it will kept on playing on repeat through the night before she falls asleep. Sigurado roon si Lily.
That's all in the past. Forget it. Leave it all behind, Lily.
Lalo siyang nadurog. Noon kasi, panay ang bukambibig ni Jared sa Belgium. Noon kasi, pilosopiya ni Jared na kailangan nating mamuhay nang dala-dala ang nakaraan. Pero ngayon, nagbago na.
Gusto na nitong iwanan at huwag dalhin sa pag-usad ng buhay nito ang nakaraan.
Ang kanilang nakaraan.
"I don't think I can so that," her voice wavered. She was left weak by the blow of his words. "The past helped me become who I am today. The past helped me love myself."
We can meet tomorrow.
"Saan?" nabuhayan siya ng loob.
Where we first met. You'll know where if you really didn't forget the past.
"We met at sunset that time."
Then see you at 6 P.M. Tomorrow.
She nodded vigorously before burying her face in her hands. "See you."
Good night.
Hindi na siya nakasagot. Napunta ang nalalabi niyang lakas sa pagpipigil ng pag-iyak. Her body trembled at the extreme effoet.
As soon as Jared disconnected the call, Lily broke like a dam. Her tears flooded out, wetting her face and palms as she choked while sobbing.
.
.
.
***
.
.
.
PAISA-ISANG NAGSINDIHAN ANG MGA ILAW. Mula sa mga poste hanggang sa magkakahanay na mga bahay. Sumunod din ang mga kainan at tindahan na makikita sa bungad ng Stadswaag.
Abot-tanaw ni Jared ang daan na napapagitnaan ng hanay ng mga wooden bench at puno. The path was made of cobblestones. Basa pa rin ng tubig-ulan ang kalsada. May ibang klaseng nginig ang dating ng malamig na hangin na dahilan ng pagpatak ng ilang mga dahon mula sa mga puno. Orange. Yellow. Reddish. The crisp leaves flutter and dance against the cold breeze of the night slowly creeping in.
The dark blue hour taking over the skies, pushing away the gloomy gray. Blue overhead and the sinking sun below the horizon, shooting a laser of tangerine and yellow rays at the ground. At the lower half of the trees.
At a lightweight bike that leaned against one of the trees.
And the woman who faced that bike.
Habang abala ito sa pag-ayos sa bike, humakbang si Jared patungo sa wooden bench na ilang hakbang lang ang layo sa kinasasandalang puno ng bike na nakita.
Jared stopped in front of the bench and waited.
His shadow fell on the ground. Right where the woman could easily notice.
Dahil doon, napalingon ito sa kanya. Bahagyang tumama ang liwanag ng papalubog na araw sa maganda nitong mukha.
Even her brown eyes glowed, like blurry candlelights. Her North Face x Gucci hooded puffer jacket golden against the light of the setting sun. Nakalaylay sa mga balikat nito ang unat, itim na itim at lagpas-balikat na buhok.
Right there, Jared instantly confirmed it to himself. The very sight of Lily will captivate him forever.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro