Chapter Seventy-One
VARIANT RENTED A CAMP RESORT FOR THE TEAM BUILDING. May mga amenities na sinadya para sa mga team building tulad ng open-space area sa likuran ng malaking bahay. Nalalatagan ang espasyo na iyon ng berdeng damo at napapaikutan ng nagtataasang mga puno. Ang malaking bahay mismo ay maituturing nang isang villa. Mayroon itong dalawang palapag, naghalo ang modernong concrete at pamilyar na rustic design.
Nagtipon ang lahat sa main hall ng camp resort na siyang kanilang itinalagang assembly hall. It was an open room with smooth-polished gray cemented flooring. No walls, just sturdy thick wood posts and wooden roofing with big gaps to let their eyes through and see a view of the gloomy dark azure sky.
Excited chattering noises floated in the fresh, chilly air.
Nilibot ni Lily ang tingin sa paligid. Hindi siya makapaniwala na higit isang-daan ang mga employed sa Variant. Majority of them worked on the factory. Mangilan-ngilan lang ang taga-opisina, deliver o maintenance.
Tulad na inanunsyo, lahat ay sinuot ang customized print na mga t-shirt na bigay ng kompanya. Nung Lunes lang iyon dinistribute, mga dalawang araw mula nung huling nila Lily at Jared. Iba’t iba ang kulay ng mga t-shirt. Nakaprinta sa harapan ang logo ng Variant at may nakasulat sa baba niyon na 1stTeam Building. Sa likuran naman nakatatak ang department nila at apelyido. Para kay Lily, nakalagay doon ay HR. At sa ibaba naman ay Marlon.
“Lily,” lapit sa kanya ni Paula. Tulad niya naka-jeans ito at pink na t-shirt, “paki-assist muna sa mga dormitories nila ang taga-Accounting Department. Kulay green na flag sticker ang nakadikit sa pinto ng kwarto nila.”
She nodded, carried her sports bag with one hand. “Okay. Nasaan sila?”
Pagkaturo ni Paula sa nagkumpulan na mga taga-Accounting Department na kulay green ang t-shirts, sinunod na niya ang utos ng bagong HR Head.
Sinigurado muna niyang nakapili ng kanya-kanyang higaan sa mga bunk bed ng silid ang mga ito. Iniwan ni Lily ang mga taga-Accounting Department matapos ipaalala na bumalik agad sa assembly hall pagka-ayos ng kanilang mga gamit.
Siyang diretso niya sa silid para sa HR Department. Mga apat na pinto ang layo niyon mula sa Accounting Department, isang silid lang ang pagitan sa pinakadulo ng pasilyo ng ikalawang palapag ng villa.
Pagpasok sa pintong may pink na flag sticker, nadatnan niyang abala roon ang mga ka-opisina. Tatlo ang bunk beds doon. Tulad nung sa iba pang mga silid, puro puti ang mga bedsheets, kumot at pillow cases. Gawa sa matibay na bakal ang mga bunk beds. Natitiyak iyon ni Lily dahil hindi umuga ang isa sa mga ito nang akyatin ni Arlene ang dulong bunk bed. Gusto rin ni Isla na nasa itaas na bunker ito, kaya inokupa ang katabi nang hinihigaan ni Arlene, ang bunk bed na napapagitnaan ng dalawa pa. Tahimik namang pinatong ni Paula ang bag sa higaan sa ilalim ng tutulugan ni Arlene.
What caught Lily’s attention was the bag on the bed beneath Isla’s.
“Kaninong gamit ‘yan?” lapit ni Lily doon.
“Kay Mr. Guillermo,” maaliwalas na tingin ni Paula sa kanya. Saktong umupo ito sa gilid ng kama nito.
“Kay Jared?”
“Kunwari pa siya. Kasali siya sa Team Building, ‘di ba?” si Arlene, nanunukso.
“Paanong kasali?” tingala niya kay Arlene, nakasilip ito mula sa paanan ng higaan nito. “Akala ko ba, hindi niya aabutin ang Team Building kasi matatapos agad ang trabaho niya sa Variant?”
“Oo nga. Pero invited pa rin siya.”
“Paanong?” Hindi pa rin siya makapaniwala.
“Hindi ba, kasama sa usapan na may trabaho siyang gagawin sa Team Building na ito? Na maga-assess siya rito? Kaya nga tayo may pa-Team Building,” seryosong paalala sa kanya ni Paula.
“Mga October... November pa iyon,” nanlalambot niyang upo sa gilid ng higaan na katabi ng ookupahin ni Jared. “How am I supposed to remember something that was talked about way, way back that time?”
“Kailangan mo pa ba alalahanin? Close kayo ni Mr. Guillermo, ‘di ba? Syempre alam mo na dapat agad na pupunta siya rito.”
Hindi masisisi ni Lily ang mga ito. Hindi naman niya kinuwento sa mga ito ang kahit anong namamagitan sa kanila ni Jared. Most probably, for them, they believed they were close because they were always seen together. Iyon ay joong nagta-trabaho pa sa Variant ang binata.
Paula just shrugged. Wala itong interes sa usapan dahil nakapukol ang buong isip sa pag-organize ng Team Building. Hanggang sa matapos kasi ang event, ang HR Department ang naka-assign na siguraduhing naaayon sa pinaghandaan ang mga maganap.
Tumayo si Paula mula sa pagkakaupo. “Mamaya na kayo maglabas ng gamit. Tara,” diretso nito sa pinto.
Nagsibabaan mula sa itaas na deck sila Arlene at Isla.
Napatitig si Lily sa mga bag ni Jared. Her heart raced. Napailing siya at inunahan sila Isla sa paglabas ng silid. Nasa pasilyo na si Lily, abot-tanaw ang pagliko ni Paula pababa ng hagdan. Lingid tuloy sa kanyang kaalaman na bago lumabas si Isla ng silid kasama ni Arlene, kinatok nito ang pinid na pinto ng banyo roon.
“Mr. Guillermo, hindi ka pa tapos diyan?” tawag nito. “Kitakits na lang sa assembly hall!”
“Sige!” sagot ng binata mula sa loob.
.
.
JARED REMAINED STILL INSIDE THE BATHROOM. Nang mapuno ng katahimikan mula sa kabila ng pinto, noon lang siya lumabas.
Nagkataong naiihi siya kaya nagbanyo. Medyo nahuli si Jared ng dating at ilang oras ding nagpigil ng ihi habang nagmamaneho ng sasakyan. Medyo liblib kasi ang camp resort na pinuntahan nila. Walang magandang stop-over na pwedeng maihian kaya nagtiis siya.
Palabas na sana siya. Medyo awang na ang pinto pero walang nakarinig sa pag-click niyon. Sa maliit na awang, napaatras siya nang masulyapan doon si Lily. As soon as their conversation began to involve him, he felt frozen in place.
Mataman siyang nakinig pero, wala namang kinomento masyado si Lily tungkol sa kanya. But from how her voice sounded, she was shocked and… seemed worried.
Kaya pinasya ni Jared manatili sa banyo.
Pero para saan pa? Magkikita at magkikita pa rin naman sila mamaya ni Lily?
Sumaglit sa kanyang hihigaan si Jared. Nilabas niya mula sa backpack na nakasandal sa kanyang sportbag ang cellphone at charger. Tamang-tama at may outlet sa bandang ibaba ng pader katabi ng higaan niya. Doon niya sinaksak ang charger at inipit sa ilalim ng unan ang cellphone. He left it charging.
Puno na ng mga tao ang assembly hall nang marating iyon. Jared consciously tugged down his fitting pink shirt. Pakiramdam niya kasi lumulukot iyon pataas sa kanyang bawat pagkilos, sumisilip tuloy minsan ang kanyang balakang.
Paula was already standing in front of everybody. Kahanay nito sa kinatatayuan ang lahat ng taga-HR Department.
As soon as Jared’s eyes landed on Lily, he immediately looked away. A pair of jeans and a pink Team Building shirt matched with white sneakers were simple attires, and yet she looked breathtakingly beautiful. Her blonde-dyed hair fell straight, lapsing her shoulders, her lonesome eyes made her look softer. No red tint stained her lips, giving off a fresh, natural look.
The look he loved looking at when he wakes up in the morning next to her. Which, felt like a long, long time ago. So long ago, it felt more like a dream than their past.
He immediately looked away from her beauty because it pained him as well. Hindi niya maipaliwanag kung paanong ang mukhang gustong-gusto niyang pagmasdan ay hindi niya kayang titigan ngayon dahil masasaktan lang siya.
They started the Team Building event with a little heartwarming and motivational speech from Paula. They had a prayer as well. Pagkatapos, masayang nagpatiuna sila Paula sa dining hall kung saan naghihintay na ang boodle fight na almusal ng lahat.
As expected, lahat masaya. Sumigla. Nagkanya-kanyang pwesto sa mga mesang naghihintay. Nagsipagsuguran ang mga ito sa long table na may nakalatag na dahon ng sahing na napapatungan ng mainit-init na kanin at masarap na mga ulam at prutas. Jared squeezed himself between Paula and Isla. Katabi ni Isla si Arlene at katabi ni Arlene si Lily.
He stole a glance at Lily. Kaya lang, parang naunahan na suya ng dalaga. Alam na kasi nito kung saang direksyon iiwas ng tingin. He watched her busy her hand, clumsily trying to hold the rice together with her fingers.
“Oh, bakit ngayon ka lang?” lingon sa kanya ni Paula. “Nagsimula tuloy kami nang hindi ka kasama.”
“I came right on time, Paula. Hindi lang ako tumabi sa inyo,” magalang niyang ngiti rito. Tapos, sinimulan na niyang sabayan ang mga ito sa pagkain.
Panakaw-nakaw siyang sumulyap kay Lily. His hands itched to help her out, nahihirapan kasi ito kumain nang nakakamay. But she was persistent on trying to do it on her own, without asking for any help, so he let her be.
Pagkatapos ng sama-samang paga-almusal, nanatiling nakaupo ang lahat sa dining hall. Nagsalitan sila Paula at Arlene sa pagpapaliwanag sa lahat ng mga schedule of activities at rules.
“At 9 o’clock,” pagtatapos ni Paula, “magsisimula na ang unang palaro natin, ang tug of war. So, dapat nasa open field sa likuran ng villa ang lahat ng ganoong oras!”
At sinamantala ng lahat ang bakanteng oras para magliwaliw. Magkwentuhan o ‘di kaya’y pasyalin ang camp resort. Hindi humiwalay si Jared kay Paula. Kapwa sila pumuwesto sa table set na nalililiman ng malaking orange na payong. Nakapwesto iyon kasama ng kamukhang mga table set na pang-apatan sa tabi ng isang olympic-size swimming pool.
The deep blue waters were dotted here and there by drops of rays from the sun that slipped through the opening skies.
“You don’t have to tell me,” ani Paula sa kanya. “Halata naman na, hindi kayo nagpapansinan ni Miss Lily. Relieved lang ako na kahit gan’on, pumunta ka pa rin dito.”
“Well… I signed an agreement,” he replied lowly, in a volume so low that Paula had to wait before what he said sinks in.
Tinutok nito ang mga mata sa swimming pool. May ilan nang nagpipicture-taking sa tabi niyon. Buti at nakinig ang mga ito sa mahigpit na bilin ni Paula na wala munang magsu-swimming.
“Oo,” si Paula. “Sana, maging honest ka sa magiging assessment mo sa Team Building na ito.” She turned to him. “Malaki kasi ang maitutulong talaga n’on sa management. Lalo na sa HR Department.” She faced the front once more. “Makakatulong ito para makaisip kami ng mga bagong incentives o kalakaran pagdating sa pag-manage sa mga empleyado. Para maalagaan sila. Para hindi mangayari ulit ‘yong tulad nung kay Miss Jackie.”
“Of course, I’ll be honest. I have sworn to do my job properly.”
“Nakakabilib ka rin. Paano mo hindi napaghahalo ang personal sa trabaho?” nangingiting lingon ni Paula sa kanya. “I mean, you don’t seem distracted by either of the two, kapag iyong isa na ang pinagfo-focus-an mo.”
“I believe there’s some interlapping between the two,” amin ni Jared dito. “No matter how much we wanted to, we just can’t separate who we are in person and who we are personally.”
Nagbaba si Paula ng tingin. Nalungkot sa narinig.
“So, I guess what’s really there is, is the choice of doing the right thing… or doing what feels right.”
.
.
9:28 NA NANG MAKAPAGSALITA SI PAULA. Medyo natagalan kasi sa pag-assembly ng lahat sa open-field sa likuran ng villa. May mga naghanapan ng mga ka-department nila. Pagkatapos niyon, nag-headcount pa. As soon as they were done, Paula relayed the mechanics of the game. Pitong pares ng grupo ang sabay-sabay na maghihilaan ng lubid sa unang set ng game. Pagkatapos, ang susunod at huling pares ng magkakalabang grupo naman. Ten members per team, except for the last one where each team would have five members each. Dalawang tao lamang ang maiiwang hindi makakasali sa laro. Napagkasunduang sila Paula iyon at Isla.
Sa unang set, pumosisyon na ang lahat. Kada team ay may tagabantay na galing sa kanilang department para maiwasan ang dayaan. Iikot-ikot naman sila Isla at Paula para obserbahan ang laro.
“Kailangan namin ng isa rito,” kaway ni Paula sa kanilang tatlo— siya, si Arlene at ang nasa kabila nito na si Lily.
Hindi na nagtaka pa si Jared nang mabilis na ipresenta ni Lily ang sarili. Inasahan na niyang gagawin ng babae ang lahat para makaiwas sa kanya.
Lily ran and walked at the same time, joining Paula who stood beside the Maintenance Department who wore blue shirts.
“Dito,” alalay ni Paula kay Lily.
Pumuwesto si Lily sa pinakadulo ng lubid. Humawak doon ng pirmi ang dalaga.
“Kulang pa kami ng isa!” lingon dito ng nasa pinakaunahan ng team ng Maintenance Department.
“Paanong kulang? Eh, ang bilang ko..” Paula trailed off and did another headcount. “Oo nga. Kulang pa.” Bumalik sa kanya ang tingin ni Paula.
“Guillermo!”
Nagsalubong ang mga kilay niya.
Siya? Bakit siya? Alam naman ni Paula na…
Paglingon niya sa tabi, wala na ai Arlene. Namataan pala nitong kumakaway sa may kalayuan si Isla, naghahanap ng isa pang tao para maging dagdag miyembron ng mga naka-dilaw na taga-factory.
Iyon ang dahilan kaya paglingon ni Paula, siya na lang ang naiwan doon.
“Dalian mo,” gusot ng mukha nito, walang oras magpasensya.
Nag-aalangan man, lumapit si Jared sa mga ito. He took the part of the rope next to Lily. He held it firmly, hanging between his arms.
“Lumapit-lapit ka naman kay Lily,” seryosong tapik ni Paula sa kanyang braso.
Siyang usog ni Jared palapit sa dalagang nasa kanyang unahan. Lily did not bother to look at him over his shoudler. She just remained firm in her position, holding the rope with her body straight up. Hindi pa nagsisimula ang palaro kaya hindi pa nakabaluktot ang kanilang mga tuhod at nakapayulo ang kurba ng katawan.
As soon as everything got settled, the games began.
Jared did his best, grunted and pulled and almost dug the soles of his shoes through the grass and against the hard, rough soil. Nagkaskasan ang mga sapatos ng mga naghihilaang team. They huffed and puffed and grunted. Muscles tightened and bulged in every effort. May mga umaatras, may umaabante. May akala mo madudulas na, pero bumubwelo lang pala ng usad bago humila ng lakaas sabay hakbang paatras.
Jared gave the rope a strong yank, causing a wave of domino effect to the people in front of him. Umulit pa siya ng hila. At sa pagkakataong ito, nasabayan na siya ng mga ka-team. Kaya nakaladkad nila pasulong ang mga kalaban. Napaatras tuloy sila, bumuwal nang makitang lumagpas sa guhit ang kalabang team. Dahil nagsipag-bitawan ang mga nasa jnahan nila, lalong bumilis ang pag-atras ni Jared. He released the rope and immediately caught Lily in his arms before the fell to the ground.
As if he would let her fall. He caught her ass with his lap, his arms guarded her body. Napasandal tuloy ang dalaga sa kanyang dibdib. And Jared could have sworn, it was too late before he even realize what he did… and what the consequences of it could be.
He felt Lily’s panic. She squirmed before glancing back at him.
But that only made it worse. Sa paglingon ng dalaga, naglapit lang ang kanilang mga mukha. Kapwa humihingal na nagkatitigan sila. Mata sa mata. She was in his arms— soft, warm and so sweet. He picked up the mild flowery scent from her soft hair and the seductive appeal the perfume had become when mixed with her sweat.
And his sinful eyes strayed, longed for a glimpse of her light pinkish lips that parted as she catches her breath. He glimpsed and he felt thirst. He wanted to kiss her. Jared's hands burned from the friction of the course rope they were pulling at the tug of war. And yet, he wanted to hold her tight. His hands found an immediate balm— a balm that carried remedy yet prickling pain— as they touched Lily’s arms, moist with a sheer film of sweat.
Ayaw niya. Ayaw niyang bumitaw. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata pero pinutol na ng dalaga ang pakikipagtitigan sa kanya. That split second of a moment felt like time torturously standing still for Jared. It felt like that he found it hard to believe that no one noticed what happened to him and Lily.
Pagkatayo ni Lily, nilapitan agad nito ang mga ka-team nila. She beamed from ear to ear but Jared could read the sadness in her eyes. He was no fool to be oblivious of his effect on her.
Yet he was well-aware of his foolishness that having all the power to stop her, he refused force and gave it all up just to respect her decision to leave him.
Nagsunod-sunod pa ang mga Team Building activities na natigil lang nung nagtanghalian sila at meryenda. Halos nakalubog na ang araw nang matapos ang obstacle race.
Pakiramdam din ni Jared ay nakalubog siya sa kumunoy ng emosyon. Nasa paligid lang ang babaeng mahal niya pero hindi man lang malapitan.
Makausap.
Mahawakan.
Mahalikan.
Habang naghihintay sa catery na magdedeliver ng kanilang hapunan, nagkalat muli ang lahat para kanya-kanyang aliwin ang mga sarili.
Nagtse-check si Jared ng notification sa cellphone nang lapitan ni Paula.
“Mr. Guillermo, mamaya pagkatapos ng dinner ang umpisa ng open forum,” paalala nito.
He gave her a nod.
Ngumiti ito. “Dito ka lang ba muna?”
“Oo.”
“Hindi ka ba mabo-bored dito? Pumasyal-pasyal ka sa labas. Makipagkwentuhan ka. O kung gusto mo, sumama ka sa mga nagsuswimming.”
Nginitian lang niya ito. “I’m fine, Paula. Bababa rin akom I just want to check my phone. Baka may mga dating client ako na nagtext.”
“Dati?” kunot-noo nito.
“Yup. Nagfile kasi ako ng leave.”
Understanding writ in her eyes. It was followed by a soft smile. “Ah...” Mukhang wala na itong mahagilap sabihin. “Sige. Bababa na ako.”
Binalik ni Jared ang tingin sa cellphone. Sa totoo lang, malungkot ang reyalidad na wala siyang kliyente na nakakaalala sa kanya kapag wala na silang sessions. Jared felt so ineffective as a psychologist because of this. Pakiramdam niya, ganito ang nangyayari kasi kahit anong sikap niya, hindi siya nakakabuo ng rapport o koneksyon sa mga nagiging kliyente niya.
Or maybe… maybe they saw him as a professional. A professional and not like someone they know personally, that someone that they can talk to after his work hours.
Jared took in a deep breath. Mga emails na ang tsinetsek niya. Mabagal mag-load dahil mahina ang signal ng wifi.
Siyang pasok ni Lily sa silid. Napahinto ito sa pinto. Nagsisi dahil sa ginawa nito, masosolo nila ang isa’t isa.
Jared’s heart already ached. He already braced himself to see Lily avoid him again, to watch her run away from him like he carried some kind of misfortune.
But she seemed so tired of running away as well. Matamlay ang mga hakbang na tumuloy ito sa kwarto.
Tulad nilang lahat, nakabihis na rin ng kaswal na kasuotan si Lily. Tutal, tapos na naman ang mga activity. Tama lang na palitan na nila ang narumihan at napagpawisang Team Building shirts.
Humiga si Lily sa kama nito, katabi ng kanyang kinauupuan. Nakasandal si Jared sa pader sa uluhan ng kama. Nakapagitan sa pader at likuran niya ang isang unan.
Lily stared at blankly at the bottom of the bunk bed on top of her bed. Ipit ng ulo nito ang buhok, nakaalpas ang ilang hibla na nagkalat at umunat sa kama. Her chest slowly rose and fell, pushing against the cotton fabric of her white crop top. She paired her top with white jeans.
All Jared could do was steal glances at the heavenly beauty. Endure the pain he had to feel everytime he looks. Because he just could not stop himself from looking at her.
Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan nila. And strangely, Jared was contented by that, knowing that Lily was comfortable in this proximity of his presence around her.
Mas katanggap-tanggap kaysa sa harap-harapang pag-iwas nito sa kanya.
“Lily,” aniya rito, blankong nakatingin sa cellphone ang mga mata, “there is something you should now.”
Lily remained still on her bed.
Jared calmly continued. “I haven’t seen those pictures. I haven’t read those papers.”
Tears beaded at the corner of her eyes. Nakatulala pa rin sa kawalan ang dalaga.
“If there are things you don’t want me to know, I won’t dare to know them. If I want to know something about you, ikaw lang ang pagtatanungan ko tungkol doon.”
“Lies.” Her voice was soft. Pained.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro