Chapter Four
JARED NEVER APPEARED DURING THAT AWARDING. Gayunpaman, nanatiling composed ang host ng Halloween party at inanunsyo na lang na ang management na ang bahalang mag-abot ng premyo nito. Malalaman daw naman nila kung sino ang nasa likod ng costume dahil ini-inform iyon ng mga member at guests sa receptionist bago sila papasukin.
Hindi muna tuloy nagbihis si Lily. Sinadya niyang mag-abang sa mga lalaking lumalabas ng locker room. She just felt so sure that Jared would change clothes before leaving The Org. But to her utter surprise and disappointment, he did not show up there either.
Kaya naman, nagbihis na lang siya at matamlay na lumabas ng The Org. She was holding the keys to her car upon reaching the porch of the grand mansion. Mas pinili ni Lily na puntahan sa parking ang sariling kotse kaysa ipahatid sa isa sa mga staff sa tapat ng mansyon. She just wanted to have a little walk, breathe in the fresh air. Lalo na at may madadaanan siyang mga namumulaklak na halaman at naglalakihang mga puno bago marating ang parking.
She was about to go down the steps when she heard voices. Nalingunan niya sila Beta at Walter, kapwa suot pa rin ang mga costume nila. Beta held a red pouch and beamed upon seeing her.
“Lily!” iwan nito kay Walter para lapitan siya.
Pumihit siya paharap sa matalik na kaibigan. Ngumiti.
“You’re here?”
“Ako kaya nag-recommend sa’yo na pumunta rito?” pang-aalaska niya. “Kaya siyempre, makikita mo ako rito from time to time.”
You will also cringe once you witness how wild I can get. Iniiwasan ko lang these years tumambay sa dance floor para hindi mo ako matiyempuhan doon.
Kahit naman kasi mag-best friend sila ni Beta, nakaiilang na makikita nito kung ano ang ilan sa mga pinaggagagawa niya sa The Org. And maybe, that was also the reason why Beta and Walter rarely interact or walk around the club’s premises since they’ve been together…
“You’re leaving early?” tanong ng kaibigan.
“Ah, yes. Wala akong natipuhan tonight…” paalis na sana siya, balak na ring magpaalam sa kaibigan at sa asawa nito nang matigilan.
Lily got an idea.
“Actually… meron pala,” balik niya ng tingin dito. “I just never had the chance to know him.”
“Oh? Ang hirap namang paniwalaan, beshie,” magaan nitong tawa. “Aba, single guys just can’t resist your sex appeal!”
“I know right,” she proudly smirked. Pero agad ding naglaho ang ngising iyon. “Seriously. Bigla na lang kasi siyang nawala sa party, so…”
“Sa short encounter ninyo, hindi mo na naalala ang mukha niya? Ni hindi kayo nakapagsabihan man lang ng names?” Beta inquired as they stepped down from the porch.
Naabutan na sila noon ni Walter. He securely held Beta by the waist close to him, silent to give way to their conversation.
“Hindi, eh. He’s… wearing this big cock costume. As in, malaking—” nahiya siyang diretsahin dahil sa presensya ni Walter, pumaling tuloy ang ngiti ni Lily nang ibalik ang tingin kay Beta, “Basta, malaki."
Namilog ang mata ng mag-asawa sa sinabi niya.
“Walter, baka naman pwede mo ako i-update kung ano ang name niya o taga-saan siya,” silip niya sa lalaking naka-Peter Pan costume. “Nanalo ‘yun ng Best Costume, eh, at saka hindi pa niya nake-claim ang prize niya. So, baka naman.”
Walter stifled his chuckle. His lips spread to a wide grin before he managed to control himself and began to speak nonchalantly.
“I apologize, pero pinapahalagahan ng The Org ang confidentiality ng mga clients nito,” may lungkot na sa ngiti nito. “Kaya pasensya na kung hindi kita matutulungan pagdating diyan.”
Napalabi siya. “Damn. Bakit ba kasi napakarangal ninyo? Can’t you just… you know, spare this little request?” Sumulyap si Lily sa dalawa bago binalik sa daan ang tingin. “Gawa naman kayo ng kalokohan kahit minsan.” Hindi pa rin pumapayag si Walter. “Wala naman akong balak na masama sa hinihingi kong info.”
“Wala nga, pero baka hindi ka kayanin n’un!” hindi na napigilan ni Walter ang matawa
“What do you mean?” medyo na-offend siya. Wala naman kasing nakakatawa, natatawa ang lalaki sa kanya.
“Wala, wala,” he waved a hand.
Walter quickly withdrew from their conversation. Natanaw kasi nito ang kotse nila na minamaneho ng isa sa mga staff. Huminto ang kotse sa tapat nila.
“Look,” pagitan ni Beta sa palitan ng dalawa, “why don’t you just come here regularly, Lily?” Nginitian siya nito. That smile was wishing her the best. “Malay mo, ma-meet mo siya ulit. You’re good at conversations. You can ask guys here if sila ‘yong naka-costume nung malaking ano—” pinutol ng pilya nitong pagbungisngis ang sasabihin.
Kainis naman ang mag-asawang ito. Hindi yata sila naniniwalang may pumunta talaga sa Halloween party na naka-etits costume. Hindi na nga nila mapigilan ang sarili nilang pagtawanan ako.
Walang sinabi ukol doon si Walter. Nilapitan na kasi ito ng staff para i-turn over sa amo ang susi ng kotse. Magalang na nagpaalaman ang mga ito. Tinanguan silang dalawa ni Beta ng staff bago ito pumanhik sa porch para bumalik sa The Org.
Lily remained composed and immediately returned her eyes to Beta. “Paano kung hindi na siya bumalik ulit? What if he only has a one-night only access?”
“I assure you,” tumatawang sagot ni Walter, “babalik ‘yon sa The Org. You will meet him again.”
Mukhang wala nang pag-asa na may mapapala siyang tulong mula kay Walter Ayaw na ring ipagpilitan ni Lily ang gusto niya. Because she knows how Beta thinks. Baka kapag nangulit pa siya, maintriga na ito at magtaka kung bakit ganoon na lang siya kainteresado kay Jared.
Lalo na’t kilala siya ng mga ito na hindi nakikipag-commit. Hindi nai-in love. A nomad when it comes to men.
“Our car’s here,” Walter finally pointed out, securing a hand around his wife’s waist again. “We have to go, Lily.”
The two turned at the same time to gaze into each other’s eyes. Kapwa hindi inaasahang magkakatinginan kaya napangiti at kinikilig na natawa ang mga ito.
She slowly stepped away from them and the car. “Sure. Be safe!”
“You too,” ngiti sa kanya ni Beta.
Tinanaw niya ang oag-alis ng sasskyan
Kung sa The Org ko siya makikita ulit… I will be highly disappointed. She secretly inhaled. May we meet again.
Tiningala niya ang kalangitan. Anywhere but The Org…
The stars still sparkled even if her eyes remained lifeless, like the dark sky in their background.
Anywhere but The Org...
.
.
.
***
.
.
.
NAPATINGIN SI JARED SA ENVELOPE na nilapag ni Walter sa kanyang desk.
Isang linggo na ang nakakalipas mula nung huli nilang pagkikita sa Halloween party ng The Org. Saglit na nawalan ng komunikasyon dahil may kanya-kanya silang mga plano para sa Undas.
Ngayon lang sila ulit nagkita para sa session ni Walter sa kanya. At ngayong tapos na iyon, pwede nang maging personal na ulit ang interaksyon nila sa isa’t isa.
Jared arranged the papers properly before closing the folder in front of him. Binalik niya ang tingin sa envelope. Dinampot iyon at nilabas ang lamang card.
“I did not say it over the phone, kasi baka tanggihan mo,” ngiti ni Walter.
Namilog ang mga mata niya sa nabasa sa card. “Is this about my brother’s concern with my dick again? I am getting worried about Clint’s state of mind right now—”
“No, no,” natawa ito. “Premyo mo ‘yan.”
“Para saan?” kunot-noo niya rito.
“Sa Halloween party. Best Costume.”
“Fuck,” napapailing niyang balik ng card sa envelope, nagpipigil ng tawa. “You can’t be serious.”
“Pangalan mo ang nandiyan, Doc.”
“Look, anyone can make prints of things like this nowadays,” he waved the envelope he held with one hand.
“Coming from the owner of The Org, Jared,” nakangiting pagdidiin nito, “that’s legit. Alright? You won Best Costume. That’s really your prize.”
“Hindi ko naman magagamit ‘to,” usog niya sa envelope palapit sa dulo ng desk para kunin na iyon ni Walter. “Wala na rin naman akong balak bumalik sa The Org.”
“What?” gulat na tukod ni Walter ng mga kamay sa kanyang desk para magtapat ang mukha nila. “Doc, come on. Is there something wrong with our services nung Halloween party? Nahihiya ka lang ba magsabi kung bakit ka talaga pumunta n’un sa opisina ko?”
Nangingiting napailing na lang siya at sinalansan ang mga gamit sa mesa.
“It must be the customer service,” alis ni Walter ng mga kamay sa kanyang desk. Nilabas nito ang smartphone. “I will call for an emergency meeting—”
“Hey, hey,” taas ni Jared ng isang kamay, “easy.” He caught Walter’s worried look. “Easy, okay?”
“Come on, Doc Jared. Malaki ang utang na loob ko sa’yo. And even if it’s not you, responsibilidad ko ang experience ng mga clients ng The Org.”
“Wala naman akong complaint sa services,” paglilinaw niya, kalmado pa rin at bihira maglabas ng matinding reaksyon sa mga kinikilos ni Walter. “It’s just that I don’t want to come back anymore. It’s not the place for me.”
Tapos na rin akong matyagan si Lily, sungaw ng lungkot sa kanyang mga mata nang magbaba ng tingin para isuksok ang files sa isang brown envelope. I’m already done. Ngayong may idea na siya na napapadpad ako sa The Org, I might as well stop going there from now on.
Walter released a sigh. Despite his relief that The Org is still doing well, he could not help being concerned. Lalo na at may naalala siya. Ang babaeng tumulong noon sa kanya para ma-locate si Beta. Para makausap ito at mapabalik noon sa The Org.
“Sayang naman,” sabit niya ng mga hinlalaki sa magkabilang bulsa ng suot na itim na pantalon. “Para kasing may mapag gagamitan ka rin niyang card na premyo mo.”
Natigilan si Jared. He quickly eyed Walter. Nakumpirma niyang seryoso ito.
Tumayo siya mula sa desk. “Wala akong paggagamitan niyan.”
Binitbit niya ang naka-folder na records ni Walter para ilagay sa isa sa mga shelf doon na punong-puno ng brown envelopes. Alphabetically arranged iyon kaya madali niyang nahanap ang pwestong paglalagyan ng envelope ni Walter.
“Well, I have a friend who wants to get to know you.”
Huminto ang mga daliri niya sa pag-iisa-isa sa mga envelope. “A friend?”
Napangiti si Walter na nakatanaw sa kanya. Hindi man masyadong kita mula sa pwesto nito ang mukha ni Jared, the tone of his voice already unveiled a hint of curiosity and intrigue.
“Yes.”
“How come? Eh, wala naman akong nakausap sa club mo.”
Unless it’s Lily that Walter’s talking about...
“Hindi mo naman yata siya nakakwentuhan. Pero nakita ka niya. You in that cock costume got her intrigued, Doc.”
His eyes narrowed. Ito na ba ang hinihintay kong resulta sa Breaking Pattern studies na ginagawa ko?
Hinarap niya si Walter. Gumusot ang mukha niya sa paghahalo ng pagdududa at pagtataka. Nang magkatapat na sila, huminto siya at tinukod sa balakang ang sariling mga kamay.
“Just because of that costume, she wanted to fuck me already?”
“Well, she didn’t say that,” Walter shrugged. “Pero kung gusto ka niyang makita ulit sa The Org, eh, baka nga.”
Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay. “And she’s not the type who wants commitments?”
“Oh, yeah, you should be warned, of course. Oo, hindi siya committal type.”
“Then, I am okay with that,” balik ni Jared sa desk para i-lock ang mga drawer doon at kolektahin ang kanyang wallet, charger at cellphone.
Hindi makapaniwala si Walter. “You’re okay with that?”
“What?” maluwag niyang ngiti rito. “You expect me to be in a hurry to settle down at this age?”
“Hindi naman,” bawi nito sa pagkagulat. “But you being okay with the possibility that you’ll get her laid…”
“Come on. Once she sees how old I already am, siguradong magdadalawang-isip siya tungkol sa bagay na iyan,” magaang tawa ni Jared habang paalis na sa desk.
“You don’t look that old, Doc. Hindi ka rin naman pangit o kulubot ang mukha—”
Tinapik niya agad sa siko ni Walter bago ito nilagpasan. “Let’s go home.”
Walter spun around, followed him with his eyes. Nang matanggap nitong hindi na niya ito lilingunin pa, sinabayan na siya nito sa paglabas sa opisina niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro