Chapter Forty-Six
NILAGPASAN NI JEANIE ANG DESK NG SEKRETARYA NI BASIL. Malapit na ito sa pinto nang tumayo ang sekretaryang naka-uniform ng blouse at pencil skirt at puti.
"Ma'am Jeanie," tawag nito, "kakaalis lang po ni Sir Basil."
From looking at the twenty-ish woman over her shoulder, Jeanie carefully turned her heels to face her.
"This early? Saan ang punta?" painosente nitong awang ng mga labi nang matapos magtanong. As far as I know, Basil cancelled all important meetings today. May urgent daw siyang aasikasuhin.
That's also why I went here rightaway today. I have to know what that urgent thing is.
Hindi pwedeng mahuli ang COO sa balita! Lalo na't may kinalaman sa taong kung kanino siya subordinate!
"Hindi po nagpaalam, eh. Nagmamadali siyang lumabas ng office kani-kanina lang at sumakay ng elevator. Nakasunod sa kanya si Miss Lily."
Jeanie's eyes narrowed. So, si Lily 'yong urgent na 'yon?
She smiled at the secretary sweetly. "Oh, I think I have an idea now where to find him. Thankies."
Then, Jeanie gracefully walked along the hall towards the elevator. As she walked, her thinking resumed.
Since when has he paid that much attention to that Lily? Alam naman nilang papansin lang ang babaeng iyon. That's why whatever craziness she does, they just let it pass. Jeanie stopped in front of the elevator and pressed the down button. Pinapaubaya na lang ni Basil kina Miss Jackie ang pagdisiplina sa Lily na 'yon.
Sumama ang timpla ng kanyang mukha habang naghihintay sa pagbukas ng pinto ng elevator.
So why all of a sudden, he's paying too much attention to Lily? An evil smirk slowly spread across her face. Mukhang nasagad na ng Lily na 'yon ang pasensya ni Basil.
Nung bumukas ang pinto ng elevator, nagmamadaling pumasok doon si Lily.
I can't miss this! I have to see what's going to happen! I have to confirm it by myself kung tama ang hinala ko. She smiled again, suppressing her wicked chuckle, as the doors slowly pulled close. I don't want to miss the chance to see that headache being kicked out of here by Basil himself!
.
.
SI PAULA ANG UNANG NAPATAYO nang marinig ang boses nila Lily at Basil. Pagsilip nito sa ibabaw ng dingding ng cubicle, tanaw ang pagpasok ni Basil. Hinahabol ito ng laki ng mga hakbang ni Lily. Lily ignored her and returned her eyes on Basil.
"Why are you even doing this?" habol pa rin ni Lily sa kapatid. "Ipapahiya mo ba ako sa mga tao rito?"
Basil did not respond. Lily took that as answering a yes to her question. Dahil doon uminit ang bunbunan niya.
How dare he! This is too much!
"I want to see your computer," Basil demanded, almost in a murmur before making a turn to enter her cubicle.
"Yeah, sure," she lazily groaned. Nilagpasan niya ang kapatid para unahan sa kanyang desk.
Prenteng umupo sa swivel chair si Lily at ginalaw ang mouse para buhayin ang monitor ng computer.
Nasaan naman kaya si Jared?
Oo. Iyon ang una niyang napansin nang marating ang kanyang desk.
Na wala roon si Jared.
He should be just right here, waiting for me! Unless...
Her bored eyes turned to Basil. Nasa tabi na niya ang kapatid, nakatukod sa kanyang desk ang mga kamay habang nakasilip sa kanyang computer.
"What now?" aniya rito, handa nang i-rebound ang pamamahiya na ginagawa ng kapatid sa kanya.
He wanted to see her computer? Sure. Medyo kabado man siya na baka may sinet-up nang trap sa kanya si Basil, just to prove his point, pinanghawakan ni Lily ang alam niya. Na wala siyang kinalaman sa post na iyon. At ano siya? Tangang mag-iiwan ng ebidensya sa computer niya kung siya nga talaga ang gumawa ng post na iyon?
And what now? Basil would tell her about IP Addresses and such?
Anyone could basically use a computer with an Ip Address owned by someone else!
"Buksan mo ang Facebook account mo," mariin nitong utos, nakaabang ang mga mata sa screen.
"Seryoso ka ba?" hindi siya makapaniwala.
"Just do it."
Lily scoffed with a sarcastic smirk and turned her face back on the monitor.
Her hands began moving the mouse and typing on the keyboard.
Sino naman ang uto-utong bubuksan sa harap mo 'yong mismong FB account na ginamit niya para siraan ang Variant? If I were that culprit, I will open my other Facebook account, not that dummy one I used...
Her hands stopped moving. Hinihintay na lang niyang mag-load ang website page. Nang lumabas iyon, pinindot niya ang log-in. Naka-save na sa browser ang kanyang account kahit naka-log out kaya kita na ang maliit na icon niyon sa monitor. All that was left for her to do now was click that icon and type her password.
Hinawakan niya ulit ang mouse para i-click ang icon na kita ang profile picture niya.
But Basil was quick.
"Not that one."
Lily froze. She felt her heart stand still— dala ng gulat.
"What?" walang lingon niyang tanong dito.
"Buksan mo 'yong luma mong account."
Natuyuan siya ng lalamunan. "Luma kong account?"
"Friends tayo sa luma mong account, 'di ba?"
Napalingon na siya rito. Inirapan niya ang kapatid. "Bakit luma kong account?"
"You seemed so confident earlier, bakit biglang nagbago nung luma mong account na pinapabuksan ko?"
"Kasi, lumang account ko na 'yon! Hindi ko na ginagamit iyon!"
"Just open it," his steely eyes met hers.
Their staring match only lasted for a short minute. Nahigit ni Lily ang paghinga. Nagtitimpi lang siya sa kapatid niyang ito. Sigurado siya na nakikiramdam na ang mga kasama nila sa HR Department. Lily knew because the room suddenly grew eerily quiet.
Sa sobrang tahimik, pakiramdam niya, nag-eecho lahat ng binibitawan nilang salita ni Basil sa bawat pader niyon.
Binalik ni Lily ang mga mata sa computer. Sinimulan niya ang pagtipa ng email address na gamit sa luma niyang Facebook account. Sumunod ang password niyon.
It was a meaningful password, no way on earth she would forget that one. Kahit na hindi na niya madalas silipin ang lumang account na iyon.
10072017
"Ano ang password?"
Napatitig lang si Lily sa screen.
Mariing inulit ni Basil ang tanong. "Ano ang password?"
"Why don't you just hack my account? Bakit tiwala kang dahil lang sinabi mo, ibibigay ko sa'yo ang password nito?"
Nagdilim lalo ang anyo ng kanyang kapatid. "Just say it."
"Bakit? Para may makalkal ka sa luma kong account na magagamit mo laban sa akin?" She scoffed next, so condescendingly as she tilt her chin up. "Because admit it, Basil, you thought I'll put up a fight which you will use to insist I am guilty. Guilty about something that I didn't do!"
"Just tell me the goddamn password," he hissed lowly.
Lily pressed the enter key while looking at him over her shoulder, giving him a mocking grin.
Mabilis na nag-load ang newsfeed ng luma niyang Facebook profile.
Nang masilip iyon ni Basil, nagsalubong ang mga kilay nito. He wore that I knew it look, which she didn't really like at all. Naguguluhang binalik ni Lily ang tingin sa computer monitor. Wala pa siyang nababasa halos doon nang muling magsalita ang kapatid.
This time, there was a slow tact in his voice.
"Pumunta tayo sa mismong profile page mo."
Lily moved the mouse, following the cursor on the monitor with her eyes.
Nung iki-click na niya ang pangalan, binundol siya ng kaba sa dibdib.
Rebellacion Trinidad? Basa niya sa pangalang nabasa.
"I think I opened the wrong account," she murmured before she even thought of the words she was saying.
"You didn't," yuko lalo ni Basil kaya halos magkatabi na ang mga mukha nila. "Email mo ang tinype mo. Kitang-kita ko ang buong pangalan mo sa email na 'yon—"
Lily finally snapped. "Gago ka ba? Paano magiging Rebellacion Trinidad ang pangalan ko?!"
Lumayo si Basil dahil sa paninigaw niya rito.
"Why don't you just open your profile page?"
"Dahil hindi akin 'tong account na 'to!" Tumayo siya para tapatan ng anas ang kapatid. Pinipigilan na lang ni Lily na lumipad ang palad pasampal sa pisngi nito.
"Oh, really now, Lily?" his eyes followed her eyes to maintain their eye contact. "Ikaw mismo ang nagbukas niyan! Then, you're going to deny it now?"
Basil stood there— cold and unaffected. Parang hindi yata tumatagos sa kapatid niya ang pagkalito, tensyon at galit na naghahalo-halo sa kanya. Lily could not believe that after all these years, she would feel this way again. The chill of mass persecution and the fear it brings that scorned her for the rest of her life.
Ngayon pa lang, natatakot na siya sa sasabihin ng mga tao. Sa iaakusa ng mga ito. Sa iisipin ng mga ito tungkol sa kanya. Once again, she is this bad person. 'Yong mga pag-out of post niya at pagiging late... mga maliliit na bagay lang iyon. Pero ang ganito kabigat na mga bagay? Ang tila pagsuspetsa sa kanya ni Basil na siyang naninira sa Variant?
"I don't really have an explanation right now," bahagyang pagbaba at paghina ng kanyang tono, "except for the obvious fact that my old account is hacked."
He sounded so full of it. "As usual. Palusot ng mga sikat na tao kapag may napost silang hindi maganda sa imahe nila."
"I'm not even famous—"
Yumuko si Basil, inabot ang mouse. Ito na mismo ang gumawa ng inuutos nito sa kanya.
Reflexes told Lily to stop him, but as she attempted to take the mouse from him, it was already too late. Nagsimula nang mag-load ang profile page ng luma niyang account. Ang profile page ni Rebellacion Trinidad.
At nang i-scroll iyon pababa ni Basil, unang lumabas ang mapanirang post tungkol sa Variant.
Napaatras si Lily nang makita iyon. Hindi na rin niya kailangang basahin pa ng buo ang post para lang malaman kung tungkol saan iyon. She already knew it was that post. Ipabasa ba naman iyon noon ni Basil sa isang meeting ang screenshot ng post gamit ang projector.
"I didn't do it!" she blurted, turning to him.
Lumayo na si Basil sa computer, sinalubong ang kanyang tingin.
"You're saying this old account is probably hacked? What makes you think so?"
Pinatatag ni Lily ang sarili. "Malay ko! Basil naman! Kung alam ko eh, 'di—"
"Yung mga nakasulat sa post na 'yon, you have to be in this department to know all of those!" he snapped. "Lily, just admit it! Alam mo na ang pinakakinaiinisan ko sa lahat ay 'yong nahuli mo na, nagsisinungaling pa sa mukha mo!"
Of course...
Of course, he wouldn't even try. He wouldn't listen to her side.
No one did. What would she expect from Basil, right?
Pagdating sa kung sino ang gumawa ng isang masamang bagay, awtomatikong sa kanya tinuturo ng mga ito ang kanilang mga daliri. Minsan kapag napapadalas na ang ganito, mas madali pa ang akuin na lang iyon kaysa pahirapan pa ni Lily ang sarili sa kakadepensa sa sarili.
But, she was already getting tired of being the blame in every shitty thing that happens.
She was already getting tired of being always the bad guy.
But who would even listen to her? Who would believe her?
Sino ang maniniwala kapag sinabi niyang hindi siya masamang tao? Na hindi siya patapon? Na hindi siya walang kwenta? Na hindi siya itong bobo at tangang si Lily na hindi pinag-iisipan ang isang bagay bago gawin?
Yes, she has these tendencies to jump first without looking. To just let herself fall and only look when already in the middle of that fall...
But to be categorized as a bad person for the rest of her life just for being like that once?
Lumagpas kay Basil ang kanyang tingin. Nag-aalalang nakasilip na sa kanila ang mga katrabaho niya mula sa kanilang sari-sariling cubicle. Hindi niya malaman kung awa lang ba o concern ang nasa mga mata nila. Then, her sight was blocked by a movement. Nakita niya ang biglang paghinto ni Jared sa tapat ng entrance ng kanyang cubicle. Nanggaling ang binata sa desk ni Isla. Nagkumahog nang marinig na pinagtataasan na nila ni Basil ng boses ang isa't isa. Jared only glanced at Basil's back, then swiftly caught her pleading eyes.
Yes. She was pleading him.
Lily was already tired pulling herself out of the quicksand all the time. She wanted to stand still now and wait for Jared to pull her up. To pull her out.
Kahit ngayon man lang, sana maranasan niya ang magkaroon ng isang tagapagtanggol. Ng isang tao na maniniwala sa kanya sa kabila ng pagturo sa kanya ng nakararami na masama siyang tao.
Please, tell Basil, he's wrong. Tell Basil that he should listen to me first...
Their eyes locked gazes. Dahil sa pananahimik niya, napansin tuloy sila ni Basil. Her brother turned and gave Jared a look.
Jared's eyes moved a bit, catching her brother's gaze.
And when his eyes returned to her, their worry shifted into... a steely stoicness.
Nanatili ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. It was a shame that they had to suffer that unconfortable silence just because Lily expected Jared to be man enough to defend her.
She stomped away, pushing past Jared's shoulder in utter disappointment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro