Chapter Forty-Seven
LILY PICKED UP HER BAG. Then she left.
Wala siyang pakialam kung nabangga niya ang balikat ni Jared. Haharang-harang ito, eh.
Dama niya ang mata ng mga katrabaho. Nakatutok silang lahat sa kanya. Nakasunod ang kanilang mga tingin hanggang sa nakalabas na siya ng HR Department. Her high heels clicked, as if drilling holes in her every step at the white tiled floor of the hallway. She made a turn at the corner of the hallway. Then she stopped and glared.
Sumalubong kasi sa kanya si Jeanie, ang magaling niyang pinsan.
Her hair fell flat on her back, held steady by a thick purple headband. Ito ang pinsan niya na kumpetisyon ang tingin sa lahat ng bagay. Kasama na roon ang pananamit.
Lily's pink high-heels with a white toe accent versus Jeanie's pair of white open-toe heels.
Lily's blonde-dyed hair swept on one-side and held steady by a clip, versus Jeanie's sleek flat hair and purple headband.
Lily's sexy fitting white trousers versus Jeanie's hip-tight orange-peach maxi skirt.
Lily's pink high-necked sleeveless tank top versus Jeanie's powder blue v-necked wrap top with short sleeves.
Ang bilugan niyang mga mata na brown ay nanlisik sa palabang itim at tsinitang mga mata ng pinsan.
Then, a mocking grin slipped at the corner of Jeanie's lips.
"Going out of post again, Lily?" tudyo nito.
Palihim niyang pinasadahan ng tingin ang pinsan. Nakita niya ang paghawak ng dalawa nitong kamay na nakaposisyon sa bandang ilalim ng dibdib nito. Jeanie seemed to squeeze her hands, contrasting that bitch of a mocking grin on her face.
So boring.
"You too. Out of post."
"Nandito raw si Basil, kaya nadatnan mo ako rito," depensa agad ng mataray niyang pinsan.
"He's obviously doing his job here. What about you? You have no job here."
Hindi ito agad nakasagot, pero lalong sumama ang mukha.
"COO ka lang ni Kuya," patuloy ni Lily. "Bakit hindi mo na lang siya hintayin sa office niya? Hindi 'yong iistobohin mo siya rito dahil lang sa gusto mo siya kausapin."
Hindi na rin hinintay ni Lily na makabawi ang pinsan. Nilagpasan niya ito para tunguhin ang elevator.
Nang makalagpas kay Jeanie, hindi niya makuhang ngumiti dahil sa pamamahiya ni Basil sa kanya kanina. Pero siguradong-sigurado si Lily na, as usual, siya na naman ang nanalo. It was an established non-verbal rule between them that who has the last word wins.
Nang makapasok sa elevator, doon lang siya nakahinga ng maluwag.
Nangangatog ang mga tuhod na napasandal siya sa pader. Napatitig sa kawalan.
Hindi man lang ako sinundan ng Jared na 'yon...
Dahil sa katahimikan sa loob ng elevator. Napadpad sa kung saan-saan ang isip ni Lily. Unang pinuntahan ng kanyang isip ang naging pag-uusap nila noon ni Nena at Beta. Iyon ay noong bumisita siya sa bahay ng mga Guillermo.
"Paano nangyari 'yon?" naguguluhang tanong ni Nena matapos banggitin dito ni Beta na nabuntis siya ni Oliver noon.
"Nag-stop ako mag pills at nagka-period ako kaagad. After that, may nangyari na naman sa amin ni Oliver," paliwanag ni Lily kay Nena. "Nawala na nga sa isip ko ang possibility na mabuntis ako kasi, iyon nga, nalaman kong niloloko niya ako. It's been a really messy break-up. Nakailang away at sugod pa ako sa kanya bago ko naisipang mag-out of town." Hindi na in-elaborate pa ni Lily na 'yong pang-aaway at panunugod na iyon ay pangungulit talaga kay Oliver na makipagbalikan sa kanya. Kasi ngayon, masuka-suka siya sa isiping nakagawa siya ng ganoong katangahan. Napatitig si Lily sa kawalan habang binabalikan lahat ng nangyari at pili-pili ang kinukwento sa dalawa. "Then, I was already back in the Philippines when I missed my period for the third month."
"Nakakakaba na kapag hindi ka nagka-period ng isang buwan. You're not bothered when you missed your period for three monthts?"
"Hindi, kasi kaka-quit ko lang sa pills n'on. Nasabihan na ako noon ng OB ko na may tendency bumalik 'yong pagiging irregular ko. So, inisip ko, gan'on lang 'yong case ko. Noon nga, inaabot ako ng dalawang buwan na hindi nagkaka-mens. And I am not pregnant at all." Lily took in a deep breath before resuming her story. "I had some sort of bleeding on the second month of pregnancy. Inakala kong mens. What made me suspect im pregnant is when I started having nausea."
Her thoughts were interrupted when the elevator doors opened.
Lily stepped out. Walang nilingon at walang pinansin sa mga nasalubong niya o bumati sa kanya.
"Trans-V?" naguguluhang ulit ni Lily sa suhestiyon ng kanyang OB Gyne doctor.
"Yes. Based kasi sa pregnancy test mo, positive ang result."
Lily held in her breath. Kung buntis siya, walang ibang pwedeng maging ama ng bata kundi si...
"Jared..." she softly whispered, inaudible from her doctor who stood up.
Dumiretso ang babaeng doktor sa gilid ng silid. Hinawi nito ang kurtina na naglantad sa isang kama na katabi ng transv machine.
"Let's have you checked," the doctor's smile was gentle and encouraging. "At this rate, mas madali nating makikita ang bata through Trans-V, ang health condition niya and everything. Included kung ilang weeks na siya. Lalo na at hindi pa tayo sure kung ilang weeks na siya."
That's true. Mahirap mapin-point kung ilang weeks na 'yong bata. Magulo ang menstruation period niya. May mga epekto rin ang pills sa kanya nung nag-withdraw siya sa paggamit niyon. Nakakalito rin na maaga siyang nakadanas ng nausea. Pero ang sabi nga nila, iba-iba ang karanasan ng pagbubuntis para sa mga babae.
Tumalima si Lily. Sinunod niya ang pahabol na instruksyon ng doktora na hubarin ang suot niyang pang-ibaba. It felt cold, being exposed from the waist down as she laid on the hospital bed. Ingat na ingat siya kaya mabagal ang paghiga roon. Buti at may kumot sa kama kaya tinakpan niya agad ang sarili nang makahiga.
Hindi niya maipaliwanag kung ano ang mararamdaman. Pregnancy is so new to her. It was just months ago when she was still dreaming of having her own family. Siya, si Oliver at ang magiging anak nila. Nag-iba ang mga plano. Naghiwalay sila ni Oliver. Pero hindi niya lubos maisip na kahit wala ang hayop na manlolokong iyon ay matutupad din pala ang pinangarap niyang sariling pamilya.
She tried to relax herself on the bed. Nakahiga na siya at hinihintay ang doktora na nagsusuot pa g latex gloves nito.
While staring at the ceiling, Lily held her breath and tried to think of happy thoughts.
Jared said he loves me. If he finds out that I am pregnant... Siguro... Siguro naman matatanggap niya...
And for the first time, she placed a hand on top of her belly. Nangingiting napakurap siya ng mga mata. Ewan kung bakit sa kabila ng hindi maipaliwanag na tuwa, parang maiiyak pa siya.
"Are you ready?" tayo ng doktora sa kanyang tabi, nililinis ulit ang malinis nang ultrasound probe bago iyon nilagyan ng condom.
"Yes," she breathed away and smiled. Few seconds later, the doctor coated the transducer with lubricant gel.
"Lift your legs." Sinunod ni Lily ang sinabi nito. "Ibuka mo ng maayos." Sinunod niya rin iyon.
"Okay," angat nito sa kanyang kumot at humawak sa isa niyang binti para ibuka pa iyon ng kaunti. Ready."
Lily took a deep breath and held it. The air in the room grew serious. Hinintay niya ang pagpasok ng aparato sa pagitan ng kanyang mga hita. It was cold and weird as she winced a little during its entrance. May kaunting sakit. Pinapakiramdaman ni Lily ang sarili. Hindi niya masilip ang screen at machine na nililingon-lingon ng doktora habang palipat-lipat doon at sa ultrasound wand ang tingin.
Lalo siyang kinabahan dahil walang imik ang doktor sa buong procedure.
Pero mas pinili niyang lakasan ang loob. Pinatatag ni Lily ang tinig.
"How is it?" mata lang niya ang gumalaw para silipin ang mukha ng doktora.
Tutok ang mga mata ng doktora sa monitor. Bahagyang kumunot ang noo. Muling naramdaman ni Lily ang pagkilos ng ultrasound probe sa loob niya. Umikot kaya nahigit niya ang paghinga. This time it wasn't painful, the movement just took her by surprise.
Medyo humina ang boses niya. Nahiya sa sunod na tinanong. "Is there really... a baby?"
Lumambot ang seryosong mukha ng babae. Hindi alam ni Lily kung bakit hindi man lang napangiti nang sumagot. "Yes, Ma'am. There's a baby."
Nung nakapagbihis na siya at nakabalik na sila sa desk ng doktora, doon na nito pinaliwanag ang lahat.
"You are three months pregnant, Ma'am. Luckily, the baby is still alive. Pero mahina ang heartbeat kaya natagalan ako bago i-confirm kanina na buntis ka."
Three months? Gulong-gulo ang isip niya sa deklarasyon ng doktor.
I've only known and been with Jared for a month... gimbal niyang isip, halos lutang na at hindi marinig ang sumunod pang mga sinabi ng doktor.
Napansin din iyon ng babae kaya sinadyang huminto sa pagsasalita. Nag-aalalang tingin ang pinukol nito sa kanya kaya nakahalata si Lily.
"Doc?" usig niya rito.
"Are you feeling alright? Nahihilo ka ba ngayon or..."
Napailing siya. Tumuwid ng upo kahit parang mabigat na pasan niya sa likuran.
"I-I'm... I'm fine, Doc. Hindi ako nahihilo..."
The professional sighed in relief. "That's good." Sumilip ito saglit sa chart niya na sinusulatan nito bago nagsalita muli."You said you had a menstruation last month," balik ng doktora ng tingin sa kanya. "That's possibly a bleeding related to your pregnancy."
"Hindi maganda 'yon, 'di ba?"
Walang buhay ang pagtango nito. "Yes. That's not good. At sa current status ngayon ng baby, mahina ang heartbeat niya dahil..." the woman used a simpler term for her to understand. A term that impacted her greatly. "The baby's not healthy."
"Y-Yes," nahihiyang yuko niya.
Kung tatlong buwan na siyang buntis, talagang hindi maganda ang pinagdaanan sa kanya ng sanggol. Sa loob ng mga buwang iyon, walang tigil siya sa pagbiyahe at pag-iikot sa iba't ibang bansa. May mga okasyon pang panay ang iyak niya dahil kay Oliver. Nag-inom din siya ng alak.
Madalas pang makipag-sex kay Jared...
"I'll prescribe some medications for you," kuha ng doktora ng prescription pad at nagsimulang sulatan iyon. "Strictly follow this, okay?"
"I will."
Pagkatapos ng consultation, nanatili pa si Lily sa parking lot sa tapat ng ospital na iyon. Paulit-ulit niyang tinitigan ang prescription na binigay ng doktor bago binaba ang papel sa dashboard. Inipit niya iyon ng paper bag na may lamang mga gamot na sa mismong ospital na rin niya binili.
Lily held the steering wheel again. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya, pinagpapawisan ng malamig.
"Three months... Three months... Hindi kay Jared ang bata." She felt tears rim her eyes again at that terrible truth. "Kay... K-Kay Oliver!"
Sa kinauupuan ni Lily, nai-imagine na niya ang magiging reaksyon ni Jared kapag nalaman ang totoo. He would be fuming mad at her.
Hindi pa niya nakitang galit ang lalaki. At iyon ang dahilan kaya labis-labis ang takot niya.
Wala siyang ideya kung paano ito magalit.
Wala siyang alam kung paano maaalo ang binata, kung paano huhupain ang sama ng loob na ibibigay niya rito.
Lily didn't know if she should be scared of his anger more, or the dreadful shame of being pregnant with someone else's child while having a wild affair with Jared.
"I'm a fuck up! I'm really a fuck up!" umiiyak niyang tukod ng isang siko sa manibela para ipatong sa palad ang noo. Paulit-ulit niyang inuntog doon ang noo. "Bwisit! Bwisit! Bwisit!"
Nagsimula nang gumaralgal ang kanyang boses. Her eyes were beginning to stream tears when she gasped.
"Oh, no! Fuck!" sapo niya agad sa puson. Tumingala siya na para bang mapapaatras niyon ang kanyang mga luha. "I shouldn't cry! I shouldn't!"
Her attempts to calm her anxious self only shallowed and rushed her breathing.
"Get yourself together, Lily!" kalkal niya sa shoulder bag na nakapatong sa katabing upuan. "Calm down... Calm down..." paulit-ulit niya pa rin nang makakuha ng face wipes. "For the baby."
She cleaned her face with the wipes. Pero dahil sa bigat ng pakiramdam niya, nawalan na siya ng energy para mag-retouch ng make-up. She left her face bare. Nanlulumong napasandal siya sa kinauupuan.
Her hands rested gently over her belly. Nakatitig siya sa kawalan.
"I'm sorry... anak."
There was another gloomy silence before her cellphone began ringing.
It was a familiar tone.
May nagvi-video call sa kanya.
Manginig-nginig ang kamay na dinampot niya iyon. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib nang makita ang litrato at pangalan ni Jared.
Pasalamat siya at may naka-install sa kotse niyang phone holder. Hindi mahahalata ni Jared ang panginginig niya kung ilalagay doon ang cellphone at itatago mula sa view nito ang kanyang mga kamay.
Pagkasagot sa video call, nilapat ni Lily ang mga kamay sa kanyang puson.
She gave her best effort to smile at Jared. "Jared," walang buhay niyang bati rito.
Awtomatikong ngumiti ang kabado nung una na lalaki nang makita siya. She could melt at his smile— more of a beam— so bright with a hint of gentle highschool-type sheepishness.
"Lily, finally you answered." He sounded more excited than impatient when he said that. It was as if he waited for years and relief swept over him when she answered his video call at last. That alone cracked her heart.
"Of course... Of course, I will answer," binanat pa niya ang mga labi para ngitian ito. She knew her heart is breaking deep inside, a reason why no matter how hard she tried, she could not satisfy herself with the kind of smile she was giving him.
"How's your day so far?"
It's always about her. Jared's main concern is knowing how she is first, than telling her what he's been up to lately. Nadurog siya. She would never understand how a cheater like Oliver never felt this way towards her while cheating on her. Kay Jared kasi, kahit alam na niyang dinadala niya ngayon ang anak nila ni Oliver, nakakaramdam siya ng ganitong pagkaguho.
Ang sakit-sakit pala kapag alam mo na 'yong taong nagpaparamdam sa'yo na espesyal ka ay walang kamuwang-muwang na iiwanan mo na pala.
Hindi maipaliwanag ang sakit at bigat sa dibdib ng ganito.
Napansin niyang nakaupo ang binata sa loob ng isang café. Malamang, tinamad itong magluto ng sariling almusal kaya doon dumiretso para kumain. Alas-dos na sa Pilipinas, kaya estimated ni Lily na mga alas-otso na ng umaga sa Antwerp.
"A bit tiring," she sighed at the sincerest thing she said in their conversation so far.
"Me too. Kagigising ko pa lang, parang pagod na ang pakiramdam ko." Another coy smile was on his lips, he slightly lowered his eyes before shyly stealing a gaze at her face. "Paano kasi, wala rito sa tabi ko ang source of energy ko."
"Ano ba naman 'yan. Ginawa mo naman akong Meralco," pati pagtawa niya sa sariling biro, walang buhay.
Nangingiting napailing ang binata. "Akala ko ako lang. Mukhang may nahawa na yata sa kakornihan ko."
"You won't be laughing if I am corny, Jared," nangingiti na siya kahit basag pa rin ang puso.
"Tumawa ba ako?"
"You're about to! Nagpipigil ka lang!"
Pinakawalan na nito ang mahinang tawa. Walang buhay din iyon. His longing eyes returned to her image on his cellphone's screen.
"I can't wait to be with you," ngiti ni Jared.
"Bakit? Tired of being alone again?"
"Not tired," nakatitig sa kanya na sagot nito. He stared at her as if he really missed her. "Hindi na ako sanay mag-isa simula nung nakasama kita. That's all."
"You know, Jared," malumanay niyang ngiti. Natigilan siya dahil naramdaman niya ang pagkabog ng dibdib.
Habang nakatitig sa gwapo nitong mukha at ngiti, bumalik kay Lily ang sakit mula nang makumpirma ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.
"Yes?" he prodded, kicking her anxiety up a notch.
She sighed heavily. She just could not help it. Jared, in response, gave her an understanding smile. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng guilt.
Would she really lie to him about her situation?
Could she lie to him?
Won't her body language betray her? She's talking to a psychologist on a vacation. Even if he's on a vacation, his mind still works the same. Tiyak niyang makakahalata rin ito na may hindi ayos sa kanya.
Bahala na siguro.
"You know," lakas-loob niyang patuloy, "it's your choice to be alone or not. Makipag-ayos ka na sa parents mo. It'll make you feel less alone when you have your family by your side.
He looked confused. "But you're my family now."
"Sabihin na nating oo. Pero hindi sa lahat ng oras, makakasama mo ako. So, maganda pa rin na... may iba ka pang balikat na masasandalan."
Yes, she's conditioning him in the most subtle way possible.
She's conditioning him to be ready for her absence...
But that did not work. Instead, Jared turned more optimistic. "I get it, you're just feeling sad. You miss me and look at you. Mas may concern ka pa sa kapakanan ko. But I am fine, Lily. Naranasan ko na ang mag-isa. Tanda mo pa naman siguro kung bakit pinasya kong lumayo-layo sa pamilya ko. Kaya sana maintindihan mo."
Napangiti man siya, may kaakibat naman iyon na lungkot. Tumango-tango siya. "Of course, I understand. I just... I was just hoping that you get to patch things up with your family."
Her another attempt failed. Jared gave her this teasing smile. Fuck him. So gorgeous, her heart chipped off a few more pieces.
"Ah, alam ko na. Gusto mo ako makipag-ayos sa pamilya ko, para pumunta na ako riyan sa Pilipinas."
Napatitig si Lily sa mukha ni Jared video chat. How hopeless romantic could this sexual machine get? This much. It's getting too much. She could not help smiling. Naunahan na siya ng pagi-imagine na nakasunod na sa kanya sa Pilipinas si Jared. Nakipag-ayos na ito sa pamilya nito at niyaya siyang makipagkita sa mga ito.
A nice barbecue night with Jared's family sounds good to her.
Imagining that brightened her somber face, put a sugar on her lips that made her smile sweetly.
Yet her eyes didn't know how to lie. They still lacked that luster.
Sinuko na lang ni Lily ang tangkang ihanda si Jared na hindi na siya makitang muli. The earlier she can end their conversation, the better. Kailangang matapos na ang pag-uusap nila bago pa siya mawalan ng pagpipigil at umiyak sa harapan nito.
"Shit. You got me, Jared. Psychologist ka nga talaga."
"Excuse me, Miss Marlon," pabirong paniningkit ng mga mata nito sa kanya, "hindi por que Psychologist ang isang tao, eh, mind-reader na. It actually takes a series of therapy sessions for a Psychologist to assess a client properly."
"Opo, opo," may pagod sa walang buhay niyang pagtawa. "Ikaw naman, oh. Nanenermon ka kaagad, eh!"
What followed is this silence. Napatitig sa kanya si Jared. His eyes admired her, not in anything sexual or teasing, but simply... admire. It was warm and loving. His gaze only made her feel more unworthy of him.
She's already pregnant with another man's baby.
Sa totoo lang, sobrang kahihiyan na ang nararamdaman niya kanina pa. She definitely wasted Jared's time and energy on her. He is such a decent man. A few flaws such as having problems at work did not lessen his decency but made him more human. Again, he is such a decent man, generous and gentle with the way he talked and treated her. She wouldn't want to see the flip side of the coin when she tells him the truth.
Dahil kahihiyan... kahihiyan ang kaakibat niyon. Kahit ilang sorry pa yata ang gawin niya, hindi pa rin mawawala ang galit ni Jared sa kanya. At kung hindi man ito magalit sa kanya, sa tingin ba niya, ang isang disenteng lalaki na tulad ni Jared ay nararapat sa tulad niya? Deserve ba ng isang disenteng lalaki na tulad nito ang maging taga-ako sa anak ng ibang lalaki?
No. Jared doesn't deserve that.
Wala... Wala talaga siyang mukhang maihaharap dito.
Nahihiyang napayuko si Lily at napasulyap saglit sa kamay niyang nanatili sa ibabaw ng kanyang puson.
Parang hindi nagustuhan ni Jared na nawala rito ang kanyang paningin. He spoke that easily took her attention back to him. "I'll see you on November 21. Sa Nello and Patrasche statue. Make it 8 in the evening. By that time, tapos na ang schedule ng training ko."
"Okay," Lily smiled weakly, staring at his face too sadly for too long.
She said okay just to hasten the ending of their conversation.
After an awkward silence, dumating na ang waiter ni Jared. Dinahilan niyang mag-focus na ito sa almusal dahil kailangan na niyang mag-drive pauwi ng bahay.
But as soon as their video call ended, Lily found herself hugging the steering wheel.
She sunk her face there and sobbed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro