Chapter Forty-Nine
ALAM NI LILY NA MATATAGPUAN DITO SI OLIVER. Dito sa tapat ng puntod ng namayapa na nitong ina.
Limang-taong gulang pa lang noon si Oliver, namatay na sa isang car accident ang nanay nito. Palibhasa, hindi nakasama ng matagal, kaya may pangungulila lagi ang binata. Hindi nito nakakaligtaang bumisita sa puntod ng ina tuwing death anniversary nito at Araw ng mga Patay.
It took Lily two weeks of waiting. Sa tagal ng hinintay, naniwala na lang siya na palabas lang ni Basil na tutulungan siya nito. Na ang totoo, walang ginawang kahit anong hakbang ang kapatid para matulungan siyang makontak si Oliver. It was only days ago when she remembered Oliver's dead mother.
At ang death anniversary nito.
Kaya heto siya at nakatago malapit sa batong nitso ng ina ni Oliver.
Nang malapit-lapit na si Oliver sa puntod ng nanay nito, siyang sulpot ni Lily. Saktong nagtama ang kanilang mga mata. Tinakasan ng kulay sa katawan si Oliver, natigagal habang pinanonood ang maingat niyang paglapit sa lalaki.
Hindi lang dahil sa gulat, ganoon din ang naging reaksyon ni Oliver dahil taliwas sa inaasahan nito ang kanyang hitsura.
Lily still dazzled, lost a little weight, but ethereal in her white knee-length dress with puffed sleeves and a puffed bust, straight neck-lined design. Nakakaladlad ang kanyang orange-dyed na buhok na hindi na niya naibalik sa normal na kulay dala ng pagbubuntis. In that white dress, she felt like a goddess. Ang paglakad niya ay mistulang pagpanaog mula sa kalangitan.
Pero iba ang epekto niyon kay Oliver. It was as if he saw a ghost walking through the tombs of that cemetery, pacing toward him. Lily's eyes were fierced with determination. Nakaguhit doon na nasa dulo na siya ng kanyang pasensya, nagtitimpi lamang. Mahigpit ang pagkakatikom ng mamula-mula nitong mga labi.
"Bakit ka nandito?" defensive agad ang tono ng lalaki.
"You look scared," her eyes were stone cold as she inspected him shortly. Then, she bravely met his eyes, surprisingly unaffected. "Bakit? Kasama mo ba si Gretchen?"
"Thank God, hindi ko siya sinama rito! This will be trouble!" hasik nito.
Nanatili siyang malamig. Hindi maintindihan ni Lily ang sarili kung bakit kalmado lang siya. Ilang araw pa niyang tinakot ang sarili na baka mag-overreact kapag nagkita sila ni Oliver. She worried for her baby. Kaya hinanda niya nang hinanda ang sarili.
Tapos ngayon... wala naman pala.
Hindi naman pala siya sasabog.
Worse, she felt nothing at all. Just her chest tightening. She feared more for the baby in her womb, than how Oliver would treat or talk to her.
"I only came here for—"
"Bakit dito pa sa puntod ng nanay ko?" walang pakialam na putol ni Oliver sa sasabihin niya. "I get it that you're mad at me! But at least, respect my mother!"
Lily scoffed. Pinigilan niyang matawa sa kababawan ni Oliver pero sumilay na ang nang-aasar na ngisi sa kanyang mga labi.
"Says the idiot who doesn't respect women," elegante niyang taas-noo na kinatameme ng lalaki. "I think this is the perfect setting for an announcement. Unfortunately, I am pregnant with your first child."
His eyes widened.
"I respect your mother, kaya sinigurado kong hindi siya male-left out sa balitang ito."
Parang gusto siyang sampalin ni Oliver, pero nakuyom nito agad ang mga kamao. Awtomatikong napasulyap sa bandang tiyan niya.
He looked so pathetic Lily just shook her head while looking at him.
"Three months pa lang, hindi pa malaki ang tiyan ko, dumb-dumb."
Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "How sure am I na anak ko nga talaga 'yan? Three months na rin tayong hiwalay."
"We fucked the day before you left me, remember? And my child is turning four months this weekend so..." She slowly turned her head on the tomb's direction. "Sorry, Ma'am, you have to hear this."
Napalunok si Oliver. Binaba nito agad ang bitbit na bungkos ng mga bulaklak sa lapag, sa tapat ng nitso ng ina bago tumindig muli.
"Pwede bang huwag natin dito pag-usapan ito?"
"Why not? Ayaw mong malaman ng nanay mo ang totoo?"
"Lily!" galit nitong saway sa kanya. Oliver is really that sensitive when his deceased mother is involved.
"There's always a DNA test. Or, should I ask Gretchen's permission first? Baka sakaling pag pumayag siya, pumayag ka na ring sustentuhan itong bata."
"Ang dami-dami niyong pera! Bakit inaabala mo pa ako sa ganyang bagay?" Dumaan ang yabang sa mukha nito. "Alam ko na, isa na naman ito sa mga strategy mo para magkabalikan tayo."
"Oh, please, Oliver," she scoffed. "If you only knew, masuka-suka ako sa ideyang makipagbalikan sa'yo."
Lalong gumusot ang mukha nito. Lily did not give him any chance to talk.
"I don't want you back. Within three months, I have realized that I don't really want you, your mediocre dick, fickle heart, and stupid brain. But this child... Hindi ko masasabi kung magiging sino at ano siya paglaki. Hindi ko masasabi kung ano ang mga bagay na magugustuhan niya. It might be a little too expensive, at hindi naman ako makakapayag na maabswelto ka sa responsibilidad mo rito."
Hindi napansin ni Oliver na nakalapit na siya rito.
"If I were to choose, I'd rather not see you ever again. But this is not about me, but my child." Umatras siya ulit para matamang matitigan ang problemado nitong mukha. "Kaya kong ibaba ang pride ko kung para sa anak ko."
At kaya ko ring isakripisyo ang kaligayahan ko, kung para sa kanya...
"Ano ngayon ang gusto mong mangyari?" naguguluhan pa rin ang shunga na si Oliver.
"Panagutan mo. Financially. That's all," she flicked back her hair with her delicate fingers. "Let's set an appointment. Dapat may agreement tayong pananagutan mo talaga financially ang bata."
"This is insane—"
"Don't worry. As long as you do your only job here, Gretchen won't know. Wala rin akong balak na isunod sa apelyido ng isang cheater ang apelyido ng anak ko," dama ni Lily sa kanyang puson. "That's all, Oliver. Next time, answer my calls, okay? Or else, baka si Gretchen na ang kontakin ko. Ciao."
Lily carefully walked past Oliver and left him there with his jaw dropped.
.
.
"I DID EVERYTHING..." nanghihinang saad ni Lily habang nakahiga sa kama.
She was already in the hospital, in her OB Gyne's office. Dama niya ang paggalaw ng aparatong nag-i-scan para itsek ang batang nasa kanyang sinapupunan.
"Ma'am..."
Lily pointed her eyes to the ceiling with quivering lips.
At ganoon pa rin ang estado niya nung bumalik na sila sa desk ng doktor. She seemed fine on the outside, but her insides were already quaking. Halos nakatulala na lang siya sa kawalan habang pinapakinggan ang paliwanag ng doktor sa kanya. Pero ang mga paliwanag na iyon ay natabunan ng mga tumatakbo sa kanyang isip.
I did not feel any pains at all... I did not even bleed... I took all the vitamins... I've been careful...
Inalagaan ko naman siya...
What have I done wrong?
It's enough that I fucked up my own life. Why do I have to fuck up someone else's?
How could I even fuck this up?
Her eyes shone as they started being filmed with tears.
Why am I such a failure?
The doctor noticed her distress. All the OB Gyne could do was give her a sympathetic sad smile.
"Ma'am, next week itse-check natin ulit si Baby. Baka next week, madetect na natin ang heartbeat niya."
Tears finally rimmed Lily's eyes. "Paano kung... Paano kung wala pa rin?"
"Ma'am—"
Hindi siya makatingin sa doktor. Ayaw niyang makita nito ang naluluha niyang mga mata. Baka tuluyang bumukal ang mga luha niya kapag nakipagtitigan sa kahit kanino. Hangga't nako-kontrol pa niya ang sarili...
"Please, get real with me, will you?" in her controlled tone. Mula nung lokohin siya ni Oliver, napagtanto ni Lily na ang pinaka-ayaw niya sa tao ay 'yong hindi honest sa kanya. "Kung wala pa rin siyang heartbeat, ano na ang sunod na mangyayari?"
She expected something better. A miracle or a secret operation that could suddenly bring dead babies to life. But as she requested, her doctor had been honest with her.
"Kung wala pa ring heartbeat," nasa boses ng doktor ang pagpipigil ng hininga, ang paghahanda nito sa magiging reaksyon niya, "we will have to start discussing about treatments."
.
.
THREE WEEKS LATER, nasa ospital ulit si Lily. Mugto ang mga mata habang nakaupo sa waiting lounge na nakapwesto sa pasilyo. Balewala sa kanya ang paroon at parito ng mga napapadaan. Hindi niya alam kung napapansin ba ng mga ito ang lugmok niyang kalagayan o hindi.
Taliwas sa tingkad ng kanyang orange na buhok ang mga matang walang kabuhay-buhay.
She was staring off at nowhere. Hinihintay niyang matapos ang OB Gyne sa kasalukuyang kinokonsulta nito.
"Is this seat taken?" tanong ng babae.
Nanatili siyang tulig. Hindi niya pinansin ang nagtanong dahil hindi naman talaga niya narinig. Parang guni-guni lang ang boses nito. Napagtanto na lang ni Lily na may ibang tao nang maramdaman ang pag-upo nito, isang upuan ang pagitan mula sa kanya.
Nanatili ang katahimikan sa pagitan nila nang muling magsalita ang babae.
"Dito 'yung room ni Dra. Mendez, right? Wala kasing label 'yung door. I just want to make sure—"
"Oo," mabilis niyang sagot para tumahimik na ito. Lily just wanted to be left alone with her thoughts.
Her shaky hand was still gently placed over her belly.
Hindi nakaligtas iyon sa mga mata ng babaeng katabi niya.
"I'm sorry."
It was as if someone snapped a finger and awakened her from a long, lonely trance.
Paglingon niya, nakasandal na ang babae sa kinauupuan nito. Nakaabang ang mga mata nito sa pinto. Ito siguro ang kasunod niyang magpapakonsulta kay Dra. Mendez.
Lily carefully eyed the woman. She was tall and slender. Sexy is an understatement, she reeks power— physical, sexual and emotional. Kita niya iyon sa kakaibang kislap sa mga mata nito. She looked stable and so secured, so sure of herself.
This woman in a tight red dress is her complete opposite. She looks like a winner in life.
Eh, siya? She's nothing but a big failure.
Naramdaman nito ang pagkakatitig niya. Her long, straight high-ponytailed hair swung as she turned her head to face her. Magalang itong ngumiti, pero bakit parang nakakaintimidate ito tingnan?
Lily was floored the moment she spoke again.
"Yes?"
Lily could not help a scoff. Binalik niya sa harap ang tingin. Sa puti at blangkong pader. Tumuwid siya ng pagkakaupo. Lily squared her shoulders and lifted her face a bit. For some reason, nahihiya siya magmukhang isang failure sa tabi ng ganito kagandang babae.
"It's my first consultation with Dra. Mendez," the woman's confidence was evident with her steady voice. "How is she as a doctor?"
Hindi ito sinagot ni Lily.
Wala siya sa mood.
Iniisip niya kung tama ba ang pasyang gagawin tungkol sa batang nasa kanyang sinapupunan.
By medical means, her child was already considered dead.
But her heart doesn't want to believe science. She was still hoping for a miracle.
Something as magical as how Jared came to her life.
Sana ganoon din ang kanyang baby. By inexplicable means, her baby will be diagnosed as healthy and alive. Na mali lang ang unang mga diagnosis tungkol sa kondisyon nito.
"I decided to change doctors," kwento ng babae, "kasi 'yong dati kong OB? I don't know, wala naman siyang sinasabi directly. Pero nakikita ko 'yung eyes niya. There's judgment in them. Ayoko ng ganoon."
"Ano ba kasi ang pinapakonsulta mo kaya nagkakagan'on ang doktor mo?" hindi niya napigilang itanong sa matabang na tinig.
Hindi rin maintindihan ni Lily kung bakit pinalagpas ng babae ang gaspang sa kanyang tono.
Most probably because, like her, this woman also appreaciates honesty from other people.
"I am planning to try on some contraceptives. Iyong compatible para sa akin."
"So, you finally decided to have an active sex life," lingon ni Lily dito.
"No," Beta smiled at her. "Let's just say, I am already engaged but one of these days baka hindi na makatiis ang boyfriend ko sa akin. At baka ganoon din ako," napailing ito, medyo nahiya sa pago-overshare sa kanya. "So, I have to be prepared. Got any suggestions?"
She snorted and looked away. "Don't ask strangers about that. Doon ka kay Dra. Mendez magtanong mamaya."
Another silence. But Lily could see in her peripheral vision that Beta was smiling.
"I'm Elizabeta. Just call me, Beta. You are?" sandal ulit nito sa kinauupuan.
She was reluctant, but answered anyway. "Lily."
"Is it okay to know what you are here for?" anito. "I might be able to help, you know. In some way nga lang, not by medical means," mahina nitong tawa.
"You can't help me anymore."
"I can listen though. Please, forgive my brutal honesty, but you look like you're really having a bad time, eh."
"Hindi tayo magkakilala. Huwag kang pakialamera," masungit niyang pamamarangka rito.
"That's the thing. We don't know each other, so, be rest-assured that no one else will know anuman ang sabihin mo sa akin."
Napasimangot siya. Pigil niya ang maiyak.
Paanong hindi siya masasaktan? Nare-realize lang niya na imbes ang kanyang mga magulang o kapatid o malalapit na kaibigan ang magpresentang makinig sa kanya, isang hindi kakilala pa ang gumagawa niyon.
"Bakit ba nakikialam ka?" iwas niya ng tingin dito.
"Let's just say, women should help other women. How's that?"
Natahimik siya. Nagtatalo ang puso niya at damdamin. Sa totoo lang, gusto na niyang umapaw. Ilang araw na niyang sinasarili ang lahat ng hinanakit. No one have ever been there to just simply listen to her. No one have ever offered themselves to be her crying shoulder, to comfort her, or to just allow her to let it all out.
These past few months had been draining for her. She's still hormonal due to her pregnancy. Kahit patay na ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan, dumaranas pa rin siya ng mga sintomas ng pagbubuntis dahil isang missed miscarriage ang kanyang kondisyon.
She was about to explode but a miracle has happened.
Her best friend came into her life.
"Today," Lily spoke carefully because despite her feelings, she didn't want to shock Beta, "I have come to decide to finally let my baby go."
Sapat na iyon para sumeryoso ang mukha ni Beta. Mula sa tigagal na gulat, nagbaba ito ng tingin.
Naghintay si Lily pero walang namutawi sa mga labi ng kanyang kausap. Kita sa gilid ng kanyang mga mata ang pag-aalala nito. Nabahala si Beta kung naka-offend ba sa kanya. To show the woman that it's alright, Lily continued.
"Nung una pa lang, sinabi na ni Doc na mahina ang heartbeat ng..." napalunok siya. No matter how hard she tried, Lily could not easily repress her crushed spirit from crying. She needed to keep her voice steady. "Ng anak ko. Pero hindi kami agad nawalan ng pag-asa. I took medications. Sinunod ko ang proper diet, binawasan ko ang mga gawain ko, I—" she cut herself off with a heavy sigh.
Lily took in another deeper breath. Kung hindi siya hihinto, manginginig na ang kanyang boses, babagsak na ang kanyang mga luha.
"But weeks ago, si Doc na ang nag-confirm. Wala na talaga..." iling niya, hirap makatingin sa kanyang kausap para silipin kung ano ang reaksyon nito. "Wala na siya..."
Beta stared at her, not knowing what to say.
Napatingala si Lily. Humugot ulit ng malalim na paghinga. Sa pagtingala at paghinga siya kumukuha ng lakas para pigilan ang maiyak.
"Nitong nakaraan pa niya ako kinukumbinsi na... na mag-undergo na ng treatment. Kailangan ko na raw mailabas itong bata. It can be toxic if I keep my baby. Pwede ako malison, pwede ko ikamatay, pero..." She bit her lower lip and felt her belly with a hand. "Pero hindi ko kaya... ang hirap... ang hirap..." she felt the bottom of her eyes wet with peeking tears.
"I struggled, Beta. But finally, my feet brought me here," mapait niyang ngiti kasunod ng pagbagsak ng ilang patak ng mga luha sa kanyang pisngi. "I'll... I'll finally let my baby go."
She felt Beta's hand on her shoulder. Beta patted her twice. Nang masigurado ng babae na walang isyu sa kanya ang paghawak nito, lumipat na ito sa kanyang tabi at hinagod siya sa likod.
Naghihintay si Lily na magbigay ang babae ng encouraging words o unsolicited advice pero hindi.
Hindi iyon ang ginawa ng babae.
What made Beta special for her since that day were the only things she said.
"Now I understand," anito.
Patungkol man iyon sa pag-unawa nito kung bakit masungit siya nung kinausap nito o kung bakit bagsak ang kanyang hitsura nung una nitong makita, ang mahalaga kay Lily ay malamang may nakakaunawa sa kanya kahit papaano.
.
.
"HOW COULD YOU BE SO IRRESPONSIBLE?"
Lily remained straight-faced. Lumagpas ang bagot at walang buhay niyang tingin mula sa panenermon ng kanyang ama.
"I can't believe this," iling ng kanyang ina na katabi nito. "How could... How could you not know in the first place na buntis ka?"
Dahil hindi siya sumagot, nilingon ng kanyang ina si Basil. Nasa tapat ng pinto ang kanyang kapatid, nasa mukha nito ang pagkalutang. May shock pa rin ang kanyang kuya sa nabalitaan tungkol sa kanya. Hindi siguro ito naniwala nung nag-text siya kaya nagulat talaga nang makumpirmang nalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan. Basil confirmed it along with her parents when they visited her in the hospital.
Biglaan kasi ang pag-opera sa kanya. Hindi siya dinugo sa mga gamot na nireseta sa kanya ni Dr. Mendez para mailabas ang patay nang sanggol mula sa kanyang sinapupunan. Dahil doon, nirekomenda na siyang i-undergo sa surgical procedure. Hindi rin naman niya kayang makauwi ng mag-isa sa kanyang kondisyon. Kaya napilitan siyang kontakin si Basil.
Kaya nagulat din siya nung dumating ito kasama ang kanilang mga magulang.
Napilitan tuloy siyang ikuwento sa mga ito ang lahat-lahat.
At ito, ito ang napala niya mula sa mga ito nang sabihin niya ang lahat-lahat.
"Right, Basil? How could she not know na buntis siya?"
"Baka naman sinadya niyang magpabaya para malaglag 'yung bata," pagdilim ng anyo ng kanyang ama.
Basil immediately interfered. "Papa—"
Lily let out a crazed chuckle. Naguguluhang napatingin ang tatlo sa kanya. Siyang dating ni Oliver at nagtataka ang palipat-lipat nitong tingin sa kanya at sa iba pang nasa silid na iyon.
Lily stopped with a sarcastic open-mouthed smile on her face as soon as Oliver met her eyes.
Sumugod sa kanya ang lalaki. Nagpipigil pagbuhatan siya ng kamay kaya napahawak na lang sa bakal na hawakan sa gilid ng kanyang kama.
"Ano ang ginawa mo sa bata!? Bakit mo siya hinayaang mamatay!" nagpupuyos nitong hasik sa kanya.
"Bakit ka nandito?" ngisi niya habang umaapoy ang poot sa mga mata. "You don't even care about the child, Oliver."
"I don't? Baka sarili mo ang dini-describe mo!"
Ubos na ang mga luha niya. She felt nothing but rage in her heart the moment her baby completely left. She faced Oliver head-on, unfazed.
"God knows, I did everything I could and did more than you ever did."
"Stop putting God into this, you're just disgracing Him!" patuloy lang nito. "Sinadya mo ito, ano? Dahil ano? Akala mo magagamit mo 'yung bata para bumalik ako sa'yo?" He scoffed, put up his chin with pride. "Or what? Do this to look miserable? Para damayan kita? Para maawa ako at balikan kita?"
Lily narrowed her eyes at this idiot. She was already feeling worse— just finished crying for the nth time, dealing with her heartbreak from losing her baby. Gigisahin pa ng mga magulang niya tapos dadagdag pa ang hindi niya malaman kung pananadya o kabobohang pinapairal ni Oliver.
"Hindi ka na naawa sa bata! Pinapirma mo pa ako ng kung anu-anong agreement para siguraduhin ang sustento sa bata tapos—" humarang na si Basil kay Oliver kaya tumigil ang paglilitanya nito.
Basil pushed against Oliver's shoulders. Napabitaw tuloy ang naghuhuramentadong lalaki sa pagkakahawak sa bakal na mga hawakan sa gilid ng kanyang kama.
"Hands off me!" banta ni Oliver sa kuya niya.
"Kakagaling lang sa operasyon ni Lily," mahigpit nitong wika. "Kaya kung pwede—"
"I don't even know she's going to abort the baby!" laban nito sa pantataboy ni Basil. "Kung hindi mo pa nabanggit sa akin nung tumawag ka—"
"So, you told Oliver that I'm here," Lily seethed at Basil.
Siyang harap ni Basil sa kanya. "Tinanong ko lang siya. Dahil baka—"
"Nagsisinungaling ako sa tingin mo?" Manginig-nginig na siya sa galit. "I already told you to not tell anyone! Pero nandito sila Mama! Nandito ang animal na manlolokong iyan!"
"We deserve to know what's going on with you, Lily!" pinagalitan siya ng ama.
"Deserve! You think you deserve! But do you even fucking care?!"
"Please, everyone, your voices!" hindi malaman ni Basil kung sino ang titingnan. Kung sino ang unang aawatin. Nagsunod-sunod na kasi ang pagtataas nila ng mga boses. Nagsalit-salitan na ang mga paninisi ng mga tao sa kwartong iyon kay Lily.
"Look," her father said, "just think of this as a sign that you're not yet ready for responsibilities. Na ayus-ayusin mo na iyang buhay mo. Learn to be reliable and—"
"Oswald," awat ng nanay niya rito. "Don't be so harsh now—"
"I agree with you, Sir," baling ni Oliver sa mga magulang niya. "You see your daughter? Sinong tao ang makakapagtiyaga sa babaeng 'yan? Wala siyang pakialam sa ibang tao! Sariling ikasasaya lang niya ang iniisip niya!"
"Bakit, Oliver?!" sigaw ni Lily dito. "Anong masama kung isipin ko ang ikakasaya ko? Ikaw nga, 'di ba—"
"Ah, just admit it! Sinadya mo ito! Hindi ka na naawa sa walang muwang na sanggol!"
"Ano ang gusto mong ipahiwatig, ha, Oliver? Na mali ang pagpapalaki namin kay Lily?" naguguluhang nakiusap ang kanyang nanay. "Please, tell us this bastard is lying, Lily. Hindi mo sinadya ito. Hindi ka nagpabaya sa bata."
"It's hard to believe but what can we expect from that girl?" her father disgustedly grimaced at her. "Tulad ng sinabi mo kanina, babae siya. Imposibleng hindi niya alam na buntis siya!"
"Pwede ba, umalis na muna tayo rito?" nagpapasensyang anyaya ni Basil sa mga magulang.
Ayaw pang sumama ng mga ito pero nadala sa pakiusap ng kanyang kuya. Napunta tuloy ang atensyon ni Lily kay Oliver. The idiot was staring at her with disbelief, calming himself down until her parents and Basil already left them alone in the room.
"Ano pa ang ginagawa mo rito?" sandal ni Lily sa nakaangat na recliner ng kama.
Damn, her body felt as heavy as a log. It had been 12 hours since her operation. She had a good fit of sleep only to wake up to this nightmare.
"I can't believe you'll allow this to happen," iling ni Oliver.
"Hindi ka makapaniwala, no? You can't believe that in this story, the evil won."
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Hindi ako makapaniwala na abot sa sukdulan ang pagiging pabaya mo. Ang kawalan mo ng pakialam. Pati bata na nasa sinapupunan mo pa lang, biktima na ng kapabayaan mo."
Before she could speak, Oliver already turned his back on her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro