Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Five

LATE NA NAMAN nakarating ng Variant si Lily pagsapit ng Lunes. Nakasabit sa isa niyang braso ang blush trapeze bag habang hawak ng kamay ang dalawang plastic bag na may tig-anim na quarter pint ng Carmen's Best.

But as soon as she reached the HR Department, Lily saw her brother, Basil. Nasalubong niya ang binata, palabas naman ng department nila kasama si Miss Jackie.

She stopped midway.

"Good morning, Basil," then she turned at the older woman. "Good morning, Miss Jackie."

Kumunot ang noo ng kanilang HR Head na naka-pointed high heels na puti at periwinkle na pares ng blouse at pencil skirt. Maayos na nakapusod paitaas ang buhok nito. Samantala, bahagyang napaawang ang mga labi ni Basil. Namilog ang mga mata nito dahil ngayon lang siya bumati sa mga ito tuwing nagkikita sa Variant.

"Excuse us," pagdilim din agad ng anyo ni Basil sa kanya bago lumagpas.

Tumabi si Miss Jackie para maiwasan ang pagkakaharang niya sa dadaanan nito. Nang susundan na nito si Basil, bahagyang pumihit siya para lingunin ito.

Sasabihan niya sana ang babae na binili niya ito ng ice cream pero pinasya ni Lily na huwag na lang.

Mukhang seryoso ang pag-uusapan nila ni Basil. Umagang-umaga at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang dalawa. Tiyak niyang mas mapapagaan ng ice cream ang mood ni Miss Jackie kung pasorpresa iyong matatanggap ng matandang babae.

Lily resumed walking. Una niyang pinuntahan ang sariling desk.

Medyo nadismaya siya dahil wala roon si Jared.

He's never late, labi niya habang binababa sa desk ang mga pinamili. Nagmala-giraffe ang leeg niya para silipin ang cubicle ni Paula nang hindi umaalis sa kinatatayuan. Pero ang babae lang ang nakita niya roon, nagsusulat sa customized nitong kalendaryo ng mga schedule.

She looked around. Sayang naman itong promise kong ice cream sa kanya kung hindi siya papasok ngayon... naging pilya ang ngiti niya. Sa Variant siyempre.

Nilabas niya ang mga pint ng ice cream. Isa-isa niyang pinamigay sa mga kasamahan. Siyempre, hindi makapaniwala ang mga ito. Nginitian lang siya ng mga ito maliban kay Paula na inalaska pa siya.

Suhol ba 'to o ano? Baka may balak ka na namang gawing kalokohan, a?

Nangingiti na lang si Lily nang maalala ang komentong iyon ni Paula. Nasa opisina na siya ni Miss Jackie. Maingat niyang inusog ang naiwan nitong mga folder sa sentro mismo ng desk nito. She carefully placed a pile of tissues before placing the sweating cold pint of vanilla ice cream on top of it. Pigil niya ang hininga hanggang sa matapos mapaatras siya para pagmasdan ang ginawa.

Okay. That's only as far as I can go. Hindi ko na lalagyan ng notes o anuman.

Then, Lily sashayed away from Miss Jackie's office.

Natigilan siya nang matanaw si Jared. Sa tangkad ng binata, kitang-kita ito kapag nakatayo sa kabila ng dingding ng cubicle na nakapaikot sa kanyang desk. She hurried, her pink high-heels with a white toe accent clicking against the tiled floor.

"Jared!" she beamed as she reached the entrance to her cubicle.

Maayos na nilapag ni Jared ang libro nitong Agatha Christie sa sulok ng kanyang desk. Pagkatapos, maayos nitong nalapag sa uupuan ang bag bago iyon sinandalan nang umupo ang lalaki.

Pumuwesto siya sa kanyang desk. Bago umupo, inusog niya sa dulo ng mesa, malapit sa nakapatong na libro ni Jared ang isang pint ng ice cream.

He's Not Worth It ang pangalan ng flavor ng ice cream na iyon.

"There's spoons sa mini kitchen. You can borrow one there," aniya rito bago umupo. "Ikuha mo na rin ako ng kutsara, Subby."

Tinulak nito ang pint ng ice cream papunta sa kanya. "Iyo 'yan."

"Akin?" salubong ng kanyang mga kilay. Hawak na ni Lily ang sariling pint ng ice cream. Hininaan niya ang boses. "Ang usapan natin kahapon sa The Org, iyan ang pinapabili mong flavor ng ice cream. So, that's for you. Akin itong Vietnamese Coffee—"

"Pinabili ko talaga itong flavor na 'to, para sa'yo," may tamlay ang ngiti ng binata pero masigla ang mga mata. Doon pa lang, naunawaan na ni Lily na dala iyon ng pisikal na pagod.

Naka-ilang round ba naman sila sa The Org kahapon...

She leaned closer to the desk so he would hear her whisper clearly.

"Ano'ng para sa akin? Eh 'di ba, reward ko na nga 'yan sa'yo sa pagmasahe mo sa paa ko nung Saturday?"

He smiled gently. "Reward na para sa akin ang mapasaya ka."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata, pero sa loob-loob, sobra siyang naapektuhan sa mga sinabi nitong kakornihang romantic shit. Damn, why does he have to be this hopeless romantic? Pati mga linyahan nito... hay, ewan!

"Exchange na lang tayo. Tutal, mahilig ka namang mag-Starbucks kasama si Paula," may bahid ng selos na naman niyang paalala rito. She switched pints with him and cradled the chilly He's Not Worth It ice cream pint in her hands. "Iyan. Sa'yo na 'yang Vietnamese Coffee."

He graciously took the pint, read the label before returning his eyes on her.

"Itabi mo sana 'yong takip niyang ice cream," anito. "If you want, display it like a plate on your table."

"Bakit naman?" Lily didn't really like the idea. Bakit magdi-display siya ng takip ng ice cream sa desk niya?

"Para kapag may nagpapainit diyan sa ulo mo, titingnan mo lang 'yang pangalan nung flavor."

Binasa niya ulit ang nakasulat doon. He's Not Worth It.

Nang ibalik niya ang tingin sa binata, magiliw na itong nakangiti habang binabalik sa gilid ng mesa malapit sa kinauupuan nito ang sariling ice cream pint. Pinanood niya itong tumayo.

"Kukuha na ako ng kutsara," paalam nito.

Habang palayo, pinanood niya ang magkabilaang pagpaalam ng puwitan nito sa kanya.

Lily sighed and looked at the ice cream cover's label again.

He's Not Worth It.

Napaisip siya. Baka may iba pang pinapahiwatig si Jared sa takip na 'to. Bwisit naman, bakit kasi nagkagusto pa ako sa taong ang complicated ng takbo ng utak. Tuluyan nang lumalim ang kanyang iniisip, titig na titig sa takip ng ice cream. Para saan itong He's Not Worth It? Is Jared trying to tell me that he's not worthy para sa akin? Or should I just take his explanation? Na para ito sa pagiging madali kong mainis? Or...

Mabilis nang nakabalik si Jared sa kanyang cubicle. Inabot nito ang isang bagong hugas na kutsara sa kanya.

"Thanks, Subby," tanggap niya pagkababa ng ice cream pint.

Nang biglang mag-ring ang cordless phone niya.

Lily immediately answered— which is rare. "Hello?"

Lily, come over to my office, si Basil, sa mabigat nitong boses.

Umagang-umaga, hindi na matimpla ang kanyang mukha. Aba, eh, mukhang mabigat ang problema ni Basil nung nasalubong niya kanina lang! Tapos, hindi pa bumabalik ng HR Department si Miss Jackie. Kaya malamang sa malamang, magkasama pa rin ang mga ito sa opisina ng kanyang kapatid.

Ano kaya ang balak ng mga ito? Mag-join forces para bully-hin siya?

"Alright," she said coolly. Pero ang totoo, umuusok na agad ang bunbunan niya.

Hindi naman nakaligtas ang reaksyon niya mula kay Jared. Paanong makakaligtas, eh, nakamasid ang binata sa kanya mula nang sagutin niya ang tawag.

"Basahin mo 'yong label," nakangiti nitong paalala, wala man lang bahid ng pag-aalala sa mukha nito.

"I know what you want me to do," iling ni Lily habang binababa ang telepono at pinapatong ang kutsara sa takip ng ice cream pint. "Alam mo sigurong kakausapin ako today ng magaling kong kapatid, kaya pinaghanda mo na ako. You can just tell it to me straight, Jared."

"Hindi ko alam na kakausapin ka niya ngayon," pagseryoso nito.

At naniniwala si Lily roon.

She reluctantly left her seat. "I'll be back."

Sinundan siya ng tingin ni Jared. Tumayo ito para siguraduhing wala na siya sa paligid bago nito iniwan ang kinauupuan. Sumimple ng silip ang binata sa mga cubicle at nahuli ang nagtatanong na tingin ni Isla. Sa mga nasa HR Department, ito lang yata ang hindi pa ganoon ka-busy.

So, Jared warmly greeted her. "Pwede bang magtanong?" panimula ng binata.

"Oh!" gulat nitong singhap, bumalik din agad ang propesyonalismo. "Yes, Mr. Guillermo," pagpayag nito na imbitasyon na ring lumapit sa mesa nito.

.

.

LILY STEPPED IN BASIL'S OFFICE. Taliwas sa kanyang inaasahan, wala roon si Miss Jackie.

Sinara niya muna ang pinto bago lumapit sa desk nito.

Nanatiling nakaupo ang kanyang kapatid, nakaabang sa kanya ang seryosong mga mata.

This should bother her, but getting used to Basil being mean to her made her thick. Anuman ang pag-awayan nila ngayon, hindi na yata tatalaban si Lily.

Parang tulad lang nung label ng ice cream na pinapakain sa kanya ni Jared. Basil and his litanies? He's not worth it at all. He's not worth her energy or emotions.

Habang papunta sa opisina nito, hinanda na ni Lily ang sarili. Haharapin niya ang kapatid nang kalmado. Hindi siya magpapaapekto sa anumang isisi o ibintang o isermon nito sa kanya.

Lily occupied a visitor's chair, a bored look on her face.

"Yo. What is it this time, Basil?" taas niya ng isang kilay dito.

Sumandal si Basil sa kinauupuan. Mataman siyang tinitigan. Hindi maintindihan ni Lily kung bakit parang hindi ito makapaniwala sa kanyang inaakto. So far, she still spoke to him the same way she usually does. Prenteng pinatong ni Lily sa arm rests ang mga braso at siko, humimas ang mga palad sa magkabilang dulo niyon. Magkatabi ang kanyang mga hita, bahagyang naka-slant para maging komportable ang pag-upo.

"I've been trying to call you all weekend."

Hindi nagulat doon si Lily. Alam niyang nakailang missed calls si Basil. Sinadya niyang hindi sagutin iyon. May kutob na kasi siyang hindi magiging maganda ang usapan nila. Kung hindi pang-aakusa tungkol sa kung anu-ano, panenermon naman.

At mukhang maganda nga ang desisyon niyang hindi sagutin ang mga tawag nito. Ni pakiusap nito sa text na makipagkita, hindi niya pinagbigyan. Wala siyang ni-reply sa kapatid. Wala siyang sinagot na tawag. Hindi rin siya nag-call back dito.

And it was worth it because she enjoyed her weekend much better.

Lily was thankful she dodged those calls and invitations from Basil.

"I know," sagot niya sa kapatid. "But it's the weekend, Basil. Hindi kasama sa job description ko na pati ang weekends ko gugugulin ko sa pagta-trabaho. Day-offs ko 'yon."

Nagdilim ang anyo nito. "Tanda mo pa ba 'yong issue natin sa kumakalat na Facebook post?"

As usual, wala sa bokabularyo ni Basil ang pagpapaligoy-ligoy. Hindi iyon ang gawain ng lalaki pagdating sa trabaho. Sa personal pa nitong buhay pwede pa. Pero kapag usapang trabaho o negosyo, wala itong patumpik-tumpik.

"Of course. Lagi mo ba naman pinapaalala, eh," Lily scoffed. "And everytime I see Jared, I remember that issue. Dahil doon mo lang naman kasi siya ini-hire dito, 'di ba?" Then followed her challenging smirk. "What about it?"

"Huwag mo nang hayaang lumabas ito dito, Lily," paniningkit ng mga mata nito. "Admit it already, you made that post."

Napatanga siya saglit sa kapatid. Nung unang umabot sa kaalaman nila ang mapanirang post, inasahan na ni Lily na siya ang unang pagbibintangan ni Basil. Nagulat pa nga siya nang sabihin nito noon na ipapa-imbestiga muna kung sino ang dapat managot doon.

Masyado yata siyang nakampante mula noon. Kaya heto, nagulat siya sa akusasyon nito.

Lily could not help a lifeless chuckle.

"Ako? You think I made that cheap ass post?"

Hindi niya binigyan ng pagkakataong makasagot si Basil.

"Come on, Basil! Bakit idadaan ko pa sa post?" Natatawa pa rin siya sa kabobohan nito. All these years, Lily always wondered why Basil remained as President of Variant. Halatang-halata naman niya sa kapatid na wala itong ka-passion-passion sa ginagawa. Puro utak, walang puso. "Marami akong time para personal at harap-harapan kitang inisin. Ikaw, ang sipsip na si Jeanie at ang pa-strong woman kuno nating si Ate Daisy—"

"Enough, Lily," mahigpit nitong saad. Nakakapag-kontrol pa ito. Mababa ang tono ng pananalita ni Basil ngunit mabigat ang pagbabanta na kalakip niyon. "Just admit it already. Or else, I'll teach you a lesson you won't forget."

She lifted a corner of her lips, her eyes glared at Basil. "I am not admitting anything. Dahil wala akong dapat aminin tungkol sa bagay na 'yan."

"Make this easy for us. Especially for you, Lily." Lalong gumusot ang mukha nito. "Dahil kahit kadugo ka namin, hindi ka namin bibigyan ng special treatment. You either cooperate with me and fix this mess you made; or you'll get punished for it in a way that everyone will see. Para walang pumaris sa'yo at sa mga kalokohan mo."

"Bakit parang siguradong-sigurado ka sa binibintang mong iyan sa akin?" pinanlakihan niya ito ng mga mata. Kailan ba siya nagpadaig dito? "Mag-iingat ka, Basil. Baka mapalitan kita sa posisyon mo nang wala sa oras."

"All you need to do is to just admit it!" Medyo nawawalan na ito ng pasensya. "Aminin mo na lang na kagagawan mo ang lahat ng ito!"

"Asa ka," anas niya, pero hindi ginawa ang pagtataas nito ng boses. "Wala akong aaminin!"

Tumindig ito. "Let's go to your desk."

Tumayo na rin siya. "My desk? What are you planning to do? Maghahalungkat ng mga gamit ko roon? Ipapahiya mo ang sarili mo sa buong HR Department, Basil?"

She followed him with her eyes. Lumagpas ito sa kanya, sigurado ang mga hakbang papunta sa pinto. Napipilitang sinundan tuloy ito ni Lily. Yet her strides were still nonchalant. Mang-aasar ang ngisi sa kapatid na nagtitimpi na lang sa kanya.

"Wala kang makikita sa desk ko na may kinalaman d'on, Basil!" sikap niyang masabayan ang mabibilis nitong mga hakbang. It was pretty hard when wearing a pair of high heels. "You better retreat, dahil sarili mo lang ang ipapahiya mo."

Sumakay ito agad ng elevator. She stood outside and waited for Basil to change his mind. Pero dinaan siya ng kapatid sa pananakot. Mabilis nitong pinindot ang buton para sumara ang mga pinto. Nagmamadaling pumasok si Lily at muntikan pang maipit nang pintong sumara agad sa kanyang likuran.

"Grabe ka. Napaka-immature mo! You'll cause a commosion in our department!"

Lagpas sa kanya ang tingin ni Basil. "Matagal nang bulung-bulugan dito sa Variant na masyadong pa-special ang treatment namin sa'yo dito por que isa kang Marlon. Alam mo ba 'yon, Lily?"

Bumagsak ang kanyang mga balikat sa narinig.

Basil remained straight-faced, staring blankly at the aluminum doors behind her.

"Pero binalewala namin ni Ate Daisy dahil kapatid ka namin."

What is this feeling? Why did she suddenly feel... bad?

Guilty?

"You break our trust in you everytime, but we still chose to let you stay here." His eyes finally met hers. "But you're already getting too much."

"You trusted me?" pagak niyang kwestiyon sa pinangangalandakan nito. "Wow. Talaga lang, ha?" her voice slightly wavered with her sarcastic tone.

Basil finally lost it and stepped toward her. "Hindi ka magtatagal dito sa Variant, kung hindi namin pinapalagpas 'yang mga kalokohan mo, Lily!"

His eyes was sizing her like a weak opponent and she didn't like it.

"No, Basil!" Lily immediately stepped up for herself. Tinapatan niya ang galit sa mga mata ni Basil at dinuro ito sa dibdib para itulak palayo sa kanya. "Ako at ako lang ang dahilan kaya nandito pa ako! I decided to stay here! It's my choice to stay here! And even if you decide ages ago na paalisin ako sa Variant, hindi niyo ako mapapaalis! So stop bragging as if hawak ninyo ang desisyon kung mananatili ako rito o hindi!"

"At ano ang dahilan kaya nanatili ka rito?" pagtangis ng lalaki. "Para makahanap ng tiyempo kung paano pabagsakin ang negosyo ng pamilya natin?"

Napamulagat siya. She could not believe what she's hearing from him!

"You won't really learn if we don't teach you a lesson," pagpipinal nito dahil malapit na ang sadya nilang palapag.

As the doors opened, Basil slightly nudged Lily, making her step aside as he walked past her.

Napatitig siya saglit sa kawalan.

Tell me that this is all just a front, she talked to herself internally. Umaarte lang ang Basil na 'yon!

Lumabas siya ng elevator. Nakita niyang lumiko si Basil, nakapasok na sa HR Department. Lalo niyang binilisan ang paglakad.

Bakit ang lakas ng loob niyang halughugin ngayon ang desk ko? Ano ang malakas niyang ebidensya laban sa akin? Hindi naman ako ang may kagagawan ng post na 'yon! How could he be so sure!

Parang nabasag siyang salamin nang may napagtanto habang nasa kalagitnaan ng paglakad.

Dahil sa naisip, kusang huminto ang kanyang mga paa. Gumapang ang panlalamig sa buong himaymay niya.

Unless, they planted some sort of evidence to use against me! To frame me up!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro