Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Eight

"YOU MADE A PROMISE."

Basil eyed on Lily who just beamed at him.

"Come on, Kuya," gusto niyang pisilin sa pisngi ang kapatid pero mabilis itong umiling, inilag ang mukha.

"Don't come on me, Lily," nagtitimpi nitong wika.

Doon na siya sumeryoso. Mabilis na kumupas ang ngiti sa kanyang mga labi. She could not help a heavy sigh as she took the vacant seat beside the table where the lamp shade was. Nakapagitan ang mesang iyon sa kanila ni Basil na sinara ang binabasang libro.

"Hindi naman ibig sabihin na magsasama na kami ni Oliver, hindi na ako makakatulong sa business natin. Pwede mong ituloy pa rin ang planong ipasok ako sa Variant."

"You don't believe the things I tell you, Lily," balik ng tingin nito sa kanya. "And that will always be our problem dahil sa katigasan niyang ulo mo."

Buti na lang at solo nila ang library room sa bahay ng kanilang mga magulang.

"Ano ba ang problema kung magsasama na kami ni Oliver?" sandal niya. "Hindi pa naman kami kasal, meaning, if things don't work out, I can just leave him? Hindi pa kami kasal, so hindi pa conjugal ang properties namin. What else—"

Basil cocked his head to the side. "Mawawalan ka ng oras para sa Variant."

"Come on—"

He groaned, hinting that he was getting tired of her overused Come on.

"Dahil nasa iisang bubong na kayo, ano ang ie-expect sa'yo ng Oliver na 'yon? He'll expect you to act like a wife, to treat him like a husband. And what does most husbands expect from their wives? Ang magluto, maglaba, mag-asikaso—"

Tumaginting ang kanyang malutong na halakhak.

"You're so old school, no, Kuya Basil? That's not how it works for Oliver and me!"

"Ano ang ibig mong sabihin? Kanya-kanya kayong luto ng pagkain? Kanya-kanyang hugas ng pinggan at labahin?" sarkastiko ang ngisi nitong nakataas lang ang isang sulok ng labi. "At some point, you'll see what I mean. Unti-unting iikot ang mundo mo sa buhay ninyong dalawa. Sa pagpapamilya. You won't have any spare time for Variant."

"You think so? What about Ate Daisy? Siya nga, nakaya niya. Kasal pa sila niyan ni Kuya Greg."

Basil pointed a finger at her. "Pinagbigyan na kita nung binoyfriend mo ang lalaking 'yan kahit ayaw sa kanya nila Mama at Papa. Pinagbigyan na rin kita sa mga trip mong huwag magtrabaho pagka-graduate mo. At ako ang umako halos lahat ng gastusin mo para hindi uminit ang bunbunan nila Mama. Huwag mo nang dagdagan ang sakit ng ulo ko."

"I'll work for Variant, okay?" she reached for his arm and gave him a reassuring pat on it. "At ayaw mo n'on? Hindi na ikaw ang sho-shoulder sa finances ko. From now on, Oliver and I will depend on each other." Pinasigla ni Lily ang boses para maging at-ease na ang kapatid. "Magsasarili na kami, Kuya Basil!"

Nag-iwas si Basil ng tingin.

"Hindi ba, gusto mo nang i-pursue 'yong coffee shop business mo?"

She saw interest spark in his eyes, but he remained looking somewhere far away. Pensive.

"Let me get used around Variant for a few years. Two years tops," pangungumbinsi niya rito. "During those two years, pwede mo nang unti-untiin ang pag-asikaso sa business na 'yan. Para kapag ako na ang pumalit sa posisyon mo," her smile became encouraging when Basil glanced at her, "sakto, pwede mo nang i-launch ang coffee shop business mo. At the same time, pwede ka nang mag-resign n'un at magfocus doon."

"Alam mo, hindi naman 'yang coffee shop na 'yan ang inaalala ko. Ikaw," paniningkit ng mga mata ni Basil sa kanya. "Sila Mama at Papa, iniisip na nilang wala nang maaasahan pa sa'yo. Ikaw naman, para kang walang pakialam sa mundo. Puro gusto mo lang ang ginagawa mo. You have the least concern with being stable, Lily. You're not the slightlest worried about your future."

She shrugged and rested her back against the seat. "Huwag mo na masyadong intindihin 'yang sila Papa at Mama. Masyado lang mataas ang expectations ng mga 'yon." Binigyan niya ng magaan at nanunuksong ngisi ang kapatid. "Kayo kasi ni Ate, eh. Masyado niyong ginalingan. Akala tuloy nila, genes ng mga genius ang genes nila. In-expect tuloy nila na magiging tulad ako ninyong dalawa ni Ate Daisy."

Tanggap na naman noon pa ni Lily na mababa na ang tingin ng mga magulang sa kanya. Tanggap na niyang walang tiwala ang mga ito sa kanya. Hindi siya tulad ng kanyang mga kapatid na nakakapag-uwi ng mga medal o honors galing sa school. Ni hindi niya naranasang mapasama sa top students. Ilang beses na siyang na-principal's office at nahuling mag-cutting na siyang dahilan ng pagiging sakit ng ulo ng kanyang mga magulang. Tanggap na rin niyang hindi maiintindihan ng mga ito na wala siyang interes sa pag-aaral. Wala siyang interes sa mga nego-negosyo. Wala siyang interes sa mga seryosong bagay.

Gusto lang niya ma-enjoy ang buhay. Gusto lang niyang i-pursue ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. How could things so simple be so hard for others to understand? Kinakaaliwan niya noon ang pagdo-drawing, hindi pagpipinta kundi simpleng pagdo-drawing, pero wala raw pera sa ganoon. So, she took her parents' suggestion to not pursue it. It's just Lily, she has this knack of taking another person's suggestion to prove them wrong about that suggestion. And she was enjoying proving her parents wrong, by showing them that being able to draw is not the only factor to be a worthless scum. She took a business course and graduated, but ended up a bum.

Kaya heto siya ngayon, pasanin ng nag-iisang tao na naniniwala pa sa kanya.

Ang kanyang Kuya Basil.

"When you start living-in with that Oliver," mahigpit na desisyon ni Basil, "from then on, ikaw na ang bahala sa sarili mo. Ginusto mong mag-asawa, dapat kaya mo na ang sarili mo. Maliwanag?"

She gave Basil a confident smile. "Kayang-kaya ko na, Kuya Basil."

She was young back then. Dumbed by love. She thought love alone can make her able to take on anything. Lalo na at dahil sa pag-ibig ay hindi ka mag-isa. Kasama niya si Oliver, kaya malakas ang kanyang loob noon na kahit ano ay kakayanin niya. The promise of a better future with Oliver blinded her at that moment.

It made her overly optimistic.

But what if, the one who should be side by side with you to face the challenges in life... becomes the challenge she had to face? Becomes the one who leaves her alone?

Bagsak ang kanyang anyo nang magpakita kay Basil. It had been weeks before she decided to leave that house where she used to live in with Oliver. Bitbit niya ang isang malaking bag nang pagbuksan nito ng pinto. Pinapasok siya nito sa condo. Napaiyak siya sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag sa kapatid.

She thought that would crush his heart. She thought Basil would change his mind about what he said before she began living in with Oliver.

Tinukod nito sa magkabilang balakang ang mga kamay. Napailing-iling.

Kita niya ang pagtatalo sa mga mata nito. Hindi ito makatingin sa kanya. Tiyak niyang ganoon dahil awang-awa ito sa kanyang kalagayan. Kapansin-pansin din ang pamamayat niya.

"Get yourself together, Lily. Get yourself together, pwede ba?" he muttered lowly.

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin, pinunasan ng kamay ang mukha bago naalala ang binulsang panyo. She pulled it out from her skinny jeans and wiped her face dry. Sa huli'y suminghot siya sa panyong iyon bago pabalunbon na sinuksok muli sa bulsa.

"Ano ngayon ang plano mo?" tanong sa kanya ni Basil nang makahuma.

Napatingin siya sa kapatid.

"Dahil hindi mo tinupad ang pinangako mo sa akin at nagbago ang isip mo tungkol sa pagta-trabaho sa Variant," malamig nitong patuloy, "wala kang trabaho ngayon."

"Yes," pinatatag niya ang sarili. "So, I am wondering if..." tumigil siya saglit dahil parang manginginig ang kanyang boses. Nang maramdamang makakapagsalita na siya ng maayos, nagpatuloy siya. "I'm wondering if there is any vacant position at Variant."

"Kailan mo balak magsimula magtrabaho?" nasa kanya lang ang mga mata nito.

"Right away," matapang na nanatili ang tingin niya sa mga mata ni Basil. "ASAP."

"Are you even in the right headspace right now?"

"O-Of course."

Bakit ganito? Parang siya mismo, hindi rin kumbinsido sa kanyang dineklara.

"Saan ka uuwi? Dahil may usapan na tayo, 'di ba? Na sa oras na sumama ka sa Oliver na 'yon, hindi na kita susuportahan."

Kinapalan na niya ang mukha. Kailangan. Dahil alam niya kung ano ang maririnig mula sa mga magulang. Alam niyang wala siyang mapapala sa mga iyon.

Ang kanyang Kuya Basil... malambot ang puso nito para sa kanya. Siya ang dehado sa sitwasyong ito. Siya ang niloko. Siya ang biktima rito. Mauunawaan siya ng kapatid.

"Kuya, for one last time—"

"The last time is the last time, Lily," salubong ng mga kilay nito. "That and nothing more comes after that."

Nagbaba siya ng tingin. Nanlumo. Basil has never rejected her before. Among her siblings, it was always him who got her back. Bakit ganito? Hindi siya makapaniwala. Ang bilis niyang pinanghinaan ng loob.

"Disappointed ka na rin sa akin, Kuya Basil..." matamlay niyang wika.

"Of course, I am," humina ang boses nito pero mahigpit pa rin. "Dahil pang-ilang beses na ito, Lily."

She felt her lips quiver.

"Everytime you make a mistake, ako lagi ang tagasalo. I'm getting so sick of it."

She clenched her fist. "Oo, Kuya. And now I just realized, bakit nga ba lagi mo akong sinasalo? Is it because you want to make it easy for you?"

"What are you talking about?"

Lily brazenly met his puzzled eyes. "To make it easy for you. Getting on my side will make it easy for you to leave Variant, right? Kung maging sunud-sunuran mo ako, papalit ako sa posisyon mo roon. Magkakaroon ka na ng excuse para sa coffee shop mo."

"How dare you accuse me of that? Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin? You're assuming now that I am being a user. Dahil lang sa hindi ko pinagbigyan ang gusto mo this time?"

"At ano naman ang tingin mo sa akin? Abusado?"

Alam ni Lily na siya ang nagkamali. Siya ang kumulit dito na suportahan ang relasyon nila ni Oliver noon dahil ayaw ng mga magulang niya rito. Siya ang nagkamali ng pagkakakilala kay Oliver. Siya ang nagpapasok sa isang manloloko sa kanyang buhay. Dapat tumahimik na lang siya. Dapat tinanggap na lang niya ang mga sermon ni Basil, pero awtomatikong lumabas ang mga depensa sa kanyang mga labi. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. Sa kanyang mga mata siya ang nasaktan. Siya ang niloko. Siya ang inapi. Bakit ganito siya itrato ng kanyang Kuya Basil?

"Oo!" he blurted.

"Do you think, gusto ko itong nangyari?"

She wanted to scream it to his face that she's the victim here. She's the one who's hurt! Siya ang iniwan! Siya ang niloko!

"It's not about what you want, Lily! Oo, posibleng hindi mo ginusto! But you allowed this to happen!"

This is not making any sense. This isn't right. Naririnig siya ng kapatid pero hindi talaga napapakinggan. Natulad na rin ito sa kanyang mga magulang, sa kanyang Ate Daisy...

They can hear her, but no one really listened to her.

Lily found herself walking on the hallway of that condominium building. Pinanlalambutan na siya ng mga tuhod dahil hindi sanay makipagsagutan sa kanyang Kuya Basil, pero kailangan niyang ipagpatuloy ang paglalakad.

Pagkatapos umalis sa tinitirahan ng kanyang Kuya Basil, hindi lubos-maisip ni Lily na magkakaroon pa siya ng mukhang ihaharap sa mga magulang.

Ng lakas ng loob na pumunta sa bahay ng mga ito.

"Hiwalay na kami ni Oliver," bungad ni Lily sa ina nang puntahan nito sa salas.

Nakasilip sa likuran ng kanyang nanay ang kanyang tatay. Nang marinig ng lalaki ang kanyang sinabi, pumihit ito at pinanhik na ang hagdan pabalik sa kwarto nila.

As expected, her father heard her, but he didn't really listen.

No one in this family really listens to her side.

Naiwan si Lily kasama ang ina. Hindi man lang siya inalok nito ng upuan.

"Wala kaming ginalaw na gamit sa dati mong kwarto," anito, ni hindi man lang nito makuhang magpakita ng pagkadismaya sa kanya. Hindi na dahil sobrang sanay na ang ina na lagi siyang may problema. "Matulog ka na."

Lily lowered her eyes while her mother turned and followed her father back to their bedroom.

Ganoon kadali at ganoon lang kasimple ang mga nangyari. They never made a big deal out of it.

At kinabukasan lang napagtanto ni Lily kung bakit parang wala lang sa mga magulang niya ang kinahinatnan nila ni Oliver.

Lily just got out of her room, wearing a pair of pink pajamas and blouse when she saw her mother. Suot pa rin ng kanyang ina ang blue green nitong night gown na abot-sakong. Nakaladlad ang alon-alon na buhok. Asikasong-asikaso nito ang kanyang Ate Daisy. Sinundo kasi ito ng kanilang nanay mula sa kwarto nito para yayaing mag-almusal.

Kita niya ang pamumugto ng mata ng mga kapatid. Walang buhay ang mga hakbang, bagong gising sa suot nitong shorts na puti at may kalakihang t-shirt na maroon. Saglit lang iyon dahil pagkalabas ng pinto, tumalikod na ang dalawa mula sa kanyang direksyon. Naglakad ang mga ito palayo sa kanya.

Nang sabay-sabay silang mag-almusal, parang hindi ramdam ng mga ito ang kanyang presensya.

"Magbabayad ang lalaking iyon," galit pero mababa ang tono ng pananalita ng kanyang ama. "Pwede mong kasuhan ang Greg na 'yan, Daisy."

"I really can't believe you'll experience something this horrible," iling-iling ng kanilang ina, nag-aalala ang mga mata na pasulyap-sulyap sa katabi ni Lily na si Daisy. "How could that bastard do this to you? Ano pa ba ang kulang sa'yo para magkaroon ng lakas ng loob ang walanghiyang iyon na lokohin ka?"

"Sus," pagak niyang saad at ngumisi. "Wala 'yan, Ate Daisy. Trust me, hindi mo rin panghihinayanganan ang gagong Greg na 'yan."

Her only intention was to lighten things up on the table. She only wanted her sister to belittle the problem so she can deal with it easier.

But as usual, all her parents did was hear her, but not listen closely.

"Shut up, Lily," her father sneered. "This is not like your live-in bullshit. Kasal ang ate mo sa Greg na 'yon, malaking problema itong ginawa ng hayop na iyon sa kapatid mo, naiintindihan mo?"

"Why is it such a problem?" bagot niyang tingin sa ama. At sa kauna-unahang pagkakataon, doon na rin siya natutong lumaban, kumapal ang mukha at maging matigas. "Kasal sila. May mga dokumentong pwedeng gamitin ang Ate para pagbayaran ni Greg ang pangangaliwa niya. Pwedeng-pwede niyang kasuhan si Greg. Eh, ako kay Oliver? Wala. Therefore, sino ang may mas malaking problema sa amin?"

"Bakit? Sino ba ang tanga na pinagpilitan ang pakikipagrelasyon niya sa taong ayaw namin para sa kanya?" bwelta ng kanyang ama.

"Hindi ako tanga," anas niya.

"Prove it."

Nagtaas-noo siya. "I'll prove it alright."

By ruining your lives, Lily continued at the back of her mind.

So the first thing she did is mending her broken heart and crushed spirit. Hindi makakalaban ang isang madirigma kung hindi handa, kung wala sa kondisyon at kulang sa training. Walang paalam siyang umalis ng Pilipinas at namasyal sa iba't ibang bansa. She used her parents' money, splurged herself with it. Gusto nilang matuto siyang tumayo sa sariling paa? Then, they'll get it. She'll make them wonder what she's doing with her life on the big world out there. Wala siyang sinagot sa mga tawag o chat ng mga ito.

At iyon ang unang tagumpay niya laban sa mga ito. Nung mga panahong iyon, una niyang naitanim sa kukote ng mga ito na hindi siya kasing tanga ng iniisip ng mga ito.

Kayang-kaya niyang gastahin ang pera ng mga ito nang walang kalaban-laban.

Dahil ang alas niya, kinamumuhian niya ang mga ito. At sila naman, hindi siya kayang tiisin. Na kahit anong tigas ng kanyang ulo, sa huli, hindi siya mapabayaan ng mga ito. Dahil sa isip ng mga ito, isa siyang tanga na hindi kayang buhayin ang sarili.

So Lily used that to her advantage to enjoy her life.

Doon niya naintindihan kung bakit bukambibig ng mga ito ang maging independent at stable. Ang sarap pala mabuhay kapag palagi kang may perang magagastos. Ang sarap pala mabuhay kapag walang mga tao sa paligid mo na may kung anu-anong sinasabi tungkol sa'yo. Ang sarap pala mabuhay kapag mag-isa ka kaya malayang gawin lahat ng gusto mo.

But if her brother and parents could not do it, life would this time. God would.

He would teach her a lesson.

Ilang araw na ang nakakalipas mula nang makumpirma ni Lily sa kanyang OB Gyne na buntis siya. Nahirapan siyang makontak si Oliver para makausap ito tungkol doon. Nagdeklara na rin siya ng giyera laban sa mga magulang at kay Daisy.

She was left with no choice but to try again with Basil.

Pumayag naman ito makipagkita sa kanya sa isang coffee shop.

"I'm pregnant."

"Sino ang tatay?" walang buhay nitong saad habang iniisa-isa ang mga nakalista sa hawak nitong menu card. Dahil expected na ni Basil na problema ang lagi niyang dala, hindi na ito nagugulat pa sa anumang sabihin niya.

"Si Oliver."

"Gaano ka kasigurado? Nagpakasarap ka raw lately sa iba't ibang bansa, 'di ba?" his underlook glared at her. "Iyong iba, island hopping lang ang trip. Pero ikaw, matindi, country hopping. Ibang klase ka rin talaga."

Pride tinged her tone. "Well, you guys wanted me to be independent, 'di ba? Ano ngayon ang problema mo kung nangibang-bansa ako at namuhay doon ng ako lang?"

"Independent? Halos ubusin mo ang savings nila Mama!" panlalaki nito ng mga mata sa kanya. "Sa pension na nga lang sila kumukuha ng pera ngayon tapos—"

"Huwag mo nang ibahin ang topic, pwede ba? I don't want to hear another sob story about our parents, Basil," she leaned close to the table, secretly felt her not-yet-visible bump. "Tutulungan mo ba akong makausap si Oliver o hindi?"

His eyes narrowed at her suspiciously. "Baka naman mamaya, dahilan mo lang 'yan para makipagbalikan sa'yo si Oliver."

"Why would I want that wimp back in my life?" she scoffed. Maisip lang niya noon si Oliver, kumukulo na ang kanyang dugo.

"Exactly," tuwid nito ng upo. "Why would you? Hindi mo ba kayang itaguyod ng mag-isa 'yang bata?"

She was only tightlipped for a minute. "Imagine, ang gagong iyon, nagpapakasaya, tapos ako lang ang nag-aalaga sa anak namin? Where is the justice in that? Hindi ako makakapayag na niloko na nga niya ako, madadamay pa sa pagkukulang niya ang anak ko."

"As if, you did not allow that to happen," iling ni Basil bago binalik ang tingin sa menu.

Her blood boiled. "Why do you keep saying that? Na hinayaan ko mangyari lahat ng bagay na ayoko namang mangyari? Why is it me who is always the blame here? Bakit ako pa ang may kasalanan na nagkaganito ang buhay ko?"

"Dahil hindi naman desisyon ng ibang tao ang nagpapatakbo diyan sa buhay mo, Lily. Ikaw lang ang may hawak niyang buhay mo," kontrolado nitong wika, pigil na pagtaasan siya ng boses sa panenermon nito.

Such bull. Bakit hindi na lang aminin sa kanya ni Basil na wala na itong tiwala sa kanya? That would be easier instead of trying so hard to justify his arguments with nonsense!

"Hahanapin ko pa rin si Oliver. And you'll help me contact him and meet him. Tanggap ko nang wala na kami, pero hindi pwedeng wala akong makukuhang pera sa kanya. Lalo na kung para sa anak ko."

Napailing din si Basil, pero mabilis na sumuko. "Fine. But I'll only do this if you'll work in Variant."

Naningkit ang mga mata niya. "You want me to work there now?"

"Oo. Para hindi ka na maging sakit sa ulo nila Mama. Simula kasi nung makitira ka ulit sa kanila, kinukulit na nila akong ipasok ka sa Variant para hindi laging nakikita 'yang pagmumukha mo sa bahay."

Ang sasama talaga ng ugali ng mga ito. Por que mga walang mapakinabangan sa kanya parang basura na ang trato sa kanya.

But knowing that she's going to have a baby soon, Lily decided that she has one more reason now to keep fighting and fighting back as well.

"That's actually a good idea," nang-iinis ang ngisi at tono niya. "Kasi, sawang-sawa na rin ako na laging nakikita ang mga pagmumukha nila sa araw-araw."

Disbelief washed all over Basil's face, then his jaws tensed.

"Now go before I lose my appetite for coffee. At kung maaari, huwag mo akong kulitin nang kulitin para i-update ka. Busy akong tao. Tatawagan na lang kita kapag may balita na tungkol sa Oliver na 'yon."

Hindi na hinintay pa ni Lily ang ipagtabuyan siya lalo ni Basil. Tumayo na siya.

"Ciao," pihit niya agad patalikod dito.

Manginig-nginig siya sa galit habang nag-aabang nung araw na 'yon ng masasakyang taxi pauwi.

Pinakonsuelo na lang niya ang sarili sa isiping masasanay din siya. Masasanay din siya na malamig na ang pakikitungo sa kanya ni Basil. Masasanay din siyang wala na ni isa mula sa kanyang sariling pamilya ang nagmamahal sa kanya.

.

.

THAT'S MY SISTER'S STORY, pagtatapos ng mahaba-habang pagnonobela ni Basil.

Nakabalik na ang presidente ng Variant sa opisina nito. Sa katahimikan ng silid, nakasandal ito sa swivel chair habang kausap si Jared sa telepono. Nakaipit naman ang cordless phone sa pagitan ng leeg at tainga ni Jared.

Nung mag-walk out kanina si Lily, sumunod na rin sa pag-alis ng HR Department si Basil.

Check her dummy account, instruksyon ng kapatid ni Lily sa kanya bago siya nito nilagpasan. Send me printscreens via email.

Tiyak ni Jared na umalis na lang din agad si Basil para hindi makaabala lalo sa mga nagta-trabaho roon. He wondered if Basil would follow Lily and talk to her privately. Pero nung tumawag ito sa telepono sa desk ng babae para kausapin siya, nakumpirma ni Jared na mali ang inakala niya.

Nang matapos si Basil sa pagkukuwento, saktong napahinto si Jared sa tagged photo na nasa Facebook wall ng profile noon ni Lily. Iyon muna kasi ang una niyang inisa-isa. At saka na niya isusunod ang mga albums nito.

That tagged photo was composed of Lily, her family, and Oliver.

Malaki at inosente ang ngiti sa mga labi ni Lily. Her eyes even twinkled against the camera's flash while she held out a round chocolate cake that has a lighted candle on it. Hindi halata sa kanyang mukha, pero nasa mga mata ni Jared ang inggit. Nakaraan na ito ni Lily, pero medyo masakit sa kanyang isipin na may ibang lalaki at ibang nauna sa kanya na pagningningin ng ganoon ang mga mata ng dalaga.

She had her hair dyed in light blue on that photo. She looked so young, with a rounder face but slim bodied.

And her slim body was hugged by that fucking Oliver who stood behind her. That cheater's chin rested over Lily's shoulder. His smile— small and conscious.

Dahil sa kinuwento ni Basil, naunawaan ni Jared kung bakit ganoon ang ngiti ng lalaki. Nasa presensya kasi ito ng pamilya ni Lily. At alam ng Oliver na iyon na sa umpisa pa lang ay naaamoy na ng pamilya ng dalaga ang umaalingasaw na baho ng pagkatao nito.

Masaya ang ngiti ng nanay at ate ni Lily. Pero nakapwesto sa likuran nila Lily at Oliver. Nasa bandang likuran din ang ama ni Lily, masaya ang mata pero sinadyang huwag ngumiti sa camera. Kapansin-pansing wala si Basil. Pero dahil si Basil ang uploader ng litrato at naka-tag lang sila Lily, nahinuha na niyang wala ang lalaki dahil ito ang kumuha ng litrato.

Lily's family made it obvious in this picture that they don't like Oliver at all.

Jared tried to keep his voice as low as possible. He finally responded to Basil.

"What about the baby?" he asked discreetly. Walang sinuman sa HR Department ang dapat na makarinig nito. "What happened to the baby?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro