Chapter Fifty-Six
MAY NATANAW SI LILY. Parang pamilyar sa kanya kaya sumilip siya agad sa bukas na bintana ng sasakyan.
"Shit," she muttered lowly before putting her head back in.
Napapalo siya sa manibela ng sasakyan bago dinampot mula sa cup holder ang namamawis niyang iced coffee. Matabang na iyon dahil tunaw na yelo na lang halos ang laman. Pero napainom siya para ibsan ang inis, bagot at tensyon.
She just saw Jeanie.
And she saw Jeanie see her.
Pagbaba ni Lily ng cup, binalik niya sa harap ng tingin. Malala pa sa multo ang pinsan dahil, malapit na ito sa kanyang kotse.
"Shit, shit, shit," she scrambled around for her shoulder bag. Why the fuck was she even searching for it? Nakasalpak na pala sa susihan all along ang susi ng kanyang sasakyan.
Ang kailangan na lang niyang gawin ay pihitin iyon para buhayin ang makina, pagkatapos, nakatayo na pala si Jeanie sa tabi ng kanyang bintana kaya binaba ni Lily sa manibela ang mga kamay at umaktong walang kamalay-malay sa presensya nito.
She drummed her fingers on the steering wheel, imagining herself jamming to a chill beat before moving her eyes toward Jeanie.
Sumilip ang babae sa kanyang bintana. Talagang yumuko para makita ang kanyang mukha. Napipilitang humarap siya rito. Sarkastiko ang ngisi niya rito.
"Talagang sinilip mo pa ako rito sa loob?" mataray niyang bungad dito.
"What brings you here, Lily?" nasa himig nito ang pang-iinis. Nagkukunwari pang walang muwang. "Why are you in your post in there? Sa Variant?"
Sumandal siya sa backrest, tinaasan ito ng isang kilay.
"I should be asking you that. Office hours pa ngayon, bakit namamasyal ka rito sa labas?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Tapos, kapag ako naman ang out of post, ang init-init ng ulo niyo sa akin."
Jeanie scoffed, stepped back so she could still see her even without lowering down her head. That's when the view of her cousin restretched in visual perspective— tight white pants and a fitting button-down blouse in a bright shade of blue. Unat na unat ang pagkakabagsak ng itim nitong buhok.
Her cousin's lips stretched into a wicked smile. "I just left something in my car. I didn't expect you're here. Don't tell me, dito ka na naka-assign ngayon. Tagabantay ng parking lot!" Binuntutan iyon ng malutong nitong pagtawa.
"So stupid. Sa sobrang kabobohan mo, natatawa ka na sa mababaw mong joke," she shook her head in disgust.
"Oh, yeah," mocking still tinged Jeanie's tone, "paano ka nga naman pala matatawa, mahirap tumawa kapag minamalas sa buhay." Nagtaas-noo ito at hindi siya binigyan ng pagkakataong masagot ito. "So, tell me, ano pa ang ginagawa mo rito? Nag-fail kang ma-sabotage ang Variant kaya maga-attempt ka na naman?"
Lily rolled her eyes.
"Hindi mo masisindak si Basil," patuloy nito. "O ang kahit sino sa Variant, Lily. May pasugod-sugod ka pang nalalaman. Sarili mo lang ang pinapahiya mo."
Tinuon niya sa harap ang tingin. To be honest, Jeanie was only a waste of time to argue with. Nagdadalawang-isip pa nga siya kung papatulan niya dahil ganoon kawalang-kwenta makipagtalo rito.
Kaya lang bored na bored na siya sa paghihintay ng resulta ng pagsugod niya kanina sa Variant. Hindi napigilan ni Lily na paglibangan ang pinsan.
Binalik niya ang tingin dito habang abala ang kamay sa pag-start sa kotse.
"Don't be so threatened, Jeanie," ngisi niya rito. "Never kong maaagaw ang posisyon mo rito sa Variant dahil, wala naman akong maaagaw sa'yo. Same thing as the fact, na never kong inagaw sa'yo si Oliver. It's him who chose me over you years ago." Her smirk grew condescending as she stepped on the gas while the windows are slowly starting to automatically roll up.
Sumulong ang kanyang kotse ng kaunti, niliko niya ng kaunti at nang tumutok ang puwitan niyon sa direksyon ni Jeanie, sinadya niyang pangalitin ang motor ng sasakyan. Naglabas tuloy iyon nang naglabas ng klaro ngunit mabahong usok.
"You son of a bitch!" gigil na tili ni Jeanie, napapadyak bago napaubo sa pagpapausok niya rito.
"Daughter," Lily evilly chuckled in correction.
Hahabulin pa sana siya ng pinsang nangangalit kakasigaw ng kung anu-ano sa kanya. But she could not hear the words clearly anymore. Bukod sa sarado na ang mga bintana ng kotse, pinabilis na niya ang takbo niyon. Pasilip-silip siya sa rearview mirror, lumalapad ang ngiti habang paliit nang paliit ang larawan doon ni Jeanie.
Kung kailan naman nagmamaneho na siya, doon pa siya naisipang tawagan ni Jared.
Walang mahihintuan o mapaparadahan si Lily, kaya wala siyang choice. She had to ignore Jared's phone call for about thirty minutes before she got caught in a traffic. Panay ang silip niya at tantya kung matatagalan ba ang usad ng mga sasakyan. Nang makasigurado, dinampot niya agad ang cellphone na naiwang nakapatong sa dashboard.
With one hand on the steering wheel, she pressed the phone close to her ear.
Naghintay si Lily, pero si Jared naman ang hindi sumasagot sa kanyang tawag.
Sunod niyang ginawa ay i-check ang mga messages. Pati mga online chat.
"Bakit hindi na lang niya ako minessage kung para saan 'yong pagtawag niya," her impatience was evident.
Siya na lang ang nagtext sa lalaki.
I'm driving. Don't call. Just wait for my call. Lunchbreak.
Pagbalik ng cellphone sa dashboard, ilang minuto pa ang hinintay niya bago umandar ang mga sasakyan sa kanyang unahan. Lily continued driving.
.
.
NASA RESTAURANT SI LILY. Buti naanyaya pa niya si Beta na sabayan siya sa pagtatanghalian. Gusto man niyang si Jared ang makasama, hindi naman niya ito mayayayang kumain kung saan malayo sa Variant. She wanted to be far from that place as possible. Lalo na at may ginawa na naman siyang kalokohan kay Jeanie. For sure, that woman would start surveillancing the whole building just to easily find her when she gets there.
Tapos na silang um-order, naghihintay na lang i-serve iyon nang i-excuse niya ang sarili. Oo, gumamit naman siya ng ladies' room. Pero dinahilan lang din niya iyon para tawagan si Jared tulad ng pinangako niya.
It took a while before he managed to answer.
"It took you time," bungad ni Lily sa pag-hello ni Jared.
Sorry. I'm in the middle of using it when you called.
Nasa banyo rin pala si Jared. Saktong umiihi pa raw nung tumawag siya. Lily stifled a laugh, but her lips already curled into a naughty grin.
Napasandal siya sa tiled na pader ng mabangong banyo. Pang-isahang tao lang iyon kaya palagay ang loob ni Lily na kausapin doon si Jared gamit ang normal na lakas ng kanyang boses.
"Nakapaglunch ka na ba?"
Yes. Katatapos ko lang. How about you?
"Naghihintay pang i-serve," tagus-tagusan ang tingin niya sa kaharap na salamin. All Lily could do was imagine talking face to face with this gorgeous man. "Nabusog ka ba?"
Of course. You know I don't stop until I'm full.
Bwisit na lalaki. Bakit naglilikot ang imahinasyon niya sa mga sinasabi nito?
"Of course... you don't," pumipilya ang kanyang pagkakangisi.
Stop that. I know you're already grinning there.
"How did you say so?" mahina niyang tawa.
That tone.
Doon na niya pinalaya ang magaang pagtawa. "You're just such a tease, Jared. How can you say normal words and make them sound... seductive?"
If that's my intention earlier, I can give you an answer. His voice was soothing, he was explaining himself while his tone remained gentle. But I am not seducing you earlier. So I suppose, you should answer that. What made you think I am seducing you?
"I don't know. I must be crazy. So crazy over you that every little you do is a seduction to me."
Lily, pagseseryoso nito, biglang may naalala, kanina, tinatawagan kita para abisuhan ka.
"About what?" alis niya sa pagkakasandal sa tiled na pader.
Later in the day, you might receive an invitation from the HR. Papupuntahin ka rito sa Variant para sa isang meeting. In this meeting, you will be given the floor to explain your side. Regarding ito sa issue nung mapanirang post tungkol sa Variant.
"Why are you telling me this ahead of time?" kunot ng kanyang noo. "Aren't you being biased about this? Didn't you just tell me that when it comes to your work, you'll do your job honestly?"
I said, I want to do the right thing. That's what I said Lily.
The right thing... Is the right thing different from doing an honest job?
I don't feel good about this meeting. So I want you to be prepared. That's all.
"Bakit? What's possibly in store for me in this meeting?"
Nanahimik si Jared sa kabilang linya. Nakaramdam na naman siya ng kawalan ng pasensya.
"You're not going to tell me, are you?" pamewang ng isa niyang kamay.
I can't. Confidential ang pinag-meetingan namin tungkol dito, Lily.
She sighed. "I understand." Then she closed her eyes. "Paghahandaan ko. Maraming salamat sa pag inform agad sa akin."
I'll see you at home then.
Home... Jared just called her house his... home.
Napangiti siya. It was a soft smile that touched her cheeks with a gentle pink.
"Sure. I'll wait for you."
Where?
Naguluhan siya. "Ano'ng where? Sabi mo, home, so, doon tayo magkikita mamaya."
Well, it's home wherever you are, so... where are you going to wait for me?
Bwisit na lalaki. Dinaan na naman siya pagiging hopeless romantic na ewan nito.
Ewan kung bakit nangingiti siya. Mag-isa lang naman siya sa ladies' room na iyon, pinipigilan pa niya ang paglapad ng ngiting iyon.
"Is it okay to have a fun night out on a Monday?" she sighed. Napasandal ulit siya ng patagilid sa tiled na pader, kita sa sariling repleksyon sa katapat na salamin ang paglambot ng kanyang mukha. "Let's go to this lifestyle centre and check out their restaurants. Hihintayin kita sa isa sa mga bench doon. 'Yong nakaharap sa fountain."
Which lifestyle center? Where?
"Send ko sa'yo link nung Google Map nung location, Jared baby," she smiled like a winner.
.
.
NAGPAALAM SI JARED NA MAAGANG AALIS NG VARIANT. Pagkatapos mag-lunch, tinapos lang niya ang written report ng evaluation niya tungkol sa working environment ng Variant. Gayundin ang partikular na obserbasyon sa mga taga-HR Department. Siya na rin mismo ang nagprint out ng mga iyon at personal na nagpasa kay Basil bago umalis.
Dumiretso siya sa gusali kung nasaan ang kanyang opisina.
Walang appointments tuwing Lunes, pero nasa pwesto pa rin nito si Heidi, ang kanyang assistant, para tumanggap ng mga tawag. Kung wala namang tawag, nag-aayos ito ng mga files at records. Sinisiguradong alphabetically arranged.
Pagdating na pagdating ni Jared sa opisina, sinabayan siya ni Heidi hanggang sa desk nito. Naiwang nakatayo sa tapat niyon ang babae. Si Jared naman, nilapag saglit sa gilid ng desk ang crossbody bag bago naglahad ng kamay. He pointed a visitor's chair for Heidi. Sinabayan siya ng assistant sa pag-upo.
"You already received my emails," aniya rito, seryoso.
Medyo matamlay ang mga mata ng babae. Tuwid na nakaupo at presentable sa ngalan ng trabaho pero naglalaro sa isip nito ang panghihinayang.
"Nareceive ko, Sir Jared." Nagkaroon pa ng pagtatalo sa isip nito nang nagbaba ng tingin. She suddenly looked up and caught his eyes. "Sigurado ho ba kayong ire-refer niyo na sa ibang psychologist ang mga pasyente ninyo?"
Napatitig siya saglit sa babae. She may seem plain in her uniform and a pigtail, but working with her for years just proved that she's beyond that simplistic attire. Heidi is very receptive.
"In my judgment, it is the right thing to do."
"I don't think, nagbabawas ka lang ng workload. O hindi mo kayang i-handle 'yong mga client na ire-refer niyo sa iba. Lahat kasi ng clients ninyo, ginawan niyo ng letter."
Binigyan ni Jared ng matamang tingin sa mga mata si Heidi. "Let's just say, I am at this point in my life where I have to admit my vulnerability."
Nanatili itong tahimik, nakikinig sa kanya.
"You see, Heidi," sandal ni Jared sa swivel chair, "as a psychologist, I have to always encourage my patients. Na kaya nilang gawin ang mabuting bagay, ang kung ano ang tama. Na kaya nilang mag-open up at ayos lang maging mahina. And all this time and in my case, I'm the very person who doesn't heed those things. I just think it's time I walk the talk, you know?"
"Ibig sabihin, magku-quit ka?"
"Not really," he smiled faintly. "I can't. Hindi man ito ang propesyong ginusto ko para sa aking sarili noong una, natutunan ko rin siyang mahalin. Iba sa pakiramdam kapag nandito ako sa upuang ito, kapag pinakikinggan ko ang saloobin ng mga kliyente ko. 'Yong alam kong pinagkakatiwalaan nila ako at naniniwala silang pinapakinggan ko sila." Jared lowered his eyes, he just could not help the sentimental feeling. "I'm just going to take a break. Quite a long break. That's all."
"Your clients. I'm sure, hahanap-hanapin ka nila."
Tumuwid siya ng upo at binuksan ang crossbody bag. "Yes. Lalo na at may na-establish na kaming koneksyon ng mga kliyente ko. Even I will wonder from time to time during my break how they're faring." Nakuha na niya mula sa bag ang sadya. Jared gave the black thing a careful look. "Pero last week ko pa sila nakausap, sa duration ng sessions namin." He placed a USB flashdrive on his desk, close to Heidi. "May iba pang kailanga kong kausapin kasi wala silang scheduled session sa akin last week." Then, Jared motioned for the USB flashdrive on the desk. "Please, get the referral letters file printed. Para iyan sa mga mga kliyente kong pumayag nang ma-refer sa ibang psychologist. Pipirmahan ko 'yan ngayon bago ako umalis." He checked his wristwatch. "I'm meeting someone in the next hour or two."
Napangiti si Heidi. "Siya ba ang imi-meet mo?"
Jared smiled meaningfully, blankly staring at the desk where all he could see was Lily's beautiful face. "Yes. The one and only."
Heidi managed a smile. Dinampot nito ang USB flashdrive bago siya sinulyapan. "Aayusin ko na rin ba 'yong mga records ng clients na ito?"
"No need. Ako na ang bahalang mag-check ng case notes kung kumpleto sa detalye at mag-prepare paperworks."
Magalang na tumango ang babae. "Print ko na ito, Sir Jared."
"Thanks," ngiti niya rito.
As soon as Heidi left the room, he released a weary sigh.
I still have lots to do. Lots to do.
.
.
LILY WAS CARRYING A DISPOSABLE PLASTIC CUP. Malamig-lamig pa ang laman niyong milk tea habang tinatahak niya ang konkretong daan patungo sa sentro ng lifestyle center na iyon. Gentle lighting made the whole place sparkle with calm and relaxing ambience. Puti ang nakapalibot na mga establisyemento kung saan magkakatabi ang iba't ibang restaurants at cafés.
It was the very same place where she and Jared had this sort of first date. Where she ate caramel apples with him in a chocolate café.
Nang marating ang sentro kung saan nakatayo ang fountain, pumuwesto siya sa isa sa mga wooden bench na nakabakod sa walkway patungo sa isa sa mga puting commercial space. Sinadya niyang puwestuhan ang wooden bench na nakaharap sa direksyon ng fountain. Maingat niyang nilapag sa bakanteng espasyo ng upuan ang cup, kinandong ang puting shoulder bag na may kadenang strap at pinagpatong ang mga hita. She slightly slanted her legs while sitting up straight, barely letting her back touch the backrest of the bench. Nakangiting ginala ni Lily ang mga mata sa paligid. Mangilan-ngilan ang mga napapadaan kaya mabilis niyang nakumpirmang wala pa si Jared.
Sunod na umaliw sa kanya ang fountain. Water shot up from flat, gray flooring in one upward motion. They don't dance or waver, but the colors that stream through the elevating waters do the job for that. Nagsalit-salitan ang kulay sa bawat palitan ng pagsirit ng tubig sa fountain na iyon. Siyang biglang bagsak ng tubig na parang may pumatay sa gripo niyon. After a rainbow of colors, the fountain started blooming in full pink as waters shot up lively. Then a slow, graceful transition into white light that made each strand of water sparkle like ice. And as the fountains lowered down, the hue changed into a soft gold.
Lily took in a deep breath, hoping Jared would like how she looked tonight. Sinadya niyang magsuot ng ankle boots na pastel pink, puting pantalon at fit na high-necked ribbed blouse na kulay itim. Malamig ang gabi kaya long-sleeves ang kanyang pinili na makapal-kapal ang telang yumayakap sa kanyang leeg. Nilabas niya saglit ang smartphone para i-check ang oras. She could not believe that for the first time, in all appointments, she came earlier than agreed upon.
Napapailing na lumapad ang kanyang ngiti habang binabalik ang smartphone sa bag.
Nang maisara ang shoulder bag, may nagpatigil sa pag-angat niya agad ng tingin. Lily caught a glimpse of a pair of rubber shoes. They were white with accents of blue and green. Natigilan siya dahil pamilyar siya sa sapatos na iyon.
The color of the fountain's waters reflected a full shade of dark blue that touched Lily's face.
Nang ituloy niya ang pag-angat ng tingin, saktong tumigil sa kanyang tapat ang isang lalaki.
Si Oliver.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro