Chapter Fifty-Four
LILY'S STRIDES WERE GLIDING. But the clicking of her heels were heavy, commanding the attention of everyone she walked on by. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng sliding doors ng Variant, gulat na ang rumehistro sa mga mata ng nakakita kay Lily. Jared carefully followed from behind, alleviating the strong effect she was causing. Pagkalagpas ni Lily sa mga nadadaanan, sunod na nakikita ng mga ito si Jared, kaya kinailangan ng mga itong maka-recover sa epekto ng dalaga at magalang na batiin ang binata nang may ngiti sa mga labi.
Takot ang nababasa ni Lily sa reaksyon ng mga ito. Parang nababasa niya ang unang pumapasok sa isip ng mga nadadaanan.
Gulo na naman ang dala ng babaeng ito.
Gulo na naman ito.
Pero wala sa mga ito ang may lakas nang loob na harangin siya.
Wala sa kanilang may lakas ng loob para magtawag ng security o magsumbong mismo kay Basil.
None of them were man or woman enough to handle the hurricane she brought with her.
Especially when she darted them a sharp, cunning smile everytime they meet her eyes. When Lily does that, they only step back and freeze in their places. The ends of her white right-slitted maxi skirt gently fluttered like a wave that rolled back and forth to the shore. It hugged her tight around the hips. The skirt matched her white, cropped tank top with a deep v-neckline and thin straps. The diamond studs of her small flower pendant glittered between her collar, hanging from a stainless chain necklace around her neck.
Her straight blonde hair brushed against her smooth bare shoulders as she walked on.
Nang marating ang pasilyo kung nasaan ang mga elevator, unang bumungad sa kanya ang nasaktuhang pagpasok ni Daisy at ng grupo nito sa isa sa mga iyon.
Lily took in a deep breath. For a second, she thought she was already going straight ahead to the boss battle. Walang-wala si Basil kung ikukumpara sa kanyang Ate Daisy. Sa kanilang magkakapatid, mas naging malapit siya kay Basil kaya mas kilala niya ito. Mas alam niya kung paano kausapin o pakitunguhan. Mas may ideya siya sa kung ano ang kahinaan nito kung ikukumpara sa kanyang ate na hindi niya masyadong nakasalamuha dahil malayo ang agwat ng edad nila. At ginamit ng kanyang kapatid ang layo ng kanilang edad para paghiwalayin ang kanilang mga mundo.
At kung kailan makakakompronta na niya ito, siyang pasok naman nito agad sa elevator.
Isang linggo ring nawala si Lily sa Variant. Ang sabi ni Jared, wala masyadong nagbago bukod sa mas naging focused ang HR Department sa paghahanda para sa Team Building na gaganapin na sa parating na weekend. Saktong isang buwan at isang linggo ang nakalips, pagkatapos magbigay ng HR Department ng notice sa lahat tungkol dito.
"You're still going?" malummanay na tanong ni Jared na huminto sa paglakad sa kanyang likuran.
Habang nililingon niya ito, humahakbang na ang lalaki para mapunta sa kanyang tabi.
For some reason, she felt stronger just seeing him beside her.
"Of course," her smile wasn't happy, but self-reassurance to herself. "Of course, I'm still going."
Jared smiled at her— she didn't know if it was in approval or to reassure himself as well.
Nagpatuloy si Lily at kapwa nila nilulan ang elevator.
She pressed the number that will bring them to the floor of Basil's office. Paatras na ang kanyang mga hakbang nang maramdaman ang pagsulong ni Jared. Ito naman ang nagpindot ng buton. The backlight of the number glowed, showing her the floor number where the HR Department was.
"Hindi mo ako sasamahan?"
"Kayang-kaya mo na iyan," maluwag na ngiti ni Jared sa kanya.
She didn't want to question him. What he said made her feel better and Lily didn't want to ruin things now. Lalo na ngayon na ang dapat niyang mas pagtuunan ng pansin at ika-stress ay ang sadya sa Variant.
Jared reached his floor. He just gave her a nod and left.
Nakakainis. Wala man lang pa-kiss ang lalaking 'yon, tanaw niya kay Jared, walang lingong naglakad palayo habang paunti-unti nang sumasara ang pinto ng elevator.
As soon as the slid open, Lily conquered the hallway with her dominant steps.
Diretso ang tingin niya, ni hindi nilingon ang sekretarya ni Basil na napatayo sa desk nito.
"Ma'am—"
"Does he have company?" matatag niyang tanong.
"Wala po kayong appoint—"
"Does he?" irap niya sa babae nang iharap ni Lily ang mukha rito.
Her stare was so deadly, she cowered and lowered her shoulders as well as her defenses.
"Mag-isa lang ho sa office si Sir Basil—"
That's all she needed to know. Tinulak niya pabukas ang pinto at bumungad sa kanya ang kapatid.
Basil was pacing back and forth in his office, holding up his smartphone. May binabasa sa screen niyon ang lalaki nang kanyang madatnan. Gulat na binaba nito ang hawak na cellphone. Walang tingin-tinging nai-off iyon kaya namatay ang ilaw ng screen. Binulsa iyon ng lalaki sa front pocket ng blazer ng suit na maroon habang palapit sa kanya.
The doors automatically swung close behind Lily. Taas-noong hinintay niyang makalapit sa kanya ang kapatid.
"What are you doing here?" tanong nito sa mababang tono.
"I'm here to claim my position back here."
"What position? As photocopier?"
"Yes," mariin niyang wika.
Muntik na itong matawa. Kitang-kita sa biglang pagtikom nito ng bibig. She also heard the mocking chuckle almost slip from Basil's mouth. Amusement danced in his eyes as he crossed his arms, stepped back and gave her a look.
"You're already fired. Inaayos na lang ang mga papel mo at mga ipapapirma sa'yo. Papalabasin na lang nating nag-resign ka. That way, you can still have a clean record and find a good job. You'll get a last pay kahit termination ang dahilan ng pag-alis mo rito sa Variant—"
"And you think I'll just allow that? Papayag na lang ako basta-bastang umalis dito na ang nasa isip ng mga tao, sinabotahe ko ang kompanyang ito?"
"Bakit ba pinagpipilitan mong bumalik sa pagiging photocopier? You're very free to go ahead and find a better job now, Lily."
Napatitig siya sa mga mata ng kapatid. Nakakainis dahil hindi niya ito mahanapan ng butas, ng kahit anong magagamit niya para mapasunod ito sa gusto niyang mangyari.
"Hindi mo man lang naisip kung bakit sa loob ng maraming taon, natiyaga ko ang boring na trabahong iyon?" anas niya rito. "It's because I want Variant. I want it to be mine! I want to go up in position, up top. I want to run this company. I want to manage it."
Napailing ito. Natatawa sa kanya, sobrang hindi makapaniwala.
"You're saying that now? Or are you just saying that para makabalik dito? Para masabotahe ulit ang Variant—"
"Why would I want to do that? What made you think I'll sabotage this company? What made you think I am that ruthless, na idadamay ko ang ibang mga tao na nakadepende sa kompanyang ito dahil sa galit ko sa inyo!"
That's when the amusement in his eyes turned into dark pools, that's when his crossed arms slightly loosened and his lips that curled into a mocking grin straightened into a firm line.
That's when Basil began to take her seriously.
"Apparently, that's what you did to the baby."
Nasaktan siya sa sinabi ng kapatid.
"I have never, ever, in my entire life, imagined that you will be able to do such a thing," wika ni Basil sa mas mababang tono. It was a tone he uses when talking about deep secrets as he inched closer to her. "Pero sa isang iglap, nagbago ka mula sa taong nakilala ko nang dahil lang sa isang walang kwentang Oliver na iyon. If you don't want the baby, you could have just—"
"Napakababaw naman pala ng tingin mo sa akin, Basil," pagak niyang sagot, napapailing habang napapahalukipkip. "Sa tingin mo, nabaliw ako nang dahil lang sa iniwan ako ni Oliver."
He stared at her, openly listening.
"Oo, nasaktan ako. Nagluksa ako. Pero lahat ng iyon, ginawa ko nang mag-isa. I dealt with my heartbreaks on my own, Basil. Hindi ko kayo dinamay, for Pete's sake! All that I needed that time is help and comfort, but you are all like I should deal with it on my own. And so I did!" She calmed down a bit. "And I succeeded, Basil. I moved on. I made it. I made it on my own. Without Mom, without Dad, without Daisy," she flicked up Basil's chin, "And without you." Lily pulled back her hand and grinned proudly. "I made it all by myself. It's not Oliver that made me crazy. Why would I ruin my life over a jerk like him? I love my child, Basil," tears filmed her eyes. "Mahal na mahal ko siya. What made me crazy is that when I already lost everything, I lost my child as well. I'm left with no one else. Walang natira para sa akin. Lahat, iniwan ako."
Lumagpas ang tingin ni Basil sa kanya.
"What about me? You think I left you?"
"Yes."
"Really?" balik ng seryosong mga mata nito sa kanya.
Hindi niya ito maimik. Nanahimik si Lily dahil sa loob-loob niya, kinakalma niya ang sarili. Napag-usapan na naman kasi ang namayapa niyang anak. She could not help trembling from deep within everytime that topic is being brought up.
"So, me, giving you this job here in Variant, you think I did that for nothing?"
"Ano ba ang sinabi mo sa akin na dahilan mo kaya binigyan mo ako ng trabaho rito?" magaspang niyang wika.
Basil scoffed, winced away.
"I am only treating you this way para magtanda ka na. Napapansin ko kasi na namimihasa ka kasi lagi kitang tinutulungan, lagi kitang inaalo. I always make things easy for you."
Basil slid his hands under his blazer, slipped them inside the front pockets of his pants.
"Noon ko lang narealize na may point ang mga magulang natin kaya ganito ang pagpapalaki nila sa atin. Hindi tayo matututong tumayo sa sarili nating mga paa kung lagi silang nakaalalay." He sighed after a short pause. "Kung matututo kang tumayo sa sarili mong mga paa, maaalis mo ang sarili mo mula sa mga bagay na nagpapahirap sa'yo. That's what I wanted to see. Kaya pinasok kita rito sa Variant. I want to see you humbled down and just be that same old Lily again who's kind and wiser and..." Basil paused, staring off at nowhere and decided to cut his speech short. "Iyon lang naman ang hinahanap ko. Pero ano ang pinairal mo? Ano ang ginawa mo?"
Nabasag siya, pero nanaig ang tapang sa kanyang nanunumbat na tinig. "Humbled down by what? By your insults? By shaming me? By making me feel that in our family, I am the outcast? Outcasted because I can't do things right?"
"But that is the challenge here!" harap nito sa kanya, hindi na nakapagpigil sa bigat ng emosyon nito. "Ipakita mo na kahit ano pa ang danasin mo rito, mananaig ang pagiging mabuti mong tao! Na hindi ka tulad ng mga pinagsasasabi ng Oliver na 'yon sa ospital na may kapasidad maging walang-puso at intensyonal na pumatay ng bata!"
Her lips quivered. "So you think, clipping down my wings will teach me how to fly?"
Basil's eyes widened in shock, his lips slightly dropped open at her strong audacity to slap him with the truth.
Lily remained firm where she stood, her eyes unwavered in their staring match despite the tears rimming on its sides.
"You think, a plant will grow when you deprive them of water. You think, a bird can learn to fly when you clip its wings. You think, I'll be a good person just because you keep hurting me," nakuyom ni Lily ang kamao. "You think, negative reinforcement is the remedy to my pain." She smirked disgusted. "Why not? It's easier to take away things than to give, right?"
Tinikom nito ang bibig, hindi makapaniwala sa narinig. Nasa mga mata ng kanyang kapatid ang pagkapahiya, pero mukhang hindi naman nito pinagsisishan ang makaramdam ng ganoon. Basil looked more enlightened than offended.
"I'll prove you all wrong. That I did not sabotage this company, Basil. Hahanapin ko ang hayop na nasa likod ng gulong ito. And once I do, you'll have no choice but give me your position."
Mabilis ding tumalikod si Lily, iyon ay para hindi na makatanggi si Basil.
Para na rin patagong punasan ng daliri ang namimintanang mga luha sa mata.
"Lily," mahinahon nitong tawag.
She just kept on walking, slowly towards the doors.
"Alam kong hindi ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito."
Napatigil siya.
"My instinct said so."
Lily internally groaned. Iyon lang ang pinanghahawakan ni Basil na dahilan para paniwalaang wala siyang kinalaman sa mapanirang post?
"And I know you're not that stupid to just open that social media account and reveal yourself as the culprit."
She balled her hands into fists again. Lily spun wildly to face him.
"Then why—"
"Kailangan lang kitang alisin dito sa Variant para makampante ang ahas na nasa kompanyang ito.
"And why is that?"
"It is easier to catch someone when their guard is already down."
Napatitig siya sa kapatid. Naunawaan na ngayon ni Lily kung bakit sinasabi ni Basil ang mga ito sa kanya.
Mabagal siyang umiling. "No, Basil. Hindi pa rin ako aalis. Nandito na ako sa Variant ulit. I'm the heel that should crush that damned snake's head," mapagmalaki niyang taas-noo. "So, ciao. I'll get back to work."
Tinuloy na niya ang paglakad paalis.
"You fucking can't, you're breaking the Labor Code, Lily!" habol nito. "Sinong na-terminate na ang basta-basta na lang pwedeng magdecide bumalik sa company—"
Basil was shut up once Lily got out of his office, the doors closing behind her. Napatayo na naman ang sekretarya ni Basil mula sa desk nito. Nag-aalalang tinanaw siya bago nito nilisan ang pwesto para kumustahin ang boss nito sa loob.
Lily murmured to herself the answer to Basil's question earlier. "Ni hindi niyo pa nga ako napapapirma ng resignation ko, paanong hindi pa ako pwedeng bumalik dito sa Variant?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro