Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty-Five

JARED UNZIPPED HIS CROSSBODY BAG. Hindi siya makapaniwalang nagkasya roon ang pink na handbag ni Lily. Maingat niyang pinatong iyon sa desk ng babae bago inalis ang bag sa katawan. Nilabas niya muna ang isang notebook bago nilagay iyon sa upuan. Then, he sat on the chair, sandwiching the bag between his back and the backrest of the seat.

Prente sa pagkakaupo na binuklat niya ang notebook. Sumakto iyon sa pahinang umiipit sa satin bookmark niyon na itim. He read his notes in there then lifted his eyes to pause.

Jared grew pensive.

Naalala niya ang pinag-usapan nila ni Lily habang naglalakad sa parking lot, bago pa sila halos sabay na pumasok sa gusali ng Variant.

Bakit ayaw mong sagutin ang mga tanong ko? Why don't you just tell me kung ano ang nalalaman mo? Kung sino sa tingin mo ang nasa likod ng mga ito? Kung ano ang mga plano ni Kuya Basil?

He kept his eyes in front that time as he answered Lily. I don't want to influence you into believing something. All I can do for you is to encourage you to do the right thing.

I am. That's why I am asking for answers! How can I do the right thing if— Lily wildly turned to him and stopped midsentence, lips still parted at the sight of his gentle smile for her.

Yeah, right. You're doing the right thing as well. Pagdating sa may kinalaman sa trabaho, you can't play biases. Yeah, yeah, I get it, Jared baby. She hmped and walked ahead of him. Iyon din ang dahilan kaya sa pagpasok nila sa Variant, nauna ng lakad si Lily at mistulang nakasunod lang siya sa dalaga.

Matapos ang maikling pagbabalik-tanaw, napunta ulit sa pahina ng notebook ang kanyang atensyon. Jared was in the middle of reading a draft of his referral letter. Nanatiling blangko ang pangalan ng pagpapadalhan niyon, pero kompleto na ang nilalaman niyon kasama ang kliyente na ipapasa niya ang pangangalaga sa ibang psychologist.

Mabilis sinara ni Jared ang notebook nang makita sa sulok ng mga mata si Lily.

He saw her storming to a different direction. Imbes na puntahan siya ng babae sa desk, mukhang pasugod ito sa opisina ni Miss Jackie. Napatayo siya mula sa kinauupuan. Sa palagay niya, masyadong nagpapadalos-dalos ang babae kung balak nitong komprontahin ang HR Head nila.

Kaya lang, bago pa niya ito natawag, nakapasok na si Lily sa loob ng opisina ni Miss Jackie.

Jared narrowed his eyes as his mind began racing.

.

.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?" tayo ni Miss Jackie mula sa swivel chair nito.

Lily just barged in to their HR Head's office. Of course, the old woman's anger was justified. Anuman ang ginagawa nito bago siya dumating, tiyak na naistorbo.

Huminto si Lily sa tapat ng desk nito. She could not help eyeing Miss Jackie from head to toe— her fitting periwinkle blazer and pencil skirt, the neat updo. Nagtaas-noo siya.

"I'm here because you're supposed to be the first to know. I'm reporting on my duty, Miss Jackie."

Napailing ito saglit, nakatitig pa rin sa kanya ang hindi makapaniwala nitong mga mata. Gumuhit ang sarksamo habang nagpipigil matawa.

"Excuse me, Lily, am I hearing you right? Pagkatapos ng ginawa mo rito sa Variant, sa tingin mo, pwede kang bumalik dito kahit kailan mo gustuhin?"

Miss Jackie was making good points, so she allowed her to keep talking.

"Basta ka na lang nga umalis dito last week. Wala ka man lang iniwang notice. Based from was reported to me, nagkaroon lang kayo ng diskusyon dito ni Sir Basil, nag-walk out ka na at hindi na nagparamdam."

Lily sighed, cocker her head to the side. "Do you know why we even argued?"

"Of course, dahil ikaw pala ang nagpost ng paninirang iyon tungkol sa Variant."

Of course, that would be the version of the story Miss Jackie would know.

Nagpatuloy ang matandang babae. "You are lucky, do you know that? Dahil imbes na termination, which what actually happened, inisip na lang ni Sir Basil na makipag-negotiate sa'yo at palabasing nag-resign ka."

Lily scoffed. "How come that makes me lucky? First of all, I don't deserve to be terminated, Miss Jackie. Walang katotohanan ang mga binibintang sa akin."

"I'm sorry, but it's the word of this company's bosses that should be followed. And that word says," Miss Jackie outstretched her hands, propping them against the table as she leaned over it to give her a closer intent look, "just deal with it, Miss Lily. Agree with the resignation, at wala tayong magiging problema."

Nanlisik ang mga mata niya sa matandang babae. She could not just help this rage.

"You're the biggest piece of shit I've encountered, Jackie," Lily scoffed.

Napatuwid ito ng tayo, bumagsak ang panga sa panghahamak niya rito ng harap-harapan.

"Ano pa at naging HR Head ka? You're supposed to be the intermediary between employees and the higher ups! You're the diplomat, the negotiator, our voice. You're supposed to make sure the rules of this company will be fair for both sides! How dare you have biases. Sa mga sinabi mo, pinalalabas mo na wala kang pakialam sa hinaing ng mga empleyado rito dahil mas pinipili mong sundin kung ano lang ang maisipang ipagawa ng boss mo."

"You're right. It's my responsibility to make sure everything is fair for the both sides. Kaya hindi mo ako mapapapayag sa gusto mong bumalik dito sa Variant. Naiintindihan mo? Mabigat ang dahilan kaya ka pinatalsik dito, Lily," matigas nitong saad. "Paninira ang ginawa mo. At naglabas ka pa sa social media ng mga confidential na bagay na nagaganap dito sa department natin."

Hay, nabubuwisit siya lalo. Napailing siya pero binalik din agad ang mga mata sa babae.

"Pinapaulit-ulit mo lang ako, eh. Hindi nga ako ang may kagagawan niyon!"

"At sa tingin mo, dahil sinabi mong hindi ikaw ang may kagagawan, pagta-trabahuin kita ulit dito?"

"Use your brain cells!" pagtataas niya lalo ng boses dito. Lumapit siya sa desk ni Miss Jackie at nilebel ang mga mata sa mga mata nito. "What I am trying to say here is, pairalin niyo naman ang patas na investigation para sa akin."

"Patas na investigation? Sure, Lily," Miss Jackie slowly nodded her head. "Why don't we hear it from Mr. Guillermo himself?" hamon nito.

Hindi maintindihan ni Lily kung bakit sa kabila ng seryoso at makasimangot na mukha ni Miss Jackie umaanino ang malademonyong ngisi, ang tusong kilsap sa mga mata. The old woman looked at her as if she was going down for sure. As if she will be gone for good.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "At ano naman ang kinalaman ni Jared sa pinapa-realize kong dapat mong i-consider?"

Nagtaas-noo si Miss Jackie. "Bakit ba siya napunta rito sa Variant? Hindi ba para tumulong sa pag-alam kung sino ang may kagagawan ng post na 'yon? In-assign siya para pag-aralan ang mga behavior niyo rito at mapinpoint gamit iyon kung sino ang may posibilidad na gumawa ng ganito sa Variant?"

Naglaho ang tapang sa mukha ni Lily.

"But," taas ng hintuturo ni Miss Jackie at nang-uuyam na tumaas din ang sulok ng labi nito, "you will have to wait. Dahil pag-uusapan pa namin ito kasama ni Sir Basil, kung pagbibigyan 'yang request mo at kung kailan tayo maghaharap-harap at nang marinig mo ang katotohanan mismo sa isang psychologist!"

She was about to retort but Miss Jackie immediately cut her off as soon as she parted her lips.

"Now, please, don't disturb the employees here during working hours. Get out. Of Variant."

Pagtutol ang nasa mukha ni Lily.

"Now!" taboy ng matandang babae sa kanya.

.

.

STUCK SA LOOB NG SASAKYAN SI LILY. She was in there for two hours, nearing three hours. Nagkalat ang ginusot at ginawang bola na wax paper wrap ng binili niyang burger. Nagkalat din ang paper bags na pinaglagyan ng mga pinamiling pagkain. Wala siyang ginawa sa loob ng sasakyan kundi tumanaw-tanaw sa gusali ng Variant na isang tawid lang ang layo mula sa open parking space. Nanood siya ng ilang videos sa YouTube. Mga maiikli dahil maikli sa araw na ito ang kanyang attention span. Hindi kasi mawala-wala sa isip ni Lily ang tungkol sa pinangakong meeting ni Miss Jackie kasama siya, si Basil at si Jared.

Bumili siya ng donut at iced coffee pagkatapos ng dalawang oras ng pago-overthink. It was too late to realize that coffee only upped her anxiety about matters. Panay tuloy ang sipat niya sa smartphone at sa notifications. Pero wala siyang nakuhang tawag, text o chat man lang mula kay Jared.

Napasandal na lang siya sa backrest ng kotse, napapalo sa manibela bago mahigpit na kumapit doon. Lily needed anyone to hold on to, but only the steering wheel is available for her.

Bakit ganito? Parang mamamatay ako habang patagal ng patagal ang paghihintay ko. Sumilip na naman siya sa bintana, sa gusali ng Variant. Wala sa mga lumalabas-pasok doon ang kilala niya.

Kaninang umaga, ang lakas-lakas ng loob ko. In my mind, it seemed so simple to just crash my way inside Variant... to just demand that I deserve to be back to work. To prove na wala akong kinalaman sa binibintang nila sa akin. But look where I am right now. I am here in my freaking car. Naghihintay ng resulta.

Napakapit siya sa handle ng pinto ng kotse.

Dapat siguro, bumalik ako sa loob. Manggulo ulit para paspasan ang— Binalik niya ang ulo sa loob ng sasakyan. Napasandal. Napabuntong-hininga. "Oh no," tingala niya sa bubong ng kotse. "That's not right at all. Lalo lang sila magkakaroon ng idadahilan para huwag ako pabalikin sa Variant. If I do that one more time, posible na nila akong kasuhan ng alarm and scandal something."

Lily blinked her eyes. May naisip siyang ideya.

It will obviously work, but the question is... papayag ba ang taong ito na tulungan siya?

.

.

"DO WE REALLY HAVE TO DO THIS?" pagod na buga ng hininga ni Basil.

Napamasahe ito sa kanang sentido, okupado ang swivel chair sa sariling office room nito. Nasa magkaharap na visitor chairs naman sila Miss Jackie at Jared.

Padabog na lumabas mula sa opisina ni Miss Jackie si Lily kanina. Dinampot nito ang hand bag mula sa sariling desk at nagmamadaling umalis. Hindi tuloy nagkaroon ng pagkakataon si Jared para alamin mula sa dalaga mismo kung ano ang napag-usapan nila ng HR Head.

Naghintay ng magandang timing si Jared bago binisita si Miss Jackie sa opisina nito. He reasoned that he wanted to ask when he will be laid off from his job. After all, napinpoint na naman nila Basil na si Lily ang may kagagawan ng mapanirang post. Miss Jackie did not answer him directly. Sa halip, pinaghanda siya nito dahil makikipag-usap daw sila kay Basil tungkol sa trabaho niya sa Variant.

Kaya nandito sila ngayon sa opisina ni Basil.

At tulad lang din nito, nagulat si Jared sa ni-request ni Miss Jackie.

"Para saan pa na makikipag-meeting tayong tatlo kay Lily?" interogasyon ni Basil sa HR Head. "Hindi pa ba pinal ang memorandum na binigay ko sa'yo? Na tanggal na si Lily sa Variant."

Magalang ang ngiti ni Miss Jackie dito. "Sir Basil, nagpunta kasi sa opisina ko kanina si Miss Lily."

Napaiwas ng tingin si Basil, napapikit ng mariin habang pisil ang pagitan ng mga kilay. Hindi siguro nito lubos na naisip na hindi lang ito ang pinuntahan ni Lily sa Variant. Na nagkaroon din ang dalaga ng lakas ng loob na harapin, maging ang HR Head nito.

Nagpatuloy si Miss Jackie. "Nakakawa naman 'yong tao, Sir Basil. Mukhang nagpadalos-dalos nga tayo sa termination niya. Hindi pa natin lubusang naiimbestigahan si Miss Lily." At napunta na sa kanya ang mga mata ng matandang babae. "Mas maganda siguro na ipaunawa mo rin sa kanya, Mr. Guillermo, ang mga deep-rooted issue niya na nagtulak sa kanya para makagawa ng ganitong mga bagay." Tinanguan pa siya ni Miss Jackie, parang nanghihikayat na sumang-ayon siya rito, bago lumingon kay Basil at naghintay ng approval nito.

Basil, on the other hand, just remained looking problematic.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. What the fuck is this woman talking about?

"I mean, hindi ko kinukwestiyon ang final verdict ninyo, Sir Basil, na si Lily nga ang nagkalat ng mapanirang post. May mga ebidensya tayo, pero mas matatanggap niya siguro kung maipapaliwanag ni Mr. Guillermo sa kanya ang pinagmumulan ng mga ginagawa niya. Para magkaroon siya ng self-awareness." Miss Jackie returned her eyes on him. "Isn't that right, Mr. Guillermo? Na kung may self-awareness tayo, hindi lang kagagawan ng ibang tao ang nakikita natin. Self-awareness meant we are also able to see the effects of our own actions, right? That if it's our fault, we don't blame something else for things that we did."

Nanatiling tuwid at kalmado si Jared mula sa kinauupuan. Blangko na ang reaksyon sa mukha, hindi niya kasi hinayaang may makakita sa pagsasalubong ng mga kilay niya kanina.

"Come on, let's be fair with her. Ngayon lang siya naging ready iparinig ang side niya sa atin. Dapat din natin gamitin itong meeting na ito bilang pagkakataon para ipatimo sa isip ni Miss Lily na nagkamali talaga siya. And that we are already being nice with negotiating with her to just sign a resignation letter. Malay ninyo, sa mismong araw ng meeting natin sa kanya, pumayag siya at mapapirma natin ng resignation."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Basil kay Miss Jackie at sa kanya, bago napatitig ng tagusan sa desk nito. Nasa gilid na ng noo nito ang isang kamay, magaan na nagmamasa-masahe roon.

"You're right. In fact, if Lily didn't just walk out and gone AWOL since that day, we could have invited her for a meeting anyways." Umayos na ito ng pagkakaupo. "Let's arrange a meeting with her then," mahinang usal ni Basil bago nag-angat ng tingin sa kanila ni Miss Jackie. "As soon as possible. Ihanda mo na ang mga documents na kakailanganin. Ang mga papapirmahan din, Miss Jackie."

Kontentong ngumiti ang matandang babae at tumango-tango. "Yes, Sir Basil."

Basil turned to him. "Mr. Guillermo, be prepared as well."

He took in a deep breath, still looking stoic as he replied with one nod.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro