Chapter Eight
"GOOD MORNING," walang emosyong ganti niya ng bati sa guard bago ito nilagpasan ni Lily.
Variant is one of the places that make her feel dead in and out. Bukod sa bahay nilang mga Marlon, ang Variant lang naman ang isa sa mga lugar kung saan, required din siyang magpaka-plastic sa mga tao. Her family calls it being polite. Pakikisama. Pero para kay Lily, dahilan lang 'yon ng mga ito. Ayaw lang siya diretsahin ng pamilya niya na para sa imahe nila ang ginagawang iyon.
Their family is rich, but not yet in the level that people would consider a part of the higher ups, the socialites or the elite circle. Tatlong henerasyon na ang nagpalakad sa Variant- ang pagawaan ng papel na negosyo ng kanilang pamilya- ngunit, hindi sapat ang mayroon kang malaki at namamayagpag na negosyo para lang napasali sa alta sociedad. Alam din iyon ng pamilya ni Lily, kaya kahit ano ay ginagawa para mapabilang doon.
Pagpasok ng gusali, sumalubong agad ang malaking signage ng logo ng Variant. It was the word itself in a handwritten style that seemed to look like a signature penned in red ink. A white lighting glowed as an outline for the signange to make the logo pop. Sa ibaba niyon, nakapwesto ang receptionist desk.
Bawat madaanan ni Lily na staff ay bumati sa kanya hanggang sa marating niya ang pasilyo na may magkabilaang mga elevator. Saktong labas naman mula sa isa sa mga iyon ang ate niyang si Daisy.
Daisy is already fifty-two, soft-featured yet always serious which made her appear like an impudent child but with a few wrinkles on her face. Her sister reeked of so much maturity with her dark magenta suit, a white tank top beneath the blazer, gold chain on her neck and eyeglasses that has a silver rim. Nagtama agad ang mga mata nila. Huminto ang babaeng nakalow-bun ang itim at alon-alon na buhok sa kanyang tapat.
"I thought you're on an emergency leave, Lily," malamig nitong saad.
Hindi lang kita, nanuot din mula sa boses ng babae ang disgusto habang sinasabi iyon sa kanya.
"Should've asked me instead if, kumusta na ako? Kung okay lang ba ako? Kung nasa kondisyon ba akong mag-office ngayon dahil dapat naka-emergency leave ako, 'di ba?" kalmado ngunit may kagat ang kanyang sagot sa kapatid.
"Are you trying to say that I should baby you for such indecisiveness and irresponsibility?" walang tinag nitong sagot habang nakikipagtitigan sa kanya.
Inayos na lang niya ang pagkakasukbit ng shoulder bag.
"I'm already here, Dais. What else is your problem?"
Malamig na sinagot siya nito. "Half-day ka lang."
"I am still productive kahit kalahating araw lang ang ibigay sa akin para magtrabaho."
Daisy looked away to scoff. Her magenta lips stretched to a smile that sarcastically showed so much disappointment with Lily.
"We'll see about that. I have a meeting to attend to," Daisy arrogantly returned her eyes on Lily. "Now, if you'll excuse me."
Nilagpasan na siya ng kapatid. Nagkukumahog na sumunod sa babae ang sekretarya at mga alalay nito. Lily rolled her eyes and just headed straight to the elevator.
Noong una, gusto niyang isiping dahil sa age gap, kaya madalas silang hindi magkaintindihan ng kanyang ate. Pero habang tumatagal, namumulat si Lily sa katotohanang hindi iyon sapat na dahilan para maging malayo ang loob ng isang magkapatid sa isa't isa. There were so many times that they disappointed and disagreed with each other. Naipon ang mga iyon at pareho silang hindi marunong makalimot. Kaya heto. Sa ganito ang kinahinatnan nila ng kanyang ate.
The elevator doors opened. Lily made quick confident strides in her black, laced ankle boots toward a door she knew so well. It was a glass door that lead to a lounge area. Isa pang pinto at natunton na niya ang opisina ng HR Department.
Sa dulo ng silid ng HR Department, tanaw ang pinto patungo sa pribadong opisina ng kanilang department head na si Jacqueline Primo. Sa kinatatayuan naman ni Lily, nahahati sa apat na bahagi ang silid. Ang tatlo ay cubicled desks ng mga HR staff tulad niya. Ang isa naman ay ang sulok ng opisina kung saan nakapwesto ang malaking photocopying machine at shelf na kinalalagyan ng stock ng mga bond paper, staple wires at iba pang supplies.
Lily headed to her own desk, positioned right beside a doorway that lead to a mini kitchen and toilet room.
Pagkababa ng kanyang puting shoulder bag na gawa sa mamahaling faux leather, nakatayo pa rin siya na ginala ang tingin sa paligid. Nagtaka lang siya na wala man lang bumati sa kanya.
Sinilip niya ang mga cubicle. Walang tao sa mga iyon.
Lily checked her silver wristwatch.
It's already one, twenty-two. Nag-angat siya ulit ng tingin.
She pressed the doorbell button thrice before pushing the door open. It didn't budge. Naka-lock ang pinto ng opisina ng HR Head nila.
Where is everyone? pihit niya para sumilip sa mini kitchen.
Bukas ang pinto ng toilet room, kaya kahit hindi pasukin, kita niyang walang tao roon. Lily returned to her desk. Nakatayo pa rin siya sa tabi niyon. Dinampot niya ang telepono at tumawag sa receptionist area.
"Hi," bungad niya agad sa sumagot ng tawag. "This is Lily, from HR Department. I am sure, binilinan kayo ni Miss Jackie kung bakit wala sila rito sa office."
And it's already past lunch break, so... Lily added in her thoughts.
Yes, Miss Lily. Akala ko po alam niyo na kaya bigla kayong pumasok today.
"Alam ang alin?"
Nasa meeting room po sila Miss Jackie kasama lahat ng HR staff.
Nanlaki ang mga mata niya. Inipit ni Lily sa leeg ang cordless phone. Kinalkal sa shoulder bag na nakapatong sa desk ang planner. She checked the list of schedules for that day.
Shit! Lily bit her lower lip.
"Thanks," baba niya agad sa cordless phone bago binasa ulit ang nasa planner niya.
May meeting nga pala kami ng 1PM, kasama ang mga boss sa company na ito. Her eyes narrowed as she closed her planner notebook, clipped a pen at the collar of her shirt and hurried out of the room.
Bosses of this company who all happened to be my brother and cousin, her eyes narrowed.
Pumasok na naman siya ng elevator.
Uulan na naman ng sermon. Those jerks just enjoy picking on me and making that appear as professionalism. Professionalism, my ass.
Nasa ground floor ang meeting room, kaya doon dinala ni Lily ang sarili. Pinid na ang dalawahang pinto niyon. Kita rin sa maliit na mga bintana niyon na ongoing na ang meeting. Lily checked her wristwatch, confirming that she was already thirty-eight minutes late. But whatever, she's still going in.
As much as her brothers and cousins enjoy making fun of her, she also enjoyed irritating them as a comeback.
"For this team building event," dinig niyang paliwanag ni Miss Jackie pagbukas ng pinto, "we are aiming to make it a worthwhile experience for the employees. Main concern ng HR department ngayon ang mental well-being ng mga empleyado, kaya sa tingin namin-"
"Lily," her elder brother, Basil, sternly muttered upon her entrance.
Napatingin tuloy sa kanya ang lahat ng nasa silid na iyon. Ni hindi nagkaroon ng pagkakataon si Lily isa-isahin ang mukha ng mga tao roon dahil nagsalita na naman ang kanyang kapatid na kasalukuyang President din ng Variant. Wala sa meeting ang presensya ng CEO niyon na si Daisy dahil may ibang lakad, pero naroon naman ang COO- ang pinsan nilang si Jeanie.
"Go on," she cooly waved a hand as she looked away and focused on finding a seat for her.
Wala siyang pakialam sa klase ng tingin na binibigay ng mga nasa silid na iyon sa kanya.
Nasa kabila ng long-desk sila Miss Jackie at ang dalawa pang staff ng HR Department bago nasundan ni Jeanie. Ayaw niyang tumabi kay Jeanie. Nasa kabisera si Basio. She looked at what's nearer to her. Sa nakaupo sa seat malapit sa kinatatayuan niya. Nakatalikod sa direksyon ng mga pinto ng meeting room na iyon ang hanay ng mga upuan. A man occupied the first seat, so she took the vacant one next to him.
Umayos siya ng upo sa malambot na swivel chair, nilapag ng maayos sa mesa ang dalang planner notebook bago nginitian ang mga kasama sa meeting. Pigil talaga niya ang matawa sa nakakabinging katahimikan at sa pagiging speechless ngayon ni Basil. Si Basil na hindi makapaniwala sa asta niya at napamaang na lang kahit kita sa mga mata at kilay nito ang tinitimping galit.
"Bigla yatang tumahimik-" pang-iinis pa niya sana kay Basil nang malingunan ang kanyang katabi.
Naglaho ang kulay sa kanyang mukha nang masalubong ng tingin ang matiim na mga mata ni Jared.
Kumunot ang noo nito sa kanya.
Lily's lips parted open. Then she immediately caught herself before her jaws completely dropped. Nanlalaki ang mga mata na tinikom niya ang mga labi. Nilingon niya agad si Basil.
"What is he doing here?" napalakas pa ang boses niya nang itanong iyon sa kapatid.
Basil threw a glance at Miss Jackie. And Miss Jackie subtly gave her a glare that said, I already gave you a briefing about this meeting, Lily Celeste Marlon!
Then, Miss Jackie lifted her chin and displayed a cool façade. It made the woman, who was already approaching her sixties, appear cold and lifeless.
"As per my memo, Miss Lily, ngayon ang meeting natin para sa ise-set na team building sa December."
"I know, pero-"
"I'm the psychologist that your company has set an appointment with," pagka-klaro sa kanya ni Jared.
Nang mapunta na sa seryosong mukha nito ang tingin ni Lily, napunta naman ang atensyon ng lalaki sa iba pang nasa meeting room.
"Can we please, proceed? Hanggang 3PM lang ang appointment niyo sa akin," nasa himig nito ang mahigpit na pagpapaalala.
Napatingin si Lily kay Jeanie. Dama niya kasi ang matalim at nagbabantang tingin ng COO sa kanya at tama nga siya. Dahil huling-huli niya ang pagkakatingin nito ng ganoon sa kanya.
But Lily had to maintain her composure. Tumuwid siya ng upo at binuklat ang planner notebook.
Miss Jackie looked around and using her eyes, asked for Basil's go signal. Her brother glared at her, warning her which already translated to We'll talk about this later, Lily!
"Proceed," he turned to Miss Jackie.
At nagpatuloy na ang meeting.
Sa kasagsagan ng meeting, nanatili siyang tahimik. Nag-iimbento ng isusulat sa kanyang planner kapag wala namang importante na dapat i-take note.
Swallow me now, earth.
Research: Ilan ba ang psychologists sa Pilipinas?
And she followed it by drawing mindless doodles on the margins and blank spaces of her planner.
"This will be a win-win for us. What do you think, Lily?"
Naalerto siya. She confidently smiled at Basil who just called her out.
"I think it's a good idea," nang-aasar niyang ngiti rito.
For Lily, it didn't matter what Basil was asking her about. The point of her attending every meeting that includes any of her family member is to make sure she'll test their patience there.
Kadalasan, kumokontra siya sa kapatid. Pero sa pagkakataong ito, sasang-ayon siya sa kahit anong itanong ni Basil para magkagulo-gulo ang mga ito kung anong ideya o plano ang pipiliin.
Pero kinabahan siya dahil walang nagbago sa seryoso nitong ekspresyon.
"I'm glad that we finally agreed on something," he murmured which made her more restless. Napunta kay Jared ang tingin ng Presidente ng Variant. "So, do we all agree? Isasama natin sa team building si Mr. Guillermo?"
Halos iba-iba ang sinabi ng mga kasama nila sa meeting pero isa lang ang ibig-sabihin. Sang-ayon din sila na um-attend doon si Jared.
"Then, we're good," Basil clasped his hands and turned again to Jared. "After this meeting, let's set another appointment with you. Doon na kami magba-base kung kailan ang petsa ng team building. We already have a location, right, Miss Jackie?"
"Yes, Sir. Check na lang muna namin 'yung available dates for reservations bago kausapin si Sir Guillermo tungkol sa magiging appointment natin sa kanya."
Na kay Basil lang ang tingin ni Jared. "Sure. Let's also discuss about the fee and set-up."
"Ikaw na ang bahala makipag-coordinate niyan sa HR Department," ani Basil. "That might be a lengthy negotiation."
"I hope not," Jared grinned at everyone except her. "If it's lengthy, it means there will be some kind of disagreement. I don't like that. I prefer a win-win situation for all of us."
"Exactly," Basil managed a small smile, which rarely happens when he's in a business meeting. "That's what I also want."
Pati ba naman si Richard? Nabola agad ng Jared na 'to? Lisik ng mata niya sa katabi. Hindi ko pa rin ma-gets. What did I just agreed to?
Naiinis siya dahil hindi siya maka-catch up sa nangyayari sa meeting.
Bakit kailangang nasa team building din si Jared- Her thoughts were interrupted by a realization. Doon ba ako pumayag kanina? Iyon ba 'yung sinabi kong good idea kanina? Ang papuntahin sa team building si... Jared?
Lulubog na sana siya kinauupuan pero umayos siya agad ng upo bago pa siya tuluyang lamunin ng kahihiyan. She simply diverted her attention and glared at Jared while watching him talk to Basil. Nagpapalitan lang ng bolahan ang dalawang lalaki.
Nakaramdam na naman siya ng tingin kaya nilingon si Jeanie. And she was right again.
Uusisain na naman ako ng sipsip na 'to kung bakit ang sama ng tingin ko kay Jared. Pag-aawayin talaga kami ng bruhang 'to ni Kuya Basil, irap niya kay Jeanie na malugod na ginantihan din siya ng irap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro