Chapter 6: Binx Cristobal
THIRD PERSON
"Fuck! Ba't ba ang tanga mo?" bulong ng lalaking naka-engkuwentro ni Eve sa convenience store saka marahas na napakamot sa kanyang buhok.
Lumabas siya ng convenience store at agad na kinuha ang payong na nakita niya sa isang upuan. Tumakbo siya sa daang tinakbuhan din ni Eve. Natigil lang siya nang makita niya itong nakatayo lang at nakatingala sa kalangitan.
"Idiot." Handa na sana niya itong lapitan at payungan nang may mapansin siya rito. "Damn it!" Guilt spread all over his body. Hindi niya alam kung bakit may nararamdaman siyang kirot sa puso niya. Kumunot ang noo niya at napahawak siya sa dibdib niya.
Nagpatuloy siya sa paglalakad nang makita niyang naglalakad na ulit si Eve pero agad naman siyang napatigil nang makita niyang tumigil ito sa isang apartment. Nakita niyang nakailang katok ito sa pinto pero walang bumubukas nito. Mataman niya itong tinitigan nang maupo ito sa semento at nilabas ang phone. Lalo lang siyang nakaramdam ng guilt nang makita niyang hindi na gumana ang phone nito.
Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit niya ginawa iyon, kung bakit niya pa ito sinundan at kung bakit niya ito pinagmamasdan sa malayo. Ilang araw palang simula nang makilala niya ito pero ganito na lamang siya makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa isang babae na hindi niya kaano-ano. Siguro, awa lang ang nararamdaman niya.
Naalerto siya nang makita niyang tumayo na ito at handa na sanang umalis nang mapatigil siya. Sinundan niya ang tinitingnan nito at nakita niya si Reanna na parang nakikipagtalo sa isang matandang lalaki. Binalik niya ang tingin kay Eve pero wala na ito sa kinatatayuan niya kanina lang. Nataranta siya. Nilibot niya ang paningin niya pero wala siyang makitang bakas ni Eve na iniwan.
He cursed under his breath. Handa na sana siyang umalis nang makita niyang lumabas mula sa isang malaking halamanan si Eve. He sighed then started walking again towards Eve's direction. Habang papalapit ay lalo siyang nagtataka dahil sa inaasal ng dalawang babae. Tumigil ulit siya sa paglalakad nang biglang may dumaan na sasakyan sa harap niya. Nang mawala ito sa paningin niya ay nakita niya na lang sa malamig at basang semento si Eve na nakahiga at wala nang malay.
"Shit!" Nabitawan niya ang payong at tuluyang napatakbo.
"Eve!" tarantang napasigaw si Reanna nang bigla na lang himatayin si Eve. Wala siyang maisip na paraan kung pano siya dadalhin sa ospital dahil na rin sa pagkabigla at pagkataranta.
"Eve, sorry. Dito ka muna. Hihingi lang ako ng tulong. Promise, babalik ako."
Sinimulan niya itong ipasok sa loob ng apartment niya. Nang magawa niya na iyon ay agad na siyang kumaripas ng takbo palabas ng apartment para humingi ng tulong. Ngunit, bago pa man siya makalabas ng gate ay may humarang sa kanyang isang lalaki.
"Are you going to leave her in that condition?" Nakatingin lang kay Eve ang lalaki habang sinasabi niya iyon kay Reanna. "Hindi mo man lang maayos na pinasok ito."
Namilog ang mga mata ni Reanna sa sinabi ng lalaki sa kanya at para bang gusto niya itong sampalin pero bago niya pa man iyon magawa ay nilagpasan na siya nito. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niyang binuhat nito si Eve. Her jaw dropped as she started to think differently.
'Who is this guy? Bakit at paano niya kilala si beast? May hindi ba ako alam na alam nila?' she thought.
"What are you doing?"
Napatingin siya sa lalaki nang bigla itong magsalita.
"Huh?" she said absentmindedly.
The guy looked at her in disbelief and said, "Idiot. Don't just stand there. Call an ambulance or taxi."
Agad namang nabalik sa reyalidad si Reanna nang matanto niya ang sinabi ng lalaki sa kanya. Napatingin siya kay Eve at agad na umalis para maghanap ng sasakyan. Nang makahanap na siya ay agad na nilang pinasok sa loob si Eve. Naupo si Reanna sa may driver's seat samantalang sa likod naman iyong lalaki para umalalay kay Eve. Tiningnan ito ni Reanna at wala siyang maisip na ibang dahilan kung bakit ganito na lamang sila tulungan ng lalaki. Unless, magkakilala sila ni Eve.
"Do you really need to look at me like that?"
Napapitlag si Reanna nang bigla niya na lamang ulit marinig ang boses nitong napakalamig at wala man lang kaemo-emosyon. Bigla siyang kinabahan at nakaramdam ng pagkailang kaya agad siyang napaiwas ng tingin sa lalaki.
"Uhm, may I know your name?" Reanna asked while stuttering. She cursed under her breath then closed her eyes for making herself an embarrassment in front of the stranger guy.
'Why am I acting weird today? Is it because of this guy? Nah...' she mumbled.
"You don't need to know. It's not that important."
Kung hindi lang nasa panganib ang buhay ni Eve ngayon ay kanina niya pa ito sinugod dahil sa weird at rude na pag-uugali nito. She just rolled her eyes at hindi na ulit nagsalita pa. Nakarating sila sa hospital at agad naman silang dinaluhan ng mga nars at doktor.
"What happened?" tanong ng nars kay Reanna na hindi niya naman nasagot dahil sa sobrang pag-aalala at pagkataranta.
Naiwan siya sa labas ng emergency room at nanghihinang napaupo sa isang bench. Nakita niya na kausap ng nars iyong lalaking tumulong sa kanila kaya hindi na siya nag-abala pang mag-isip ng sasabihin sa nars. Maging siya ay hindi alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa best friend niya. Ngayon lang niya ito nakita ng ganito. Hindi niya lubos maisip na may sakit ito.
Mayamaya lang ay napansin niyang tapos na mag-usap ang nars at ang lalaki. Naglakad ito patungo sa kanya at sinabing...
"Call her parents. I need to go." Saka siya nito tinalikuran na parang wala lang. Hahabulin niya sana ito pero wala na siyang lakas para gawin iyon. Mas importante pa rin sa kanya si Eve.
Nilabas niya ang cell phone niya mula sa bulsa niya at nakitang may missed call at text sa kanya si Eve. Binuksan niya naman agad ang mensahe pero naputol ito sa hulihan at hindi niya na napigilang mapaluha dahil bigla siyang nakaramdam ng guilt at pagkaawa sa matalik niyang kaibigan.
Lumipas ang ilang minuto na iyak lang siya nang iyak hanggang sa tuluyan na siyang tumigil. Nanginginig man ay sinimulan niya nang tawagan ang mga magulang ni Eve.
"Hello, Tita?" Sinubukan niyang huwag pahalatain ang nanginginig niyang boses sa kabilang linya pero hindi niya pa rin ito nakayanan.
"Oh, napatawag ka hija? May problema ba?" Lalo lang ulit siyang nakaramdam ng guilt nang marinig niya sa kabilang linya kung gaano kasaya ang mommy ni Eve habang kausap ang daddy nito tapos sisirain niya lang.
"Si Eve po... dinala po siya sa ospital ngayon. Pumunta na lang po kayo rito. Pakibilisan lang po..." Bago pa man makapagsalita ulit ang mommy ni Eve ay agad niya nang pinutol ang tawag.
Napahagulhol siya habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ni Eve, ang nag-iisa niyang best friend...
Tumayo siya habang marahas na pinupunasan ang mga luhang kumawala sa mata niya. Napatingin siya sa pinto ng emergency room kung nasaan si Eve ngayon. Mabigat man sa loob niya na iwanan ito, kailangan niya pa ring gawin dahil baka lalong hindi niya makayanan na makita ang mga magulang nito na umiiyak at nasasaktan.
Nang makuntento na siya sa pagtingin niya sa pinto ng ER ay tinalikuran niya na ito at agad nang nagsimulang maglakad palabas ng ospital. Bago pa man siya makaliko nang tuluyan sa daan palabas ng hospital ay narinig niya na ang boses ng mga magulang ni Eve. Dala ng sobrang pagkataranta ay agad siyang bumalik at dumaan na lang sa fire exit.
Samantala, ang hindi alam ni Reanna ay nagmamasid lang sa malayo iyong lalaking tumulong sa kanila. Napangisi na lang ito ng mapakla saka napailing-iling.
"Such a coward friend of yours... Eve," bulong niya saka na rin tumalikod para umalis.
Habang papalabas ng ospital ay sinimulan niyang tawagan ang nag-iisa niyang kaibigan.
"Hospital. Now."
"What the heck, bro? I'm still sleeping and–"
"Stupid. You're already awake the moment you answered my call."
"But–"
"No more buts. Come here as soon as possible or else I'll kill you," huli niyang sinabi bago pinatay ang tawag.
Naghintay siya sa labas ng ospital at mayamaya lang ay napangisi na lang siya nang maaninag ang sasakyan ng kaibigan niya. Hindi talaga siya nito matiis o matanggihan. Tumigil ito sa harap niya at agad naman siyang pumasok sa loob.
"Do you have an internet?"
"Damn it, Ice! Iyon lang ba ang kailangan mo? Sinira mo ang mala-fairytale kong panaginip at may date kami ni Alaia mamaya! Seriously, bro? Seriously?" sarkastikong reklamo ng kaibigan niya habang nagmamaneho.
"Shut it, Von. Alaia is not that pretty after all so why waste your time when being with me is much important than that?" ang lalaking tinawag na Ice ni Von.
"Really bro? Really? Tsk. Bagay nga talaga sa 'yo ang pangalan mong Justice Binx Cristobal. I mean, Justice Binx Doulzen? Tsk. Whatever your name is. Para ka kasing isang 'matigas' na yelo kung umasal eh 'no at palaging walang pakialam sa paligid niya. Darn!" Tumawa ng malakas si Von pero hindi naman ito ikinatuwa ni Ice.
"Binx Cristobal. Stop calling me on my first and last name. It sucks."
Lalo lang natawa si Von dahil sa sinabi ni Ice kaya hindi niya na lang ito pinansin. Tumingin siya sa labas ng bintana at hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala niya kung pano niya nakilala si Eve.
"Damn bro! Umuwi na lang tayo kaysa sa mamatay tayo ng maaga rito dahil sa walang kuwentang Valentine's celebration na ito. Tsk," inip na sabi ni Von.
"Go home if you want." Lumabas ng room nila si Ice.
"Naman oh! Ice! Sandali lang!" Padabog namang sinundan ni Von ang kaibigan niya.
"Tangina bro, maglalaro ka? You're so cheap!" si Von nang mapansin niyang papunta sila sa mga booths. Tinignan lang siya ng masama ni Ice kaya tumahimik na lang siya.
Napatigil si Ice sa paglalakad nang makita niyang may dumaan na dalawang babae sa harap nila. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niyang pumunta ito sa mga booths.
Kuryoso naman siyang tiningnan ng kaibigan niyang si Von. Sinundan niya rin ng tingin ang tinitingnan ni Ice kaya napahalakhak na lang ulit siya sa itsura ng kaibigan niya.
"Genevieve Hutton and Reanna Hurston..." Natatawang sambit ni Von na siyang naging dahilan ng pagtingin sa kanya ni Ice.
"What?" Napakunot ng noo si Ice.
"In case you want to know their names?" Tumango-tango si Von saka siya nito tinapik sa balikat bago tuluyang umalis. Tinignan lang siya ni Ice habang naglalakad palayo sa kanya. Ngumisi siya at umiling-iling saka na rin nagpatuloy sa paglalakad.
Sumandal siya sa isang puno sa hindi kalayuan sa mga booths at kitang-kita niya ang mga pinaggagagawa ng dalawang babaeng kanina niya pa tinititigan.
"She's pretty, huh?" bulong niya sa sarili niya nang makita niyang tumawa ang isa sa dalawang babae habang nagbabatuhan sila ng balloons. "And... childish." Umalis siya para pumunta ng CR.
Nang makapasok siya sa banyo ay nagulat na lamang siya nang makita niya ang sarili niyang repleksiyon na nakangiti. Agad naman itong nawala at napalitan ulit ng isang walang emosyong mukha.
"Weird." Napakamot siya sa ulo niya bago dumiretso sa pinakahuling cubicle.
Hindi pa siya nagtatagal sa loob ng CR nang bigla na lang siyang makarinig ng mga yapak ng paa senyales na may pumasok. Pinakiramdaman niya ang paligid. Bigla itong tumahimik pero narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at ang papalayong yapak ng mga paa.
"Ah," he said when he satisfied his needs. Agad niyang flinush ang bowl saka lumabas ng cubicle.
Kumunot ang noo niya nang mapansin niya ang babaeng nakatayo sa may pintuan habang may kinakamot. Nagulat siya nang tuluyan niyang makita ang mukha nito na puno ng pantal. Ito rin iyong babaeng kanina niya pa tinitingnan.
"Sino ka?!" gulat at pasigaw na tanong ng babae sa kanya. Hindi niya matukoy kanina sa dalawang babae kung sino ang Genevieve at Reanna kaya hindi niya rin alam at kilala kung sino ang babaeng kaharap niya ngayon.
Aalis na sana ito nang pigilan niya...
"You need to go to the hospital." Hinawakan niya ang kamay nito at ramdam niya sa sarili niya na nag-aalala siya sa kalagayan ng babae ngayon kahit na hindi naman sila magkakilala. Ayaw niya lang itong ipahalata dahil hindi siya sanay na nagpapakita ng kahit na anong emosyon sa ibang tao. Ito na ang kanyang kinalakihan sa puder ng kanyang mga magulang na hindi kasal.
"Uhm, no need. I can take care of myself. Thanks."
Nainis siya sa sinabi ng babae sa kanya kaya inulit niya ang sinabi niya pero sadyang matigas ang ulo ng babae. Imbes na magpumilit siyang dalhin ito ay gumawa na lang siya ng paraan para tuluyan niya itong madala sa ospital.
"Hoy!"
Natigil siya sa paglalakad nang sumigaw ang babae.
He smirked and mumbled, "It worked."
Binalikan niya ang babae at walang pag-aalinlangan niya itong binuhat na parang isang sakong bigas. Naririndi na siya sa mga sinasabi nito kaya hindi niya sinasadyang naitama ang ulo nito sa matigas na pader.
"Shit!" malutong na mura niya nang maramdaman niyang medyo bumigat ito dahil nawalan ito ng malay.
Nang makarating sa parking lot at maisakay sa kotse ang babae ay agad niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Von.
"Bro, what's–"
"Tell me the physical features of Genevieve and Reanna. Now."
"Woah! Chill–"
"Now." He gritted his teeth as he ran his fingers through his hair.
"Okay. Okay. Si Genevieve 'yong matangkad, maputi, may mahabang buhok at siyempre magan–"
Agad niyang pinutol ang tawag nang makuha niya na ang sagot. Pumasok siya sa loob at bago pa man siya makapag-seatbelt ay napatitig siya bigla sa dalaga.
"Ang ganda mo pa rin kahit puno ng pantal ang mukha mo." Ngumisi siya saka umiling-iling.
He let out a low suspire as he starts the engine. "Genevieve, huh?" Binalingan niya ng huling tingin ang dalaga.
"Fucking shit! Fucking shit!" Biglang itinigil ni Von ang sasakyan nang makita niya ang lawak ng ngiti ni Ice na ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya simula nang maging kaibigan niya ito.
Nagulat naman si Ice sa ginawa nito at agad nawala ang ngiti nito sa kanyang mga labi pero tuwang-tuwa pa rin si Von sa nasaksihan niya kani-kanina lang.
"Holyshit! You smiled! You smiled bro! Shit!" Pumapalakpak pa si Von. "I-celebrate natin iyan! Tell me bro, who's the lucky girl?" Tumitig si Von kay Ice at hinintay ang magiging sagot nito habang tumataas-baba ang dalawa niyang kilay.
Lumipas ang ilang minutong pagtitigan nila hanggang sa bigla na lamang siyang batukan ni Ice ng malakas.
"Gago!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro