Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Happiness in Disguise

GENEVIEVE

As I opened my eyes, I saw Binx; his eyes screams anxiousness and his broad shoulder is unsubstantial as the wind. I can sense that he's been staring at me for a while now. My poor Binx, I'm so sorry.

I blinked. I saw him smiled but that smile can't fool me. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to. Alam ko...

I can hardly breathe so I decided to remove the oxygen mask that I'm wearing. I looked at Binx and I gave him a minute frail smile. Nang biglang manghina ang mga braso ko ay muntikan sana akong mapahiga ulit kaya inalalayan niya ako.

Hindi ko magawang makaimik. The room is lonely. I can feel it. My mom and dad are lying on a soft and comfy sofa. They're asleep. Kita ko ang pagod nila sa mga mukha nila. Pansin ko rin ang pamamayat ng katawan nila. They sacrifice so much for me. Naiisip ko tuloy na nagiging pabigat na ako sa kanila because of my condition. It's so funny na 'yong bagay na hindi ko pinapaniwalaan noon nang i-lesson namin siya sa Biology ay ang bagay na meron na ako ngayon. Now, I'm the victim. How ironic.

I heard him cleared his throat but I didn't look at him. Nanatili akong nakatingin lang sa mga magulang ko. Gusto ko silang titigan ng ganito dahil kahit papaano ay nakakapagpahinga sila at nakakalimutan ang problemang kinakaharap namin ngayon.

"Eve, are you okay?"

Napakurap-kurap ako sa tanong niya. Am I okay? Am I really okay? Kahit ako hindi ko rin alam. But I don't want to be a drama queen. This... this allergy can't fight Genevieve A.K.A the 'Green Clover'. In fact, the happiest person in the world is the good one. So, I'm the good one because even though I'm hurting, I still do some things that can make other people smile.

"Oo naman," nakangiting sabi ko na lang bago tumingin sa kanya.

"Are you sure? May masakit ba sa 'yo? May gusto ka bang kainin? Bibilhan kita. O kaya inumin? Anong gusto mong-"

"Hey, hey. Easy. I'm okay. You don't need to worry. Ikaw talaga," natatawang sabi ko pero deep inside gustong-gusto ko siyang yakapin. But again, sabi nga ni daddy 'too much drama can kill you'. Baka drama pa ang maging dahilan ng pagkawala ko kaysa sa sakit ko. Oh come on, that's funny! Kaya mabuting sarilinin ko na muna ito.

Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya at ang bahagyang pag-iling.

"I'm... sorry..." It's almost a whisper but I heard it.

"Don't be. This is not your fault, okay?" pag-alo ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niyang dinaig pa ang yelo dahil sa lamig. Ramdam ko rin ang pawis nito kaya agad akong napabitaw. "Ang OA mo kasi! Tama na nga 'yan!" I laughed at nakita ko naman ang pagguhit ng isang ngiti sa mga labi niya. Sus! Ang moody talaga ng lalaking 'to! Jusko. "Uhm, basahan mo na lang ako ng book. Please?"

"Okay. You know I can't say no to you. What story do you want to hear?"

Napapalakpak ako sa tuwa at excitement saka sinabi ang libro na gusto kong marinig. Bumili kasi siya ng mga libro 'nong isang buwan para daw kahit papaano ay may mapaglilibangan ako. Sa ilang librong binili niya, dalawa palang ang nababasa ko, I mean, siya. Well, uhm, busy din kasi ako sa pag-take ng mga therapies at medications. Kung hindi, palagi naman akong tulog dahil bumabawi ako ng lakas. Hindi pa rin kasi bumabalik sa dating sigla ang katawan ko and my hair, paunti-unti humahaba na ulit siya pero sabi ni Dr. Aguillard kapag humaba daw ulit, kailangang putulin. Tanggap ko na naman. Wala na akong pakialam sa itsura ko ngayon. Kung hindi naman ako tulog, naghaharutan kami ni Binx. Harutan talaga eh 'no?

I laughed at that thought. I can't imagine na isang Binx Cristobal ang magiging kaharutan ko habang nandito sa ospital. Funny.

Habang marahan niya akong binabasahan, nakasandal lang ako sa balikat niya at nakayakap sa tiyan niya. Minsan ay napapapikit din ako para mas lalong madama ang pagkakataon na ito.

"So, hanggang dito na muna tayo. Do you like the story?"

Bumangon ako at binigyan siya ng ngiti. "Oo naman. Basta galing sa 'yo ang libro at basta ikaw ang nagbabasa, nabibigyan kulay ang lahat."

So he also smiled at me as he closed the book. He held my hand tight then kissed it.

"I love you."

"And I love you," I said as I held his hand too.

The three-letter words that came out to his mouth is so sweet and sincere. Kahit ilang beses niya na 'yon nasabi sa akin ay hindi pa rin ako makapaniwala. Masyado lang talaga akong naninibago. Because of this allergy, I met him. Siguro kahit papaano ay masasabi kong swerte at masaya akong nagkaroon ng ganitong allergy dahil nakilala ko si Binx. I mean, it's a blessing in disguise. A happiness in disguise. Lahat kasi ng binibigay ni God ay may katumbas na halaga at rason. Si Binx ang patuloy na nagbibigay ng lakas at pag-asa sa 'kin. He guided me to the right pathway. Kahit may mangyaring masama sa 'kin soon... hindi ko pagsisisihan na nagkaroon ako ng ganitong sakit. It's all because of HIM. Double meaning 'yon, si God at siya. Palaging mayroong rason kaya nangyayari ang ganitong bagay sa buhay natin. It's because sinusubakan Niya kung gaano tayo katatag at kung gaano kataas ang pananalig natin sa kanya.

My allergy taught me how be strong. It taught me how to fight. It taught me how to love. Kung sa iba siguro isa itong pabigat at hadlang, well for me, I considered this as an opportunity to face the reality. Ang reyalidad na hindi lang puro saya ang kailangan. Ang reyalidad na ang buhay natin ay mayroong purpose at responsibilidad na kailangang punan upang makapagpatuloy tayo sa hinaharap. At kasama ko ang pamilya ko, si Binx at Reanna para harapin lahat ng 'yon. I'm sure marami ding naniniwala sa 'kin so I also considered them as my strength.

To tell you honestly, I'm not afraid of death anymore. Handa na ako sa kung ano man ang mangyayari sa 'kin kaya ayokong sayangin ang mga natitirang araw ko para makasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Maiksi lang ang buhay para magdrama at maging malungkot. Ika nga nila, 'Live life to the fullest' and so am I. I'm going to live my life to the fullest even though it cost me to death. Mag-papatherapy ako hangga't kaya ko at lalaban ako hangga't kaya ko pero kung talagang oras ko na, malugod ko iyong tatanggapin dahil alam kong may isa pang buhay ang naghihintay sa 'kin sa kabilang mundo.

"Eve!"

Napakurap-kurap ako dahil sa biglang pagsigaw ni Binx.

"Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko. Your parents are already awake."

Hinampas ko nga. Biglang humangin ng malakas, eh. Patapon ko 'to sa Korea, eh! Joke lang. Love love ko 'yan kahit ganyan 'yan katopak or ka-moody. Iba kasi ang pag-uugali niyan eh pero intindidong-intindido ko.

"Hi, Mom. Hi, Dad."

"Mukhang ang saya mo ata ngayon, ah? Anong meron?" nakakunot-noong tanong ni mommy pero may konting ngisi sa kanyang mga labi.

"Oo nga. Binx, may ginawa ka ba sa kanya?" segunda naman ni daddy na siyang ikinatawa ko.

"Kayo talaga! Ganito na naman ako dati, 'di ba?"

"It's just weird and strange because... I mean, anyway, I'm so happy to see you smiled like that again, Eve," si mommy na maluha-luha na naman ang mga mata.

"Mommy naman! Kapag nakita ko kayong umiyak, magagalit ako. Sige kayo! Kasali ka 'don Binx!" Hampas ko kay Binx saka ulit binalik ang pansin ko kila mommy at daddy.

"Aba! Hinahamon tayo ng sweetheart natin. Hindi kami uurong diyan!"

Natawa ulit ako sa sinabi ni mommy ganoon din sila daddy at Binx. Ang gaan sa pakiramdam na ganito kayo. I wish for this to happen everyday. I wish for them to be happy even though I'm gone...

"Uhm, may pagkain po ba? Nagugutom na po kasi ako, eh." Napahawak ako sa tiyan ko. Panira talaga 'to ng momentum namin. Pero okay na rin 'yon para makaiwas ako sa pag-iisip ng kung ano-anong hindi naman dapat iniisip.

"Ako na po ang bibili," presinta ni Binx saka na tumayo.

"Ingat ka. Balik ka agad, ha? Huwag lumandi!" Natawa siya dahil sa sinabi ko saka tumango. Aba! Mahirap na, baka habang palabas siya ng building na 'to may makasalubong siyang magandang babae na may coca-colang katawan o kaya nama'y may mga nars at doktor na lumapit sa kanya. Mahirap tanggihan ang blessing, I mean, tukso! Oo, tukso! Mabuti sana kung may pagkababae siya. Kidding.

"Sweetie, hindi naman ganoon si Binx."

Napatingin ako kay mommy dahil sa sinabi niya. Nakaalis na rin naman si Binx, eh.

"Alam ko po. Nagbibiro lang naman po ako," nakangiting sabi ko.

Sa pagitan ng mga ngiti ko, nakaramdam ako ng kirot sa may bandang dibdib ko pero hindi ko 'yon pinapahalata kila mommy at daddy. Nakaramdam din ulit ako ng panghihina. 'Yon bang parang wala ka nang maramdaman kung may buto ka pa talaga sa loob ng katawan mo. 'Yon bang parang tinutusok ang puso mo ng libo-libong karayom na kahit anong pilit mong ngiti o tanggalin, bumabalik pa rin ang sakit. Feeling ko tuloy ang payat-payat ko na kaya ayokong titigan ang sarili ko sa salamin, eh. Baka ma-disappoint lang ako. Well, uhm, disappointed na pala ako noon pa. Sabi nga sa kanta ng air supply, I would rather hurt myself than to ever make 'them' cry...

That is actually true.

Nakabalik agad si Binx at kumain na agad kami. It's already 8 in the evening. Naku! Kung hindi ko pa sinabing nagugutom ako, hindi pa sila magbabalak kumain. Loko 'tong mga taong 'to ah? Balak pang magpalipas ng gutom. Masama 'yon. Hindi 'yon healthy. Ako nga hindi na healthy para lang akong nalilipasan ng gutom pero kumakain naman ako. Funny, isn't it?

"Mommy, Daddy at Binx, ayokong nalilipasan kayo ng gutom. Kung ako okay lang dahil sa sakit ko. Pili lang din ang mga dapat kong kainin gaya nito! Veggies! Pero kayo, dapat palagi kayong healthy para kayo ang kakapitan ko kung sakali mang mabali ang sangang tinatayuan ko o kung sakali mang malunod ako sa sarili kong kapakanan ngayon. Pano na lang kung..."

Natigil ako sa pagsasalita at pagkain nang biglang tumahimik ang buong paligid. Kumunot naman agad ang noo ko nang makita ko silang nakatingin lang sa 'kin na para bang mawawala na ako. Hindi ko maiwasang matawa.

"Mommy! Kakasabi ko lang na walang iiyak, 'di ba? Punasan niyo po 'yan. Naku! Kumakain pa naman po tayo! Oh, Binx kailangan mo ng timba? Ikaw, Dad, panyo?"

Oh, God, please make them stop. This is my weakness... They are my weakness especially when they started to cry like this. Damn!

Kanya-kanya sila ng punas ng luha nila kaya lalo lang akong natawa.

"Ano kasi, napuling ako sweetie," dahilan ni mommy na siyang ikinakunot ng noo ko pero nginitian ko na lang ulit siya.

"Ako, ano, uh, nakalimutan kong kumurap dahil sa kakasalita mo. Tama 'yon nga. Ikaw naman kasi sweetie eh, kung ano-ano sinasabi mo riyan. Kumain ka na lang kasi," palusot naman ni daddy.

Tiningnan ko naman si Binx dahil nakita ko rin ang pagluha niya kanina. Ano naman kayang idadahilan ng isang 'to? Let's see...

"Ikaw Binx? Anyare sa 'yo? Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya saka sinubo ang fresh carrot sa bibig ko.

Natagalan siya sa pagsagot sa tanong ko kaya ilang minuto rin kaming tahimik dahil sa paghintay ng sagot niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang ngumunguya.

"Tears of joy," sabi niya saka tumayo para lumabas ng kuwarto. Napatigil ako sa pag-nguya a at kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya pero agad din naman akong napangiti.

"Naku, si Binx talaga. Tinatawanan niya na lang ang kalagayan ko. Naku! Mommy at Daddy, pigilan niyo ako! Susundan ko 'yon at babatukan! Naku! Naku talaga!" biro ko but they didn't find it funny.

Napatitig ako sa kanila at lumipas pa ang ilang minuto bago sila tumawa.

"Mommy, naman eh! Late reaksiyon po kayo!" maktol ko habang natatawa. Kalaunan ay napanguso na lang ako.

Natapos na kami sa pag-kain pero hindi pa rin bumabalik si Binx kaya naisipan ko munang tapusin 'yong kuwentong binabasa niya sa 'kin kanina.

"They don't look back at the spreading clouds obscuring the outlines of the pagoda, smoke shapes rising heavily, lifting enormous wings into the sky..."

I read the last sentence of the story. Finally! Ito ang pangatlong istorya or I must say, novel na nabasa ko at ni Binx. What a coincidence, her name is Eva and mine is Eve. Palitan lang ng isang letra sa hulihan, kapangalan ko na siya. The story is beautifully written by Saskia Sarginson and about a girl that goes missing to the sea. Everyone presumes that she drowned, but they didn't know that she is being held captive by someone. She's also fighting for her life to survive. Ang pinagkaiba lang ng istorya namin ay siya nawala lang at nadakip pero ako, nandito nga pero 'yong isip ko nasa ibang mundo na. Feeling ko nakakulong din ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.  They thought she drowned but me, matagal na akong nalulunod. I can actually tell that I can relate to the story but I'm not Eva. I'm Eve. Iba ang istorya ko sa istorya niya. Ako lang talaga ang baliw na nagpapakomplikado sa mga bagay-bagay at lahat na lang ni-re-relate ko sa buhay ko. Ang OA ko na ba kapag ganoon? Masisisi niyo ba ako? But hey, I'm happy. I'm happy... okay?

I closed the book as I heaved a sigh. I looked at the wall clock at nakita kong 11:51 na ng gabi. Teka, ang bilis naman ata ng oras? Pero bakit wala pa si Binx? Saan nagpunta 'yon? Umuwi na ba siya? Hindi man lang nagpaalam.

Nilibot ko ang buong paningin sa buong kwarto pero wala talaga siya. Ang tanging nakita ko lang sa loob ay sila mommy at daddy na mahimbing na ulit natutulog. Gusto ko sanang tanungin kung nakabalik na si Binx, hindi ko lang namalayan dahil busy ako sa pagbabasa pero ayoko na silang istorbohin pa.

Napabuntong-hininga ulit ako at tumingin sa pinto. Sana bumukas ka na... sana bumukas ka na... sana bumukas-

"Eve?" Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni mommy. Agad naman akong napatingin sa kanya. "Bakit gising ka pa? Hindi ba't bawal kang magpuyat?" Napakusot-kusot ng mata si mommy.

"Uhm, si Binx po?"

"Hindi pa bumabalik, sweetie eh. Huwag mo na siyang hintayin. Baka umuwi muna 'yon sa kanila. Matulog ka na..." sabi niya saka na ulit bumalik sa pagkakatulog.

Napanguso na lang ako. Napagdesisyonan kong maghintay pa ng ilang minuto pero talagang inaantok na ako. Ala una na ng madaling araw. Baka nga umuwi na talaga siya. Makikita ko pa naman siya bukas.

Naalimpungatan ako dahil sa mga hikbi na naririnig ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa 'kin si Binx na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa may pinto. Namilog ang mga mata ko at babangon sana ako para puntahan siya pero mas pinili kong magkunwaring tulog nang bigla siyang tumingin sa direksiyon ko.

Hindi ko na siya nakikita pero naririnig ko pa rin ang mga hikbi niya na mukhang pinipigilan niyang gumawa ng ingay. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit at ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Gumalaw ako at pinosisyon ko ang sarili ko na nakatalikod sa kanya. Binuksan ko ang mga mata ko at naramdaman ko agad ang pagdaloy ng mga likido sa mata ko pababa sa pisngi at leeg ko. Napatakip ako sa bibig ko ng mahigpit samantala 'yong isa ko namang kamay ay nakahawak sa dibdib ko dahil sa nararamdamang sakit.

I'm in pain physically, emotionally and mentally... and it's getting worse seeing and hearing Binx like this. Please, stop.

Naririnig ko pa rin ang hikbi niya at sa bawat hikbi na naririnig ko ay katumbas ng milyong-milyong sakit na bumabalik sa 'kin. Pinakasamasakit sa lahat 'yong marinig mong iniiyakan ka ng taong mahal mo at makita mong nasasaktan siya. Alam ko naman eh, alam kong pansin nila kanina pa ang mali sa 'kin pero mas pinili nilang itago ang tunay na nararamdaman nila dahil sinabi ko. Pero kahit anong pilit at sabi ang gawin ko, hindi ko pa rin hawak ang puso at isip nila. Masasaktan at masasaktan pa rin sila kagaya ko.

Hindi ko hawak ang kapalaran ko, mangyayari at mangyayari pa rin ang dapat mangyari at wala akong magagawa upang pigilan 'yon. This is what the fate gave to me and all I can do is to spend it sa hindi masasayang na bagay na habang buhay kong pagsisisihan yet here I am, crying silently with my love in the most painful way.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro