Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: The Dawn

GENEVIEVE

Bigla akong napamulat saka huminga nang malalim.

Nakabalik na ako! Paulit-ulit na sambit ko sa aking isipan hanggang sa makita ko ang mukha ng mga magulang ko. There's a glint of worrisome in their eyes. Agad kumunot ang noo ko pero agad naman iyon nawala at napalitan ng ngiti. Tinanggal ko ang oxygen mask na nakalagay sa akin saka nagsalita.

"Mom... Dad..." My voice cracked. Naramdaman ko rin ang paunti-unting pag-init ng dalawang mga mata ko.

"Oh, God!" my mom as she hugged me tight when they got closer to me kasunod ang aking daddy.

I just smiled. This feels so good. Hindi ko na matandaan kung kailan iyong huling yakap nila sa 'kin kaya naman masyadong nakakapanibago ito.

Tumagal ang yakapan namin ng ilang minuto at parang ayoko nang bumitaw sa kanila. I feel so safe in the warmth of their hands and body kaya parang kapag binitawan ko sila ay may hindi na naman magandang mangyayari.

"I missed you, Mom," I said out of nowhere while looking at my beautiful mom. She just smiled as she hold my hand tight. Oh, I miss that face of hers.

I looked at my dad and saw his handsome face na may masayang ngiti habang nakatingin sa akin. "And I missed you, Dad." I smiled.

"Oh, sweetie, we missed you so much! Salamat sa Diyos at binalik ka na niya sa amin. Napakahirap sa amin 'nong nawala ka. Hindi namin-"

"Why mom? What happened ba? Ano pong nawala ako?" I was in puzzle.

"Sweetie," she called saka tumingin kay dad na siyang sinundan ko naman.

Lalo akong naguluhan sa pagpapalitan nila ng mga makahulugang tingin sa isa't isa, kaya naman unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko nang unti-unting bumabalik sa isipan ko kung ano ba talaga ang nangyari. Unti-unti akong naliliwanagan.

Tumingin ako sa paligid at ngayon lang nag-sink in sa 'kin na nasa ospital ako. I tilted my head nang maramdaman ko ang panandaliang pagkirot nito dahil sa sunod-sunod na pagbalik ng mga alaala ko. Although it's still blurry, unti-unti ko nang naiintindihan ang nangyayari.

Biglang nanlabo ang paningin ko at naramdaman ko na lang ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng mga luha ko pababa sa pisngi ko.

The last thing I remembered is that I'm with Reanna pero bigla na lang akong nahimatay at hindi ko na alam kung ano ang nangyari kasunod 'non. Biglang naging blangko ang isip ko at para bang may sumabog malapit sa may puso ko nang ma-realize ko ang sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon. Then, naalala ko ang ilan sa mga napapanaginipan ko na akala ko ay totoo na pero ilusyon ko lang pala lahat nang iyon.

"I..." Nanigas ang labi ko at hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko.

Pumikit ako nang mariin at agad na bumuhos ang mga masagana kong luha pababa sa aking pisngi. My heart started to ache as my hands started to get wet.

"I... I... I almost died..." I stuttered but I said it!

It's so hard to say that word, 'died', but then again, it almost happened to me. 'Almost'.

"Sweetie, I... we..."

Hinintay kong tapusin ni mommy ang sasabihin niya pero hindi niya ginawa bagkus ay yumuko na lang siya at tahimik na umiyak. I looked away. Damn! I don't want to see her crying and worst is it's because of me.

I looked at my dad, tinatanong kung ano sana ang sasabihin ni mom through my eyes but then again, he also looked away and never bother looking at me again. Hindi ko mapigilang matawa nang sarkastiko dahil sa sitwasyon. Nakita ko naman agad ang pagbaling uli nila ng tingin sa akin.

"Bullshit!" Their eyes widened. "Bakit ayaw niyong magsalita tungkol sa nangyayari sa 'kin?! Ano, gusto niyong hindi na lang sana ako nagising at nakabalik sa reyalidad?! Iyon ba iyon kaya ganyan ang mga inaasal ninyo sa pusang kering harap ko?! Tell me!! Tell me what the fuck happening to me!" pagwawala ko habang gigil na nakahawak sa kumot na nakabalot sa katawan ko.

"Sweetie, calm down, please. Calm yourself down," si mom.

I ran my fingers through my hair. Handa na sana ulit akong magsalita nang may maramdaman akong kakaiba sa buhok ko. Kumunot ang noo ko at dahan-dahan ko itong hinawakan.

"Oh, my God... my hair..." Nanginig ako habang dinadama ang napakaiksi kong buhok. "What happened to my hair?" Hindi ko na mapigilang mapaluha at makaramdam ng kirot sa puso ko.

Marahas kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa 'kin saka pinagmasdan ang buo kong pangangatawan. Again, I got disappointed.

My body...

My legs...

Wala na ito sa dating shape niya bagkus ay napakapayat na nito at hindi ko man lang ma-imagine na mangyayari 'to sa akin. This is too much to take! Please tell me that I'm still in that fucking dream!

I shouted at the top of my lungs habang marahas na tinatanggal ang mga nakakabit at nakalagay sa buo kong katawan. Nakita ko na gusto sana akong lapitan ni mommy pero hindi niya magawa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak.

"Damn it! I don't want to see you crying, old woman! Get out of here! Get out!" I burst out.

Fuck! What is happening to me? Bakit ito nangyayari sa akin?

Napahagulhol ako nang malakas at mayamaya lang ay naramdaman ko na lang ang pagyakap sa 'kin ni daddy. Wala na akong lakas para pagtabuyan siya kaya hinayaan ko ang sarili kong umiyak na lang sa kamay niya.

Biglang bumukas ang pinto kaya nabaling ang tingin ko roon. Kumalas ako sa yakap ni daddy at tinitigan siya ng masama.

"Ano ito?" Nagsimula ulit akong mairita. "Ano ba! Anong gagawin niyo sa 'kin?" Tinaboy ko ang mga nars na lumapit sa akin hawak ang isang tray na may lamang injection.

Bigla akong nakaramdam ng takot.

"Tuturukan lang po kita ng pampakalma, Ma'am. Makakasama po sa kalagayan mo ang pagwawala at-"

"Shut up! Shut up! Shut up!" Napuwersa na ang boses ko. "Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan! Hindi ikaw ang nasasaktan dito! Hindi ikaw ang nakakaramdam ng sakit at paghihirap dito!"

She ignored me. Sinenyasan niya ang dalawang lalaking kasama niya na lapitan ako.

"No!" Tinakwil ko ang kamay nilang dumikit sa katawan ko at agad na yinakap ang sarili ko. "No! Don't touch me!"

Pero kahit anong gawin ko, hindi sila nagpapatinag. Itinuloy pa rin nila ang pagturok sa 'kin ng pampakalma. Naiyak na lang ako dala ng halo-halong emosyon - galit, sakit, disappointment, frustration.

Bakit ba hindi nila ako maintindihan?! Sino ang matinong tao ang kakalma lang sa sitwasyong ito?! Sino?!

"No... no..."

Naramdaman ko ang panghihina ng buong katawan ko kaya dahan-dahan akong napahiga ulit sa kama. Hindi ko maiwasang sisihin ang mga magulang ko. Wala man lang silang ginawa. Hinayaan lang nila ako. Of all people, sila dapat ang unang-unang makakaintindi ng kalagayan ko.

Kinuyom ko ang dalawa kong kamao habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Gusto kong bumangon. Gusto kong tumakbo at umalis sa lugar na ito pero wala na akong lakas para gawin iyon... wala na...

Narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto at bago ko pa man maisara ang talukap ng dalawa kong mga mata ay may pamilyar na mukha ang bumungad sa paningin ko.

So familiar that I don't want to close my eyes anymore...

What is he doing here?

***

Naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko nang maimulat ko ang mga mata ko. Napadaing ako at wala pang isang minuto nang daluhan ako ng mga magulang ko. Kumunot ang noo ko at binigyan agad sila ng masamang tingin.

"What are you doing? Don't fucking touch me! Ikaw ang dahilan kaya ako nagkakaganito!" mariin na saad ko kay mommy. "At ikaw! Wala ka man lang ginawa!" Nanginig ang labi ko nang sabihin ko iyon kay daddy.

Para bang ibang boses iyong lumalabas sa bibig ko ngayon.

"Sweetie, please..."

Nabaling ulit ang tingin ko kay mommy at nakita ko na naman ang mata niyang puno ng luha. Damn it!

Kinuyom ko ang dalawang kamay ko saka pumikit ng mariin. As I opened my eyes, ganoon pa rin ang postura nila. Lalo lang akong nainis kaya pinagtabuyan ko pa sila lalo.

"Alis! Leave me alone! Ayokong makita ang pagmumukha ninyo!" nanggagalaiti kong sigaw sa kanila.

Lalo lang napahagulhol si mommy kaya inalalayan na lang siya ni daddy. Umiwas ako ng tingin sa kanila at ramdam ko ang sunod-sunod na pagbuhos ng luha ko. It hurts. Fuck. Ngayon ko lang nasigawan at napagsalitaan ng ganito ang mga magulang ko.

Really? Ano bang nangyayari sa 'kin? Ito ba ang epekto ng sakit kong ito?!

"What happened to you?"

"Shit!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang may marinig akong nagsalita. Damn it! Sino ba iyon?! Muntik na akong atakihin sa puso! Kaya nga pinaalis ko sila para mapag-isa ako, may naiwan pa pala. Nagtaka agad ako nang makita ko kung sino iyong nagsalita. I think I know him.

"Why did you pushed your parents away?" seryosong sabi niya na siyang nagbigay kilabot sa 'kin. Geez, sino ba 'tong lalaking ito?

"Who are you? And what are you doing here?" I raised my left eyebrow to him.

He chuckled pero segundo lang iyon. Naging seryoso ulit siya at paunti-unti na siyang lumalapit sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Okay? This is creeping me out.

"I know you know me. We've met several times already."

"What?" I stuttered.

Kumunot ang noo ko. Napaisip agad ako. Then, it hit me! This guy standing right in front of me is that guy na nakilala ko sa CR tapos siya rin iyong lalaking bumuhos sa akin ng malamig na tubig sa convenience store! In short, siya ang dahilan kung ba't ako nandito ngayon! How dare him!

"You..." May diin na sabiko sa kanya habang pinanliliitan siya ng mata, nangunguyom ang dalawang kamao. "It's your fault! I hate you! This is all your fault!" pagwawala ko pero tinitigan niya lang ako ng poker face. The heck?!

He whistled as he started to walk away. Nakapamulsa pa iyan. Aba! Aba! Lagot ka sa 'kin ngayon. I smirked saka agad siya sinunggaban. Hindi pa naman siya masyadong nakakalayo sa may kama ko kaya naabot ko pa siya. Muntik pa akong malaglag pero mabuti na lang ay nasa kanya na lahat ng force ko.

"Ano, tatakasan mo na naman ako? No way!"

"What the fuck? Are you insane?" mmalutong na aniya.

Hindi ko siya pinansin. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayapos ko sa leeg niya. Narinig ko rin ang bahagya niyang pag-ubo pero wala akong pakialam. This guy needs some beating!

Nang ipupulupot ko na sana sa katawan niya ang paa ko ay bigla na lang bumukas ang pinto at sabay kaming napalingon doon.

It's my parents!

"Shit!" he cursed.

Naestatwa ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay mommy at daddy hanggang sa mapagtanto ko ang posisyon namin ngayon. Bigla akong napakalas sa kanya at bumalik mula sa pagkakahiga ko kanina saka nagtalukbong ng kumot. Pumikit ako at sari-saring mura ang lumabas mula sa bibig ko. Ano naman kung nakita nila iyon? Well, I don't care and I don't give a damn! After all, galit pa rin ako sa kanila. Tss.

Napamulat ako nang marinig ko ang pagpaalam niya kila mommy at daddy. Napabalikwas ako bigla at sinabing, "Huwag kang umalis!"

Oh, my God! Did I just say that? Oh, No!

Nakaramdam ako ng hiya nang makita ko ang kamay kong nakataas sa ere. Oh shiz, with gestures pa talaga iyong pagpigil ko? Damn!

"Never mind! Just go." Nahirapan akong banggitin iyon dahil ang totoo niyan ay ayoko naman talaga siyang umalis. Ayokong maiwan kasama ang mga magulang ko. Para akong na-su-suffocate ng paunti-unti.

Bumalik ako mula sa pagkakahiga at pagkakatalukbong ng kumot saka pinilit na pumikit ulit. That is so embarrassing! Ako pa talaga ang nag-initiate na huwag siyang umalis! Ugh! Wrong move, Eve. Very wrong. Sana pala hindi-

"Mamaya na lang po ako aalis kapag nakatulog na po siya."

Wala pang isang segundo nang sabihin niya iyon ay agad na akong napamulat at ramdam ko ang pamimilog ng mga mata ko. Paunti-unti, naramdaman ko na lang na nakangiti na pala ako. Marahan ko namang sinapak at kinurot ang pisngi ko.

Parang tanga lang, iyon lang kikiligin ka na? Ang babaw naman 'non, Eve!

Lumipas ang ilang minuto na napakatahimik lang ng buong kuwarto. Hindi rin ako umalis sa ganoong pwesto dahil ang awkward. Pakiramdam ko nakatitig lang sila sa 'kin at hinihintay na harapin ko sila.

Narinig ko ang biglang pagkulo ng sikmura ko kaya naman agad akong napahawak 'don at pinisil nang malakas iyon. Napakagat na lang din ako sa labi ko. Endure it, Eve. Endure it.

Bakit kasi ngayon pa? Naman oh!

"May pagkain dito."

Narinig kong sabi niya na wala man lang kaemo-emosyon. Tss.

Gusto ko yayain mo ako iyong may emosyon... dapat iyong may feelings...

Hindi ko na lang siya pinansin at pipikit na sana ako nang bigla ulit siyang magsalita.

"Magpapakamatay ka rin naman pala. Ano pang-"

"Anong pagkain?"

Mabilis na sabi ko nang makabangon na ako. Wala naman akong narinig na salita galing sa kanya pero nakita ko lang iyong bahagya niyang pag-ngisi na parang isang kidlat sa kay bilis nawala. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang biglang pagtayo ni mommy mula sa sofa.

"Sweetie, may dala kaming mix veggies and vegetable salad. It's your favorite-"

"Ayoko."

"Ah, sweetie, kung gusto mo ng karne, meron din kami-"

I cut my dad off. "Ayoko."

"What do you want, sweetie? Bibilhan ka na lang namin sa baba. Sabihin mo lang sa amin, kahit ano," saad naman ni mommy.

"Roasted beef, fresh fruit salad, yogurt, lemon juice, carbonara and... french fries." I gave them a sweet smile. But to be honest, it's a fake one. Tss.

"But sweetie, Dr. Aguillard recommended-"

"So? Hindi na ako kakain? Pati ba naman 'yan?"

"Okay, sweetie. Wait here. Mabilis lang kami." Nataranta si mom.

I rolled my eyes nang sagutin ko siya ng pabalang. "As if naman na makakaalis ako rito. Tss."

Hindi sila umimik at mayamaya lang din ay lumabas na sila. Good. Makakalanghap na ako ng FRESH AIR!

Pero may parte sa puso ko na nasaktan. This is not me... Hindi ko gustong ganituhin sila pero galit ako, hindi ba? Galit ako sa kanila. Hinayaan lang nila akong turukan ng kung ano-ano. Wala silang ginawa.

"Bakit mo kailangang gawin iyon sa kanila?"

Nabaling ang tingin ko sa lalaking nagsalita sa kanang bahagi ko.

"And why do you care?" mataray na sagot ko sa kanya. Sino ba siya para pakialaman ang buhay ko? Close ba kami?

Tumayo siya at matapang akong hinarap. "Magulang mo sila, Eve."

"So? Wala na ba akong karapatang magalit sa kanila?"

"Wala," tugon niya.

"At bakit? Hindi mo alam ang nararamdaman ko so shut up."

"Bakit alam mo ba ang nararamdaman nila? Galit ka sa kanila dahil lang sa walang kuwentang rason o bagay? Anong klase kang anak?"

Wow. Aray ha?

"Hindi iyon basta walang kuwenta! I have my reasons at iyon ang nararamdaman ko! My reasons are valid! This is my life! At puwede ba, huwag mo akong pagsalitaan ng kung anong klase akong anak dahil hindi ikaw ang nagluwal at nagpalamon sa 'kin! Hindi mo alam kung ano sa pakiramdam na nasa sitwasyon kang ito!" Teary-eyes na ako pero ayokong umiyak. Hindi sa harap niya, hindi rito at hindi rin ngayon.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago ulit siya nagsalita.

"Sino ang nag-bantay at nag-alaga sa 'yo sa loob ng isang buwan? Sino ang palaging nasa tabi mo simula nang ma-admit ka rito? Sino ang nagsakripisyo sa 'yo? Sino ang nagbibigay ginahawa at proteksiyon sa 'yo? Sino ang kaagapay mo sa buhay? Tell me, who? 'Di ba mga magulang mo? Right?"

Ang sakit niya naman magsalita. Kung ito lang din ang ibibigay at kung naiintindihan niya ako, hidni na lang sana siya nagsalita! But this guy is on my parents' side!

"Ikaw na anak lang nila galit na galit na agad dahil lang sa isang pagkakamali lang. ISANG pagkakamali o baka naman isang HINDI sinasadyang pagkakamali. Samantalang, sila na mga magulang mo, nagalit ba sila sa 'yo? Pinagsalitaan ka ba nila ng masasakit? Inutusan ka ba nila ng ganoon? Nagtanim ba sila ng sama ng loob sa 'yo? 'Di ba, hindi?"

Damn it! Bakit sapul na sapul ako sa bawat katagang sinasabi niya sa 'kin?

"Stop." It's almost a whisper.

"Now tell me, Eve. Bakit ka ba nagagalit sa kanila? Bakit mo 'to ginagawa sa kanila?"

"Damn it! I told you to stop!" malakas na sigaw ko sa kanya na siyang ikinatigil niya naman.

Napahawak na lang ako sa ulo ko saka umiyak na naman. Every words is like a dagger. Every phrase is like a blade. It hurts. Tagos hanggang buto. Ngayon lang may nakapagsabi nito sa 'kin. And he's right... Wala akong karapatang magalit sa mga magulang ko dahil lahat binigay nila sa 'kin... LAHAT.

Thinking what I did to them earlier ay sobra ko nang pinagsisisihan ngayon. Sobra. How could I do that to them? Gosh, I'm such a bad daughter!

"Bare with it. After all, it's your fault."

Lalo akong napahagulhol at masyado ko ring dinamdam ang mga katagang binitawan niya sa akin pati na iyong mga ginawa ko sa kanila kanina. Oras lang nangyari ang lahat pero segundo lang ako nabigyan ng realization, sobra-sobrang sakit na ang nararamdaman ko ngayon. Damn! Napakasimple lang 'nong mga salitang binitawan niya pero ganoon naman kalalim ang impact.

Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak ko hanggang sa bumukas ulit ang pinto.

"Eve?"

It's my mom's voice.

Oh, god!

Napatingala ako sa kanila at sinalubong ko ang bawat tingin nila sa 'kin.

"Mommy... Daddy..." I said, almost a whisper.

"Sweetie, what happened?" alalang sabi ni mommy. Nakita ko pa iyong mga dala nilang pagkain na nilapag sa may couch at dahil 'don, lalo lang akong napahagulhol.

Nilapitan nila ako at agad ko naman silang niyakap.

"I'm so sorry... I'm sorry, Mom, Dad... Sorry po... sorry..." paulit-ulit na paghingi ko ng sorry sa kanila. At bawat sorry ay may katumbas na sakit sa puso ko.

"Shh, it's okay, sweetie. It's okay. Tahan na." Ramdam ko ang bawat paghaplos ni mommy sa likod ko para patahanin ako pero lalo lang akong napapahagulhol.

"Sweetie, stop crying. You're a lady, right? Dapat hindi ka na umiiyak," si daddy naman kasabay ng pagkalas namin sa yakapan.

"Daddy naman, kahit naman matanda na ako, iiyak pa rin ako," namamaos na sabi ko sa kanila saka bahagyang napatawa.

"Ay ganoon ba iyon?"

Napatawa na lang kami saka ulit nagyakapan. Again, this feels so good. Ang sama ko talaga dahil sa ginawa ko sa kanila. Hindi ko naman talaga kasi ginusto iyon. Masyado lang akong nadala sa damdamin ko. Siyempre, matagal akong nakatulog tapos paggising ko ganoon ang aabutan kong sitwasyon at itsura ko? Pero okay na, 'di ba? Pinagsisisihan ko na. Swear! Ngayon ko lang naramdaman na ang bigat pala sa loob na magalit ka sa mga magulang mo kahit ilang oras lang. Pano pa kaya kung pinatagal ko pa?

Napatingin ako sa lalaking tuod at binigyan siya ng isang sincere na ngiti as I mouthed the words 'thank you' to him. He smiled and it gave me chills. Geez. That's a beautiful smile I've seen to him after how many hours na pag-stay niya rito. My ghad! Ang guwapo niya pala?

Habang nakatitig sa kanya, may kakaiba akong naramdaman. Mixed emotions. I don't know. It feels so different now that he's normally involved in my life. Hindi na lang ito basta aksidente o coincidence. Pakiramdam ko hindi lang ngayon ang pagdalaw niya sa akin. Hindi ko alam na magagawa kong bumigay agad sa isang taong hindi ko pa naman lubos na nakikilala. Hindi ko alam na ito na pala ang simula ng pagbabago ng buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro