Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

0 | Prologue

 "Aalis sila Philip papuntang States?" hindi makapaniwalang tanong ng labing-dalawang taong gulang na si Lilac nang ibalita ng kambal nitong si Peach ang tungkol sa pag-alis ng nakababatang kaibigan.

"Iyon ang narinig ko mula kay Lola Bining. Nagkita kami sa palengke kanina nang magpunta kami roon ni Nana Selma."

Si Lola Bining ang lola ni Philip samantalang si Nana Selma nama'y matandang katiwala sa mansion.

"Bakit kailangan nilang umalis?"

"Eh 'di ba nga, may sakit si Philip at kailangang ipagamot?"

Nanghihinang bumalik siya sa pagkakaupo sa harap ng study table sa kwarto nila ng kakambal. Sandali niyang natutula roon bago muling nagsalita, "May doktor naman sa Maynila para doon siya magpagamot. Bakit kailangang..." Pinag-dikit niya ang mga labi at nagpasiyang hindi na ituloy ang nais na sabihin.

Matagal nang alam ng lahat na may malubhang sakit si Philip at kinakailangan nito ng mas maiging medikasyon at gamutan para humaba pa ang buhay nito. Medikasyon at gamutan na sa ibang bansa lamang nito makukuha.

Si Philip ay malapit nilang kaibigan at dating ka-klase mula nursery hanggang grade three. Ang bahay ng mga ito ay hindi kalayuan sa dati nilang bahay at madalas silang dalawa ng kambal niya na naroon sa mga ito para maglaro. Until one day, Philip collapsed and he was brought to the hospital. Masyado pa silang bata noon para maintindihan ang sakit nito pero magkaganoon pa man ay hindi nila iniwan ang kaibigan. They visited him as often as they could, brought him some toys, comics, books and fruits.

Dalawang taon na ang nakararaan simula nang magkasakit ito at simula noon ay walang araw na hindi dumaraan sina Lilac at Peach sa bahay ng mga ito para makipaglaro. Philip was homeschooled since then. Ang nanay nito ay kasalukuyang Caregiver sa Canada habang ang ama nito'y nasa Dubai. Hiwalay na ang mga ito pero nanatiling may komunikasyon para kay Philip. Ang tanging kasama ni Philip at siyang nag-aalaga rito ay si Lola Bining.

Mas higit na malapit si Lilac kay Philip. Kahit noong pitong taong gulang pa lang siya ay hiniling na niyang si Philip ang makakatuluyan balang araw. She liked him. He was kind, thoughtful, very friendly and he smiled a lot. Pero simula nang magkasakit ito'y madalang na itong ngumiti. He was always in pain. Hindi alam ni Lilac kung papaanong tutulungan ang kaibigan, kaya ang ginagawa niya ay samahan ito, kwentuhan ng kung anu-ano at hahawakan ang kamay sa tuwing naroon siya sa bahay ng mga ito.

There were times she would just spend her whole weekend at Philip's house. Ganoon ito ka-halaga sa kaniya kaya ang malamang aalis na ito ay nagdala sa kaniya ng matinding lungkot.

"Kailan daw ang... alis nila?" tanong niya sa kakambal.

Si Peach ay pasalampak na naupo sa kama nito. Nagkibit ng balikat saka inayos ang mahabang buhok. "Hindi sinabi ni Lola Bining. Gusto mo bang dalawin natin si Philip bukas?"

Tumayo siya at hinablot ang one-sided bag na nasa ibabaw ng study table niya. May laman iyong mga snacks na kagabi pa niya inihanda para dalhin kay Philip. Isinukbit niya iyon sa balikat at muling hinarap ang kambal na nagtaas lang ng mga kilay. "Ngayon siya dadalawin."

"Pero anong oras na at— oy!" Napatayo si Peach nang mabilis siyang tumakbo palabas ng silid nila.

Mabilis siyang naglakad at halos liparin ang pagbaba sa hagdan nang mula sa baba ay makasalubong niya ang Ate Via niya na karga-karga ang anim na buwang sanggol na panganay nito at ng Kuya Xander nila.

"Hey, you," anito. "Mag-a-alas sais na ng gabi at lalabas ka pa?"

"Kailangan kong pumunta kina Philip, Ate," sagot niya. Nasa tinig ang paki-usap.

"Ipagpabukas mo na at aabutin ka ng dilim sa daan."

Hindi niya naiwasang pumadyak. "Pero Ate!"

Nanlaki ang mga mata ng Ate Via niya sa inasal niya. Doon lumabas ang asawa nitong si Xander mula sa study room na katabi ng hagdan. Kunot-noo itong pinag-lipat ang tingin sa kanila ng ate niya.

"What's happening?" tanong nito nang lumapit sa asawa at kinuha ang anak.

"Akyat sa taas, Lilac," sabi ng ate niya na may kasamang warning look.

Silang magkakapatid ay kilala ang ganoong tingin ng ate nila, at kadalasan ay epektibo dahil nangangatog sila kapag ginawa na nito iyon. Pero sa pagkakataong iyon ay wala siyang ibang nais gawin kung hindi bisitahin si Philip at malaman kung kailan ito aalis. Anong malay nila kung bukas na pala ang alis nito?

"Ate, aalis si Philip papuntang States para magpagamot. Paano kung bukas na ang alis nila? Kailangan ko siyang makita ngayon—"

"Why are you acting like a love-crazed child, Lilac?" kunot-noong sabi ng ate niya. "Kung gusto mo ay bukas ng umaga ka na pumunta sa kanila. Masyadong malayo ang bahay nila dito sa mansion at gagabihin ka na sa daan kung gagamitin mo ang bisikleta mo. Now, I want you to go upstairs. Maya-maya ay mag-hahapunan na tayo—"

"Ate, please..." Gusto na niyang maiyak. Kung kina-kailangang lumuhod siya ay gagawin niya, payagan lang siya nito. "Paano kung madaling araw pa lang ay aalis na sila?"

Natuon ang pansin niya sa Kuya Xander niya na natawa nang makitang halos naluluha na siya. "Calm down, Lili. Let's go, I'll drive you there."

Si Via ay manghang nilingon ang asawa. "Kaya spoiled itong mga bata dahil sayo, Alexandro Castillano!"

Nagkibit ito ng balikat. "I love spoiling the kids and you," anito saka kinidatan ang asawa. Hinalikan nito sa pisngi ang inaantok na anak bago masuyong ibinalik sa ina. "We'll be back before dinner."


*****


Mabilis na bumaba si Lilac sa sasakyan nang huminto iyon sa harap ng gate ng bahay nina Philip. Gawa ang gate sa kawayan at mukhang magigiba na kapag dinaanan ng mahinang bagyo.

"Thank you, Kuya Xan," aniya bago tumakbo papasok. Bukas ang ilaw sa dalawang palapag na bahay.

"I'll be waiting here in the car, Lilac!" sabi ng Kuya Xander niya na sinagot lang niya ng pag-kaway.

Pagkarating sa harap ng pinto ng bahay ay taranta siyang kumatok. Ilang sandali pa'y bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang isang magandang babae na naka-kunot ang noo.

"Yes?" tanong nito kasabay ng pagsuri sa kaniya mula ulo hanggang paa.

"Good evening po. Nariyan po ba si Philip?"

Nagtatakang tumango ito. "Nagpapahinga na siya. May kailangan ka ba sa anak ko?"

Napasinghap siya. "Kayo ang mama ni Philip?"

Tumango ito. "Narito ako para sunduin siya."

Pino siyang ngumiti. "Kaibigan po niya ako at... gusto ko po sana siyang makausap."

Matagal siyang tinitigan nito nang may kunot sa noo hanggang sa lumitaw si Lola Bining sa likuran nito.

"Aba, ikaw ba iyan, Lilac?"

"Magandang gabi po, Lola Bining."

"Pumasok ka, hija." Binalingan nito ang babaeng nakaharang sa daan. "Kaibigang matalik iyan ng anak mo at madalas na narito."

Hindi sumagot ang babae at binigyang-daan siya.

Umusal siya ng pasasalamat bago humakbang patungo sa silid ni Philip. Subalit hindi pa man siya nakalalayo ay muling nagsalita ang babaeng kasama roon ni Lola Bining sa pabulong na paraan.

"Ang sabi ko sa inyo ay h'wag hayaang makipagkaibigan si Philip! Alam ninyong wala nang lunas ang karamdaman ng anak ko at ang nais ko na lang ay makapiling siya habang malakas pa siya. Ano ngayon ang mararamdaman ng batang iyan kapag nawala si Philip?"

Natigil sa paghakbang si Lilac at sandaling natulos sa kinatatayuan. Tama ba ang narinig niya?

"Ganoon mo na lang ka-bilis na isuko si Philip? Nangako kang gagawin ang lahat para mapahaba pa kahit papaano ang buhay ng apo ko," sagot ni Lola Bining sa garalgal na tinig.

"Hahaba lang ang buhay niya, 'Nay, pero hindi siya gagaling. At oo, hindi ko nakakalimutan ang pangako kong iyon. Kaya ko nga siya isasama pabalik sa America, hindi ba?"

Hindi namalayan ni Lilac ang sunud-sunod na pagtulo ng mga luha niya habang nakatayo sa harap ng pinto ng silid ng kaibigan. Suminghot siya at pinahiran ang mga mata bago pinihit pabukas ang seradura ng pinto.

Huminga siya ng malalim at nang masigurong maayos na siya ay pilit siyang ngumiti bago itinulak pabukas ang pinto at saka pumasok sa silid.

Tulad ng dati, ay nasa higaan nito sa Philip. Sa ilong nito ay may tubo na tumutulong rito sa paghinga. Ang mga mata'y nanlalalim at ang katawan ay lalong bumagsak. Pilit itong ngumiti nang makita siya.

Philip was two years older than her, pero ang katawan nito'y parang sa edad sampung taong gulang lang.

"Lilac..." usal nito sa nanghihinang tinig.

She forced a smile. "Nakarating sa akin ang balitang lilipad ka na papuntang States kaya nagpumilit akong dumalaw kahit gabi na."

He chuckled — and it didn't sound so good. "Siguradong nagalit na naman sa'yo si Ate Via..."

Hindi siya sumagot. Naupo siya sa monoblock chair sa tabi ng kama nito. "May dala akong mga pagkain... paborito mong lahat."

Sa nanghihinang tinig ay muli itong nagsalita. "Pinagbawalan na ako ng mga doktor na kumain ng kahit na anong... hindi aprubado sa kanila."

Sumimangot siya. "Sinabi lang nila iyon para sila ang kakain sa mga dala ko," she joked. Pero alam niyang mas higit siyang mukhang malungkot, at napansin iyon ni Philip.

"Ano'ng problema...?"

She sniffed. "Nalulungkot lang akong aalis ka."

Pilit itong ngumiti saka inangat ang manipis na kamay upang hawakan siya sa pisngi. "Sandali lang ako roon... Babalik din ako kaagad."

Doon bumuhos ang mga luha niya. Kung hindi niya narinig ang sinabi kanina ng Mama ni Philip ay baka paniwalaan niya ang sinabi ng kaibigan.

"Kapag magaling na ako ay... babalikan kita rito. Tapos ay papasyal tayo sa dagat... Nangako akong—ako ang sasagwan kapag nasa bangka na tayo... 'di ba?"

Suminghot siya at hinayaan ang mga luhang sunud-sunod na dumaloy sa kaniyang mga pisngi.

"Kaya tahan ka na... Lilac. Pinapangako kong babalik ako. Magkikita pa tayo kaya... huwag ka nang umiyak."

Ang iyak ni Lilac ay nauwi sa hagulgol at iyon ang napasukang eksena ni Lola Bining. Lumapit ito at hinawakan siya sa balikat.

"Lilac, bukas ng umaga ang alis nina Philip at ng ina niya kaya kailangan na niyang magpahinga. Hayaan mo't sisiguraduhin kong makakapag-usap pa rin kayo kahit magkalayo kayo. "

Umangat ang tingin niya at nilingon si Lola Bining saka ito pilit na nginitian. Sa paglingon niyang iyon ay bahagyan niyang nasulyapan ang ina ni Philip na nasa pinto, nakahalukipkip na nagmamasid.

"Susulat ako," sabi ni Philip makalipas ang ilang sandali.

Ibinalik niya ang pansin dito. Hinawakan niya ang kamay nitong bumagsak sa kama. "Pangako?"

"Pangako." Ang namumutla nitong mga labi ay umunat bilang pag-ngiti. "Kapag— marunong na akong gumamit ng computer ay... mag-e-email ako sa'yo para —mas mabilis ang komunikasyon natin..."

Nagpahid siya ng mga luha at ginantihan ang kaibigan ng pilit na ngiti. "Aasahan ko iyon, Philip. Hihintayin ko ang mga sulat mo."


*****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro