Chapter 71 (Finale): Mainit na Pagwawakas
NASA iisang sasakyan na sina Clara, Evandro, at Chris. Si Aaron ang kanilang driver habang katabi naman nito si Russell na nagbabantay sa paligid. Nasa pinakalikuran nila sina Cecille, Marites, at ilang mga armadong tauhan ni Aaron.
Tahimik silang lahat at walang nag-uusap kahit isa. Nakatulala naman si Clara sa malayo habang iniisip ang mga kaganapan. Hindi niya akalaing aabot sa ganito ang lahat.
Natigilan lang siya nang maramdaman ang kamay ni Evandro na umakbay sa kanya. Napalingon siya rito. Nakita niyang nakatingin na rin ito sa kanya. Saka ito ngumiti at tahimik na humalik sa kanyang pisngi.
"Are you okay?" anas nito sa kanya.
"Yes, because you're here with me," ngiting sagot naman niya rito na ikinatuwa ng lalaki. Isinandal na lang nila ang ulo sa isa't isa at muling natahimik.
Si Chris naman ay panay ang lingon sa kanila. Parang gusto na nitong lumipat sa likuran pero wala na itong madaanan dahil masyado silang marami sa loob. Ilang na ilang ito sa lambingan ng dalawa.
On the way naman ang grupo nila ngayon sa Barangay Dulo ng Las Iglesias kung saan nagtatago ang natitirang mga tauhan nina Felipe. Ngunit bago pa sila tuluyang makarating doon, nakarinig na sila ng mga putok ng baril sa paligid.
Ipinagpatuloy lang ni Aaron ang pagmamaneho habang sina Russell naman ay inilabas na muli ang mga armas. Ngunit di nagtagal, bigla namang huminto ang sasakyan nila. Doon napagtanto ng lahat na nag-flat na ang mga gulong.
"Sh*t! Yung gulong ang pinuntirya nila!" bulalas ni Aaron.
"Then we have no choice. We have to face them," mungkahi rito ni Russell.
"Dito lang ang lahat! Kami lang ni Russell at ng mga tauhan ko ang bababa," anunsyo ni Aaron sa mga kasama.
"No, isama rin natin si Evandro," suhestyon naman ni Russell.
"Tayo lang ang may armas! Kulang na tayo weapons kaya hindi na puwedeng sumama ang iba!" sagot naman dito ni Aaron.
"Baka nakakalimutan mo, pinabagsak ka na namin dati nang walang armas. Kaya siguradong malaki ang maitutulong sa atin ni Evandro."
Hindi na nakasagot dito si Aaron. Napatitig na lang ito ng malalim kay Russell pagkatapos ay ibinulsa na ang mga baril.
"Sasama rin ako," wika ni Clara sa lahat.
Napalingon sa kanya sina Aaron, Russell at Evandro. "What? Delikado sa labas, mahal!" babala ni Evandro dito.
Nilingon naman ito ni Clara at nginitian. "Everything has changed now, my love. I'm not the girl you used to know. Let me join you and I'll show you."
"Bahala na nga kayo!" Nauna nang lumabas si Aaron sa kanila.
Sumunod naman dito si Russell at ang kasunod nito ay sina Clara at Evandro na mismo. Si Chris naman ay nag-isip pa noong una pero sa huli ay sumama na rin ito sa labas.
Nakita nila ang ilang mga tauhan ni Felipe na nakapalibot sa paligid at nakatutok ang mga baril sa kanila.
"Kayo ang naglakas-loob na pumunta rito. Hindi na kayo makakalabas ng buhay!" sigaw ng isa.
"Hanggang kailan ba kayo magtatapang-tapangan? Hindi n'yo ba alam na wala na ang amo n'yo? Wala na si Felipe!" sigaw rito ni Russell.
"Paano ka nakasisiguro?" asik naman ng isa.
"Pinagpipiyestahan na siya ng mga buwaya roon ngayon!" Nagbalik-tanaw si Russell sa nakita kanina. Bago sila tuluyang makaalis, nagawa pa niyang sumilip para makita sina Nemencio at Felipe.
Nasaksihan ng dalawang mata niya kung paano nahulog ang dalawa sa swimming pool at mabilis na nilapa ng mga buwaya.
"Bilang na ang mga araw n'yo rito sa labas ng mundo. Bukas na bukas, sa kulungan na kayo magsasama-sama!" asik niyang muli sa mga ito. Pagkatapos ay may pinindot siya sa cellphone niya.
Makalipas ang ilang saglit, nagulat ang lahat sa kakaibang ingay na kanilang narinig. Habang tumatagal ay palakas iyon nang palakas. Napalingon sa taas ang mga tauhan nang mapagtanto nilang doon nanggagaling iyon.
Ganoon na lang ang pagkagulat nila nang makita ang isang papalapit na helicopter. Lingid sa kanilang kaalaman, kanina pa nagmamasid iyon sa kanilang balwarte. Isa ito sa mga sundalong kasamahan nina Evandro at Russell.
Nakaramdam ng takot ang iba kaya nagtakbuhan na lang ang mga ito. Habang ang iba naman ay piniling manatili para ipaglaban ang katapatan nila sa amo sa huling sandali ng kanilang mga buhay.
Di nagtagal ay nagsimula na ang matinding bakbakan. Habang umaalingawngaw ang palitan ng mga bala sa paligid, makikita naman sina Clara at Evandro na nakikipagsuntukan sa mga tauhan na malalaki ang katawan.
Hinabol nina Russell at Aaron ang mga armadong tauhan na tumakas. Habang ang mga sundalong kasamahan naman nila ay nagsagawa ng malawakang operasyon para i-corner at tuntunin ang bawat lugar na pinagtataguan ng mga ito.
Pagkatapos mapatumba ni Evandro ang isang tauhan sa kanyang mga suntok, binuhat agad niya ito at tatlong beses na binalibag sa lupa hanggang sa mawalan ng malay. Saka ito nakipagbunuan sa dalawa pang tauhan na parehong may hawak na mga patalim. Pareho niyang naagaw ang mga iyon at ito ang ginamit niya para saksakin ang tagiliran ng tiyan ng mga ito. Sabay pa silang natumba pagkatapos niyon.
Isang backflip ang pinakawalan ni Clara para makaiwas sa patalim ng kanyang kalaban. Mabilis siyang nagpunta sa likuran nito paikot na sinipa ang mga paa nito hanggang sa matumba ito sa lupa.
Nang makita niyang papalapit na sa kanya ang isang tauhan na may baril, agad niyang binuhat ang kanyang bihag at iniharang sa harapan niya kaya ito ang tinamaan ng baril. Nang bumulagta ito sa lupa ay binuhat niya ito at inihagis sa tauhang may baril.
Agad siyang nag-backflip at lumapit dito saka inagaw ang baril nito habang nasa lupa pa ito. Pagkatapos ay pumatong siya sa lalaki at pinaulanan ito ng suntok bago niya dinampot ang baril sa kanyang tabi at pinaputukan ang leeg nito.
Hinataw naman ng mabibigat na suntok ni Chris ang isang tauhan na kasing tangkad niya. Sa palitan nila ng suntukan ay ito ang unang nahilo. Kaya naman hinila agad niya ito at dinala sa isang sasakyan. Paulit-ulit niyang inuntog ang ulo nito hanggang sa bumagsak na ito sa lupa. Pagkatapos lumundag siya sa ere at sinipa naman ang isa pang tauhan na papalapit sa kanya. Bagsak din agad ito.
Pagkatapos makipagbarilan ni Russell sa limang mga tauhan sa loob ng isang bodega, lumabas siya sa kanyang pinagtataguan at isa-isang nilapitan ang mga ito. Nais niyang malaman kung sino sa mga ito ang patay na o may hininga pa.
Pagkarating niya sa pang-apat na lalaki, bigla itong gumalaw at sinipa siya sa bayag. Natumba siya sa harap nito kaya mabilis nitong nabihag ang kanyang leeg. Saka nito dinampot ang kanyang baril at itinutok sa ulo niya.
Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok doon ang ibang mga sundalo. Agad silang tumayo ng lalaki habang hawak pa rin nito ang kanyang leeg.
"Huwag kayong lalapit kung ayaw n'yong sumabog ang ulo ng lalaking ito!" sigaw nito sa mga sundalo.
Habang nakatutok sa mga awtoridad ang baril nito, doon siya mabilis na kumilos. Agad niya itong tinapakan at binuhat pabaligtad hanggang sa matumba itong muli sa lupa. Pagkatapos ay sinipa niya ang kamay nito hanggang sa mabitawan nito ang baril.
Wala na itong nagawa nang lapitan ito ng mga sundalo. Napataas na lang din ito ng kamay tanda ng pagsuko nito.
Pagkatapos paduguin ni Aaron ang bibig ng kanyang kalaban, binali naman niya ang buto nito sa tuhod hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa lupa. Saka niya pinagbabaril ang ulo nito na ikinasuka naman nito ng dugo.
Isang tauhan ang biglang tumalon sa bubong at umatake sa kanya. Nasipa nito ang mukha niya hanggang sa pareho silang magpagulong-gulong sa lupa. Bago pa ito makagawa ng aksyon ay binihag na niya ang mga hita nito saka niya dinukot ang baril sa bulsa. Habang sinusubukan nitong pumalag ay itinutok naman niya ang baril sa ulo nito. Saglit itong nahinto. At ilang saglit pa, tumalsik sa mukha niya ang dugong lumabas sa ulo nito.
Agad niyang itinulak palayo ang bangkay saka pinunasan ng panyo ang dugo sa kanyang mukha. "Hindi ka marunong manggulat," anas niya rito at dinuraan pa ito ng laway.
Bago pa makaalis doon si Aaron, bigla namang sumugod sa likuran niya ang isa pang tauhan na hindi niya namalayang nakamasid sa kanila kanina. Bago pa niya maiputok ang baril niya rito at nailabas na ng tauhan ang patalim nito at ginitilan siya sa leeg!
Dito kumabog nang malakas ang dibdib niya habang sapo ang kanyang leeg na walang tigil sa pagdugo. Dahil sa napakalaking hiwa sa kanyang leeg ay hindi na siya nakalaban sa lalaki nang sipain nito ang kanyang kamay hanggang sa mabitawan niya ang kanyang baril.
Saka ito lumapit sa kanya at sinaksak naman ang tagiliran ng kanyang tiyan. Nagsimula na siyang magsuka ng dugo roon habang nanginginig ang mga kamao niyang nakahawak sa balikat ng kalaban.
Pagkahugot ng lalaki sa patalim, sunod naman nitong dinukot ang baril at pinaputukan ang tiyan niya kung saan siya nito sinaksak!
Doon napamulagat ang kanyang mga mata dulot ng labis na pagkasindak. Unti-unting nanghina ang buong katawan niya hanggang sa bumagsak na siya sa lupa. Mabilis namang tumakbo ang tauhan palayo.
Napatitig na lamang si Aaron sa langit habang patuloy na hinahabol ang hininga. Mayamaya ay nakarinig siya ng mga yabag ng paa na papalapit sa kanya. Lalo siyang kinabahan. Hindi niya alam kung kalaban pa ba ito.
SA KALAGITNAAN naman ng paglalakad ni Russell ay may natagpuan siya sa isang tabi. Nang maaninag niya kung sino iyon, dali-dali niya itong nilapitan.
Sindak na sindak niya nang mapagtantong si Aaron iyon. May malaki itong hiwa sa leeg habang naliligo na sa sariling dugo ang pang-ibabaw na katawan nito.
"Aaron! Aaron!" Gulat na gulat niyang tawag dito saka ito nilapitan. "F*ck, Aaron! Ano'ng nangyari sa 'yo?"
Kahit nag-aagaw-buhay na ay nagawa pang tumitig ng lalaki sa kanya at tumawa. "A-ang suwerte mo..."
"Ha?" nagtatakang sagot niya rito.
"M-mukhang hindi na matutupad 'yung usapan natin na...m-maglalaban pa tayo ni Evandro 'pagkatapos nating...p-pabagsakin si F-F-Felipe..."
"Gago ka ba! Ang dami na ng pinagdaanan natin 'tas 'yan pa ang iniisip mo?"
Tumawa lang uli si Aaron. Ngunit ilang sandali pa, bigla na lang tumirik ang mga mata nito at bumagsak na ang kabilang kamay. Kinalabit niya itong muli pero hindi na ito gumagalaw o tumutugon pa.
Sinubukan niyang kapain ang dibdib at pulso nito pero wala na iyong tibok. Hindi na rin ito humihinga. Doon lang niya napagtanto na wala na ito. Patay na rin ito.
Kahit naging masama ito sa kanila ay hindi niya naiwasang makaramdam ng lungkot para dito. Hindi man lang ito nabigyan ng pagkakataon na makapagbagong-buhay pagkatapos ng pagpapabagsak nila kay Felipe.
Muli siyang bumaba rito at tinapik ang balikat nito. "Salamat, Aaron... Salamat..." Napabuntong-hininga siya. Saka siya tumayo at nilisan na ang lugar na iyon.
Nang maubos na nina Clara, Chris, at Evandro ang mga kalaban ay nagsimula na silang maglakad-lakad para hanapin ang iba pa nilang kasamahan.
"Nasaan na kaya sina Russell? I'm worried about him lalo't si Aaron ang kasama niya. Baka trinaydor na siya ng hayop na drug lord na 'yon!" wika ni Evandro habang humihingal silang naglalakad.
"E, kung bumalik na lang kaya tayo sa kotse? At doon na natin sila hintayin? Kalat na rin naman dito ang mga sundalong kasama n'yo. I think it's time for us to rest. Ibigay na natin sa kanila ang gabing ito," suhestyon naman ni Clara.
"Bakit? Pagod ka na ba?" Saka umakbay sa kanya si Evandro na nakangiti.
"Hindi naman! Kayang-kaya ko pang lumaban!"
"Hindi ako makapaniwalang marunong ka na rin sa ganoong mga galawan," natatawang puri sa kanya ng asawa.
"Siyempre, ikaw ang nagturo no'n sa akin, eh! You made me stronger!" Saka niya ito hinaplos sa mukha.
Nasa likuran naman nila si Chris at tahimik lang na naiinggit sa kanila.
Habang naglalakad na sila pabalik sa kotse, bigla namang nakarinig si Chris ng ingay sa paligid. Naging alerto ito at tahimik na nagmasid sa paligid.
Ilang sandali pa, biglang bumulaga sa di kalayuan ang isang lalaki na may baril. Akmang papuputukan na nito sina Clara at Evandro! Agad siyang sumigaw at hinarang ang kanyang katawan. "Claraaaa! Huwag kayong haharap!"
Kasunod niyon ang malakas na putok ng baril na nagpagulat kina Clara at Evandro. Paglingon nila sa likuran, nakita nila si Chris na unti-unting bumagsak sa lupa at may tama ng bala sa dibdib.
Mabilis namang inilabas ni Evandro ang nakatagong baril sa bulsa, at bago pa sila mapaputukan muli ng lalaking iyon, inunahan na niya ito gamit ang kanyang baril. Bumagsak agad ito sa lupa matapos tamaan sa leeg.
"Nooo! Chris! W-what happened!" alalang tanong ni Clara habang inaalalayan sa likod ang lalaki.
Marahang humawak sa balikat niya ang nanginginig na mga kamay ni Chris. Habol nito ang hininga habang pinipilit ibuka ang bibig. "C-Clara... I-I'm sorry..."
"Chris! Lumaban ka! Marami pa tayong dapat pag-usapan!"
"Dito na nagtatapos ang sa ating dalawa, Clara... Salamat sa maikling panahon na...nakasama kita... Salamat sa tulong mo... p-para maipaghiganti ang tatay ko... Ngayon, m-matatahimik na 'ko...habang b-b-buhay..."
Pagkasabi niyon ay unti-unti nang pumikit ang mga mata ni Chris at bumagsak na rin ang kamay nito sa lupa. Hindi naiwasang mapaluha ni Clara sa mga huling salita na binitawan nito.
Napaluhod na lang din sa kanila si Evandro at yumakap sa kanya. At sa gabi ngang iyon, tuluyang nagwakas ang nagbabagang kasamaan.
Pagkatapos madakip ng mga sundalo at kapulisan ang natitirang mga tauhan ni Felipe, sunod namang naaresto nang gabing iyon sina Senator Rebecca na napatunayang may kinalaman sa pagkakatakas ni Felipe sa kulungan. Pati na rin ang abogado ng mga Iglesias na si Atty. Garry Badon na napatunayang may kinalaman sa pagmamanipula sa mga matataas na tao sa korte upang hindi ituloy ang kaso kay Felipe.
Lahat ng iba pang mga tao na tumutulong kay Felipe Iglesias ay nahanap, nadakip, at nakulong nang gabing iyon. Ang iba naman ay nasawi, nabaril, at ibinuwas ang buhay. Habang si Felipe naman mismo ay napatay ng kapwa nitong mga buwaya.
NABASAG ang pananahimik nina Clara at Evandro nang dumating na si Joshua. Si Clara ang unang tumayo. "Ano? Kumusta na raw si Chris?"
Umiiyak na lumapit sa kanya si Joshua. "W-wala na siya, Clara. Wala na ang kaibigan ko. Patay na siya..." Saka ito naupo sa isang tabi at humagulgol ng iyak.
Nanghina ang mga tuhod ni Clara. Napaupo na lang din siya habang muling nangingilid ang mga luha. Inakbayan na lang uli siya ni Evandro at pilit pinagaan ang loob niya.
Makalipas ang sampung minuto, nagpunta na sa morgue sina Clara at Evandro. Hindi na sila tumuloy sa loob. Sumilip na lang sila sa isang glass window sa pinto. Doon niya nakita ang bangkay ni Chris na nakahimlay sa isang bakal na lamesa.
Hindi na kayang pumasok doon ni Clara. Masyado nang mabigat ang dibdib niya. Napaiyak na lang muli siya.
"Mahal, I hope you don't mind me asking, p-pero, puwede ko bang malaman kung sino siya? Nakalimutan ko kasing itanong ito dahil sa dami ng nangyari kanina," wika sa kanya ni Evandro.
"Isang ispesyal na kaibigan ko, mahal. Siya ang nakapulot at tumulong sa akin noong mawala ako. Isa rin siya sa mga nagpalakas sa akin."
Napatango na lang si Evandro. "I understand. But don't worry. Kung nasaan man siya ngayon, siguradong magiging masaya siya dahil tapos na ang lahat. Napabagsak na natin ang mga kalaban, mahal."
Ngumiti na lang din siya sa lalaki at humawak sa kamay nito. Pero ilang sandali pa, ito naman ang biglang umiyak. "O, bakit mahal?"
"My father... He's gone... Wala na rin siya ngayon, mahal. Binaril din siya ni Felipe sa harapan ko mismo..."
Napayakap na lang si Clara sa lalaki pagkatapos ng narinig. "I'm sorry for your loss, mahal. Sorry kung ang father ko pa mismo ang pumatay sa father mo. I'm really sorry sa naging kasamaan ng sarili kong pamilya."
Saka niya hinaplos ang mukha ng lalaki at pinunasan ang mga luha nito. Hindi nagtagal ay nilisan na rin nila ang harap ng morgue habang patuloy na umiiyak ang lalaki.
MAKALIPAS ang isang linggo, inihatid na sa huling hantungan si Donito Bendijo. Halos lumuhod na sa lupa si Elvira sa pagtangis, habang si Evandro naman ay walang tigil sa pag-iyak mula kaninang umaga hanggang sa paghatid nila rito.
Patuloy naman itong inaakbayan ni Maria Elena na sa mga panahong iyon ay ibinalik na ang dating pagkakakilanlan. Maria Elena na muli ang gamit nitong pangalan pero ang pinapairal pa rin nito sa puso ay ang lakas at tapang ni Clara Mendoza.
Nang sumunod na araw naman, lumipat na sina Maria Elena at Imelda sa bago nilang tahanan sa Saint Gregorio. Doon na nila naisipang magpatayo ng bahay. Malayo sa Probinsya ng Hermosa na nagbigay ng masasakit na alaala sa kanila.
"Anak, kung sakaling mag-aasawa ba ako uli, papayagan mo ba ako?" mayamaya'y tanong ni Imelda sa kanya habang nililibot nila ang loob.
Napangiti naman si Maria Elena rito. "Siyempre naman po, Ina. Sino ba naman ako para pigilan kang sumaya? Alam kong hindi tayo naging masaya lahat kay Ama, at alam kong deserve mo rin naman ng panibagong tao na magpapasaya sa 'yo. Kaya umasa ka na susuportahan namin kung bubuksan mo man muli ang puso mo sa panibagong lalaki."
Ang laki ng tuwa ni Imelda roon. "Muchas gracias, anak! Maraming salamat!"
"Bakit, 'Nay? May bagong lalaki na bang nagpapatibok sa inyong puso?" Saka nagpakawala ng pilyang ngiti si Maria Elena rito.
"Malapit ko na siyang ipakilala sa inyo."
Pagkatapos niyon ay sabay pa silang nagtawanan.
Sa bago nilang tahanan, kabilang pa rin si Aling Susan sa mga kinuha nilang kasambahay. Noong araw na masunog ang kanilang mansyon at bumagsak ang mga Iglesias, nagkasibakan na rin ang lahat sa trabaho.
Pero sa lahat ng mga katulong, si Aling Susan lang ang hindi umalis at nanatili sa tabi nila. Handa pa rin daw iyong manilbihan sa kanila. Kaya naman sa pagbabalik ni Maria Elena, siya na ang kumupkop kay Aling Susan.
MAKALIPAS ng ilang buwan, napilitang dumalaw ni Maria Elena sa kulungan kung saan nakakulong si Maria Isabel. Hinahanap daw nito ang kahit sino sa pamilya nito. Dahil abala si Imelda sa clothing business nito na grand opening ngayon sa malayong lugar, siya na lang muna ang nagboluntaryo na pumunta roon.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang malaking pagbabago ni Maria Isabel. Napakadungis nito, ang laki ng ipinayat, at bahagyang tumanda na rin ang mukha dahil sa labis na stress.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin dito. Nahihiya at kinakabahan pa rin siya. Pero ilang sandali pa, ito na mismo ang lumapit sa kanya. Nagulat siya sa biglang pagyakap nito.
"Maria Elena... P-patawad..." Saka humagulgol ang babae habang humihigpit ang pagkakayakap sa kanya. "Sobrang naging sama ko sa 'yo. Ngayon ko lang na-realize lahat kung gaano kasama ang naging trato ko sa 'yo. Sana, mabigyan mo pa rin ako ng chance na maiparamdam sa 'yo ang pagiging ate ko..."
Pati siya ay napaiyak na rin. Kahit malaki na ang pinagbago niya, hindi pa rin nawala ang pagiging malambot ng kanyang puso. Nang araw na iyon ay natutunan din niya itong patawarin, at naging ganap na silang magkapatid. Hindi niya pinalampas ang pagkakataong matupad ang pangarap niya na magkabati-bati rin silang magkakapatid.
Pagkaraan naman ng ilang taon, nakalaya na si Maria Isabel sa kulungan. Magkasabay sila ni Maria Elena na dumalaw sa mental hospital kung nasaan si Maria Lucia.
Natuwa sila sa ibinalita ng duktor na unti-unti na rin daw itong bumabalik sa dati. Nang masilayan nila ito sa unang pagkakataon, nakita nila ang malaking improvement sa kilos at pananalita nito.
Nang masilayan sila ni Maria Lucia, ito na mismo ang lumapit sa kanila at yumakap. Nagulat si Maria Elena dahil pati siya ay niyakap na rin ng babae. Doon din ito nanghingi ng tawad sa kanya at inamin ang lahat ng pagkakamali nito.
PAGKALIPAS ng dalawang taon, naging maayos na ang buhay nilang lahat. Si Imelda ay isa nang successful na endorser ng sarili niyang clothing brand na Jewel Star. Naipakilala na rin niya sa pamilya si Orlando bilang bago niyang mahal sa buhay.
Si Marites ay nasa bahay na ni Cecille ngayon naninilbihan. Lagi naman itong binibisita roon ni Russell at pinagdadala ng tsokolate.
Sina Maria Isabel at Ronaldo ay nagbakasyon muli sa probinsya para ipagpatuloy ang pinapatayong bahay nila roon na malapit sa dalampasigan.
Habang sina Maria Lucia at Nathan naman ay masayang mina-manage ang bagong tayong restaurant nila na pinangalanang Heavenly Good's. Nang araw ding iyon, inanunsyo nila sa publiko ang tungkol sa engagement nila.
Pagkaraan naman ng ilang buwan, ginanap sa isang malaking simbahan ang engrandeng kasal nina Nathan at Maria Lucia. Pagkatapos ianunsyo ng pari ang pagiging husband and wife nila, isang magarbong palakpakan ang ibinigay ng lahat.
Lumapit pa sina Maria Elena at Maria Isabel sa altar para bigyan ng mahigpit na yakap ang bunso nilang kapatid na kumumpleto ngayon sa buhay pag-ibig ng Tres Marias.
Habang nag-iiyakan silang tatlo sa labis na tuwa, isang panauhin naman ang dumating na ikinagulat ng lahat. Pati ang Tres Marias ay napaatras at naglabas ng takot ang mukha nang masilayan nila ang panauhing iyon.
"Hindi n'yo man lang ako inimbita sa kasal n'yo! Hindi na ba ako parte ng pamilya?" wika ng lalaking iyon.
Sindak na sindak silang lahat nang masilayan si Felipe na sa mga panahong iyon ay mahaba na ang balbas, kalbo na ang buhok, at putol na rin ang kaliwang kamay at kanang paa dahil sa pagkakalapa rito ng mga buwaya. Nakaupo ito sa isang wheelchair habang nasa likod naman nito si Jomar na siyang nagtutulak dito.
Lingid sa kaalaman ng lahat, nang gabing mahulog sila ni Nemencio sa swimming pool, agad nakabalik doon si Jomar at nakita ang pangyayari. Mabilis nitong binuhusan ng kemikal ang pool para manghina ang mga buwaya at matigil sa pag-atake.
Doon niya nailigtas si Felipe na punong-puno ng sugat ang katawan ngunit si Nemencio ay hinayaan na niyang lamunin ng isang buwaya.
"Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Akala n'yo ba papayag na lang ako na maging masaya kayong lahat?"
"Hayop ka, Papa! Paano ka pa nabuhay!" sigaw rito ni Maria Elena habang nasa likuran niya ang dalawang kapatid na nanginginig na rin sa takot.
"Sinasabi ko naman sa 'yo, Maria Elena. Hinding-hindi kayo magtatagumpay lahat! Hindi ako papayag na ako lang ang magdusa sa impiyerno. Kaya sama-sama tayong lahaaaat!" Inilabas ni Felipe ang kanyang bomba at mabilis na hinagis.
Ilang sandali pa, nagsisigawan at nagkakagulo na ang mga tao habang nag-uunahan palabas ng nasusunog na simbahan.
Bago lumisan sina Jomar, dinukot muna nito ang baril sa bulsa at pinaputukan ang ibang mga taong naiwan sa loob.
Habang tumatakbo palayo ang Tres Marias kasama ang kanilang ina, napahinto naman sila sa putol ng baril na narinig sa likuran nila. Napasigaw sila nang masilayan doon sina Felipe at Jomar.
"Saan kayo pupunta mga anak? Hindi n'yo ba yayakapin ang Daddy?"
Ngunit bago pa ito makagawa ng susunod na hakbang, bigla namang umagaw sa kanilang pansin ang pagdating ng isang sasakyan. Ganoon na lamang ang kanilang pagkasindak nang masilayan ang lalaking bumaba roon, walang iba kundi si Samuel Iglesias.
Labis ang panlalaki ng mga mata ni Felipe. "S-Samuel?"
Pati si Imelda ay hindi rin makapaniwala sa nakikita nito.
"Kung hindi ka lang nagpunta rito para magbida-bida, hahaba pa sana ang buhay mo kahit putol na ang mga kamay at paa mo, Felipe. Ikaw rin ang humukay sa sarili mong libingan. Paalam, mahal kong kapatid." Pagkasabi niyon ay mabilis na binaril ni Samuel sa ulo si Felipe. At bago pa siya mabaril ng tauhan nitong si Jomar ay pinaputukan na rin nito iyon sa dibdib.
Gulat na gulat dito ang Tres Marias. Napako sila sa kinatatayuan. Habang si Imelda naman ay kusang lumapit sa lalaki.
"Samuel? Ikaw ba 'yan?"
Matagal na napatitig dito ang lalaki. "Imelda..."
"Samuel, b-buhay ka?"
"Oo. Pero gusto kong iturin n'yo akong patay na sa inyong mga alaala."
"Samuel, bakit ka nagsasalita nang ganyan?" humahagulgol na si Imelda.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Imelda. Nagpunta lang ako rito para tapusin ang huling misyon ko na itaboy ang huling salot sa buhay n'yo."
"P-Pero Samuel... A-ano ba ang nangyari sa 'yo? P-paano ka nabuhay?"
"Patay na ako, Imelda. Iyan ang gusto kong itatak n'yo sa isip n'yo. Paalam. Hindi ko na sisirain pa ang masaya n'yong pamilya. Wala na akong karapatan na bumalik pa sa inyo dahil ako rin ang may kasalanan kung bakit kayo nagkagulo at umabot sa ganito ang lahat. Gusto kong mahalin mo si Orlando, at huwag mo siyang sasaktan gaya ng ginawa mo sa akin."
Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang lalaki. Hindi na ito lumingon kahit anong tawag ni Imelda rito. Nang tuluyan na itong makaalis ay bumigay na lamang ang mga tuhod ni Imelda at humagulgol nang iyak.
Napalapit naman dito ang Tres Marias at binigyan ng mahigpit na yakap ang kanilang ina. Isa na yata iyon sa mga nagbabagang kaganapan na hinding-hindi nila malilimutan lahat.
MAKALIPAS ang limang buwan, nagbalik naman sina Evandro at Maria Elena sa Spain para ipagpatuloy ang bakasyon nila roon.
Habang tumutugtog ang maharot na musika sa tabi, masaya namang nag-uusap ang mga labi at katawan ng dalawa. Magkapatong ang mga ito sa kama habang magkadikit ang mga labi at maseselang bahagi ng katawan.
Maybe I like this roller coaster
Maybe it keeps me high
Maybe the speed, it brings me closer
I could sparkle up your eye
Sa bahaging iyon ng kanta ay ganap nang ipinasok ni Evandro sa kaharian ni Maria Elena ang dakila nitong sandata. Napapikit na lang doon ang babae at napahawak nang mahigpit sa makisig nitong mga braso.
Bumagay sa mainit na sandali ng kanilang mga buhay ang musikang iyon na tumutugtog sa speaker. Sa bawat haplos nila sa katawan ng bawat isa ay pareho nilang nilalasap ang bawat liriko ng kantang Diet Mountain Dew ni Lana Del Rey.
Hurt me and tell me you're mine
I don't know why but I like it
Scary? My God, you're divine
Gimme them, gimme them dope and diamonds
Diet Mountain Dew, baby, New York City
Never was there ever a girl so pretty
Do you think we'll be in love forever?
Do you think we'll be in love?
"Ugghh... F*ck me harder please!" sabi pa ni Maria Elena nang sobrang masarapan.
At nang pumutok na ang pinakamainit na katas sa kaharian ng babae, doon naging ganap ang nagbabagang kaligayahan sa kanyang buhay. Patuloy pa ring umuuga ang kanilang kama habang sumasabay ang kanilang katawan sa maharot na awitin.
SAMANTALA, malungkot namang pinagmamasdan ni Chris ang paligid habang bitbit ang kanyang maleta. Ito na ang huli niyang sulyap sa bansang sinilangan niya.
"Pare, kailan ka babalik?" maluha-luhang tanong sa kanya ni Joshua na naghatid sa kanya sa airport na iyon.
Napabuntong-hininga si Chris. "Hindi ko alam, pare. Hindi ko pa alam. Pero huwag kang mag-alala. Hinding-hindi kita kalilimutan. Isa kang tunay na kaibigan."
Lalong napaiyak si Joshua. "Pero 'di ba magtatrabaho ka lang naman sa ibang bansa para makaipon? Sana kapag mayaman ka na, umuwi ka rito at balikan mo kami, ah?"
Masayang tumango si Chris dito. "Pangako 'yan. Pero sa ngayon, ang gusto ko muna ay makalayo rito upang makalimot sa masalimuot na nakaraan. Gusto kong gumawa ng malaking pagbabago sa buhay ko. At sisimulan ko iyon sa ibang bansa."
Lingid sa kaalaman ng lahat, nagawa pang maisalba ng mga duktor ang buhay ni Chris nang gabing iyon. Pero pinili niyang huwag nang ipaalam ito kay Maria Elena dahil nais niyang makalimutan na siya nito, at para maging ganap na rin itong masaya sa tunay nitong asawa at pamilya.
Pagkatapos sumilip ng babae sa morgue, agad namang lumabas sa pinagtataguan noon si Joshua at pinabangon na siya roon. Naisipan lang niyang magpanggap na bangkay sa morgue para mapaniwala si Maria Elena na wala na talaga siya.
At ngayon, pagkatapos nilang magpaalam ni Joshua sa isa't isa, tinapik na niya ang balikat nito saka sila nagsalubong ng kamao. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ito at pumasok na sa loob ng airport habang umiiyak pa rin sa kanya ang kaibigan.
Doon nagsimula ang panibagong pag-asa at pagbangon sa buhay nilang lahat. Ang mga apoy sa langit ay tuluyan nang namatay at muling sumikat ang liwanag.
Wakas.
Apoy Sa Langit by Draven Black
DB StarDreams Productions
All Rights Reserved 2022
Author's Note: Kung kayo ay nakarating hanggang dito sa dulo, lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Maraming salamat sa oras at panahong ibinigay n'yo para subaybayan ang kauna-unahan kong drama series dito sa page.
Magiging busy na po kasi ako ulit kaya minadali ko na itong matapos, kaya pagpasensyahan n'yo na kung may mga part na parang sobrang bilis ng pangyayari haha. After kasi nito hindi ko alam kung kelan ako makakabalik uli sa Wattpad dahil bukod sa mga kailangan kong asikasuhin sa outside world, isusulat ko pa ang bagong novel ko na nakatakda kong ilabas next year, at siyempre aabutin uli ng buwan ang magiging preparation ko roon kaya heto na muna ang magiging final story ko ngayong 2022.
Sana'y huwag n'yong kalilimutan sa inyong mga puso ang kuwentong ito na laging nagpapaalala sa inyo na hindi lang sa impiyerno may apoy... Meron ding Apoy sa Langit!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro