Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 69: Matinik na Sagupaan

ITINAAS din ni Evandro ang hawak niyang baril na ikinagulat naman ng kanyang ama. "Son, please don't do this!" awat sa kanya ng ama sabay hawak sa balikat niya.

"No, Dad! Hindi tayo magpapasindak kay Felipe! Ginawa na niya 'to sa amin ni Maria Elena pero hindi siya nagtagumpay. Lalabanan ko uli siya!"

Tinawanan lang ni Felipe ang sinabi niyang iyon. "Ano pa ang magiging laban n'yo sa akin? Napaliligiran na kayo ng mga tauhan ko!"

"Bakit mo ba ginagawa 'to, Felipe! Bakit hindi ka na lang sumuko sa mga kasalanan mo! Tanggapin mo na lang ang kapalaran mo! Sa tingin mo ba, kahit mapatay mo pa kaming lahat, magiging masaya ka pa sa buhay mo? Gayong marami nang galit sa 'yo?"

"Oo!" sigaw ni Felipe sa kanya na sinabayan ng panlalaki ng mga mata. "Ako ang magiging pinakamasayang tao sa balat ng lupa kapag nawala kayong lahat! Ikaw, ang pamilya mo, pati na rin sina Maria Elena, at ang iba pang tao na humahadlang sa pangarap ko na pagharian ang buong Hermosa! Pati na rin ang buong Pilipinas!"

"Sakim!" sigaw naman dito ni Donito. "Isa kang dakilang buwaya, Felipe! Ano ang ibig mong sabihin? May balak ka pang tumakbo sa pagkapangulo? Pagkatapos mong mapatalsik sa puwesto dahil sa patung-patong na mga kaso mo?"

"Magagawa ko lahat ng iyon kapag wala na kayo! Kaya sige! Barilin n'yo na sila!" makapangyarihang utos ni Felipe sa mga tauhan.

Ngunit bago pa makapagpaputok ang mga ito, nagsilabasan naman sa paligid ang iba pang mga sasakyan na hindi na kapanalig ni Felipe. Nagtaka sila kung saan galing ang mga ito.

Nagsilabasan naman sa kotseng iyon sina Russell at ang mga kasamahan nito. Dito naman ngumisi si Evandro. "Akala mo ba hindi ka namin pinaghandaan, Felipe? Alam kong ikaw ang nagpasunog sa company namin ngayon! Sa sobrang haba ng sungay mo, pati si Satanas masusuklam na sa 'yo!" Sabay tutok niya ng baril dito.

Sa pagkakataong iyon, hindi na rin makagalaw ang mga tauhan ni Felipe dahil tinututukan na rin sila ng baril ng mga tauhan ni Russell.

Ilang sandali pa, may inilabas si Felipe sa bulsa nito. Pagkahagis niyon sa lupa ay nagpakawala iyon ng makapal na usok sa paligid. Pansamantala silang binulag ng mga usok na iyon. Halos hindi sila makahinga sa napakatapang na amoy nito.

Dahil allergic sa usok si Donito ay nahimatay ito. Napilitan si Evandro na ipasok muna ito sa loob ng kotse. Nang mawala na ang usok, wala na rin si Felipe at ang mga tauhan nito.

"B*llsh*t! Natakasan na naman tayo!" Sabay bagsak ni Evandro ng hawak na baril sa harapan ng kanilang kotse.

"Hindi na bale. Hahanapin natin sila. Siguradong hindi pa nakakalayo ang mga iyon." Inutusan ni Russell na maghanap sa paligid ang mga tauhan.

Bigla namang lumapit si Aaron kay Russell para magtanong sa mga weaponries na wala sa likod ng sasakyan nila. Nagulat naman si Evandro nang masilayan ito. "Aaron?"

Bahagya ring nabigla si Aaron nang masilayan siya. "Oh... Wala na akong kawala, ah!" sarkastikong wika nito.

Agad niyang hinawakan ang damit nito at pinulupot. "Hayop ka! Bakit nandito ka! Nakakulong ka na 'di ba!"

Mabilis namang pumagitna sa kanila si Russell. "Bro, stop. Hindi natin siya kaaway ngayon."

Nalukot naman ang mukha ni Evandro dito. "What do you mean?"

"Kakampi na rin natin si Aaron, for now."

"For now?"

Napahagod ng ulo si Russell. "Bro, let's just talk about it later. Kailangan muna nating mahanap si Felipe baka makalayo na 'yon!"

Doon pa lang niya binitawan si Aaron. "Ikaw, maghanap ka do'n! Mag-uusap muna kami rito!" asik niya rito.

Nagtaas naman ng dalawang kilay sa kanya ang lalaki. "Kung makautos naman ito, parang ikaw ang boss ko, ah? Si Russell lang ang puwedeng mag-utos sa akin n'yan!"


Muli niyang hinawakan ang damit nito. "Ano'ng sinabi mo!"

Inawat muli sila ni Russell at ito na ang nakipag-usap kay Aaron. "Sige na, Aaron. Tulungan mo na lang muna maghanap ang mga kasama natin. Susunod na lang kami."

"Eye, eye, captain!" sagot naman dito ni Aaron at nagpakawala muli ng sarkastikong ngiti kay Evandro. Pagkatapos ay sumunod na ito sa mga tauhan na naghahanap sa paligid.

"Ano ba ang sinasabi mo, Russell? Bakit kasama mo 'yung hayop na 'yon?" agad na tanong ni Evandro dito.

Napakamot ng ulo ang lalaki bago nakasagot. "Iyon na nga ang gusto ko sanang sabihin sa 'yo, bro. Naging kakampi na namin si Aaron ngayon. Kaaway rin niya si Felipe."

"Ano? Kailan pa kayo naging magkakampi? Bakit hindi ko alam 'yan?" Gulong-gulo na ang utak ni Evandro.

"Kalalabas mo pa lang kasi sa ospital noon. Ayoko namang dagdagan pa ang stress mo. Kaya hindi ko muna sinabi sa 'yo na kasama namin si Aaron doon sa binuo kong grupo na magpapabagsak kay Felipe."

"Porket kaaway niya si Felipe, nakipagsabwatan ka na rin sa kanya? Russell, alam mo ba ang ginagawa mo? Tatraydurin lang tayo ng gago na 'yon!"


"No, bro. You don't understand. Malaki na ang naitulong niya. Desidido na talaga siyang magbago. Alam mo kung bakit?"

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Evandro dito habang naghihintay ng sagot.

"Pinatay ni Felipe 'yung matandang lover niya, si Donya Glavosa."

"What? si Felipe ang pumatay kay Donya Glavosa?"

"Yes! Kaya nga ganoon na lang kalaki ang galit ngayon ni Aaron. You see, kaya lang naman natin siya naging kaaway noon dahil sa impluwensya ni Donya Glavosa. Masyado siyang loyal doon. At ngayong ito naman ang namatay, nag-decide siyang maki-anib sa amin para maipaghiganti niya ang lover niya. Galit na galit din siya kay Felipe ngayon."

"No, hindi ko pa rin siya matatanggap! I will never forget what he did to my wife! Nakakalimutan mo na rin yata kung paano natin kinalaban at pinatumba ang grupo niya. He's a drug lord, bro! Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa utak n'yan! Baka mamaya pati ikaw under influenced na rin sa droga nang hindi mo nalalaman!"

"Kung ayaw mo sa kanya, okay lang. Let me manage my own group. Ako na ang bahala sa kanya. Tinatansya ko rin naman siya. Hindi rin ako papayag na may masama pa siyang gawin sa atin."

"Ugh! Tara na nga! At baka makalayo na si Felipe!" Sumakay na siya sa kotse para maghanap-hanap. Sumakay na rin si Russell sa kotse nito para maghanap sa iba pang direksyon.

HABANG nagmamaneho si Evandro sa gitna ng malawak na kagubatan, bigla naman silang nakarinig ng mga putol ng baril sa paligid. Agad silang napayuko ng kanyang ama. Ngunit bigla ring tumirik ang sinasakyan nila.

Naramdaman niya ang pag-flat ng mga gulong. Mukhang ito ang tinamaan ng mga bala. Namula sa sobrang galit si Evandro.

"Sh*t!" Sa inis niya ay dinampot muli niya ang baril at lumabas ng kotse.

"Anak, huwag ka nang lalabas! Delikado, ano ka ba!"

"No, Dad! Walang mangyayari kung hindi tayo lalaban!" Saka siya lumingon sa paligid. "Nasaan ka! Magpakita ka!"

Nagulat siya nang marinig ang boses ni Felipe sa likuran niya. Agad niya itong nilingon at itinutok ang baril dito. "Felipe!"

"Bakit mo pa ako hinahanap, Evandro? Lalo n'yo lang nilalagay sa alanganin ang mga buhay n'yo!"

"Hindi na ako papayag na makalayo ka pa! Ako mismo ang magdadala sa 'yo sa kulungan, Felipe!" sigaw rito ni Evandro at inilapit pa lalo sa matanda ang kanyang baril.

"Talaga lang, ha?" Pagkasabi niyon ay biglang kinalabit ni Felipe ang gatilyo ng hawak nitong baril. Tumagos iyon sa bintana ng sasakyan at nabasag. Sa isa pang kalabit nito sa gatilyo, tumama naman ang baril sa dibdib ni Donito!

Gulat na gulat si Evandro. "Daaaaaaad!"

Bago pa siya makagawa ng aksyon ay bigla namang may balang naligaw sa binti niya. Agad siyang natumba at nabitawan ang baril na hawak niya. Mabilis siyang nilapitan ng dalawang tauhan ni Felipe at pinukpok sa batok hanggang sa mawalan siya ng malay.

Inutusan naman ni Felipe ang dalawa na kaladkarin ang kanyang bangkay. "Pagkatapos n'yo d'yan, hanapin n'yo 'yung iba pa nilang mga kasamahan. Sa pagkakatanda ko, isang grupo sila na kumakalaban sa akin. May kasama pa silang babae. Gusto ko, bangkay na nila ang dalhin n'yo sa akin. Maliwanag?"

"Maliwanag po, Don Felipe," sagot naman ng dalawang tauhan habang buhat-buhat si Evandro.

"SIGURADO ka na ba sa gagawin mo?" tanong kay Chris ni Joshua habang pinagmamasdan siya nitong nag-eempake ng mga gamit niya.

"Buo na ang desisyon ko, pare. Aalis na ako rito. Tapos na ang misyon ko. Naipaghiganti ko na si tatay kahit sa ganoong paraan man lang. Ngayong nakulong na ang mga taong kinamumuhian ko, handa na akong magbagong-buhay." Pagkasabi niyon ay isinara na niya ang zipper ng maleta niya.

"Pero paano si Clara? Iiwan mo na lang ba siya nang hindi kayo nagkakaroon ng maayos na closure? Hindi biro 'yung ginawa mo sa kanya p're. Hindi ka man lang ba manghihingi ng tawad?"


"Ginawa ko na 'yan. Nagkausap na rin kami sa ospital. Nasabi ko na sa kanya ang lahat ng mga dapat niyang malaman. Pero gaya ng inaasahan ko, hindi niya tinanggap ang paghingi ko ng tawad. Pero okay lang. Hindi ko na rin naman hinihintay na patawarin niya ako. Alam kong masama ang nagawa ko sa kanya, kaya aalis na lang ako, at ipapain ko na ang sarili ko sa karma."

"Grabe ka naman. E, saan ka naman pupunta n'yan?"

Doon hindi nakasagot si Chris. Ngunit ilang sandali pa, bigla silang nabulabog sa pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon ang tatlong mga lalaking nakaitim at may hawak na mga armas.

Napaatras silang dalawa ng kaibigan. "Sino kayo!" pagtataas ni Chris ng boses dito.

"Sumama na lang kayo sa amin kung ayaw n'yong masaktan," sabi ng isa at itinutok ang baril sa kanila.

Sa labis na takot ay wala nang nagawa sina Chris. Hinayaan na lang nila ang paglapit ng mga lalaki at puwersahan silang inilabas. Sa likod ng kanilang bahay ay may nakaparada na isang itim na sasakyan. Isinakay sila roon habang nakatutok pa rin ang mga baril sa kanilang ulo.

Nang makaalis na ang sasakyan, doon humarap ang isang babaeng nasa tabi ng driver's seat. Gulat na gulat sina Chris at Joshua nang masilayan si Clara.

Ngumiti ito sa kanila. "What's up boys! Miss me?"

"C-Clara? I-ikaw?" hindi makapaniwalang sambit ni Chris.

"Ano 'to? Bakit pinakidnap mo kami?" bulalas naman dito ni Joshua.

"Alam mo kung gaano kalaki ang galit ko sa 'yo, Chris!" sagot sa kanila ni Clara. "Pero bibigyan kita ng isang pagkakataon para mapatawad. Makikipagtulungan ka sa akin at ikaw ang gagawin kong pain para lumabas sa lungga ang tatay ko!"

"A-ano ang ibig mong sabihin, Clara?" nanginginig ang boses na tanong ni Chris.

"Nakatakas daw siya sa kulungan! Siguradong iisa-isahin na niya tayong lahat! Kaya gusto ko, ikaw ang maghanap sa kanya at dalhin mo siya sa akin! Kapag hindi mo nagawa, masasaktan ka rin!"

"Teka, bakit ang kaibigan ko pa ang pahahanapin mo? Tatay mo 'yun 'di ba? Kayo ang may problema! Ikaw ang dapat maghanap!" sigaw rito ni Joshua.


"May kasalanan sa akin 'yang walang hiya mong kaibigan! Sa ganitong paraan na lang siya makakabawi sa akin! Kaya kung hindi niya gagawin ang mga ipag-uutos ko, pasensyahan na lang tayo!"

"Clara, ano bang nangyayari sa 'yo..." anas dito ni Chris.

Nagtaas ng kabilang kilay ang babae. "Ikaw ang gumawa nito sa akin, Chris. Tinuruan mo 'kong maging matapang 'di ba? Ipapatikim ko lang sa 'yo kung ano ang mga consequences ng ginawa mo! It's my turn para gamitin at paglaruan ka!"

"Baliw! Nababaliw ka na!" sigaw muli rito ni Joshua.


Tumawa lang si Clara. "Say what you want. Wala akong pakialam. Hawak ko ang mga buhay n'yo ngayon at kung hindi n'yo gagawin ang gusto ko, goodbye na rin sa inyo!"

Napalunok na lang ng laway si Chris. Labis ang kanyang pagsisisi ngayon kung bakit pa niya binago ang babaeng ito. Ramdam niya ang matinding galit na bumabalot ngayon sa puso nito. Sa sobrang tindi ng galit, hindi na nito alam ang ginagawa. May sarili nang buhay ang mga sungay na itinanim niya rito. Hindi na niya ito kontrolado. Ito na ngayon ang gustong kumontrol sa kanya!

NANG magising si Evandro, nakita niyang nasa harap na siya ng isang bangin. Agad siyang bumangon sa lupa pero mabilis ding natumba nang maramdaman ang sugat sa kanyang paa dahil sa tama ng baril. Doon naman niya nasilayan si Felipe sa tabi niya.

"Como esta, hijo? Masarap ba ang tulog mo?"

Agad pumatak ang mga luha ni Evandro nang maalala ang nangyari kanina. "Hayop kaaaaa!"

"Sinasabi ko naman sa 'yo. Lalo n'yo lang nilalagay sa alanganin ang inyong buhay kapag hinanap n'yo pa ako." Saka humalakhak ang matanda.

"I cursed you, Felipeeee! You killed my fatheeeer!"

"Iyan ang napapala ng pagtatapang-tapangan mo! Pero huwag kang mag-alala. Isusunod kita agad sa kanya!"

Nanggigigil ang buong katawan ni Evandro sa labis na galit. Kahit hirap ikilos ang kabilang paa, sinubukan pa rin niyang gumapang dito. Doon naman siya pinagpapalo ng matanda gamit ang baston nito.

Napasigaw na lang siya habang pumapalahaw na parang hayop sa lupa. Ilang sandali pa, itinulak siya ng matanda sa mga paa nito. Nahulog siya sa bangin pero mabilis siyang nakakapit sa lupa. Kahit hirap na hirap ay pilit niyang tinabayan ang kanyang mga kamay.

Nagpakawala naman ng malutong na halakhak ang matanda saka siya muling nilapitan. Sa pagkakataong iyon ay tinapakan nito ang kanyang mga kamay. Napatirik na lang ang mga mata ni Evandro sa halu-halong sakit na naramdaman. Hindi na niya kinakaya. Unti-unti na rin siyang nanghihina at nauubusan ng hininga.

"Hanggang dito na lang ang pagkakaibigan ng pamilya natin, Evandro. Paalam sa inyong lahat!"

Bago pa siya tuluyang maihulog ni Felipe, biglang lumitaw sa likuran nito si Aaron at pinukpok ito ng baril sa batok. Sa lakas ng impact ay bumulagta ang matanda at nawalan ng malay.


Agad namang hinawakan ni Aaron ang kanyang kamay at tinulungan siyang makaligtas. Nang ganap na siyang makaangat sa lupa, kumapit naman siya sa balikat nito at sinubukang itayo ang kanyang mga paa. Pero muli siyang natumba.

"Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo! Buti na lang nakita ko si Felipe roon! Kung hindi baka nategi ka na rin dito!"

"Hayop si Felipe! Pinatay niya ang tatay ko! Hi killed my father!" Napahagulgol na lang muli si Evandro at tuluyan nang bumagsak sa lupa. Hindi na niya sinubukang bumangon pa. Nilunod na lang niya ang sarili roon sa kanyang luha.

Nagbagsak naman ng balikat si Aaron. "Can we please stop this drama? Kanina ka pa hinahanap ni Russell! Doon ka na lang umiyak sa kanya, huwag dito! Baka maabutan pa tayo ng ibang tauhan ni Felipe rito!"

Pero wala nang naririnig si Evandro sa mga sandaling iyon. Halos dumikit na ang noo nito sa lupa habang patuloy na tumatangis. Hindi na niya napigilan ang pagsabog ng mabibigat na emosyon sa kanyang dibdib.

Napasandal na lang sa isang puno si Aaron habang tinatakpan ang tainga. Hindi kasi ito sanay makarinig ng mga lalaking umiiyak nang ganoon kalakas. "T*ng in*ng 'to! Parang bata amp*ta!"

PAGKATAPOS itapon ni Clara si Chris sa kung saan, nagbalik naman siya sa kanilang mansyon para isagawa ang susunod na plano niya. Narinig kasi niya kaninang umaga na kausap ni Maria Isabel ang management team nito. Nag-uutos na naman ito na magkalat ng paninira sa karibal nito sa industriya na si Roselia Morgan.

May naisip na siyang kapilyuhan kung paano paglalaruan ang kapatid. Sinubukan niya itong hanapin. Nang makitang nasa kuwarto ito ay mabilis siyang nagtungo sa kitchen area kung saan nakalapag ang tinimpla nitong smoothie juice.

Iyon ang iniinom ng babae para ma-relax ang vocal cord nito. Lalo na kapag may mahalaga itong mga shows noon. Agad niyang binuksan ito at ibinuhos doon ang isang gamot na nabili niya sa kung saan.

Naging mapagmasid si Clara sa paligid. Sinigurado niyang walang nakakakita sa kanya. Nang maubos na niya ang laman ng gamot ay mabilis din niyang isinara ang bote ng smoothie. "Let's see kung makakanta ka pa kapag wala ka nang boses!"

Pagkatapos niya roon ay nagbalik naman siya sa kanyang silid at nagsuot ng isang sexy black leather dress. Pinarisan niya iyon ng glossy black lipstick na ipinahid niya sa kanyang mga labi. Inayos din niya ang kanyang buhok. Plinantsa pa niya ito para mas bumagsak at lumitaw ang bagong mukha na gusto niyang buuin sa kanyang sarili.

Nang maging satisfied na siya sa kanyang hitsura, nginitian niya ang sarili sa salamin. "This is the right color for this night. Dahil may paglalamayan tayo ngayon!" aniya sa kanyang repleksyon sa salamin.

IYAK naman nang iyak si Imelda habang pinagtutulungan ng mga nurs si Maria Lucia. Kahapon pa kasi ito nagwawala at hindi nila malaman kung paano ito pakakalmahin. Kaya napilitan na silang magtawag ng psychiatrist para masuri ito.

Base pa lang sa mga kilos nito, kailangan na raw nitong madala sa pinakamalapit na mental hospital upang matingnan itong mabuti. Naging agresibo ito kahapon. Walang sinuman ang makalapit dito dahil kinakagat nito.

Pati si Nathan na katabi niya ay mangiyak-ngiyak na rin. Nakayuko na lamang ito dahil hindi kayang makita ang nobya nitong naghihirap sa ganoong kalagayan.

"Oo naaaa! Tama naaaaa! Tigilan n'yo na akoooo! Umaamin na akoooo!" paulit-ulit na sigaw nito habang hinahawakan ito ng mga nurs.

"Oo tama kayoooo! Akoooo! Ako ang pumataaaay! Ako ang pumatay kay abuelaaaaa! Pinatay ko si abuelaaaa! Masaya na kayoooo? Kaya tama na! Tigilan n'yo na akoooo!"

Gulat na gulat sina Imelda at Nathan sa mga lumabas sa bibig nito. Ilang sandali pa, tumunog ang telepono ni Nathan at agad iyong sinagot ng lalaki.

"Hello? Maria Isabel?" narinig ni Imelda na sabi ni Nathan.

"Nasaan na kayo? Kumusta na si Hermana?" tanong ni Maria Isabel sa kabilang linya.

"Heto, ipapasok na siya sa loob. Nagwawala pa rin siya. Hindi pa rin namin siya malapitan o makausap man lang."

"Okay, okay. Papunta na ako d'yan. Tapos na akong magbihis dito. I will just get my smoothie at d'yan na ako didiretso. I hope walang mangyaring masama kay Hermana!"

"Salamat, Maria Isabel." Tinapos na rin agad ni Nathan ang tawag at muling napatingin sa nobyang patuloy na pinahihirapan ng depresyon nito.

HINDI alam ni Chris kung saang lugar siya ngayon. Dito siya itinapon ni Clara kanina matapos ang pag-uusap nila. Kumakabog ang dibdib niya habang nilalakad ang masukal na lugar na iyon. Habang tumatagal siya roon, unti-unti niyang naaalala kung ano ang meron dito.

Kung hindi siya nagkakamali, parang ito rin ang lugar kung saan niya nakitang pinatay noon ang kanyang ama. Bakit kaya dito siya dinala ng babae? Sa pagkakaalam niya, wala nang tao na pumupunta rito, maliban na lang sa ilang mga tauhan ni Felipe na dito nagha-hideout.

Bigla siyang ginulat ng isang boses na tumawag sa kanya. "Hoy! Sino ka! Alam mo bang bawal ang kahit sino na pumunta rito? Personal property namin ito!"

Nanginig sa takot si Chris. Hindi na niya inisip na maglaban pa. Napatakbo na lang siya para iligtas ang kanyang buhay.

Ngunit napahinto naman siya nang makarinig ng mga putok ng baril malapit sa dinadaanan niya. Muntik na siyang tamaan ng ilang mga bala. Napaluhod na lamang siya nang magsilabasan din sa paligid ang iba pang mga tauhan.

"Ano ang ginagawa nito rito? Akala ko ba pinagbabawal na ni Don Felipe ang pagpunta rito?" tanong ng isang tauhan.

"Baka naligaw lang," sagot naman ng isa.


"O baka may balak siyang magmasid sa atin at ilaglag tayo sa mga pulis!" sagot naman ng pangalawa.


"Hulihin n'yo na 'yan at dalhin kay Don!"

Yumuko na lamang siya habang nakataas ang kanyang mga kamay. Nilapitan siya ng mga ito at isinakay sa isang sasakyan. Habang nag-uusap-usap ang mga ito, lihim niyang in-activate ang GPS na nakatago sa loob ng brief niya.

SAMANTALA, bigla namang umilaw ang led notification sa cellphone ni Clara. Nakita niyang may ibinibigay nang signal ang GPS sa kanya. Agad niya itong binuksan. Nakita niya kung saan na pumupunta ngayon ang signal.

Patungo ito sa isang tagong lugar sa Saint Gregorio. Naririnig din niya roon ang mga kaganapan sa loob ng sasakyan kung saan binibihag si Chris.

Iyon ang naging plano ni Clara. Ginawa niyang pain si Chris sa lugar na pinagtataguan ng mga tauhan ni Felipe. Dahil hindi siya makapunta roon para magmasid at mag-imbestiga, kumuha na lamang siya ng isang tao na itatapon doon para hulihin ito ng mga tauhan.

Sa ganoong paraan ay nagbabakasakali siya na malaman kung saang mga lugar pumupunta ang mga tauhang nagtatago roon, at para malaman din ang lahat ng mga lugar na pinagtataguan ng buong kampo ni Felipe.

"I got your trace, Felipe. Now it's just a matter of time..." sambit niya rito habang sinusundan sa screen ang signal ng GPS.

TO BE CONTINUED...

Author's Note: Hi readers! Bukas ng Biyernes na dapat magwawakas ang kuwentong ito. Pero medyo napahaba kasi ang finale nito at baka malula kayo sa sobrang haba kung pagkakasyahin ko lahat doon. Kaya napilitan akong hatiin sila at iyon ang ginawa kong additional episode na ipapalabas ko naman sa Sabado. Kaya naman ang finale nito ay sa araw ng Sabado na magaganap. Iyon lamang and enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro