
Chapter 65: Nagliliyab na Paghihiganti
NAGKAROON muli ng meeting ang grupo nina Russell sa loob ng tagong headquarters ni Aaron. Tulad ng dati, sila na naman ang nagbabangayan sa harap ng mesa, habang si Cecille naman ang tagaawat sa kanila.
"Sabi ko sa 'yo, eh! Palpak 'yang ebidensya mo! Madali lang malulusutan nina Felipe 'yan! Pinipilit mo pa kasi 'yung sa 'yo! Ano ngayon ang nangyari? Wala nang kuwenta 'yang pinagmamalaki mong mga audio files! Denied na sa korte 'yan!" paninigaw sa kanya ni Aaron.
Pinukpok niya ang lamesa sa sobrang galit. "Ano bang gusto mong mangyare! Na 'yung sa 'yo ang uunahin nating ilabas? Di hamak naman na mas madaling dokturin ang mga documents na 'yan! Mas madali nilang mapapalabas na peke 'yan!"
Sa sobrang inis ay kinuha ni Cecille sa kabilang lamesa ang isang baril at inilapag sa harapan nina Aaron at Russell. "Ayan ang baril! Magpatayan kayo! Huwag na tayong mag-usap dito! Magbarilan na lang kayo hanggang sa wala nang matira sa mga utak n'yo!"
Si Chris naman ay nananahimik lang sa isang tabi habang pinagmamasdan ang kaganapan sa harapan nito.
"Paano ba naman kasi, sa halip na magbigay ng suggestion kung ano ang susunod na gagawin, inuna pa talaga niyang sisihin ako! Para namang ginusto ko 'yung nangyari! Wala ka talagang kuwentang kagrupo, Aaron! Isang sumbat mo pa sa 'kin, ilalaglag na talaga kita!"
"Subukan mo!" Sabay dampot ni Aaron sa baril at itinutok sa ulo niya. "Utak mo ang unang malalaglag kapag ipinutok ko ito!"
"Ayan ganyan nga! Magpatayan lang kayo d'yan para matapos na ang problema natin! Nakalimutan n'yo na ang purpose kung bakit tayo nagsama-sama rito at binuo ang grupong ito! Para pabagsakin si Felipe! Ngayon kung ganito lang din naman, aalis na lang ako sa grupo at bahala na kayong magbrutalan d'yan! Lalo n'yo lang binibigyan ng tagumpay si Felipe sa ginagawa n'yong 'yan!"
Dahil wala nang maisip na sasabihin si Aaron, ibang tao naman ang pinagbuntungan nito ng galit. "Hoy ikaw! Ba't nananahimik ka lang d'yan? Wala ka bang balak tumulong? Hindi pa kita nakitang nag-ambag sa grupo, ah! Puro ka lang upo d'yan. Ano ka, panelist?"
Napalingon din dito si Cecille. "Oo nga. Masyado ka lang nananahimik d'yan. Parang balewala lang sa 'yo na nautakan tayo ni Felipe."
Ngumisi lang si Chris na tila balewala rin dito ang nararamdaman ng mga kagrupo nito. "Noong umpisa pa lang, alam ko nang papalpak kayo kahit ano pang ebidensya ang ilabas n'yo. Magaling na janitor si Felipe at kahit anong dumi, bacteria, at krimen kaya niyang linisin."
"So, bakit nga nananahimik ka lang? Wala ka bang imumungkahi sa grupo na puwedeng makatulong? Hindi ka ba nababahala? Nautakan tayo ni Felipe! Kung ang korte nagawa niyang lusutan, paano pa natin siya mapapabagsak n'yan? Kahit anong ebidensya pa ang ilabas natin, siguradong malulusutan lang din niya!" bulalas naman ni Russell dito.
Ngumisi lang uli si Chris. "Huwag kayong mag-alala. May huling alas pa tayo."
Nagtaka naman ang tatlo sa kanya. "Ano'ng sinasabi mo?" takang tanong ni Cecille.
"May maghuhubad na ng maskara sa linggong ito," makahulugang tugon ni Chris habang naka-dekuwatro lang ng pag-upo at nakababa ang tingin sa mesa.
Pinanlakihan naman ito ng mata ni Aaron. "Ano bang sinasabi mo d'yan! Kanina ang tahimik mo. Ngayon para kang nagiging propeta! Kung anu-anong malalalim na salita ang lumalabas sa bibig mo! Diretsuhin mo nga kame! May hindi ka ba sinasabi sa amin?"
Sa pagkakataong iyon, nilingon ni Chris ang mga kasama. "Kung gaano kataas ang lipad, ganoon din katindi ang bagsak. Hayaan n'yo nang lumipad si Felipe hanggang sa maabot niya ang langit. Hindi magtatagal, idudura din siya nito pabalik sa lupa... Sa sarili niyang hukay... 'Yung kapalpakan n'yo ang tagumpay nating lahat!"
Pare-pareho namang nangunot ang noo ng tatlo sa sinabi nito. Si Russell naman ay napakamot na lang ng ulo at hindi na alam kung paano ito kakausapin.
INILAPAG ni Chris sa mesa ang iba't ibang litrato ng mga Iglesias at mga dokumentong magdidiin laban kay Felipe. Pinag-aralan nilang dalawa ni Clara ang bawat history ng mga ito. Isa-isa rin niyang ipinaliwanag dito ang iba pang mga bahong itinatago ng kanyang ama bukod sa audio files na kumalat.
"Saan mo naman nakuha ang mga ito, Chris?"
"Sa mga kagrupo ko. Nabanggit ko na sa 'yo na may grupong binuo ang amo ko sa trabaho na magpapabagsak kay Felipe. Ito lahat ang mga ebidensyang naipon namin. Ninakaw ko lang ito sa kanila."
"Ito ang gagamitin natin laban kay Felipe?"
Hindi nakapagsalita si Chris sa pagkakataong iyon. Napatitig lang siya kay Clara habang naghihintay naman ang babae sa magiging sagot niya.
PUNONG-PUNO pa ng sabon ang buong katawan ni Maria Lucia nang kumurap bigla ang ilaw. Nahinto siya sa paghihilod at nag-angat ng paningin. Nang kumurap-kurap itong muli ay doon na siya nagmadaling nagbanlaw ng katawan sa shower.
Kung kailan basang-basa pa ang katawan niya sa tubig, saka naman tuluyang namatay ang ilaw sa lahat ng mansyon. Kasunod niyon ang pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang balat. Kinilabutan siya. Tahimik siyang nakiramdam sa paligid.
Ilang sandali pa, bigla na lang siyang nakarinig ng isang malamig na boses. Tila tinatawag nito ang pangalan niya. "Maria Lucia... Maria Lucia..."
Nangilabot siya sa boses na ito ng isang matandang tila bumangon sa hukay. Nang marinig niya iyon sa ikatlong pagkakataon, doon niya napagtanto na boses iyon ni Donya Glavosa!
Doon nagsisigaw si Maria Lucia. Pinakawalan niya ang pinakamalakas niyang sigaw. Isiniksik na lamang niya ang sarili sa sulok ng banyo habang patuloy na sumisigaw. Ilang sandali pa, narinig niyang kumakalabog na ang pinto. Mas lalo pang lumakas ang sigaw niya. Halos maubusan na siya ng boses sa bibig.
Hanggang sa makarinig siya ng tinig ng isang lalaki. Doon niya inimulat ang kanyang mga mata. Nakita niyang may ilaw na muli sa paligid habang patuloy pa ring kumakalabog ang pinto. Si Nathan na pala ito na kumakatok lamang at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya.
Agad siyang nagbalot ng tuwalya sa katawan at dali-daling lumabas ng banyo. Nang masilayan ang lalaki ay mahigpit siyang yumakap dito at humagulgol nang iyak.
"What happened, babe?"
"She's here... She's here..."
"Who's here? Please tell me what happened!"
Hindi na niya alam kung paano pa ipaliliwanag ang nangyari kanina. Baka kasi hindi lang din ito paniwalaan ng lalaki.
"Babe, tell me what happened! Bakit ka sumisigaw kanina?" pangungulit sa kanya ni Nathan. "Nandito lang ako nakaupo the whole time. Nagbabasa ng news sa tablet ko habang hinihintay kita. Suddenly bigla ka na lang sumigaw d'yan. Ano ba kasi ang nangyari?"
"N-Nathan..." nanginginig ang tinig na sambit ni Maria Lucia. "Mangako ka... na hindi mo ako iiwan..."
"Of, course, I will not leave you! Why are you talking like that?"
Hindi na siya muling sumagot pa. Yumakap na lang siya nang mas mahigpit dito habang pilit pinapakalma ang puso niyang hindi pa rin tumitigil sa pagwawala.
Iba na ang pakiramdam niya. Hindi na normal ang nangyayari sa kanya. Parang hindi na tumatalab ang mga iniinom niyang gamot para makalimot. Unti-unti na niyang naaalala ang buong pangyayari kung paano niya pinatay ang kanyang abuela at kung ano ang nagtulak sa kanya para gawin ito.
Habang naaalala niya ang bawat detalye ng pangyayaring iyon, doon siya nakakaramdam, nakakarinig, at nakakakita ng mga bagay na nagpapagulo sa utak niya. Ayaw naman niyang isipin ng nobyo na nababaliw na siya kaya hindi niya sinasabi rito ang tunay na nangyayari sa kanya.
Pero ang totoo, hirap na hirap na siya sa kalagayan niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya titiisin ito. Pakiramdam niya, parang lalo pang magkakagulo ang bawat selula sa kanyang utak kapag nagtagal pa ito.
PAGKALABAS ni Khalid Jabbar sa airport, agad siyang sinalubong ng kanyang tauhan na nagngangalang Marvin. Bahagya pang pinagalaw ng malakas na simoy ng hangin ang kanyang keffiyeh o ang pulang square scarf na suot niya sa ulo.
"Welcome back to the Philippines, Sir!" bati nito sa kanya.
Isa siyang negosyanteng Arabo na may dugong Pilipino. Tatlong malalaking business ang hawak niya sa Saudi Arabia. Dito niya halos ginugol ang buong buhay niya mula nang lisanin niya ang Pilipinas.
Ngayong nakabalik na siya rito, nakahanda na rin siyang harapin ang mga misyon na dapat niyang isakatuparan.
"It's been a long time since I was here. Everything has changed," tugon ni Khalid Jabbar habang pinagmamasdan ang buong paligid. Kakaibang saya ang naramdaman niya nang masilayan muli ang bansang minsan nang napamahal sa kanya.
"Where do you want to go? We have so many hotels and resorts here in the Philippines," suhestyon ni Marvin.
Nilingon ito ni Khalid. "I think I want to go to Hermosa Province," sagot niya sa Ingles na may halo pa ring Arabian accent.
"Really? Why?"
"I just want to visit a friend. A special friend."
"Okay, Sir. Do you want me to call him now? He's still waiting for the update of your arrival. He already told me last night that he can't visit you here because he has a lot of problems right now."
"It's okay. I think it's better if I am the one who will visit him. I really want to see him now."
"Please follow me, Sir. I will drive you on our car. We will go to Hermosa Province now."
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay naglakad na sila patungo sa pinaparking-an ng kanilang sasakyan. Hindi nagtagal ay nakalabas na rin ng airport ang dalawa.
Pagkarating sa isang bayan sa Hermosa, mahigit isang oras silang naghintay roon bago dumating ang lalaking tinutukoy nila. Natanaw na nila itong papalapit sa kanila.
Hindi makapaghintay si Khalid Jabbar at siya na ang lumabas ng kotse. Ilang sandali pa, lumapit na sa kanya ang lalaking iyon. Itim ang kasuotan nito at may suot na maskara sa mukha.
"You can remove that now. I think we are safe here," wika rito ni Khalid habang pinagmamasdan ang lalaki mula ulo hanggang paa.
Dahan-dahang hinubad ng misteryosong lalaki ang maskara. Saka ito nagsalita sa kanya. "Nagbalik ka na pala..."
"Yeah. I came back. For you. We have an agreement, right?"
"Alam ko," sagot naman ng lalaki sa malutong na tinig. "Saktong-sakto ang pagdating mo. Siguradong matutuwa ka sa mga ibabalita ko sa 'yo."
"Can we go to your place instead?"
"Huwag muna. May bihag ako roon. Sa ibang lugar na lang muna tayo mag-usap. Huwag dito."
Ilang saglit pa, sabay nang pumasok sa loob ng sasakyan ang dalawa. Muli namang nagmaneho si Marvin paalis ng lugar na iyon.
MAHIGIT limandaang katao ang dumalo sa isang casual event na binuo ni Felipe sa isang venue sa Saint Gregorio. Doon siya naglabas ng pormal niyang statement tungkol sa mga nangyari.
Dahil sa pag-urong ng korte sa kanyang kaso, hindi na siya nahiyang humarap sa mga tao para ipaliwanag ang kanyang panig. Confident niyang sinabi sa mga ito na isang malaking paninira lang sa kanya ang naganap at walang katotohanan ang lahat ng iyon.
Dahil na rin sa impluwensya ng mga media na kapanalig niya, madali nilang napaniwala ang mga tao na wala nga siyang kasalanan. Kaya sa isang iglap ay nawala ang kumukulong galit sa kanya ng taumbayan.
"Iyon ang dahilan kaya ko kayo inimbitahan lahat dito. Sinadya ko talagang magdaos nang ganitong programa dahil nais kong humarap sa inyo upang sa akin n'yo mismo malaman ang kasagutan. Ngayong alam na natin ang katotohanan na wala akong kinalaman sa mga pinaparatang nila, mas mabuti siguro kung simulan na natin ang party!"
Kasunod niyon ang magarbong palakpakan na pinakawalan ng mga tao. Itinaas ni Felipe ang kanyang baso at iniharap sa mga ito. Sabay-sabay ding nagtaas ng baso ang mga ito at ilang sandali pa, magkakasabay nilang ininom ang laman ng kanilang mga baso.
Nagsimula nang magkasiyahan ang lahat nang tumugtog ang masayang awitin. Ngunit hindi nagtagal, bigla rin itong huminto, kasunod niyon ang pagpatay ng lahat ng ilaw. Nagulat ang lahat.
Pati si Felipe ay nagtaka. "Ano'ng nangyari?" Agad nitong pinakilos ang mga tauhan para ayusin ang problema.
Ngunit ilang sandali pa, biglang lumiwanag ang malaking projector screen na nasa harap ng entablado. Nagulat ang lahat sa paglitaw ng isang lalaking nakasuot ng anonymous mask doon.
Pati si Felipe at ang buong pamilya nito ay napalingon doon. Lahat sila ay pare-parehong nagtataka sa kung ano ang nangyayari.
Nagsalita ang misteryosong lalaki sa screen. "Mga kababayan. Tumitindi na ang kabobohan sa mundo dahil sa mga taong gaya ng mga Iglesias. Oras na para tuldukan ang sakit na ito na sobra kung makapanghawa. Ang pagiging bobo na yata ang pinakamalalang sakit na sumisira sa buhay at utak ng isang tao, at isang bayan. Kaya para mawala ang mga bobo, dapat mawala rin ang pinagmulan nito. Walang iba kundi ang mga Iglesias."
Pare-parehong nagtataka ang lahat. Si Atty. Garry Badon naman ay sumama ang tingin sa projector screen. "Hoy! Ikaw ang bobo, p*t*ng ina mo!"
Nagsimula nang manginig si Felipe at sumiksik sa kanyang mga tauhan. "Ano ba ang nangyayari dito? Bakit wala kayong ginagawa? Patayin n'yo 'yan!"
"Nagpadala na po kami ng tao sa projector room, Don Felipe. Maging kami ay hindi rin alam kung saan nanggaling 'yan!" sagot naman ni Jomar.
Muling nagsalita ang lalaki sa screen. "Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ako nandito. Nais ko lang ipakilala sa inyo ang isang panauhin na magbibigay ng liwanag sa kaisipan ninyong lahat. Mga mahal kong binibini at ginoo, tumingin kayo sa inyong likuran, at sabay-sabay nating palakpakan ang babaeng ibinaon sa hukay, pero bumangon at muling nabuhay para iligtas tayong lahat."
Kasunod niyon ang biglang pagputok ng mga fireworks na nakatago sa paligid. Labis itong ikinagulat ng mga tao. Pati sina Felipe ay hindi inaasahan iyon.
Pagkatapos magputukan ng mga fireworks, bigla namang naglabas ng makapal na usok ang entrance door. Napalingon dito ang lahat. Kasunod niyon ang pagtugtog ng Human Nature ni Madonna sa malalaking speaker sa paligid.
Express yourself don't repress yourself
Express yourself don't repress yourself
Pagdating sa bahaging chorus, nasilayan nila ang paglitaw ng isang babaeng naka-itim na gown at malumanay na naglakad sa red carpet habang tinatakpan ng masquerade mask ang mukha.
And I'm not sorry (I'm not sorry)
I'm not sorry
(It's human nature) It's human nature
And I'm not sorry (I'm not sorry)
I'm not sorry
I'm not your b*tch don't hang your sh*t on me
(It's human nature)
Nang makarating na ang babae sa bandang harap ng entablado, humarap ito sa mga tao habang hawak pa rin ang masquerade mask. Sunod namang pumasok sa entrance si Chris Ocampo na nakasuot ng mamahaling tuxedo na pinarisan pa ng round leather hat.
Habang nagtataka ang mga tao sa kung ano ang nangyayari, gulat na gulat naman si Felipe nang masilayan si Chris. "I-Ikaw?"
Nang makalapit na ito sa babae, doon nagsimulang magsalita si Clara Mendoza. "I'm sorry everyone! Ayoko lang naman kasing magsimula ang party na ito kung wala ako. Dapat, kumpleto muna ang pamilya bago magsaya, hindi ba?" Saka siya lumingon kina Felipe na nasa taas ng entablado.
Sa pagkakataong iyon ay inagaw ni Clara ang mikropono sa host. "Hindi ko na patatagalin ito mga fersons! Ang purpose talaga ng party na 'to ay para ibulgar ang totoong kulay ng taong binoto at sinusuportahan n'yo. Yes! This party is not about Felipe, it's about me!"
"Hey, you!" sigaw dito ni Maria Isabel. "Who do you think you are, ha? You cannot do this to our party!"
Pinagtaasan naman ito ng kilay ni Clara. "Talaga lang, ha? Nakuha n'yo pang mag-party pagkatapos n'yong lokohin ang mga tao? Well, let's end this bullsh*t!" Saka siya muling humarap sa mga tao.
"I'm sorry! I forgot to introduce myself to all of you. Well, what do you guys think? Can we do it the easy way? Can I just say my name in front of this building? Or, can we do it the hard way? Just like this!"
Sa pagkakataong iyon, dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang maskara. Kasunod niyon ang pagtutok dito ng mga camera sa paligid hanggang sa lumantad sa malaking projector screen ang mukha ni Clara Mendoza.
Umugong ang malalakas na sigawan at bulungan. Binalot naman ng pagkasindak ang Pamilya Iglesias nang masilayan ang isang babaeng kamukhang-kamukha ng pekeng Maria Elena na kasama nila ngayon sa entablado.
Tuwang-tuwa naman si Clara nang masilayan ang pagkagulat sa kanya ng mga tao. "Yes! It's me! I am Maria Elena Iglesias!" Saka siya muling humarap sa entablado. "And that one right there, it's just a cheap product made in China!"
Mas lalong lumakas ang bulungan.
"Ano 'yun?"
"Bakit dalawa 'yung Maria Elena?"
Dilat na dilat sa pagkagulat ang mga mata nina Felipe at Imelda. Hindi maipinta ang mukha nina Maria Isabel at Maria Lucia sa labis na pagkasindak. Bakas naman ang takot sa mukha ng pekeng Maria Elena.
"Yes mga kaibigan! Niloko tayong lahat ni Felipe! Pinaikot niya tayo! Ginawa niya tayong tanga! Gaya n'yan, nagpagawa siya ng pekeng Maria Elena para itago sa inyo kung ano ang ginawa niya sa akin! Pinapatay lang naman niya ako. He tried to kill me! At nang inakala niyang nagtagumpay siya, nagpagawa lang naman siya ng isang clone para maging kapalit ko. Ganoon kasama ang taong iniluklok n'yo sa Hermosa para maging leader n'yo! Ganyan ba ang gusto n'yong leader? Pumapatay?"
Gulat na gulat ang mga tao sa kanilang narinig. Lahat sila ay napasigaw at kanya-kanyang kuha ng camera sa lahat ng mga kaganapan. Ang iba namang mga tauhan ay bumaba pa sa stage para lang kumpiskahin ang cellphone ng mga ito na lalo namang ikinagalit ng ibang tao.
"Shut up! Sino ka para siraan si Papa!" sigaw muli rito ni Maria Isabel.
Pinandilatan naman ito ni Clara. "Ikaw, kanina ka pa, ah! Huwag kang magpakampante d'yan! May plano rin ako sa 'yo!"
"M-mga kababayan... Hindi po totoo ang nakikita n'yo... I-isa lamang po itong malaking gimik para maghatid ng aliw sa inyo!" pagpapalusot ni Felipe sa mga tao.
Tumalim naman ang mga titig dito ni Clara. "Bistado ka na nga, magsisinungaling ka pa? Ganyan ka na ba katanga, Papa? Kahit ano pang gawin mo, Felipe, hindi mo na maitatago ang pinakamatindi mong baho! Aminin mo na lang sa harap ng mga bisita mo na pinapatay mo 'ko, at pinalitan ng isang Made in China para pagtakpan ang krimeng ginawa mo!"
Lalong naghiyawan ang mga tao.
"Oo! Totoo 'yon! Pinapatay ako ng sarili kong ama dahil alam ko ang lahat ng mga sikreto niya! Hindi ba't nakakalungkot isipin na ang isang taong gaya ni Felipe ay papatayin pa ang sariling anak para lang sa kapangyarihan? Anong klaseng kahangalan iyon? Gusto mo na bang palitan si Satanas sa trono niya, Papa?"
"Walang hiya ka! Kung sino ka man na gumaya sa mukha ng anak ko, sinisigurado kong may kalalagyan ka!" nanginginig ang tinig na sigaw rito ni Felipe.
"Ikaw ang may kalalagyan, Felipe! Akala mo ba ito lang ang pinunta ko rito? Well, hindi ako sumusugod nang walang bala!"
Sa pagkakataong iyon ay naglabas na ng baril ang ilan sa mga tauhan ni Felipe at itinutok sa kanya. Dito na nagsimulang magkagulo ang mga tao. Ang iba ay nagsilabasan na. Ang iba naman ay pilit pa ring nakiusyoso sa loob.
"O, bakit naglabas kayo ng mga baril n'yo? Lalo n'yo lang nilaglag ang magaling n'yong amo! Well, meron akong dala rito na mas matindi pa sa mga bala n'yo!" Dinukot ni Clara sa kanyang bulsa ang mga nakatagong litrato at dokumento.
Isa-isa niya itong ipinakita sa mga tao. "Heto ang mga dokumentong magpapatunay na si Felipe ay isang Tax Evader! Umaabot na ng mahigit 500 million ang tax na hindi niya binabayaran! Bukod d'yan, narito rin ang mga papeles na magpapatunay sa pandarayang ginawa niya sa election! See for yourself" Saka niya inihagis sa harap ng entablado ang mga ito.
Pagkatapos niyon, pinitik naman niya ang kanyang kamay at ilang sandali pa, lumitaw na sa projector screen ang isang larawan kung saan makikita si Felipe na may ginagahasang babae.
"This is an old picture na nakalkal ko sa mahiwagang baul ng magaling kong ama. As you can see, hindi lang siya basta corrupt na politiko. Isa rin siyang m*niac! R*pist! Nakakadiri! Nakakasuka!"
Mas tumindi pa ang pagkagulat ng mga tao sa larawang nasisilayan nila sa screen. Malinaw na malinaw roon ang mukha ni Felipe sampung taon na ang nakalilipas. Hindi sila maaaring linlangin ng kanilang paningin. Siya nga ang nakapatong doon sa babae habang walang awa itong ginagahasa.
"And by the way, may kopya na rin pala ang mga pulis sa lahat ng ebidensyang hawak ko. Kaya hindi mo na ito puwedeng pagtakpan, Felipe. Kahit isang batalyon ng abogado pa ang kunin mo, hinding-hindi ka na nila maipagtatanggol pa. Your jail era is now officially serving!" Sabay halakhak ni Clara sa harap ng hawak na mikropono. Nakitawa na rin sa kanya si Chris na sobrang masaya sa mga nangyayari.
Ilang sandali pa, nagsipasok na sa loob ng venue ang mga pulis na kasama nilang dalawa. "Oh! Nandito na pala sila! Bye, Felipe! Huhulihin ka na nila!" pahabol na wika ni Clara sa nang-iinsultong tinig.
Hindi nakapagpigil ang isa sa mga tauhan ng matanda. Naiputok nito ang hawak na baril kay Clara! Doon na nagsitakbuhan ang lahat ng tao palabas. Takot na takot na sila sa mga nangyayari.
Agad namang sinalo ni Chris si Clara bago ito bumagsak sa lupa. "No! Hindi puwedeng mangyari 'to! Claraaaaa!"
Agad nilang inilabas ang babae sa venue para isugod sa pinakamalapit na ospital. Si Felipe naman ay mangiyak-ngiyak na lamang habang pinoposasan siya ng mga pulis.
Parang bata nag-iyakan sina Maria Isabel at Maria Lucia. Si Imelda naman ay nasa tabi lang at umiiyak din pero hindi alam kung ano ang gagawin. Habang si Maria Elena ay nanginginig, lumuluha, at kumakabog ang buong pagkatao.
Mas lalo pang nagwala sa takot ang puso nito nang lapitan ito ng isang pulis at sinabing kailangan din daw nitong sumama. Wala na itong nagawa. Napayuko na lang itong sumunod pababa ng entablado.
Kinabukasan, laman muli ng balita si Felipe. Mas matindi ang galit ngayon sa kanya ng mga tao. Nakarating pa hanggang sa ibang bansa ang mga kaso niya. Lahat ng istasyon, tv channels, at mga social media sites ay namulat na sa katotohanan. Wala nang sumusuporta ngayon sa kanila.
Pati ang dating mga media na kapanalig nila ay kumalas na rin sa kanila. Mas malaki na kasi ang kinikita ng mga ito ngayon sa pagbabalita pa lang nila sa napakalaking issues na kinahaharap ng mga Iglesias.
At iyon ang naging plano ni Chris na napagtagumpayan nga nilang dalawa. Inisip kasi niya na mas malalagay sa alanganin ang Pamilya Iglesias kapag nakita ng lahat ang peke at totoong Maria Elena.
Kaya naman hinintay lang niyang magkaroon ng event ang mga ito, saka niya hinayjak ang programang iyon para isagawa ang plano niya. Bukod sa mga ebidensyang ninakaw niya sa sariling kagrupo, nakakuha rin siya ng pera sa mga ito na ginamit niya para bayaran ang ilan sa mga crew doon upang maging kasabwat nila sa projector screen at ilang mga materyales na ginamit sa panggugulo sa party.
Sa paraang iyon, siguradong hindi na maloloko pa ni Felipe ang mga tao kapag sila na mismo ang nakasaksi sa dalawang Maria Elena na nag-e-exist ngayon sa mundo.
TATLONG araw ang lumipas bago nagising si Clara Mendoza mula sa pagkakabaril sa kanya. Naging malala ang kalagayan niya pero ayon sa mga duktor ay ligtas na raw siya.
Ngunit sa mga oras na iyon, iba ang nararamdaman niya. Iba ang pumapasok sa utak niya. Iba na rin ang sinasabi ng puso niya.
"A-ako si... M-Maria Elena?"
TO BE CONTINUED...
(Ang Huling Dalawang Linggo)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro