Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58: Realidad Laban sa Imahinasyon

ISANG nagwawalang Evandro ang naabutan nina Elvira at Donito pagkabalik nila ng ospital. Sa halip na maging masaya, mangiyak-ngiyak nilang nilapitan at inawat ang anak.

"Mag-ingat kayo kay Felipe! Hindi n'yo siya kilala! Nandito siya kanina! Balak niya akong patayin, Ma! Pa!"

Pilit tinakpan ni Elvira ang bibig ng anak para lang makapagsalita siya. "Ano bang sinasabi mo, anak... Pakiusap, kumalma ka naman..."

Nanginginig ang mga kamay na humawak sa mga balikat niya ang lalaki. "Ma, nagkakamali kayo ng pagkakakilala kay Felipe. Dapat na tayong lumayo sa kanya. Hindi siya tunay na kaibigan!"

"Son! Why are you talking like that!" bulalas naman dito ni Donito.

Kahit anong pakikipag-usap ang gawin nila sa anak ay hindi talaga ito tumitigil sa pagwawala. Nagpupumilit na itong lumabas ng ospital at tuwing aawatin nila ito ay lalo lang sila nitong sinisigawan at itinataboy.

Napilitan na tuloy silang magtawag ng duktor. Agad namang dumating ang duktor na sumusuri dito at tinurukan agad ito ng pampakalma. Ilang sandali pa, unti-unti nang nanghina si Evandro hanggang sa muling makatulog.

Doon lang nakahinga nang maluwag ang mag-asawa. "Doc, ano ho ba ang nangyari sa anak ko?" Hindi napigilan ni Elvira ang pagtulo ng luha.

"Normal lang po ang ganitong reaction sa pasyente. Hindi pa kasi siya tuluyang nakaka-recover sa head injury na idinulot ng aksidente. Wala po kayong dapat ipag-alala," paliwanag naman ng doctor sa kanila.

"Pero, Doc, kumusta naman ho ang lagay niya? Puwede na ho kaya siyang makalabas ng ospital? Puwede bang sa bahay na lang niya ipagpatuloy ang recovery niya?" tanong muli rito ni Elvira.

"Kailangan na lamang natin siyang obserbahan dito ng kahit isang araw. Kapag wala naman tayong nakitang kakaiba, then yes, puwede niyang sa bahay na lang ituloy ang recovery."

Napayakap na lang si Elvira kay Donito. "Thank you, Doc! Thank you so much!" Saka siya napatitig sa kanyang asawa na bakas din ang pag-aalala sa kanilang anak.

KINABUKASAN nga ay tuluyan na ring nakalabas ng ospital si Evandro. Hanggang sa pag-uwi nila, si Felipe pa rin ang bukambibig niya sa mga magulang niya.

"Maniwala kayo sa akin, Mama, Papa, masamang tao si Felipe! Hindi na dapat siya ginagalang! Marami kayong hindi alam sa kanya!" panimula niya habang may benda pa rin sa ulo.

"Anak, ano ba kasi ang sinasabi mo? Bakit hindi mo ikuwento sa amin nang mabuti upang maintindihan namin?" kalmadong tanong naman dito ni Elvira habang nag-uusap-usap silang tatlo sa harap ng mahabang mesa.

"Mama, hindi totoong pinagdiskitahan lang kami ng mga sindikato. Ang mga tauhan ni Felipe ang gumawa sa amin niyon! Nalaman kasi namin ang mga bahong itinatago niya, kaya ngayon gusto niya kaming ipapatay! Kami ni Maria Elena! Kami ng asawa ko!"

"Anak, nasa mabuti na ang kalagayan ni Maria Elena ngayon. Katunayan nga, lagi rin siyang dumadalaw sa 'yo noong wala ka pang malay. Wala naman siyang nababanggit sa amin tungkol sa mga sinasabi mo kay Felipe. Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"

Unti-unting nangunot ang noo rito ni Evandro. "W-what do you mean, Mama? Paanong walang sinasabi si Maria Elena sa inyo? Hindi man lang niya binanggit ang nangyari noong gabing maaksidente kami? Hindi ba niya sinabi ang tungkol sa mga nalaman namin tungkol sa ama niya?"

"Anak, wala siyang binabanggit na ganyan sa amin. Maayos din ang samahan nilang mag-ama. Katunayan nga, sinabi pa niya sa amin na nagkabati na raw sila ng mga kapatid niya. Kaya nga mas lalo nang masaya ang buhay niya ngayon sa sarili niyang pamilya. Hindi na siya inaapi ng mga kapatid niya gaya ng ikinukuwento mo sa amin noon."

Binalot ng pagtataka dito si Evandro. "No, it can't be! Imposibleng wala siyang banggitin sa inyo tungkol kay Felipe! Nasaan ba siya? Gusto ko siyang makausap!"

Pasadong alas-singko ng hapon nang makarating si Maria Elena sa mansyon ng mga Bendijo. Agad itong sinalubong nina Elvira at Donito sa labas, saka ito sinamahang makapasok sa loob.

Nang makarating sila sa living room, doon na ito kinausap ni Elvira. "Naghihintay na pala si Evandro sa 'yo. Akyatin mo na lang siya, ha?"


Nagkunot ng noo si Maria Elena. "Ah, nasaan po siya?"

"Nasa taas na siya, hija."


"Ah..." Napalinga ang babae sa buong paligid. Sa sobrang laki ng bahay, hindi nito alam kung saan aakyat.

"S-saan po banda rito?" nahihiya ang tinig na tanong nito.

"Hindi mo pa ba alam, hija? Hindi ba't naipasyal ka na rito ni Evandro?"


"Ah, k-kase po, sa dami rin ng mga nangyari, n-nakalimutan ko na po ang mga bagay gaya nito! Puwede bang ihatid n'yo na lang po ako sa kanya?" kamot-noong wika ni Maria Elena rito.

Tumango na lamang si Elvira at hinatid na ang babae sa taas.

Napamulagat naman si Evandro nang makita niya ang pagpasok ng kanyang asawa sa kuwarto niya. Kakaibang ligaya ang naramdaman niya nang muling masilayan ang napakaganda at napaka-vintage nitong mukha at porma.

"Maria Elena..." Siya na mismo ang tumayo at yumakap dito. "I really miss you! Kumusta ka na? What happened to you? A-ayos ka lang ba? Minamaltrato ka ba ngayon sa mansyon? Please, tell me!"

"Kalma, ako lang 'to!" sagot naman dito ng babae.

Nanibago siya sa pananalita ng asawa. "Huh?"

"Ah, I mean... Yes, Evandro. I am your wife! Are you happy to see me?"

"Yes, mahal. I am very happy to see you. No words can describe how much I love you. Please tell me what happened. Ano ang mga ginawa mo noong nawala ako?"

"I'm busy doing my charity works gaya ng dati. Sayang nga, eh, dahil hindi kita nakasama. But I'm glad na okay ka na ngayon. Makakapagsimula na ulit tayo!"

"Actually, I have a lot of questions, mahal. Naguguluhan kasi ako sa sinasabi sa akin nina Mama at Papa. Can you come with me?"

Hinawakan niya ang kamay ng babae at dinala sa kanyang kama. Humiga siya roon habang ito naman ay nakaupo sa tabi niya at hinahaplos ang ulo niya.

"Ano bang pag-uusapan natin ngayon, mahal kong Evandro?" gigil na gigil na sabi ng babae sa kanya. Kinurot pa nito ang kanyang pisngi.

"Mahal, mukhang masaya ka yata ngayon. Wala bang ginawang masama sa 'yo si Felipe noong wala ako?"

"Wala naman, mahal. Bakit mo nasabi 'yan?"

"Nakakalimutan mo na ba? Binalak niya tayong patayin! Pinahabol niya tayo sa mga tauhan niya. May pinaplano pa nga tayo dati sa kanya 'di ba? Na ilalapit natin sa TV at sa online ang mga baho niya!"

Napayuko naman dito ang babae. Lahat ng mga iyon ay nabanggit na dito nina Felipe at Maria Isabel. Ngunit hindi nito napaghandaan kung ano ang dapat isagot doon.

"Ah, alam mo, mahal, may isang bagay rin sana akong gustong sabihin sa 'yo."

"Ano 'yon?"

"Ang totoo n'yan, hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi mo. Parang wala naman akong natatandaang ganoong pangyayari," palusot ng babae.

"Paanong hindi mo alam? That's impossible! Kung ako nga na na-comatose nang ilang buwan, tandang-tanda ko pa ang mga pangyayari! How come na hindi mo na iyon alam lahat?"

"Nakausap ko kase 'yung duktor mo, siya ang nagsabi sa akin na masyado raw matindi ang head injury na tinamo mo dahil sa aksidente. Kaya ganyan na lamang ang idinudulot ng hallucinations sa iyo."

"Huh? W-what are you talking about? Mahal, pinagtangkaan niya ang buhay nating dalawa! Matinding trauma ang inabot natin doon! Imposbileng mawala 'yon sa alaala mo! What happened to you? Pinainom ka rin ba ng gamot ni Felipe para makalimutan mo ang mga nangyari?"

"Mahal, bakit naman iyon gagawin ni Papa sa akin? Hindi siya masamang tao! Maniwala ka sa 'kin, epekto lang 'yan ng head injury mo. Panaginip lang lahat ng 'yan. Epekto lang ng aksidente mo! Kung talagang binabalak niya akong patayin, bakit nandito ako ngayon sa tabi mo? Buhay na buhay! Malusog! Healthy! It's all in your head, my love. It's all in your head."


"No!" pagpupumilit ni Evandro. "Kahit naaksidente ako, alam ko pa rin ang totoong nangyari. Alam ko pa rin kung ano ang totoo sa hindi. Alam ko kung nagha-hallucinate lang ba ako o hindi. At itong sinasabi ko, hindi ito hallucinations lang. Totoo ito, mahal! This is real!"

Dahil wala nang maisip na sasabihin, hinalikan na lamang ni Maria Elena ang lalaki. Hindi na rin nakapagsalita si Evandro pagkatapos niyon. Nilasap na lamang niya ang mainit na halik na ibinigay sa kanya ng babae.

Nakaramdam siya ng kakaibang temptasyon doon. Ngayon lang niya nakitang humalik nang ganoon kaagresibo ang kanyang asawa kahit ilang beses na niyang natikman ang mga labi nito.

Pagsapit ng gabi, laman pa rin ng utak ni Evandro ang mga sinabi ng babae kanina. Hindi siya makapaniwalang ipagtatanggol pa nito ang mamamatay-tao nitong ama. Base sa tono ng pananalita nito kanina, parang pinapalabas nitong nababaliw siya at imahinasyon lang niya ang lahat.

Sobra siyang nanibago sa mga kilos at pananalita ni Maria Elena kanina. Bukod sa parang hindi nito alam ang tunay na nangyari sa kanila, napakaagresibo rin nitong humalik. Kilala niya ang halik ng babae. Banayad lang lagi iyon at walang bahid ng pagkauhaw.

Naguguluhan na naman siya sa mga nangyayari. Imposibleng walang nangyayaring masama kay Maria Elena. Duda niya, baka may ginawa o pinainom si Felipe rito para magbago nang ganoon ang takbo ng isip nito.

Biglang bumukas ang pinto. Gulat na gulat siya nang masilayan si Russell. Napatayo siya sa harap ng lamesa at lumapit dito.

"Bro, thank you for coming!" bati agad niya rito.

"What happened, brother? Bakit hindi ka man lang nagsabi na nakalabas ka na pala! Kung hindi pa ako tinawagan ni Mama Elvira kanina, hindi ko malalamang nakauwi ka na pala! Anyway, good for you, bro! At least, magkasama na uli tayo ngayon," wika naman sa kanya ng kaibigan na labis niyang ikinatuwa.

"I'm sorry, bro. Nawala na sa isip kong tawagan ka kanina. Masyado kasing ginulo ni Maria Elena ang utak ko kanina. She's acting weird."

"What do you mean?" anang lalaki at ito naman ang naupo sa harap ng mesa niya.

"Kanina habang magkausap kami, nagtataka ako sa mga sinasabi niya. Pinagtatanggol niya ang father niya na parang wala itong ginawa sa amin. Hindi ko alam kung nakalimutan na ba niya 'yung nangyari nang gabing iyon, o baka may pinainom lang sa kanya ang Felipe na 'yon kaya parang wala rin siyang maalala!"

"Ibig mong sabihin, hindi na niya alam 'yung nangyari sa inyong dalawa kaya kayo naaksidente?"

"Parang ganoon na nga. Ang mas weird pa roon, pinapalabas niya na hallucinations ko lang daw ang lahat."

Pati si Russell ay hindi na nakasagot sa labis na pagtataka. "I haven't talk to her yet kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko about d'yan. Ang alam ko lang, masaya siya ngayon sa loob ng mansyon nila.

"Iyon na nga, eh! Nakakapagtaka na nagagawa niyang magsaya ngayon sa sarili nilang pamamahay kasama ang kriminal niyang ama pati na rin ang mga hayop na kapatid niya!"

Sa pagkakataong iyon ay napatayo si Evandro sa kinatatayuan. Hindi niya napigilang magpalakad-lakad sa dami ng iniisip. "Heto pa pala. Kagabi noong magising ako, nakita ko si Felipe na dumalaw sa akin! May hawak siyang injection! Balak niya yata akong lasunin! Hindi lang natuloy dahil may pumasok na nurs. Pero alam kong totoo iyon at hindi panaginip!"

"Ano naman ang sabi ni Maria Elena tungkol d'yan?"

"As usual, ayaw niya akong paniwalaan! Pinapalabas niya na epekto lang daw iyon ng aksidente ko. It's really freaking me out! I know something is wrong but I just can't figure it out!"

"Well, since nand'yan ka na rin naman, I think it's time for you to make your own move. Imbestigahan mo ang asawa mo. Alamin mo kung ano ang maaaring ginawa o pinainom sa kanya para makalimutan niya ang nangyari. Ako naman, aasikasuhin ko ang ginawa kong team ngayon para pabagsakin si Felipe. Don't worry, brother. Nasa mga kamay na namin ang katapusan ng matandang iyon."

Bahagya namang gumaan ang loob ni Evandro sa mga sinabing iyon ng kaibigan. "Thank you, bro. Salamat at palagi kang nand'yan. Hindi na ako makapaghintay na bumagsak ang Felipe na 'yan!" Napaupo na lang muli siya sa tabi ng kama at hinagod ang ulo.

BREAK TIME ni Chris nang tanghaling iyon. Naisipan niyang manigarilyo sa labas at nag-browse sa kanyang cellphone. Nakita niya ang balita tungkol sa auction event na gaganapin sa function hall ng mga Iglesias.


Ayon dito, naisipan daw ng pamilya na isubasta ang mga alahas at mamahaling kagamitan ng yumao nilang miyembro na si Glavosa Iglesias. Ang malilikom daw nilang pera dito ay gagamitin para sa karagdagang proyekto sa Golden Project ni Felipe at para makatulong na rin sa mga mahihirap na komunidad sa Probinsya ng Hermosa.

Biglang nakaisip ng plano rito si Chris. Pagkatapos ng kanyang break time, inakyat agad niya ang opisina ng among si Russell. Dahil kabilang na rin siya sa team nito, hindi na siya nahihiyang maglabas-pasok sa opisina nito. May permiso rin naman kasi siya para gawin iyon.


"Sir Russell, nabasa n'yo na ho ba 'yung bagong balita sa mga Iglesias?"

Napalingon sa kanya ang lalaki. "No, I haven't yet. Tungkol ba saan iyon?"

Pinakita niya rito ang article na nakita niya kanina. "Heto, Sir. May auction pala na magaganap sa mansyon nila."

Nagbago rin ang timpla ng mukha ni Russell nang mabasa ang mga impormasyong nakasaad doon. "Mga alahas ni Donya Glavosa, isusubasta nila?"

"Sir, heto na po ang pagkakataon ko para makalapit sa balwarte ng mga Iglesias. Gusto kong makita ang loob ng mansyon nila. Gusto kong makaharap ang mga Iglesias, lalo na si Felipe. Para malaman ko kung anong approach ang gagawin sa kanila kapag sinimulan ko na ang paghihiganti ko."

Napalingon naman sa kanya si Russell. "Are you sure na gusto mo talagang ipagpatuloy ang paghihiganti mo sa kanila? Ayaw mong ibigay na lang ito sa team natin at kami na ang gagawa niyon?"

"No, Sir. Malaki rin ang kasalanan sa akin ng Felipe na 'yan. Gusto kong may magawa rin ako laban sa kanya. Gamit ang sarili kong pamamaraan! Pero dahil mahirap lang ako, sana matulungan n'yo akong makalapit sa kanila."

Dito biglang nakaisip ng kapilyuhan si Russell. Napangiti pa ito at muling lumingon sa kanya. "Don't worry. I will help you."

"Talaga, Sir?" masayang sambit niya.

"We're going to that auction event. Maghanda ka, Chris. May gagawin tayong something interesting..." saka ito muling ngumisi sa kanya.

SAMANTALA, nakatanggap naman ng text si Marites kay Cecille. May mahalaga raw itong sasabihin sa kanya at mas mabuti raw kung magkita na lang sila. Napilitan daw itong gumamit ng ibang numero upang hindi ma-trace ang pag-uusap nila roon.

Pagkatapos niya sa kanyang trabaho ay agad naman siyang nagbihis at nag-commute. Pinuntahan niya ang address na binigay sa kanya ng bago niyang amo.

Pagkarating doon ay pinasok niya ang lumang gusali at umakyat sa ikatlong palapag na sinasabi nito sa text. Ngunit pag-akyat niya roon, sina Felipe at ang mga tauhan nito ang naabutan niya.

Doon niya napagtanto na patibong lang pala ang text message na natanggap niya. Laksa-laksang kilabot ang gumapang sa buong katawan niya. Sinubukan niyang tumakbo ngunit umakyat naman sa hagdan ang iba pang mga tauhan na nakaabang sa kanya. Pinalibutan siya ng mga ito hanggang sa wala na siyang malusutan.

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro