Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 57: Nabubuong mga Plano

HABANG naglilinis si Chris sa loob ng opisina ni Russell, panay ang sulyap niya sa lalaki para silipin kung ano ang ginagawa nito. Hanggang sa mga araw na iyon ay hindi pa rin niya alam kung paano ito kakausapin tungkol kay Felipe.

Bigla siyang nahinto sa ginagawa nang banggitin ng reporter sa TV ang pangalan ng taong kinasusuklaman niya. Bahagya siyang napasulyap doon. Nakita rin niyang nakatingin si Russell sa TV screen.

Isang maikling panayam kay Felipe Iglesias ang ibinalita tungkol sa nangyaring raid kagabi sa isang nightclub sa Calrat City. Ayon sa mga report, natagpuan daw ang matanda sa loob ng club na iyon kasama ang dalawang tauhan nito nang maganap ang raid.

"Ano po ang ginagawa n'yo sa club na iyon?" tanong kay Felipe ng isang reporter.

"Kaarawan kasi ng isa sa mga tauhan ko. Sinamahan ko lamang siyang magdiwang doon dahil gusto lang daw niyang magsaya. Hindi naman namin alam na illegal palang nag-o-operate ang club na iyon. Wala akong kinalaman sa anumang issues nila. Maging ako'y nabigla rin sa nangyari at hindi ko inaasahan iyon," kalmado namang sagot ng matanda.

"Bakit n'yo po naisipang sumama roon kahit hindi kagandahan ang lugar na iyon?" tanong naman ng isang reporter.

"Alam n'yo, kahit mataas ang aking estado sa buhay, hindi naman mababa ang pagtingin ko sa iba pang mga lugar sa ating bayan. Hindi rin ako nahihiyang pumunta sa ganoong mga lugar para makibagay at makisama sa aking mga tauhan na nagdiriwang lamang ng kanyang kaarawan. Pantay-pantay ang tingin ko sa lahat ng tao. Mayaman man o mahirap, lahat pinakikisamahan ko."

Hindi na tinapos ni Russell ang balita sa TV. Agad nito iyong pinatay at ibinagsak pa sa lamesa ang remote control. Bakas ang pagkairita sa anyo nito. "Hayop ka talaga, Felipe. Ang galing mong maghugas ng kamay!"

Doon nakatagpo ng pagkakataon si Chris para kausapin ito. Naglakas-loob siyang lumapit dito at tinawag ang pangalan nito.

"Sir Russell, may galit din po ba kayo sa Gobernador ng Hermosa? K-kay Felipe Iglesias?"

Napalingon naman agad ito sa kanya. "Do you know him?"

Napalunok siya ng laway. "O-opo. G-gusto ko lang din pong malaman kung kilala n'yo po ba siya."

"Why did you ask?"

"Ah, k-kase po, base sa reaksyon n'yo kanina, parang hindi kayo masaya nang mapanood siya. Curious lang po ako kung may issue ba kayo sa kanya."

Napatango na lamang ang lalaki at nagbitaw ng matipid na ngiti. "Ah, I don't know where to start, but yes. I have so many issues on him. Big issues. Pero I'm just also curious, bakit mo nga pala naitanong?"

Bahagyang lumakas ang pintig ng kanyang puso. Heto na ang pagkakataong hinihintay niya. "Ah, k-kase po, kilala ko rin po siya..."

"Oh?" Napataas ng dalawang kilay si Russell. "Do you know him personally? Magkakilala ba kayo? May issue ka rin ba sa kanya?"

"O-Opo... Malaki rin po ang issue ko sa kanya. Dahil..."

"Dahil ano?"

"D-dahil...s-siya po ang pumatay sa tatay ko."

Bakas ang pagkagulat sa anyo ni Russell. Napatayo ito sa kinauupuan at tumitig nang mariin sa kanya. "W-what did you say?"


"May isang bagay po na hindi alam ang marami sa kanya. Ako po, kitang-kita ko po. Nasaksihan ko po sa mismong mata ko kung paano niya pinatay ang tatay ko, at kung paano nila itinago iyon para hindi kumalat sa publiko."

Gulat na gulat si Russell sa mga sinabi niya. Sa puntong iyon, nakuha rin niya sa wakas ang loob ng lalaki.

Pagsapit nga ng hapon, napilitan siyang mag-out nang maaga sa trabaho dahil isinama siya ni Russell sa lakad nito. Wala itong binanggit kung saan sila pupunta. Basta sumama na lang daw siya.

Sa lahat ng mga empleyado roon, siya pa lang ang nakasakay sa mamahalin nitong sasakyan. Nanatiling nakaurong ang dila niya sa loob ng mahigit isang oras na biyahe nila. Hindi niya alam kung paano kakausapin at lilibangon ang amo. Masyado pa rin siyang nahihiya rito.

Huminto sila sa isang abandonadong building na halos wasak na ang kalahating bahagi. Nasa bandang dulo ito ng isang malawak na loteng pinamamahayan na ng matataas na mga damo. Medyo malayo iyon sa kabihasnan at wala na ring ibang sasakyan na nagagawi roon.

Dumiretso sila sa loob at lumiko sa kaliwang bahagi kung saan makikita ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Nakita niyang may binabasa ang amo sa cellphone habang umaakyat ito.

Pagkarating nila sa ikalawang palapag, bumungad sa kanya roon ang isang lalaking nakaupo sa mahabang lamesa na tila kanina pa naghihintay sa kanila. Nasa isang tabi naman nakaupo ang dalawang babae. Isang mataba, at isang pamilyar sa kanya.

Nang masilayan siya ng pamilyar na babae, bigla itong tumayo sa kinauupuan at bumati sa kanya. Nang masilayan niya ang malaki nitong bunganga at gilagid, doon niya naalala kung sino ito. Sa pagkakatanda niya, ito ang isa sa mga katulong sa mansyon mga Iglesias, ang babaeng nag-assist sa kanya noon patungo sa comfort room.

"Hi, Sir! Parang natatandaan po kita! Parang nagkita na tayo dati sa mansyon ng mga amo ko. Kung hindi ako nagkakamali, kakilala kayo ng mga Bendijo. Tama po ba?" bati sa kanya ni Marites.

"Ah, oo. Buti natatandaan mo pa ako?"


"Ay siyempre naman po! Sino ba naman ang makakalimot sa kaguwapuhan n'yo!" Saka ito tumawa na nagpalitaw muli sa gilagid nito.

Napayuko na lamang siya nang tingin at pilit na tumawa. "Bakit ka nga pala nandito?" mayamaya'y tanong niya.

"Isinama ako po rito ni Madam Cecille. Siya na ang bagong amo ko ngayon mula nang mawala si Madam Glavosa."

"That's right!" sagot naman ni Cecille. "May mga ibinilin kasi sa akin si Ma'am Glavosa, at isa sa mga iyon ay hanapin ko raw ang taong ito, si Aaron, para ibahagi sa kanya ang mga planong hawak ko."

Tumango lang si Russell sa mga ito, saka nito itinuon ang paningin kay Aaron.

"Buti at nakapunta ka na. Akala ko hindi ka na naman sisipot gaya ng ginawa mo kahapon, eh," wika ni Aaron dito.

"May biglaan nga kasi akong meeting sa trabaho. Halanga namang unahin kita," sagot naman dito ni Russell.

Nagtataka na si Chris sa mga nangyayari. "A-ano po ang meron dito, Sir?"

Napalingon sa kanya ang lahat. Saka siya sinagot ng amo. "Sorry, I forgot to tell you, heto nga pala ang mga kasama ko. Lahat sila, may galit din kay Felipe."

Nangunot ang noo niya. "K-kaya n'yo po ba ako dinala rito?"


Tinanguan siya ni Russell. "Yes. Lahat tayong nandito ay gustong pabagsakin si Felipe. Kaya kita isinama para maisali rin kita sa binubuo naming mga plano."

Naglakad sila patungo sa dalawang bakanteng upuan na malapit sa lamesa ni Aaron. Saka ipinakilala ni Russell sa kanya ang mga kasamahan nito.


"Heto nga pala si Aaron, meron siyang 'special someone' na hinala namin ay pinatay rin ni Felipe. Heto naman si Marites, isa sa mga maid sa mansyon ng mga Iglesias. Marami siyang alam tungkol kay Felipe. At ito naman si Cecille. Hindi pa kami magkakilala, pero ayon kay Aaron, willing daw siyang makipagtulungan para labanan si Felipe, dahil may nasaksihan din daw itong isang bagay na maaaring maglaglag sa matandang iyon. Lahat kami rito may iba-ibang dahilan sa kung bakit kami nandito ngayon, pero iisa lang ang hangad namin. Iyon ay ang pabagsakin si Felipe at wasakin ang iniingatan niyang pangalan sa publiko. Willing ka bang makipagtulungan sa amin?"

Tumango naman si Chris. "Opo, Sir."

Siya naman ang ipinakilala ni Russell sa mga tao sa paligid nila. "Heto nga pala si Chris, isa sa mga empleyado ko. Sabi niya sa akin kanina, si Felipe raw ang pumatay sa tatay niya. Puwede siyang maging witness natin sa mga krimeng itinatago ni Felipe. Kaya Chris, puwede mo bang ikuwento sa aming lahat ang buong pangyayari?"

Nagsimula namang magkuwento si Chris. Inilahad niya rito ang mga nangyari noong nagpaalam siya sa kanyang ama, hanggang sa kanyang pag-uwi, pati na rin sa nangyaring demolition sa lugar nila na utos umano ni Felipe.

Mukhang nakuha niya ang atensyon ng lahat. Pagkatapos kasi niyang magkuwento ay sabay-sabay pa itong nagtanong sa kanya ng kung anu-ano.

"Hindi mo ba kinuhanan ng picture or video 'yung nakita mo?" tanong sa kanya ni Cecille.

"Nang mga oras na iyon, masyado na po akong binalot ng takot para mailabas pa ang cellphone sa bulsa ko. Natakot ako na baka may mga espiya sa paligid na hindi ko nakikita. Kaya naman pagkatapos kong mapanood ang malagim na pagpatay niya sa tatay ko, umalis na po agad ako. Hindi na ako nakapag-record pa."

"May mga CCTV ba sa paligid kung saan mo nakita ang pangyayare?" tanong naman sa kanya ni Marites.

"Medyo malayo na po kasi iyon sa bayan. Tiyak akong wala nang CCTV roon. Wala na ngang municipality na nag-o-operate doon, eh."

"Ano naman ang mga ginawa mo pagkatapos ng pangyayaring iyon?" tanong naman ni Aaron sa kanya.

"Mula po noong ma-demolish ang bahay namin, napilitan na akong magpakalayu-layo. Nilisan ko na ang Hermosa. At kinalimutan ko na ring doon ako pinanganak. Sa mga panahong iyon, sinubukan kong magsumikap. Kung anu-anong illegal na trabaho ang pinasok ko para lang magkapera. Umaasa kasi ako na kapag yumaman ako, maaari ko nang labanan si Felipe at ipaghiganti ang tatay ko. Buti na lang nagkakilala kami ni Sir Russell, at nakilala ko kayong lahat. Kaya nabuhayan muli ako ng loob na ipagpatuloy ang paghahanap ng hustisya para sa tatay ko. Gusto ko pong mapabagsak si Felipe!"

Napatango naman sa kanya si Russell. Pagkatapos niyon ay nagtipon-tipon sila sa mahabang lamesa at doon ipinagpatuloy ang kanilang usapan.

"Sa isang araw na magaganap ang royal visit ng Prinsipe ng England dito sa Pinas. Una itong makikipagkita sa ating Presidente para pag-usapan ang mga development at partnership na kanilang gagawin, pagkatapos ay bibisita rin ito sa iba't ibang mga probinsya rito para kitain ang kanilang mga local governments. Kabilang na nga rito ang Hermosa pati na rin si Felipe. This is the right opportunity for us to overthrow him. Siguradong matinding kahihiyan ang sasapitin niya kapag sa araw na ito natin inilabas ang mga ebidensya," paliwanag ni Russell sa kanilang lahat.

"Anu-anong mga ebidensya ba ang hawak naten? Share n'yo naman sa 'ken! Hindi kayo nagsasabi, eh! Wala tuloy akong alam! Ilabas natin lahat 'yan, ah! Para mabaon na si Felipe!" pakli naman ni Marites.

"Nope," sagot agad dito ni Cecille. "Hindi natin puwedeng ilabas ang lahat ng evidence. Kilala naman natin si Felipe. We all know how powerful he is. Dahil sa kapangyarihang tinatamasa niya, kaya niyang manipulahin lahat. Kaya para makasigurado tayo, isang evidence lang muna ang dapat ilabas. Then tingnan natin kung paano niya iyon iha-handle, kung malulusutan ba niya ito or what. Mas mabuting may mga hawak pa tayo kung sakaling malampasan nga niya ito."

"Cecille is right," sagot naman ni Aaron. "Hindi natin puwedeng ilabas lahat. Kailangan isang ebidensya muna, para makita natin kung ano ang gagawin ng kampo ni Felipe rito."

"Kung ganoon, dapat siguro ang mga audio recordings na hawak ko ang ilabas natin. Dapat marinig ng publiko ang mga sikreto ng matandang iyon at ng kapanalig nitong si Senator Rebecca."

"No!" singit dito ni Aaron. "Mas okay siguro kung 'yung mga ebidensyang binigay sa akin ni Madam Glavosa ang unahin nating ilabas. Mas marami ito at mas mahihirapan sina Felipe na depensahan ito."

"Anong mga ebidensya ba 'yan?" tanong muli rito ni Russell.

"Mga dokumentong nagpapatunay sa korapsyong ginagawa ng kampo nina Felipe!"

"Paano ka nakakasigurong mas malakas ang laban n'yan? Hindi mo ba alam na madali na lang duktorin ang mga document ngayon? Kapag nakita 'yan nina Felipe, puwede nilang palabasin na ginawa lang 'yan ng kung sino para manira! Mas malakas ang ebidensyang hawak ko dahil voice recording mismo ito ng pag-uusap nila!"

"Ako ang dapat masunod dito, Russell, hindi ikaw! Dahil galing mismo kay Madam Glavosa ang mga dokumentong ito, mas malakas ang magiging laban natin dito! Alam niya lahat ng kahinaan ni Felipe dahil anak niya ito! Si Madam na mismo ang nagsabi na kapag nawala siya, kailangan ko raw itong ilabas! Kaya salita lang niya ang dapat nating sundin!"

"Wala na ang Madam Glavosa mong 'yan, Aaron! Paano pa siya nakakasiguradong hindi malulusutan ni Felipe ang mga documents na 'yan? Mag-isip ka nga! Ang kailangan natin ngayon ay 'yung evidence na mahirap lusutan! Kaya dapat lang na 'yung mga ebidensya ko ang masunod!"

"Tama na nga 'yan!" awat sa kanila ni Cecille. "Huwag na nga kayong magtaasan ng boses at ako'y nabibingi na! Hindi dapat tayo ang nagsisigawan dito! Si Felipe ang kaaway natin at hindi ang isa't isa! Puwede ba, kumalma kayo!"

Bahagyang natahimik ang lahat. Sa huli, napagdesisyun nila na ang mga audio recordings muna ni Russell ang ilalabas nila sa araw ng royal visit. Nang magkasundo-sundo na sila sa lahat ng magiging plano, doon na nila tinapos ang kanilang meeting para sa araw na iyon.

HABANG nagpapahinga si Felipe sa kanyang home office nang gabing iyon, pumasok ang isa sa mga tauhan niya. "Don Felipe, nagising na raw po si Evandro kaninang hapon."

Natigilan siya sa narinig. "Bakit ang bilis naman yata niyang magising? Pero hindi na bale. Salamat sa balita!"

Kahit dis oras na ng gabi ay napilitan pa siyang bumiyahe para dumalaw sa ospital. Ayon sa mga nasagap niyang balita, nagising na raw ito kanina pero nakatulog na uli ngayon. Malamang bukas ay magiging normal na ang paggising nito.

Naabutan niyang mag-isa ang lalaki sa silid. Nilapitan niya ito at hinaplos-haplos ang mukha. "Hindi ko alam kung bakit ka nagising kaagad. Pero hindi na bale. Patutulugin na lang uli kita ng mas mahaba-habang panahon. Kailangan mong makatulog nang mahaba para tuluyang makalimot sa mga nangyari noon." Saka niya kinuha ang injection sa kanyang bulsa na naglalaman ng gamot na magbibigay uli ng mahabang coma rito.

Ngunit bago pa niya iyon maiturok sa lalaki, nakita niyang gumagalaw-galaw ang mga eyeballs nito. Ilang sandali pa, unti-unti itong nagmulat ng mata. Huli na bago niya naitago ang hawak niyang injection.

Gumuhit ang takot sa anyo ng lalaki nang masilayan siya at ang hawak niyang iyon. Sinubukan nitong gumalaw at sumigaw pero mumunting boses lang ang inilikha ng bibig nito.

Sakto namang pumasok ang isang nurs na nagmo-monitor dito. "Mabuti ho at dumating na kayo. Naabutan kong gumigising ang pasyente. Maaari n'yo ba siyang suriin?" aniya sa nurs habang nakatago sa kanyang likuran ang injection.

Habang sinusuri ito ng babaeng nurs, pasimple naman siyang lumabas at isiniksik sa bulsa ang injection. Padabog siyang lumabas ng ospital na iyon. "Esto es muy frustrante!"

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro