Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 55: Nagbabagang Alindog

ISA-ISANG pinatayo ni Don Felipe ang lahat ng mga katulong, security guard, at mga tauhan sa malawak na bahagi ng living room. Kasama niya ang tauhang si Nemencio na nakabuntot lang sa tabi niya.

"Kaya ko kayo pinatawag dito para ipaalam na may gustong manggulo sa mansyong ito. Batid kong isa sa inyo ang may kagagawan sa mga kababalaghang nangyayari dito!" aniya sabay dukot sa manikang itinatago niya sa likod ng kanyang Americana.

Sa lahat ng mga katulong, si Marites lang ang bahagyang nagulat nang makita iyon pero hindi lang nito pinahalata. Nasa bandang dulo rin naman ito kaya hindi nakikita ng Don ang reaksyon nito.

"Wala bang aamin dito kung sino ang may gawa ng manikang ito?" tanong ni Don Felipe sa mga tauhan. Pero nagtinginan lang ang mga ito at walang may gustong sumagot.

"Natural, walang aamin sa inyo," asik niya sa mga ito saka nagpakawala ng matipid na ngisi. "Kaya naman binabalaan ko kayong lahat. Huwag na huwag kayong magpapahuli sa akin dahil kung hindi, alam n'yo na ang mangyayari sa inyo." Tinapon niya ang manika sa sahig at tinusok ang ulo nito gamit ang kanyang baston.

Doon nagtapos ang munti nilang pagpupulong. Nagbalik na rin sa kanya-kanyang trabaho ang lahat. Si Marites naman ay nagtungo sa backyard at doon tinawagan si Cecille.

"OH YEAH, Madam C! As expected, pinatawag nga kaming lahat para tanungin kung sino ang gumagawa ng mga iyon sa kanila. Siyempre hindi ako tanga kaya hindi ako umamin! Kaya lang, Madam C, curious lang ako. Huwag ka sana magagalit sa tanong ko. Para saan ba kasi 'yung mga dolls na 'yon? Ano ba ang purpose no'n bukod sa pananakot na ginagawa natin sa kanila?"

"Para iparamdam sa kanila na kahit wala na si Madam Glavosa, hindi pa rin tapos ang paghihirap nila! Maraming mga ibinigay si Madam sa akin tungkol sa baho ng bawat isa sa mga Iglesias na 'yan. Ilalabas ko lang ang lahat ng mga iyon kapag buo na ang Golden Project ni Don Felipe."

Napakunot ng noo si Marites. "Bakit naman hihintayin mo pang matapos ang Golden Project na iyon? Alam mo ba kung gaano katagal ang aabutin niyon, Madam C? Kasing haba 'yon sigurado ng termino ni Don, ano!"

"Iyon na nga ang ibig kong sabihin, Marites! Hihintayin ko munang maging matagumpay ang administrasyon ni Felipe bago ko ilabas ang lahat ng hawak ko against him. Iyon ang bilin sa akin ni Madam Glavosa. Gusto niya, kapag malapit nang matapos ang term ni Felipe, doon ko lang daw ilabas ang lahat ng baho niya, at ng pamilya niya. Upang sa ganoon ay mahirapan siyang tumakbo sa pagkapresidente kapag binaha siya ng mga isyu at kontrobersya. Ang talino ni Madam, 'di ba? Alam na alam niya kung paano pababagsakin ang mga 'yan sa pinakamasaklap na paraan! Kaya huwag kang mainip, Marites. Ituloy mo lang ang pananakot sa loob ng mansyon. May mga ipapadala pa akong dolls sa 'yo sa susunod. Ang mga manikang iyan ang sumisimbolo ng malagim na trahedyang nakatakdang mangyari sa buo nilang pamilya!"

"Ay taray! Bet ko 'yang plano mo, Madam C! Truelalu nga naman iyon! Wala nga naman kasing thrill kung ngayon natin sila ilalaglag. Masyado pang maaga. Dapat nga talaga hayaan muna natin silang umangat nang umangat. Para pagdating ng araw, bongga rin ang pagbagsak nila!"


"You got it! That's what I'm talking about! Kaya sige lang, Marites. Just keep doing your part, and I'm going to do my part at the right time."

Doon nagtapos ang usapan nila. Pagkababa ni Marites sa tawag ay dali-dali na rin siyang bumalik sa loob para ipagpatuloy ang kanyang trabaho. Hindi na niya namalayan ang biglang paglabas ni Jomar sa pinagtataguan nito malapit sa puwesto niya kanina!

MAGKASABAY na hinatid si Maria Isabel ng dalawa niyang kapatid sa labas ng gate. Tumulong na rin ang mga ito sa pagbuhat ng mga maleta niya para ilagay sa likod ng sasakyan.

Si Ronaldo naman ay pumauna nang pumasok sa loob para paganahin ang sasakyan. Binigyan naman niya ng mahigpit na yakap ang dalawa.

"Muchas gracias mis queridas hermanas! Maraming salamat sa tulong n'yo. Kapag may oras, susunduin ko kayo rito para maisama sa Dongle Island!" paalam ni Maria Isabel.

Hinawakan naman siya sa kamay ni Maria Lucia. "Bakit naman kasi hindi mo pa kami isama ngayon?"

"Wala pa naman ang bahay, eh! Gusto ko, pagpunta n'yo roon, nasa kalahati na ang development ng mansion na ipapatayo namin doon."

"Aughhh... That's sad! Kahit sana 'yung isla man lang ang makita namin. Pero sige ayos lang. Alam mo naman na masayang-masaya ako para sa 'yo dahil finally, magsisimula na kayo ni Ronaldo na magpatayo ng sarili n'yong tahanan. Mukhang bihira na lang talaga tayong magkikita nito," may lungkot ang tinig na wika ni Maria Lucia.

"No estés triste mi querida hermana. There's a thing called internet! Hinding-hindi tayo mawawalan ng communications! Saka dadalaw pa rin naman ako rito every month kapag may time. Alam mo namang nandito ang studio ko kaya kailangan ko rin talagang pumunta rito para ituloy ang development ng next album ko."

"Oh yeah! Goodluck with your upcoming home and album, Sis! Thank you for everything! Sayang at hindi man lang kita makakasama nang matagal," pakli naman ni Maria Elena.

Napangiti rito si Maria Isabel at hinawakan ang kamay ng impostorang kapatid. "Don't worry. Lagi kitang dadalhan ng pasalubong. Basta huwag kang magpapabuking, ha? You should be always in-character all the time! Lagi mong gagawin ang mga itinuro namin sa 'yo kung paano kumilos at magsalita ang isang tunay na Maria Elena."

"Of course, hindi ko nakakalimutan 'yon!"

"What? Ganyan ba magsalita at gumalaw ang isang Maria Elena?" sita naman dito ni Maria Lucia.

Napahagikgik ang impostora. "Ay, sorry! Sige heto na." Umubo muna ito bago binago ang pagkilos at pananalita. "Muchas gracias por la oportunidad que me han dado, mi querida hermana. Buena suerte en tu viaje y cuídate siempre," wika nito sa mahinhin na paraan habang magkapatong ang mga palad. "Oh, ano. Okay na ba 'yon?"

"Basta ayusin mo ang accent mo next time, lalo na 'pag nagkakastila ka. Masyado pa ring matigas. Tandaan mo na malambot lang ang boses ni Maria Elena at mahinhin. Pinarinig naman namin sa 'yo ang boses niya 'di ba?" ani Maria Lucia rito.

"Oo na. Sige na. Mamaya pag-aaralan ko pa lahat ng mga 'yan. Basta wala kayong dapat ipag-alala sa akin. Alam ko ang trabaho ko sa mansyong ito. Hinding-hindi ko kayo bibiguin!"

"Good!" sagot naman dito ni Maria Isabel. "O paano, mauna na kami, ha? See you soon!"

Naghalikan at nagyakapan muli ang Tres Marias. "Muchas gracias, hermana!" huling paalam sa kanya ni Maria Lucia bago siya sumakay sa loob.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay nakaramdam ng gutom si Maria Isabel. "'Di ba may nadala tayong snack sa likod?"

"Oo. Gusto mo bang kumain?" sagot sa kanya ni Ronaldo.

"Yeah. I think I'm hungry."

"Okay, my love!" Hininto ng lalaki ang sasakyan sa isang tabi.

Dali-dali namang bumaba ng kotse si Maria Isabel at lumipat sa likuran kung saan nakapuwesto ang mga box na naglalaman ng mga snacks na baon nila. Nasa bandang gilid naman niyon ang dalawang malalaking maleta niya.

Komportable siyang umupo sa tabi at binuksan ang kahon. Habang naghahalungkat ng mga pagkain sa loob niyon, may nakapa siyang kakaiba at malambot sa bandang ilalim. Nang hugutin niya ito palabas, bumungad sa kanya ang isang manika na kamukhang-kamukha niya at may tila patalim pang nakasaksak sa dibdib niyon!

Saglit na napasigaw si Maria Isabel at itinapon palayo ang manika. Nagulat naman ang lalaki sa boses niya.

"Hey, what happened?" tanong nito at nilingon siya sa rear-view mirror.

Dali-dali niyang pinahinto muli ang sasakyan saka siya kumaripas nang takbo palabas. Pagbalik niya sa tabi ng driver's seat ay doon lang siya nakahinga nang maluwag.


"Bakit? Ano'ng nangyari, honey? What happened to you?" sunod-sunod na tanong sa kanya ng nag-aalalang lalaki.

"I saw a doll in the box!"

"A doll?" kunot-noong tugon ng lalaki.

"Basta! I'll talk about it later! Dito na lang muna ako. Nawalan na ako ng ganang kumain," aniya at sumandal na lamang sa braso ng lalaki.

"LADIES and Gentlemen! I'd like to introduce you to the extreme sizzling performance of our new woman. The one and only, Clara Mendoza!" pagkatapos ng announcement na nagmumula sa malalaking speaker, isang mumunting palakpakan ang itinugon ng mga tao sa loob ng club na karamihan ay mga banyagang lalaki.

Ang iba ay mga Tsino. Ang iba ay Indiano. Ang iba ay Amerikano, Australiano, at iba pang lahi na pare-parehong naghahanap ng kaligayahan sa gabing iyon.

Nagsimulang tumugtog sa speaker ang Breathe On Me ni Britney Spears. Kasunod niyon ang pagdilim ng ilaw habang unti-unting umaangat ang pulang kurtina. Sa mga sandaling iyon, tanging anino lang ni Clara Mendoza ang nakikita.

Nakaupo siya sa isang silya habang malaki ang pagkakabuka ng kanyang mga hita. Nagsimula niyang igalaw sa mapang-akit na paraan ang mga kamay pagkarating sa unang verse ng kanta.

Oh...

It's so hot, and I need some air

And boy...

Don't stop cause I'm halfway there

Pagkatapos niyon ay dahan-dahan naman siyang tumayo sa kinatatayuan at dinampot ang masquerade mask na nasa upuan. Hinawakan niya ito at itinapat sa kabila niyang mata habang dahan-dahan siyang lumalapit sa entablado at sumasabay sa beat ng kanta.

It's not complicated, we're just syncopated

We can read each other's minds

One love united

Two bodies synchronizing

Sa bahaging iyon, unti-unting lumiwanag ang magkahalong pula at asul na ilaw sa entablado hanggang sa ibunyag niyon ang anyo ni Clara Mendoza na natatakpan ng masquerade mask ang kalahati ng mukha.

Don't even need to touch me

Baby, just

Breathe on me...

Yeah, oh, baby

Just breathe on me...

We don't need to touch

Just breathe...

Huminga siya nang malalim habang hinahaplos ang kanyang bewang. Saka siya nagsagawa ng isang mapang-akit na sayaw na unti-unting nagpainit sa buong club na iyon. Lahat ng mga lalaki sa paligid ay tutok na tutok ang mga mata sa kanya. Unti-unti niyang hinubad ang kanyang maskara hanggang sa lumantad ang ganap na kagandahan niya.

Patuloy naman siyang nagpakawala ng mahaharot na mga galaw habang sumasabay sa bawat nagliliyab na agos ng kanta na bumabagay sa suot niyang inspired sa pink sexy outfit ni Britney Spears sa Slave 4 U music video.

Ang pinagkaiba lang niyon ay wala siyang suot na jeans sa pang-ilalim. Isang napakaikling shorts ang ipinalit doon na halos magpalitaw nang kaunti sa kaluluwa ng pagkababae niya.

Sa huling bahagi ng kanta, mas lalo pa siyang nagwala sa stage nang pakawalan niya ang matitinik niyang mga dance moves na nagpaliyab sa katawan ng bawat kalalakihan doon.

Monogamy is the way to go

Just put your lips together

And blow

Breathe on me...

Oh, baby

Just breathe on me...

We don't need to touch

Just, breathe on me...

Yeah... Oh, baby

Just breathe on me...

We don't need to touch

Just... Uggghh...

Pagkatapos ng kantang iyon ay sumunod naman agad ang isa pang maharot na awitin ni Britney Spears na pinamagatang Touch of my Hand. Sa bahaging iyon, naging dilaw naman ang kulay ng ilaw na dahan-dahan ang paglipat mula sa stage hanggang sa kinauupuan ng mga tao.

Pagkatapos ng unang verse ng kanta, biglang umakyat si Clara Mendoza sa vertical pole at sinadya niyang ibuka ang kabilang hita habang nagpapaikot-ikot doon.

And I don't want to explain tonight

All the things I've tried to hide

I shut myself out from the world so I

Can draw the blinds and I'll teach myself to fly

I love myself

It's not a sin

I can't control what's happening

Sa unang bahagi ng chorus ay unti-unti siyang bumaba sa pole at nagsagawa ng perfect split sa stage na lalong ikinatuwa ng mga kostumer. Sinabayan pa niya iyon ng malalambot na mga hand gestures na bumagay sa agos ng kanta.

'Cause I just discovered

Imagination's taking over

Another day without a lover

The more I come to understand

The touch of my hand

Sa sumunod na bahagi ng kanta, bumaba na siya sa mismong entablado at nagsimulang sumayaw nang mas malapit sa mga kostumer.

There's a world undefined

In my body and mind

I won't be left behind

I'm already here

Pagkatapos niya sa bahaging iyon, bigla siyang umakyat sa lamesa ng isang Kano at nagsagawa ng mapang-akit na mga table dancing.

'Cause I just discovered

Imagination's taking over

Another day without a lover

The more I come to understand

The touch of my hand

Kasunod niyon ang pagluhod niya sa lamesa at muling ibinuka ang kanyang mga hita habang hinahaplos niya ang sariling katawan na halos makasilaw ng paningin sa sobrang puti at kinis.

Sinabayan pa niya ang ungol na maririnig sa huling bahagi ng kanta na lalong nagpataas sa balahibo ng mga manonood. Mas lumakas ang kanilang palakpakan sa pagkakataong iyon.

At bago magtapos ang instrumental ng kanta, muli siyang naglakad pabalik sa taas ng stage at nagsagawa pa ng matitinik na pole dancing bago muling dumapa at itinaas ang kabila niyang hit ana nagpatigas sa pagkalalaki ng mga kostumer.

Isang magarbong palakpakan ang natanggap niya mula sa mga ito. Bago pa siya makatayo sa kinaroroonan ay mabilis nang nagsara ang pulang kurtina. Doon pa lang siya tumayo sa kinalalagyan at bumaba na sa back stage.

Nakapila naman doon ang susunod na mga performer. Isa-isa siyang nakipag-high five sa mga ito bago siya nagbalik sa kanyang dressing room kung saan niya natagpuan sina Chris at Mama Jose. Napanood din nila ang performance niya sa isang monitor na nakakabit doon.

Tuwang-tuwa ang bakla sa kanya. "Grabe! Kuhang-kuha mo 'yung moves ni Britney during her prime, ha! You are the perfect performer for tonight!" puri sa kanya ni Mama Jose habang pumapalakpak pa.

"Sabi ko naman sa 'yo, magaling 'yang asawa ko, eh. Wala ka kasing bilib sa akin. Akala mo porket lumaki ako sa hirap hindi na ako magkakaroon ng magandang partner," sabi naman dito ni Chris habang naka-de kuwatro ng pag-upo sa isang tabi.

"Ewan ko sa 'yo! Basta ako tuwang-tuwa ako sa babaeng ito. Alam mo, hija, parang may naaalala tuloy ako sa 'yo. I'm not sure if familiar ka sa kanya. Pero doon sa Hermosa Province, may isang girl doon na Maria Elena ang pangalan if I'm not mistaken. You know what? Kamukhang-kamukha mo siya! Ang laki ng pagkakahawig n'yo maliban lang sa style ng buhok, promise!" sabi muli sa kanya ni Mama Jose.

Napangiti lang dito si Clara Mendoza. "Thank you, Mama Jose!"

"Ano ka ba! Walang katulad ang asawa ko, 'no! Hindi lang talaga natin maiiwasan na magkaroon ng kamukha, sa dami ba naman ng mga tao sa mundo, eh. Pero nag-iisa lang 'yan si Clara Mendoza. She's the most beautiful woman on this planet!" puri naman sa kanya ng sarili niyang asawa na si Chris.

Nagpasalamat muli siya rito at tinabihan ito sa pag-upo.


Katunayan, pagkapasok pa lang ni Clara doon, ang dami na agad nagulat sa kanya. Laging sinasabi ng mga ito na kamukha raw niya si Maria Elena Iglesias na taga-Hermosa Province.

Pero bago siya mag-perform sa stage kanina, minake-up-an na siya ni Mama Jose para mag-iba nang kaunti ang mukha niya. Dahil sa makeup niya ngayon, medyo nalayo nang kaunti ang hitsura niya sa orihinal na Maria Elena.

Si Chris mismo ang nakiusap kay Mama Jose na tuwing papasok si Clara sa club, kailangan nila itong isalang sa matinding make-up para mag-iba ang hitsura nito at hugis ng mukha. Sa paraang iyon ay iisipin ng mga tao na kahawig lang ito ni Maria Elena at hindi sila ganap na pinagbiyak na bunga.

"Alam mo, girl, kuhang-kuha mo talaga 'yung mga galawan ni Britney noong kasikatan niya. Alam mo, I'm a big fan of her, and I can see her in you! Sa porma mong iyan, mas nagiging kamukha mo ngayon si Britney kaysa kay Maria Elena na may pagkakahawig naman kay Marilyn Monroe. I am hoping na makapag-perform ka ulit ng mga Britney songs sa susunod na performance mo sa stage. Bagay na bagay kasi talaga sa 'yo 'yung persona niya! Sweet American Girl na may itinatagong init at alindog! That's Britney Spears!"

Natawa naman muli si Clara doon. Halos malunod siya sa mga papuri sa kanya ni Mama Jose. "Thank you po talaga! I will keep surprising you and everyone in my next performances!" masayang sagot naman niya rito.

Pagkatapos ng maikling kuwentuhan ay hindi na sila nagtagal doon. Pagkatapos niyang magpalit ng damit sa loob ng fitting room ay umalis na rin sila ni Chris.

NANG sumunod na gabi, maririnig ang mahaharot na mga tawanan sa loob ng isang sasakyan. Makikita roon si Clara na kalambingan ang isang foreigner na lalaking makakapal ang balahibo mula kamay hanggang sa dibdib.

Nakabukas na ang butones ng polo nito habang nakapatong naman ang kamay nito sa mapuputing legs ni Clara.

Isa ang mga kostumer na ito na nag-offer sa kanya ng napakalaking halaga kapalit ng one night stand na hinihingi nito. Nais daw siyang angkinin nito kahit isang gabi lang. Pumayag naman dito si Clara at sumama siya sa lalaki.

Kaya naman dinala siya nito sa isang madilim at tahimik na lugar kung saan walang nakakakita sa kanila.

Pagkatapos nilang magkuwentuhan ng mga personal na bagay, nagyaya na ang lalaki na simulan ang exciting part na hinihingi nito. Dahan-dahan naman nitong binuksan ang zipper nito habang siya ay patuloy na inaamoy ang leeg nito.

Ilang sandali pa, binigyan niya ng matipid na halik ang lalaki sa pisngi at noo. Uhaw na uhaw naman itong mahalikan siya sa mga labi pero siya naman itong umiiwas. Sadya niyang iniiwasan na magtagpo ang kanilang mga labi dahil may iba siyang balak.

Bago pa ito tuluyang maka-score sa kanya ay niyakap na niya ito para mapigilan ang pagtatagpo ng mga labi nila. Gumanti naman ito ng yakap sa kanya habang ramdam na ng kabilang hita niyang nakapatong sa harapan nito ang pagtigas ng alaga nito.

Habang hindi siya nakikita ng lalaki, dahan-dahan niyang dinukot sa kanyang bulsa ang isang injection. Pagkatapos ay mabilis niya iyong itinurok sa leeg ng lalaki. Makalipas ang ilang sandali, nawalan na ng malay ang foreigner.

Doon siya kumalas dito at agad kinuha ang malaking bag sa tabi nito kung saan nakalagay ang salapi na nakatakda nitong ibayad sa kanya.

Iniwan na niya ang lalaki roon. Tuwang-tuwa naman siya habang sinisilip sa loob ng bag ang malulutong na tig-iisang libro. Ayon sa napag-usapan nila, nagkakahalaga iyon ng mahigit fifty thousand pesos.

Agad niyang nilisan ang lugar na iyon. Wala naman talaga siyang balak ibigay ang kanyang sarili sa kahit na sinong lalaki. Pera lang ang habol niya sa mga ito kaya siya sumasama kunwari kapag may kostumer na nagyayaya ng one night stand sa kanya.

Pero bago pa may mangyari sa kanila, agad na niyang tuturukan ng injection ang mga ito para manakaw ang kanilang pera. Ganoon ang napag-usapan nila ni Chris na magiging modus niya.

Pagkauwi nga niya sa bahay, sabay pa nilang binilang ng lalaki ang perang nasungkit niya sa foreigner na iyon. Tuwang-tuwa ang lalaki sa kanya. "Magaling ang ginawa mo, asawa ko. Ganyan lang palagi, ha? Sumama ka lang pero huwag kang magpapagalaw. Bago pa sila makagawa ng aksyon sa 'yo, unahan mo na gamit ang mga injection na 'yan. Don't let their hands touch your feminism."

"I know!" sagot naman dito ni Maria Elena sa maharot na tinig. Hindi na siya nagtatanong kung bakit nila ginagawa iyon. Dahil bago pa man siya ipasok ni Chris sa club, sinabi na nito na ganoon ang trabaho at modus nila mula nang sila'y magkakilala at magsama. Kaya pareho na nilang tanggap ang ganoong uri ng pamumuhay.

Nahiga na lamang siya sa sofa habang bakas na bakas sa kanyang anyo ang pagiging good girl na may itinatagong init at bangis.

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro